Professional Documents
Culture Documents
Pagbasa at Pagsusuri Students
Pagbasa at Pagsusuri Students
GAWAING PAGKATUTO 1
KATUTURAN NG PAGBASA
Aralin 1
Most Essential Learning Competencies
1. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit sa tekstong binasa
(F11PT – IIIa – 88 )
Layuning Pampagkatuto:
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ang mga sumusunod:
a. natutukoy ang kahulugan, katangian at kahalagahan at teorya ng pagbasa batay sa binasang teksto
b. naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa
c. naiuugnay ang mga tiyak karanasan at kaalaman kaugnay sa paksa
d. nasusuri ang mga hakbang sa pagbabasa
A. Panimula
Kahulugan ng Pagbasa
nalilinang pang lalo ang kaisipan sa pag Mahalagang papel ang ginampanan ng pagbabasa sa
buhay ng isang tao sapagkat dito nalilinang ang pag-unawa sa iba’t ibang karunungan at
disiplinang pang-akademya na makatutulong sa kanyang sarili upang maging isang ganap na
tao.
Ang pagbasa ay isa ring prosesong sikolohikal. Pinapakahulugan nito na magkaugnay ang
pagbasa at ang ating utak. Mula sa nakikita ng ating mga mata, ito ay narerehistro sa ating
isipan sa pamamagitan ng mga maliliit na ugat na siyang naghahatid sa utak upang
mabigyang interpretasyon. Sa madaling salita, ang utak ang siyang kumikilos upang
maunawaan at mabigyang paliwanag ang bawat simbolong nakikita ng mga mata.
Ayon kay Dr. James Conan (La Lunio, 1985), ang pagbasa ay maituturing na pundasyon ng
edukasyon. Ibig sabihin, mahalagang matutunan ng isang mag-aaral ang kasanayang ito
simula elementary hanggang sa kolehiyo tungo sa ikatatagumpay ng lahat ng asignaturang
pangakademikong dadaanan patungo sa iba’t ibang antas ngbuhay.
Katangian ng Pagbasa
Isang masalimuot o komplikadong proseso sapagkat maraming kasanayan ang nililinang at
kailangang malinang upang maunawaan ang binasa.
Prosesong biswal sapagkat malaki ang kinalaman nang maayos na paningin sa pagbabasa
Isang panlipunang gawain sapagkat kahit saan magpunta at kahit saan tumingin ay napakaraming
maaaring basahin.
Kahalagahan ng Pagbasa
Nakakukuha ng mga kaalaman tungkol sa mga bagong tuklas na kaalamang panteknolohiya.
Teorya sa Pagbasa
Teoryang Interaktibo
Kombinasyon ng bottom-up at top-down sapagkat ang proseso ng komprehensiyon ay may
dalawang direksiyon.
Ito’y naniniwala na ang babasahin o teksto ang kumakatawan sa wika at ang kaisipan ng tagabasa
kabilang na rin ang pag-unawa nito.
Nakatuon sa katotohanang ang kahulugan o pag-unawa ay makukuha sa pamamagitan ng
interaksiyon ng teksto at ng tagabasa at ang kanyang dating kaalaman ay makasusuporta sa lubusang
pag-unawa.
Teoryang Iskema
Ang iskemata (schemata) ay ang sistema ng pag-iimbak ng impormasyon sa utak ng tao.
-Ang dating kaalaman ang unang kailangan sa pag-unawa sa binasa upang maunawaan ang
binasang teksto. Ito ay tumutukoy sa isang malaking organisadong bahagi ng karanasan o
kaalaman ng tao kaalinsabay ang emosyon o nararamdaman sa panahon ng pag-iimbak ng
impormasyon.
Sa teoryang ito, ang unang kailangan sa pag-unawa sa binasa ay ang dating kaalaman o prior
knowledge upang makatulong na maunawaan ang binasang teksto. Kung ang bagong kaalaman ay
naiugnay sa umiiral na iskema, dito humahalili ang pagkatuto.
GAWAING PAGKATUTO 1
Iba’t Ibang Uri Ng Teksto
Aralin 2
Most Essential Learning Competencies
1. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri
ng tekstong binasa ( F11PT – IIIa – 88 )
2. Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa ( F11PB – IIIa – 98 )
Layuning Pampagkatuto:
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ang mga sumusunod:
a. nakikilala ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng
teksto
b. nasusuri ang iba’t ibang teksto batay sa katangian at kalikasan nito
c. naibabahagi ang sariling pananaw batay sa napag-aralan gamit ang grapikong representasyon
d. naiuugnay ang mga tiyak karanasan at kaalaman kaugnay sa paksa
A.PANIMULA
Damdamin. Ito ay tumutukoy sa kung ano ang naging saloobin ng mambabasa sa binabasang teksto.
Pinupukaw ng isang awtor ang damdamin o emosyong nabuo sa mambabasa sa
pamamagitan ngmga piling salita at antas ng mga detalye sa teksto.
Tono. Ito ay tumutukoy sa saloobin ng awtor sa paksang kanyang tinatalakay.Nakilala ang mga ito sa
pamamagitan ng pagsusuri sa mga tiyak na salitang ginagamit ng manunulat.
Pananaw. Ito ay tumutukoy sa nagsasalaysay o nagsasalita sa isang teksto. Ang binibigyang pansin
dito ay ang ginamit na panghalip.
Unang panauhan: ako
Ikalawang panauhan: ikaw
Ikatlong panauha: siya
Paksa. Ang pangkalahatang tema o mensahe. Upang makilala ang paksa, ang unang kailangang gawin
ay makuha muna ang pangunahing ideya ng teksto. Ang pagbuo ng isang simpleng tanong
na,“Tungkol saan ito?” ay isang estratehiya sa pagkilala ng paksa.
Uri ng Teksto
Impormatibo - Layuning maghatid ng kaalaman, magpaliwanag ng mga ideya, magbigay-kahulugan
sa mga ideya.
Argumentatibo – isinulat sa layuning makapaghatid ng impormasyon sa mga mambabasa
Persuweysiv - tekstong nangungumbinsi o nanghihikayat.
Narativ - naglalahad ng magkakasunod-sunod na pangyayari, o simpleng nagsasalaysay.
Deskriptibo – may layuning ilarawan ang mga katangian ng mga bagay, pangyayari, lugar, tao, ideya,
paniniwala, at iba pa
Prosidyural - ang isang teksto kung ito ay nagpapakita at naglalahad ng wastong pagkakasunod-sunod
ng hakbang ng malinaw na hakbang sa pagsasakatuparan ng anumang gawain.