Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

*Extended na Konseptong Aralin *Extended na Konseptong Aralin

KABANATA 4
PRESENTASYON, ANALISIS, AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

I. Depinisyon ng Terminohiya sa Kabanata 4


A. Presentasyon – laman nito ang paglalahad ng mga talahanayan (or graphs for quantitative method) na
naglalaman ng resulta ng mga pag-aaral. Kasama rito ang tekstwal na paglalarawan sa nilalaman ng
talahanayan.

B. Interpretasyon – laman ng bahaging ito ang pagbibigay interpretasyon sa mga datos ayon sa kung
ano ang inilalahad sa bahaging ito. (*Anong ibig sabihin ng resultang ito?)

C. Analisis – laman ng bahaging ito ang diskusyon sa resulta ng datos habang ginagamitan
(ikinukumpara) sa mga nalikom na sanggunian (to your RRL and RRS).

II. Daloy ng Nilalaman sa Kabanata 4


A.Magsulat ng introductory statement. *1-2 na pangungusap na naglalarawan sa kung ano ang nilalaman ng
kabanata.

B. Ilahad ang talahanayan o hanay ng resulta ng pananalisik. a. Sundin ang pagkakasunod-


sunod ng SoP sa daloy ng paglalahad ng mga talahanayan o resulta ng datos.

C. Sa ibaba ng mga talahanayan/paglalahad ng mga resulta isunod ang paglalahad ng: a.


presentasyon;
b. interpretasyon; at
c. analisis.
NOTE: 1) The table’s heading should be above the table itself while the figure’s heading should be at the
bottom. 2) Gumamit ng mga in-text citation sa bahaging ito.

d. Gawin ang instruction C sa bawat ibaba ng inyong talahanayan/presentasyon ng datos

D. Huwag maglahad ng mga konklusyon at recomendasyon sa bahaging ito ng pamanahong papel.


KABANATA 5

LAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

I. Depinisyon ng Terminolohiya sa Kabanata 5


A. Lagom – laman ng direktang resulta sa mga tanong mula sa Kabanata 1 (SoP) na tinalakay sa Kabanata 4.
*Huwag maglagay ng kahit anong diskusyon. a. Paraan ng Pagsulat
1) Ang lagom ay dapat na direktang sumagot sa pahayag ng problema (SoP). 2) Huwag isama ang talakayan o mga natuklasan na hindi makikita sa iyong
pahayag ng problema.
3) Ang paglalahad ng mga natuklasan ay dapat na obhektibo at batay sa nasuri na datos mula sa Kabanata 4 ng iyong pag-aaral
4) Walang mga konklusyon o rekomendasyon ang dapat isama sa bahaging ito ng pag-aaral
5) Ang pormat ng bahaging ito ng pag-aaral ay maaaring ipakita sa pamamagitan ng pagsisimula sa panimulang pahayag (introductory statement).
6) Susundan ito ng paglalahad ng unang partikular na SoP na susundan naman ng paglalahad ng mga findings ng pag-aaral.
7) Ulitin ang format na ito hangang matapos ang paglalahd ng findings ng inyong SoP.

B. Konklusyon – laman ng bahaging ito ang realisasyon sa resulta ng inyong pananaliksik base sa inyong
mga ebidensya. a. Paraan ng Pagsulat
1) Ang mga konklusyon ay dapat na nakabatay at nakaangkla mula sa mga natuklasan ng pag-aaral (Findings of the Study).
2) Ang mga konklusyon ay mga dapat sinusuportahan ng mga ebidensya 3) Maaaring gamitin o sagutin ang hypothesis ng pag-aaral sa bahaging ito ng
pag aaral
4) Huwag gumamit ng mga numeric values sa panahon ng pagtatanghal ng konklusyon (*For quantitative only).

C. Rekomendasyon – laman ng bahaging ito ang mga rekomendasyon na magmumula mula sa ideyang
naitala sa lagom at konklusyon. a. Paraan ng Pagsulat
1. Ang mga rekomendasyon ay dapat na nakaangkla sa mga natuklasan at konklusyon ng pag-aaral
2. Ang mga rekomendasyon ay dapat na nasa isang diplomatikong at nagpapahiwatig na boses (suggestive voice).
3. Kung ang pag-aaral ay isang action research, ipakita ang interbensyon, programa o plano.

Materyal sa Gawain

1) Halimbawa 1

“Interviewee 1 (Code A) answered the question in a positive way that is motivation is attributed
to moving forward in life to achieve productivity of performance and to get good education even
in times of pandemic.”

2) Halimbawa 2

3) Halimbawa 3

You might also like