Don Juan at NG Serpyente

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Paglalaban ni Don Juan at ng Serpyente

Narrator: Bigla-biglang dumating ang serpyente na may pitong ulo


at nagalit kay Leonora, dahil dito ay nagtampo at naglaban si Don
Juan at ang serpyente.
Don Juan: Matatalo rin kitang walang hiyang serpyente ka!
Narrator: Kahit na mabilis at mahusay ang espada ng prinsipe, ito
ay walang silbi dahil kapag napuputol ni Don Juan ang isang ulo ng
serpyente, tumutubo uli ito.
(Nagpakita si Prinsesa Leonora at binato ang isang balsamo kay
Don Juan)
Prinsesa Leonora: Don Juan! Ito’y gamitin mo para matalo mo na
ang serpyente!
Narrator: Nakita ng serpyente ang ibinigay ng prinsesa kay Don
Juan, at ito’y mas lalo pang nagalit. Ngunit hindi nagtagal ay natalo
rin ni Don Juan ang serpyente gamit ang balsam na ibinigay ni
Prinsesa Leonora.
Narrator: Pagkatapos ay pinuntahan nila si Prinsesa Juana na
naghihintay sakanila.
Muling pagkainggit ni Don Pedro

Narrator: Umahon sa balon ang tatlo at muli nainggit si Don Pedro


sa kapalaran ni Don Juan.
Narrator: May gusto rin kasi si Don Pedro kay Prinsesa Leonora
kaso may gusto na siya sa bunsong prinsipe na si Don Pedro.

(Naglalakad ang tatlo, pauwi na sa berbanya)

Prinsesa Leonora: Teka lang! Ang aking singsing! Aking nakalimutan


dahil sa sobrang pagmamadali…
Don Juan: Huwag kang mag-alala, asan mo ito naiwan?
Prinsesa Leonora: Sa ibabaw ng mesang nasa balon…

Narrator: Nang malaman ito ni Don Juan, agad siyang nagtali sa


baywang upang bumaba sa balon.
Narrator: Kaso habang bumababa si Don Juan, biglang pinutol ng
nagiingit na prinsipe na si Don Pedro ang lubid.
Narrator: Nakita at nagulat si Prinsesa Leonora dito, kaya naman
sinubukan niyang tumalon sa ibaba ng balon.

Prinsesa Leonora: Don Juan!!!!

Narrator: Kaso yinakap siya ni Don Pedro. At ayaw niya pakawalan


si Prinsesa Leonora.
Don Pedro: Hayaan mo na siya, at sakin ka nalang.

Narrator: Walang magawa ang prinsesa kundi humiling nalang sa


kaniyang lobong engkantada.

Prinsesa Leonora: (pabulong na sinabi sa kaniyang lobong


engkantada) Sana ay magamot si Don Juan kung sakali siyang
nasaktan sa pagbagsak sa balon…
Ang panaginip ng Hari at ang Pagkakasal nina Don Diego at Donya
Juana

Narrator: Isang araw, napanaginipan ng amang hari ang kaniyang


bunsong anak na si Don Juan na pinapahirapan sa isang yungib,
itinulak sa isang bangin at namatay.

Hari: (Nag-alala na tono ng boses) Nako… sana hindi maging totoo


ang aking napanaginipan…

Narrator: Maya maya’y bumalik na sa kaharian sina Don Pedro at


Don Diego, kasama sina Prinsesa Leonora at Prinsesa Juana.

Hari: (Gulat at malungkot na boses) Kayo lang? Asan ang inyong


bunsong kapatid? At sino ang mga ito?

Don Pedro: Hindi namin natagpuan si Don Juan, ama.

Don Diego: Ang aming nakita at natagpuan lang ang itong


magkakapatid na prinsesa.

Hari: (Mas lalong malungkot na tono ng boses) Ah ganon ba…?

Don Pedro: At kung maari, ama. Gusto naming pakasalan silang


dalawa.
Hari: Kung nanaisin ng mga prinsesa. (Tumingin ang hari kay
Prinsesa Leonora at Donya Juana)

Prinsesa Leonora: Ng namatay ang aking magulang, nangako ako sa


aking sarili na mamuhay mag-isa sa loob ng pitong taon. Papayag
akong magpakasal kay Don Pedro pagka natapos na ang panahong
iyon.

Pumayag ang hari kay PrinsesaLeonora at si Don Diego at


DonyaJuana lamang ang ikinasal sa gitna ng pagpipista ng buong
kaharian.

KABANATA 22: Pagtulong ng Lobo kay Don Juan

Sugatang naiwan si Don Juan sa Armenya, makikita mong siya ay


duguan at lasog-lasog ang buto. Nakita siya ng lobo ni Prinsesa
Leonora at tinangka niya itong gamutin.

Lobo: Awoooo ano ang nangyari dito kay Don Juan? Awooooo ako
ay kukuha ng tatlong bote ng tubig sa Ilog Hordan upang ipahid sa
bawat pasa at pilay niya upang gumaling siya. Awoooo.
At yun ay ginawa nga niya, nasalisihan ng lobo ang nagbabantay
sa IlogHordan at nakakuha siya ng tatlong bote ng tubig, at
gumaling si Don Juan.

Don Juan: (yinakap ang lobo) Salamat! Salamat sa pagpapagaling


mo sa akin! Aking susunod na kukunin ang singsing ni Prinsesa
Leonora sa palasyo at babalik na sa Berbanya!

Madaling nakaalis ang prinsipe sa tulong ng enkantong lobo,


KABANATA 23: Pagkikita ni Don Juan at ng Ibong Adarna
Muntikan nangmakatulog sa pagod ang prinsipe ng Makita niya
ang ibong adarna

Ibong Adarna: Tweettweet kailangan mong lumisan dito at iligtas


ang prinsipe na gustong patayin ng iyong nakatatandang kapatid.
Kalimutan mo si Prinsesa Leonora at hanapin mo ang kahariang
nangangalang De los Crystales. Makakakita ka doon ng tatlong
magkakapatid na prinsesa ni Haring Salemo, Doon sa tatlong
magkakapatid ay si Maria Clara, siya ang dapat mong piliin.

Sinunod ito ni Don Juan

You might also like