Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Ang sumusunod ay taglay ng isang makabuluhang tekstong persuweysib maliban sa

isa. Alin sa mga nakatala ang HINDI kabilang patungkol sa tekstong persuweysib?
Malalim na pananaliksik
Paglalahad ng mga katanungan
Malalim na pagkaunawa sa dalawang panig
Kaalaman sa paniniwala ng mga mambabasa

Si Berta ay naghahanap ng matibay na ebidensya para sa argumentong kanyang ginagawa. Alin


sa mga nakatala ang HINDI niya maaaring pagkuhanan ng ebidensya?

Nagsimula ang argumento tungkol sa edukasyon hanggang sa dumako ito sa mga problemang
kinaharap ng mga mag-aaral at mga guro noong kasagsagan ng pandemya. Saang anyo ng
makatwirang pahayag ito?

“Mayroon tayong iba’t ibang uri ng pananaliksik, ilan sa mga ito ay ang kuwalitatibo at
kuwantitatibo. Nakadepende sa mananaliksik kung ano ang kaniyang gagamitin sa
kaniyang pag-aaral.” Suriin ang pangungusap, anong patunay ang pinakaangkop dito?

Paano masasabing ang isang teksto ay impormatibo?


Kapag ito ay nagbibigay depinisyon sa isang tao,bagay o pangyayari.
Kapag ito ay naisusulat sa pamamagitan ng obhetibong pananaw.
Kung ito naglalahad ng detalye at pawang katotohanan lamang.
Kung ito ay nagbibigay ng katangian ng isang pangyayari.

Sa teksto,nabababatid ng manunulat ang isip,kilos at galaw ng bawat tauhan. Sa pagsusuri


nito, ano ang maaaring gamitin bilang ikatlong panauhan?

Sa seksyon nila Susan,lagi siyang sinasabihan ng kanyang mga kaklase na siya na lamang ang
walang iphone kaya naman nag-iipon siya upang makabili rin nito.Kung susuriin ang ginawa ng
kanyang mga kaklase,saang propaganda device ng panghihikayat nabibilang ito?

Alin sa mga sumusunod na detalye ang pumapatungkol sa Tekstong Argumentatibo.


I. Ang tekstong argumentatibo ay may layuning manghikayat sa mambabasa
batay sa mga ebedensyang nakalahad.
II. Ang tekstong argumentatibo ay binubuo ng argumento at posisyon.
III. Ang ilan sa mga ebidensya na pwede gamitin sa tekstong argumentatibo ay sariling
karanasan, kasaysayan, kaugnay na mga literatura, at resulta ng empirikal na
pananaliksik.
IV. Pangunahing layunin ng tekstong argumentatibo ay makapaglahad ng katuwiran.

Alin sa mga sumusunod na detalye ang pumapatungkol sa Tekstong Prosidyural?


I. Gumagamit ng malinaw na pang-ugnay at cohesive devices upang ipakita ang
pagkakasunod-sunod at ugnayan ng mga bahagi ng teksto
II. Kailangang maayos din ang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang na dapat isagawa
o sundin.
III. Mahalaga ang detalyado at tiyak na deskripsyon (hugis, laki, kulay, at dami).
IV. Ang halimbawa ng transitional devices ay una, bilang panimula, ikalawa, una sa
lahat, susunod, pagkatapos, at panghuli, sa wakas, sa lahat ng mga ito atbp.

Anong uri ng tekstong impormatibo na nagpapakita ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari


at kung paanong ang kinalabasan ay nagging resulta?

Anong katangian ng tekstong deskriptibo kung ikaw ay maglalarawan sa isang tao ayon sa
kaniyang tangkad o kulay ng balat?
Anong katangian ng tekstong deskriptibo kapag ilalarawan mo ang iyong kaibigan bilang
hingahan ng sama ng loob, madalas na nakapagpapagaan ng mga suliranin?

Ano ang tawag sa kadalasang nakikitang nagagamit ang paraan ng narasyon sa iba’t ibang estilo
ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari?

Nakapaloob dito ang kaligiran ng mga tauhan, lunan o setting, at oras o panahon kung kailan
nangyari ang kuwento. Anong elemento ito ng tekstong impormaptibo?

Ano ang tawag sa pangungumbinsi sa pamamagitan ng magaganda,nakakasilaw, at mga


mabubulaklak na salita o pahayag?

Ano ang tawag sa propaganda device na kung saan ang mga tao ay napapaniwala na sa
pamamagitan nito halos lahat na ng masa ay tumatangkilik at gumagamit na ng kanilang
produkto o serbisyo?

Anong paraan ng paggigiit ng katotohanan at paghihikayat na mapaniwala ang iyong


tagapakinig o mambabasa na kumilos batay sa inyong panig?

Anong elemento ang tumutukoy sa isang bagay na pinagkakasunduan bago ilahad ang
katuwiran ng dalawang panig?

Ano ang tawag sa naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay ng
prosidyur na isinagawa.
Anong paraan ng paglalahad ng mga detalye ang ginagamit sa Tekstong Prosidyural?

Basahin:“Ako ay may-alaga. Asong mataba, buntot ay mahaba, maamo ang mukha.Mahal niya
ako, at mahal ko rin siya. Kaya kaming dalawa ay nagmamahalan na.” Sino sa palagay mo ang
naglalarawan sa aso?

Aling kaparaanan ng mapnuring pagbasa ang pag-usisa sa mga ebidensiya at lohikalidad ng


isang teksto ?

Kapag ang silohismo ay nagsasaad ng kaganapan o katiyakan, walang pasubali at limitasyon.


Saang uri ito nabibilang?

Aling propaganda device ang nagsasabi ng magandang puna sa isang produkto ngunit hindi
nagsasabi ng masamang epekto nito?

Aling elemento ng pangangatuwiran kung saan ang paglalatag ng mga dahilan at ebidensiya ay
isinasagawa upang maging makatuwiran ang isang panig?

Nagbibigay ito ng instruksyong susundin ng mga mambabasa. Ang mga hakbang ng isang
proseso o prosidyur sa paggawa ng isang bagay ay isa-isang inilalahad upang masundan ng mga
mambabasa ang paggawa ng bagay na iyon. Ano ang tinutukoy ng pahayag na ito?

Aling estratehiya ng pagbabasa ang pinakamainam gamitin ng isang mambabasang ang layunin
lamang ay mabilisang kumuha ng mga tiyak na impormasyon gaya ng pamagat, pangalan at
petsa?

Lahat ay pamamaraan upang maging epektibo sa pagbasa MALIBAN sa:

Lahat ay kailangang matukoy sa umpisa pa lang ng pagbasa ng teksto at habang napapalalim


ang pag-unawa rito,MALIBAN sa isa sa mga sumusunod.

Ano ang tawag sa sistematikong proseso ng biswal na pagkilala at pagbibigay interpretasyon sa


mga nakaimprentang simbolong pangkomunikasyon?

Ano ang tawag sa mapanuring pagsisiyasat sa nilalamang impormasyon ng isang teksto?


Anong antas ng pagbasa ang humihingi sa mambabasa na bumuo ng sariling sistema o pang-
unawa sa pangkalahatang kaisipan ng teksto?

Ano ang tawag sa pagpapalawak at pagdaragdag ng bagong ideya sa impormasyon natutuhan


mula sa teksto?

Ano ang tawag sa pagbuo ng koneksiyon sa pagitan ng iba’t ibang bahagi ng impormasyong
nakuha sa teksto?

Ano ang tawag sa buod ng pananaliksik, tesis, o kaya ay tala ng isang komperensiya o anomang
pag-aaral sa isang tiyak na disiplina o larangan?

Ano ang ibang tawag sa tekstong impormatibo na naglalayong magbigay ng impormasyon?

“Hindi natin kailanman makalilimutan ang naging sitwasyon ng bansa sa bawat kalamidad.
Hindi maaalis sa ating isipan ang paghihirap sa gitna ng pandemya. Kaya, hindi dapat tayo
bumoto sa mga kandidatong trapo.” Ano ang ginamit na uri ng paglalahad?

Alin sa mga kasangkapan ng mahusay na tekstong Deskriptibo ang tumutukoy sa imahen ng


paksang naiiwan sa isipan ng mambabasa pagkatapos nitong mabasa ang teksto?

Alin sa mga kasangkapan ng mahusay na tekstong Deskriptibo ang nangangailangan ng


maingat na pagpili at paggamit upang matiyak ang mahusay na pagkakalarawan ng isang
paksa?

Kapag ang awtor ay nagbibigay ng mga pahiwatig o hints hinggil sa kung ano ang kahihinatnan
o mangyayari sa kuwento.Anong paraan ng narasyon ang ginamit niya?

Alin sa mga sumusunod ang HINDI elemento ng tekstong naratibo?


Kailangang mapatunayan ng manunulat sa mga mambabasa na batay sa impormasyon at datos
na kaniyang inilatag mula sa kaniyang pananaw o punto de vista ang dapat paniwalaan. Anong
ang gagamitin bilang paraan ng panghihikayat?

Lahat ng mga mag-aaral ay may kwaderno. Si Marco ay mag-aaral. Si Marco ay may


kwaderno. Aling uri ng silohismo ang nabanggit na halimbawa?

Lahat ay halimbawa ng prosisyon MALIBAN sa:


Dapat ipasa ang Divorce Bill upang mabawasan ang karahasan laban sa kababaihan.
Nakasasama sa pamilya ang pag-alis ng isang miyembro nito upang magtrabaho sa ibang
bansa.
Mas epektibo sa pagkatuto ng mga mag-aaral ang multilingual education kaysa sa bilingual
education.
Pagkontra sa same sex marriage dahil nasa modernong panahon na tayo.

Nagbibigay ng kaalaman kung paano gamitin, paganahin at patakbuhin ang isang


bagay.Karaniwang nakikita sa mga bagay na may koryente tulad ng computers, machines
at appliances. Ano ang ginamit na pagpapakahulugan sa pahayag na ito?

Aling katangian ng mapanuring pagbasa ang nagsasagawa ng malalimang pagsusuri sa


pagkakaugnay-ugnay, estruktura, at uri ng diskursong ginamit sa loob ng teksto?

“Pambihirang amoy ang tatak ng bayan. Amoy ng itikan na nagpapabaliktad ng sikmura ng


hindi sanay. Amoy ng katas ng dagat at ilog, laot na ang isinisingaw ng isda, hipon, tulya, suso
at water lily. Amoy ng pinipig at ginataan sa anihan…” Anong halimbawa ng paglalahad ang
tekstong ginamit?

Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng Tekstong Persuweysib?


Naglalahad ng impormasyon.
Nagbibigay kaalaman sa isang di piksyon na sulatin.
Iminumulat nito ang mga mamamayan sa kaganapan sa lipunan.
Nanghihikayat ng mambabasa partikular sa isang usapin,isyu o paksa.

Alin sa apat na antas ng pagbasa ang ginagamitan ng kritikal na pag-iisip upang ganap na
maunawaan ang kahulugan ng teksto at pananaw ng manunulat?

Alin sa apat na antas ng pagbasa ang naipakita ng isang mambabasa kung matagumpay siyang
nakabuo ng sariling paghihinuha o impresyon sa kabuoan ng tekstong kaniyang binasa?

Binabago-bago ng mambabasa ang bilis o bagal ng pagbasa batay sa hirap ng teksto at personal
na kakayahan sa pagbasa. Anong pamamaraan ito upang maging epektibo sa pagbasa?

Pagpapayaman ng ugnayan sa pagitan ng teksto at imbak na kaalaman upang matiyak ang


komprehensiyon. Anong pamamaraan ito upang maging epektibo sa pagbasa?

“Ayon sa Dictionary of Human Geography, ang imperyalismo ay nangangahulugan ng hindi


pantay na pantao at teritoryal na relasyon sa pagitan ng mga bansa.” Anong uri ito ng
paglalahad?

“Ang Ivatan, Ifuntok, Ibanag, at Gaddang ay ilan lamang sa mga katutubong wika sa Pilipinas.”
Anong uri ito ng paglalahad?

You might also like