Modyul2 Q3 Ap3

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 23

8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan

Modyul 2:
UNANG YUGTO NG KOLONYALISMO
AT IMPERYALISMO
(Week 2 & 3)

1
Modyul 2 (Week 2 & 3):
Unang Yugto ng Kolonyalismo at
Imperyalismo
Pamantayang Pangnilalaman
Ang mag-aaral ay naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa naging
transpormasyon tungo sa makabagong panahon ng mga bansa at rehiyon sa daigdig
bunsod ng paglaganap ng mga kaisipan sa agham, politika, at ekonomiya tungo sa
pagbuo ng pandaigdigan kamalayan.

Pamantayang Pangkasanayan
Ang mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa naging implikasyon sa kaniyang
bansa, komunidad, at sarili ng mga pangyayari sa panahon ng transpormasyon
tungo sa makabagong panahon.

Kakayahan
Nasusuri ang dahilan, pangyayari at mga tauhan (manlalayag) ng unang yugto ng
kolonyalismo.

Paksa/Subject Code: AP8 PMD-IIIf-5

Subukin (Panimulang Pagtataya)


Kumusta mga mag-aaral! Nandito na naman ako, ang inyong tagapaglingkod
at makakasama ninyo sa paglalakbay sa mga modyul sa ikatlong markahan.

Bago natin umpisahan ang pagtatalakay sa Modyul 2, sagutin muna natin ang mga
katanungan sa Paunang Pasulit o Subukin. Ito ay isang hindi markadong pagsusulit
subalit ginagamit ito upang matukoy ang iyong kaalaman. Hindi kinakailangan
hanapin ang tamang sagot ngunit dapat sagutin mo ang lahat ng mga tanong.

Panuto. Basahin at unawain ng mabuti ang mga katanungan na nasa ibaba.


Isulat sa sagutang papel ang titik na may tamang sagot.

2
1. Ginusto ng England na magkaroon ng ugnayang pangkalakalan sa Moluccas
ngunit napilitan silang lisanin ang isla dahil sa pagpatay ng mga Dutch sa mga
mangangalakal na Briton. Ano ang tawag sa massacre na tinutukoy?
A. Amboina B. Amritsar C. Boston D. Plassey

2. Noong 1534, napasailalim ang silangang bahagi ng Canada sa France. Sino ang
namuno sa kolonisasyon?
A. Jacques Cartier C. Robert Clive
B. Rene Robert Cavelier D. Samuel de Champlain

3. Anong digmaan ang napagtagumpayan ng mga Briton laban sa hari ng Bengal at


ng mga French?
A. Battle of Adwa C. Battle of Noveleta
B. Battle of Lexington D. Battle of Plassey

4. Ang mga Portuguese ang nanguna bilang pangunahing bansang kolonyal


sa Asya ngunit napalitan sila ng anong bansa sa Europe?
A. England B. France C. The Netherlands D. Spain

5. Pinangunahan niya ang ekspedisyon sa Mississippi at inalay ang


Louisiana, USA kay haring Louis XIV. Sino ang tinutukoy sa pahayag?
A. Jacques Cartier C. Robert Clive
B. Rene Robert Cavelier D. Samuel de Champlain

6. Tatlo ang mga pangunahing motibo na nagbunsod sa mga kanluranin sa


paglalakbay at pananakop. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga nasabing
motibo?
A. Glory B. God C. Gun D. Gold

7. Ginagamit ito ng mga manlalayag upang matukoy ang direksyong kanilang


daraanan sa paglalakbay. Ano ang tawag sa instrumentong tinutukoy?
A. astrolabe B. caravel C. compass D. mapa

8. Sino itong manlalayag na nagpakilala sa ideya na maaaring marating ang


Silangang Asya sa pamamagitan nang pag-ikot sa Africa?
A. Bartolomeu Dias C. Ferdinand Magellan
B. Christopher Columbus D. Vasco Da Gama

9. Anong estado sa United States of America ngayon ang tinatawag ng mga Briton
na New Netherlands noon?
A. Canada B. Louisiana C. Mississippi D. New York

10. Isa sa pangunahing motibo ng eksplorasyon ay ang paghahanap ng spices dahil


sa napakalaking demand nito sa Europe. Anong lugar sa Asya ang tinaguriang Spice
Island?
A. China B. India C. Moluccas D. Pilipinas

11. Sino ang nagtatag ng Quebec bilang unang permanenting kolonya ng France?
A. Jacques Cartier C. Robert Clive
B. Rene Robert Cavelier D. Samuel de Champlain

3
12. Ang Portugal ay ang kauna-unahang bansa sa Europa na nakagalugad sa ilang
bahagi ng mundo. Paano pinayabong ni Prince Henry ang nabigasyon ng Portugal?
A. Nilakbay niya ang Atlantiko at sinakop ang India.
B. Natagpuan niya ang bagong mundo o America.
C. Napalaganap niya ang Kristiyanismo sa Europe.
D. Pinunduhan niya ang paglalayag ng mga Portuguese at nagtatag ng
paaralan sa nabigasyon.

13. Ano ang naging epekto ng pagsibol ng prinsipyong merkantilismo sa mga


kaharian sa Europe?
A. Ito ay naging daan para bisitahin ni Marco Polo ang Asya at siya ay naging
tagapagpayo ni Kublai Khan.
B. Ang mga Italyano na lamang ang pinayagang mangalakal sa Asya dahil sa
pagbabago ng sistema.
C. Naghangad ang mga Europeo na galugarin ang mundo upang makahanap
ng mga mamahaling bato at pampalasa.
D. Sa pagtuklas at pagsakop ng mga bagong teritoryo mas humaba ang proseso
ng kalakalan dahil sa pag-aagawan ng Portugal at Spain.

14. Sa anong kadahilanan iginuhit ni Papa Alexander VI ang line of demarcation?


A. Upang masolusyunan ang alitan sa pagitan ng mga Europeo at Turkong
Ottoman.
B. Iginuhit ito para madaling matukoy ang direksyong silangan at kanlurang
hemisphere ng daigdig.
C. Ito ang itinalagang paghahati ng mundo upang maiwasan ang digmaan sa
pagitan ng Spain at Portugal.
D. Sumisimbolo ito sa boundary line ng bawat territoryo sa Europe kung saan
ginagamit na pananda ng kanilang kapangyarihan.

15. Ang pampalasa o spices ay inahalintulad sa halaga ng ginto noong ika-13 siglo
sa Europe. Bakit napakamahal ng presyo nito sa pamilihan?
A. Ang mga halaman na ito ay hindi tumutubo sa Europe.
B. Ang mga Italyano lamang ang pinapayagang mangalakal sa Asya.
C. Malaki ang demand nito sa Europe dahil ito ay ginagamit na pangpreserba
ng pagkain.
D. Lahat ng nabanggit

4
ARALIN Mga Motibo na Nagbunsod sa
1 Pananakop ng mga Europeo

Alamin

Magandang buhay mga mag-aaral! Magiliw na pagbati sa bagong kaalaman


matutunan tungkol sa “Mga Motibo na Nagbunsod sa Pananakop ng mga Europeo.”

A. Naiisa-isa ang mga layunin ng explorasyon.


B. Nasusuri ang mga salik na nagbigay-daan sa pagtuklas at paggalugad ng mga
imperyong kanluranin.
C. Nakaguguhit ng isang kontribusyon ng mga Kanluranin na matatagpuan
hanggang sa kasalukuyang panahon dito sa Cebu.

Sa araling ito ay inaasahang matututuhan at malilinang ang mga mahahalagang


kaalaman tungkol sa pagpapalawak ng kapangyarihan ng Europe. Halina’t tuklasin
at suriin ang unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo. Kilalanin din ang mga
tauhan na nanguna sa pagtuklas at paggalugad sa daigdig at ng mga imperyong
kinabibilangan nila.

Panimulang Gawain
LARAWAN KO, SURIIN MO!

Tingnan nang mabuti ang larawan.


Sagutin ang mga sumusunod na
katanungan.
1. Ano ang ipinahihiwatig sa
larawan?
2. Sino-sino ang mga taong
makikita dito?
3. Sa iyong palagay, anong
panahon sa kasaysayan makikita
ang mga tagpong ito?
4. Sa kasalukuyan, mayroon pa
kayang mga tagpong tulad ng Screenplay: Battle of Mactan - Screenplay News and Reviews
iyong nakikita? Bakit kaya?

5
Tuklasin at Suriin

Ang eksplorasyon ay nagsimula noong ika-15 hanggang ika-17 na siglo. Ang


paglawak ng kapangyarihan ng Europe ay nagbunsod ng transpormasyon sa daigdig
tungo sa pandaigdigang kamalayan. Ito ay nagkaroon din ng matinding epekto sa
naging takbo ng kasaysayan ng daigdig. Ang mga karagatan ay naging daan tungo
sa pagpapalawak ng teritoryo o nasasakupan ng mga Europeo sa pamamagitan ng
pananakop at pagtatag ng kolonya. Ang pagtatag ng maraming kolonya ang nagbigay
daan upang makapagtatag naman ng imperyo.

Bago tayo dumako sa mga motibo at salik ng kolonyalismo, alamin muna natin ang
ibig sabihin ng mga sumusunod na konsepto at proseso ng pananakop ng mga
kanluranin.

EKSPLORASYON KOLONYALISMO IMPERYALISMO

Paglalakbay, Colonus (latin) – magsasaka Imperium (latin) – command


pagsisiyasat at - patakaran na namamahala - dominasyon ng isang
pagtuklas ng mga sinakop para sa makapangyarihang nasyon-
sariling interes estado sa pamumuhay ng
mahina at maliit na bansa
upang maging
pandaigdigang
makapangyarihan.

3G’s - MGA MOTIBO NA NAGBUNSOD SA PANANAKOP NG MGA EUROPEO

1. GOLD - Ang Paghahanap ng Spices at iba pang Kayamanan

Bago paman na imbento ang mga seasoning powder na nabibili sa tindahan sa


napakamurang halaga kagaya ng Magic Sarap, ang halaga ng mga spices o
pampalasa ay katumbas ng ginto noong ika-13 na siglo. Ang pinakamalapit na
Asyanong teritoryo sa kontinente ng Europe ay ang Constantinople (bahagi ng
Turkey sa kasalukuyan). Ito ang pinaka-kombenyenteng ruta ng kalakalan mula
Europe patungong Silangan ngunit ito ay bumagsak at napasakamay sa mga
Turkong Ottoman noong 1453. Naputol ang ugnayan ng mga Asyano at Europeo

6
dahil tuluyan ng
kinontrol ng mga Turko
ang kalakalan. Sa
rehiyon ng dagat
Meditteranean, ang mga
Italyano lamang ang
tanging pinapayagang
mangalakal. Pansinin
ang daloy ng kalakalan
mula Asya patungong Ang mga isla na may mas madilim na
Europe sa ibaba. kulay ay ang mga bansang kontrolado
ng Turkong Ottoman
Maps 1: Middle East, Ottoman Empire, World (cocc.edu)

Tsino at Taga
Arabo Europeo
Indians Venice, Italy

Mga Spices na malaki ang Bakit ibig ng mga Europeo ang mga Spices?
demand sa Europa
Sapagkat ito ay ginagamit bilang:

• pampalasa ng kanilang mga pagkain


• pampreserba ng mga pagkain kagaya ng karne; at
C • sangkap sa paggawa ng pabango, kosmetiks at
I medisina.
N
N NUTMEG Ang halaga ng spices ay
A
maihahalintulad sa ginto
M
O at ito ay naging isa sa mga
N motibo ng kolonyalismong
PAMINTA dulot ng eksplorasyon. Gold
nutmeg, cinnamon, cloves and pepper on
white background Stock Photo - Alamy Facts About Gold | Live Science

2. GLORY – Paghahangad ng Katanyagan at Karangalan

a. Napukaw ang paghahangad ng mga Europeo na marating at masakop ang Asya


dahil sa mga kwento ng paglalakbay ni Marco Polo. Bagkus ito ay naging susi sa
pagtuklas ng kasaganahan at karangyaan ng Silangan. Sino nga ba si Marco
Polo?

7
Si Marco Polo ay isang manlalakbay mula
sa Venice, Italy na naanyayahan ni Kublai Marco Polo
Khan na bumisita sa China at nang 1254-1924
lumaon ay kinuha ng huli bilang
tagapagpayo sa loob ng labing-isang taon
(11 years). Sa kanyang pagbabalik sa
Europe, isinulat niya ang “The Travels of
Marco Polo (1477)”. Inilarawan niya ang
kasaganahan ng China at iba pang lugar
sa Silangan sa pagkakaroon nito ng
spices na hindi tumutubo sa Europe at Why do we remember Marco Polo? | The answer may
mga mamahaling uri ng metal. surprise you. (aglobalreach.com)

b. Sumibol ang kultura ng nabigasyon sa Iberian Peninsula na nakaharap sa


Atlantic. Suportado ng mga hari ang bawat paglalayag at pagpapaunlad ng
kaalaman sa nabigasyon. Ang matagumpay na paglalayag o ekspedisyon ay
kadalasang nagbubunga ng pananakop at pagtatag ng kolonya. Ito ang naging
basehan ng tagumpay, karangalan at katanyagan. Ang mga larawan sa ibaba ay
mga instrumentong pangnabigasyon na ganap na bumago sa paraan ng
paglalayag.

ATROLABE COMPASS CARAVEL


a

The Astrolabe: How to Make One and


Understanding Its Use - Owlcation - Old compass photo by Pineapple_Studio on
Education Envato Elements Caravel by IslandNation on DeviantArt

• Astrolabe – instrumento na ginagamit upang matukoy ang latitude ng barko


gamit ang araw at mga bituin.
• Compass – ginagamit ito upang matukoy ang direksyong kanilang daraanan
sa paglalakbay.
• Caravel – isang uri ng barko na may tatsulok na layag na di hamak na mas
mabilis at mas maraming kargamento ang kayang dalhin gaya ng kalakal at
kanyon.

8
c. Ang pagpapalit ng sistemang pang-ekonomiya
mula piyudalismo patungong merkantilismo,
ang siyang nagtulak sa mga Europeo na
maglunsad ng ekspedisyon. Mula sa ika-
siyam hanggang ika-14 na siglo, ang batayan Ginto vs. Spices
ng yaman at kapangyarihan sa Europa ay ang
lawak ng lupain na pag-aari ng isang
kaharian o lungsod-estado. Ang tawag sa
sistemang ito ay Piyudalismo. Ngunit umiral
Gold nuggets falling on weighing scale | Stock Video | Pond5
ang prinsipyong Merkantilismo kung saan
ang batayan ng yaman at kapangyarihan ay nasa dami ng ginto at pilak.
Napagtagumpayan ng mga Europeo na makahanap ng pagkukunan ng likas na
yaman at hilaw na sangkap dahil sa kolonyalismo. Naging maunlad ang
ekonomiya ng Europa dahil sa pagtatatag ng imperyo at sistema ng pagbabangko.

Magellan’s Cross 3. GOD – Pagpapalaganap ng Kristiyanismo

Pinaniniwalaan ng mga Europeo na ang mga taong


naninirahan sa kanilang kolonya ay namumuhay sa
kadiliman. Bilang isang butihing Kristiyano,
mayroon silang obligasyon na ipakilala ang mga ito
sa Kristiyanismo at turuang
manampalataya kay Kristo.
Upang mapalaganap ang
relihiyon, nagpapadala sila ng
Magellan’s cross - MyGuide.ph
misyonaryo para
impluwensiyahan ang mga katutubo o natives sa pamamagitan
ng edukasyon o minsan ay umaabot sa dahas. Sa katunayan,
ang stratehiya na ginamit ng Spain sa pagsakop sa Pilipinas ay
ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Ang pagpapabinyag ni
Rajah Humabon at Reyna Juana; at pagtatayo ng Magellan’s
Cross ay sagisag ng pagtanggap ng Kristiyanismo sa Pilipinas. Kristiyanismo sa Pilipinas -
Wikipedia, ang malayang
ensiklopedya
Paano napalawak ng mga bansa sa Europe ang kanilang teritoryo at kapangyarihan?
Napalawak nila ito sa pamamagitan ng eksplorasyon at pananakop ng mga
sumusunod na pinuno:

Lugar ng
Manlalayag/Explorer Taon Kontribusyon
Narating

PORTUGAL
Ang Portugal ay ang kauna-unahang bansang Europeo na nagkaroon ng interes sa panggagalugad
sa karagatan ng Atlantic upang makahanap ng mga spices at ginto.

9
Kanlurang Pinangunahan niya ang paghahanap ng
1419 Baybayin ng bagong ruta, nagtatag ng paaralan at
Africa o “Gold pinunduhan ang paglalayag ng mga
Coast” Portuguese. Siya ang patron ng mga
Prince Henry “The Navigator”
Prince Henry the Navigator - Facts,
manlalakbay sa dagat.
Timeline & Significance - Biography

Nagpakilala na maaaring marating ang


1488 Cape of Good Silangang Asya sa pamamagitan ng pag-
Hope ikot sa Africa. Dahil dito napagtagumpayan
ng Portugal na putulin ang dating ruta.
(113) Pinterest

Bartholomeu Dias

Siya ang unang Europeo na nakarating sa


India sa pamamagitan ng paglalakbay sa
1497 India dagat. Ang kanyang ruta ang naging susi sa
pagkontrol ng mga Portuguese sa
kalakalan ng pampalasa sa Europe.
Vasco da Gama - Wikipedia

Vasco Da Gama

SPAIN
Ang pagsasanib ng lakas ng kaharian nina Haring Ferdinand V at Reyna Isabella I ang nagbigay daan
sa pagpapadala ng mga ekspedisyon.

Kauna-unahang namuno ng ekspedisyon


Carribean sa Silangan na dumaan pakanluran ng
Islands at Atlantiko upang marating ang India. Siya
1492
Central ang sinasabing susi sa pagkadiskubre sa
America America.

The Real Deal with Christopher


Columbus – Our Time Press
Dahil sa kanyang ekspidesyon, nagkaroon
ng iringan ang Portugal at Spain. Sa
Christopher Columbus
kanyang pagbabalik mula sa America,
minabuti ni Pope Alexander VI na iguhit

10
ang “line of demarcation” o paghahati sa
mundo. Ito ay nagsasaad na ang
matatagpuang kalupaan at katubigan sa
Kanlurang bahagi ng linya ay para sa Spain
at sa Silangang bahagi naman ay para
Portugal.

1507 North Siya ay isang Italyanong nabigador na


America, nagpaliwanag na si Columbus ang
South America nakatagpo sa Bagong Mundo (America).
at Brazil Sinunod sa kanyang pangalan ang

Amerigo Vespucci - Ages of


America.
Exploration
(marinersmuseum.org)

Amerigo Vespucci
Siya ay isang Portuguese na ang
paglalakbay ay pinunduhan ng Spain.
Kauna-unahang nakapaglayag mula
1519 Pilipinas pakanluran patungong Asya at nakatawid
sa Pasipiko hanggang marating ang
Pilipinas (1521).
(113) Pinterest
Nasawi man siya sa labanan sa Isla ng
Fernand Magellan
Mactan, Cebu; nakabalik naman ang
barkong Victoria sa Spain. Ito ang
nagpatunay na maaaring ikutin ang mundo
at muling makabalik sa pinanggalingan
(Circum-navigation).

Isaisip

Pagkatapos mapag-aralan ang unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo


at makilala ang mga manlalayag na nanguna sa pagtuklas at paggalugad sa daigdig,

11
pagtibayin ang inyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot ng mga
pamprosesong tanong sa ibaba.

1. Bakit hinangad ng mga Kanluranin ang yaman ng Silangan?


2. Paano nakatulong sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe ang
paglalayag at pagtuklas ng mga lupain?
3. Sa kasalukuyang panahon, katanggap-tanggap bang manakop pa
rin ang mga makapangyarihang bansa? Bakit?
4. Sakaling may bansang makapangyarihan na nagnanais sumakop
sa iyong bansa, ano ang iyong maaaring gawin?

Isagawa / Pagyamanin

Gawain: Tama o Mali! Suriin ang mga sumusunod na pangungusap at isulat ang T
kung ang naturang impormasyon ay Tama at M naman kung ito ay mali. Kung
sakaling mali, kailangan mo itong itama sa pamamagitan ng pagsulat ng tamang
sagot/deskripsiyon sa iyong sagutang papel.

_____1. Ang kolonyalismo ay dominasyon ng isang makapangyarihang bansa sa


pamumuhay ng mahina na bansa.
_____2. Kontrolado ng mga Ingles ang pinakakombenyenteng ruta sa Asya kaya
napilitan ang mga Europeo na maghanap ng ibang ruta.
_____3. Napakamahal ng spices dahil sangkap ito sa pagpreserba ng karne.
_____4. Si Ferdinand Magellan ay naging tagapagpayo ni Kublai Khan sa Tsina.
_____5. Naging mas mabilis ang paglalayag ng caravel dahil sa tatsulok nitong
layag.
_____6. Ang basehan ng yaman ng piyudalismo noong ika-13 na siglo ay ginto at
pilak.
_____7. Pinangunahan ni Bartolomeu Dias ang paghahanap ng bagong ruta at
nagtatag ng paaralan sa nabigasyon.
_____8. Ang ruta ni Vasco da Gama ang naging susi para makontrol ng Portuguese
ang kalakalan ng pampalasa sa Europe.
_____9. Si Amerigo Vespucci ang nagpaliwanag na si Christopher Columbus ang
nakatuklas sa America.
_____10. Ang ekspedisyon ni Magellan ang nagpatunay tungkol sa circum-
navigation.

Gawain 2: Nakita mo, Iguhit mo!

Panuto: Gumuhit ng isang kontribusyon ng mga Kanluranin na matatagpuan


hanggang sa kasalukuyang panahon dito sa Cebu. Gawin ito sa short bond paper.

12
RUBRIK SA PAGGUHIT NG LARAWAN

MGA KRAYTERYA 5 4 3 2

Pagkamalikhain Lubos na nagpamalas Naging malikhain Hindi gaanong Walang ipinamalas na


ng pagkamalikhain sa sa paghahanda. naging malikhain pagkamalikhain sa
paghahanda. sa paghahanda. paghahanda.

Pamamahala ng Ginamit ang sapat na Ginamit ang oras Naisumite dahil Hindi handa at hindi
Oras oras sa paggawa ng na itinakda sa binantayan ng guro tapos.
sariling disenyo sa paggawa at
gawain. naibigay sa tamang
oras.

Organisasyon Buo ang kaisipan May kaishan at Konsistent, may Hindi ganap ang
konsistent, kumpleto may sapat na kaisahan, kulang sa pagkakabuo, kulang
ang detalye at detalye at malinaw detalye at hindi ang detalye at di-
napalinaw. na intensyon. gaanong malinaw malinaw ang
ang intensyon intensyon

Kaangkupan sa Angkop na angkop ang Angkop ang mga Hindi gaanong Hindi angkop ang mga
Paksa mga salita (islogan) at salita o islogan sa angkop ang mga salita at larawan sa
larawan sa paksa. larawan ng paksa. salita at larawan sa paksa.
paksa

Source: Rubrik Sa Pagguhit Ng Larawan - PDFCOFFEE.COM

13
Kompetisyon ng Panggagalugad
ARALIN
at Epekto ng Unang Yugto ng
2
Kolonisasyon at Imperyalismo

Alamin
Magandang buhay mga mag-aaral! Magiliw na pagbati sa bagong kaalaman
ang matutunan tungkol sa Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo.

A. Nasusuri ang mga epekto ng kompetisyon at panggagalugad ng mga


Kanluranin sa panahon ng kolonyalismo at imperyalismo.
B. Natutukoy ang mga bansang nakapagtatag ng iba’t ibang kumpanya sa India.
C. Napahahalagahan ang

Panimulang Gawain
Paghahambing!
Sa tulong ng tsart, isulat ang maaaring positibo at negatibong
epekto ng unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo. Kopyahin
ang tsart at sagutan.

POSITIBO NEGATIBO

14
Tuklasin at Suriin

Ang kompetisyon ng panggagalugad sa pagitan ng Spain at Portugal ay


sadyang nagpayaman ng husto sa kanilang itinatag na imperyo. Pinaghatian nila ng
lubusan ang mga bahagi ng mundo na hindi pa nararating ng mga Europeo. Sinakop
nila ang mga mahihinang bansa, nangkamkam ng kayamanan, nagpalaganap ng
kristiyanismo at nagkamit ng katanyagan sa pagiging ganap na imperyo. Ngunit
nagbago ang lahat sa pagpasok ng ika-17 na siglo kung saan nakipagpaligsahan na
sa pananakop ang mga bansang The Netherlands (Dutch), England (Briton) at France
(French).

ANG MGA BRITON

Itinatag ang English East India Company (1600) upang


magkaroon ng ugnayang pangkalakalan sa Sumatra, Java
at Moluccas. Ngunit hindi sila pinahintulutan ng mga
Dutch. Sampung mangangalakal na Briton ang pinatay ng
mga Dutch na tinaguriang Amboina Massacre at ito ang
naging dahilan ng kanilang pag-alis. Sa India
nagtagumpay ang mga Briton kung saan tinalo ni Lord
Robert Clive sa Battle of Plassey ang hukbo ng hari ng
Bengal at ng mga French.
British Empire | British Food: A
History (britishfoodhistory.com)

ANG MGA DUTCH

Napalitan nila ang mga


Portuguese bilang
pangunahing bansang
kolonyal sa Asya. Inagaw nila
ang Moluccas o Spice Island at
nagtatag ng bagong sistemang
plantasyon na may tanim na
halamang mabili sa
pamilihan. Nagtatag din sila
Pinterest
ng pamayanan sa Africa sa
pamamagitan ng mga Boers o mga magsasakang naninirahan sa Cape of Good Hope;
at North America. Itinatag nila ang Dutch East India Company (1602) sa Asya. Ang
mga daungan nito ay nagbigay ng proteksyon sa monopolyo ng mga paminta at iba
pang rekado. Dahil dito mas tumagal pa ang pananakop ng mga Dutch sa Asya kasya
sa America. Ang pagtatag ng kolonya sa America ay pinangunahan ng isang Briton
na manlalayag na naglakbay para sa mga Dutch, siya ay si Henry Hudson. Nagtayo
ng himpilang pangkalakalan o trade post ang Dutch sa New Amsterdam

15
(matatagpuan sa dulo ng katimugang ng New Netherlands o kilala ngayon bilang
New York City).

Nang lumaon ay humina ang kapangyarihang pangkomersiyo ng mga Dutch at


napalitan ng England kung saan sila ay hinirang na pinakamalakas na imperyong
pangkatubigan ng Europe.

ANG MGA FRENCH

Noong 1534, isinailalim sa


France ang silangang bahagi ng
Canada sa pamumuno ni
Jacques Cartier. Itinatag naman
ni Samuel de Champlain ang
Quebec bilang permanenteng
kolonyal ng French at sentro ng
kalakalan ng fur o produktong
gawa sa balahibo ng hayop.
Naglunsad ng ekspedisyon sa
How France engineered North African ethnic rivalry to further
Mississippi (1628) ang mga
colonisation (trtworld.com) French hanggang sa Gulf of
Mexico na pinangunahan ni
Rene Robert Cavelier. Ito ay inalay niya kay Haring Louis XIV ng France kaya tinawag
itong Louisiana. Kalaunan, sinundan ng mga French ang halimbawa ng mga Briton
at nagtatag ng French East India Company (1664).

EPEKTO NG UNANG YUGTO NG KOLONISASYON

Ang mga ekspedisyon na pinangunahan ng Portugal at Spain ang nagbigay-daan sa


malawakang pagkakatuklas sa mga lupaing hindi pa nagagalugad at mga
sibilisasyong hindi pa natuklasan. Dahil dito nakapukaw ng interes ang mga
makabagong pamamaraan at teknolohiya sa heograpiya at paglalayag. Layunin din
nilang maipalaganap ang sibilisayong kanluranin sa silangan at ito ang naging daan
sa pagpapalakas ng ugnayang silangang at kanluran. Nagkaroon ng migrasyon sa
lahi ng tao, hayop, halaman, pati na sa mga sakit gaya ng bulutong, yellow fever, at
tigdas. Ang pananakop ay nagdulot ng suliranin sa mga bansang nasakop.
Sinasabing nawala ang kanilang kasarinlan, naging laganap ang kurapsyon, at
nakamkam ang kanilang yamang likas.

Isaisip
Matapos matukoy ang mga bansang kanluranin na lumahok sa
eksplorasyon, kolonyalismo at imperyalismo, pag-aralan ang talahanayan at
sagutin ang mga tanong sa ibaba.

16
TALAHANAYAN NG MGA BANSANG MANANAKOP

1. Makikita natin sa ibaba ang talahanayan ng pananakop. Ano ang


maaaring mahinuha natin sa mga bansa o lugar nasakop? Ano ang
pagkakaiba at pagkakatulad ng mga mananakop na bansa?

2. Pabor ka ba na muling mapasailalim ang ating bansa sa isang


mananakop gaya ng China o America? Bakit?

BANSANG MANANAKOP MGA


BANSANG NASAKOP

Ternate, Moluccas
PORTUGAL (Indonesia); Melaka,
Malaysia; Macau,
Flag of Portugal - Wikipedia China; Nagasaki,
Japan; Formosa
(Taiwan); Sri Lanka;
at Goa, India

Pilipinas, Mexico,
SPAIN Peru, Haiti,
Dominican Republic
Spain | Facts, Culture, at Cuba
History, & Points of Interest |
Britannica
THE NETHERLANDS Moluccas (Indonesia);
Formosa (Taiwan); Sri
Flag of The Netherlands - Netherlands Lanka; Malaysia;
Tourism (netherlands-tourism.com) Africa; New
Amsterdam, America

ENGLAND India, Jamaica, North


Flag of the United Kingdom -
at South America,
Wikipedia Timog Canada, Africa
at Carribean Islands

FRANCE India; Cochin, China;


Cambodia; Silangang
Pinterest Canada; Louisiana,
USA

17
Isagawa / Pagyamanin

Gawain 1: Kumpletuhin ito!


Kumpletuhin ang salita o mga salitang tinutukoy sa bawat pahayag gamit ang una
at huling titik ng salita bilang gabay sa paghahanap ng tamang sagot. Gawin ito sa
sagutang papel.

1. A_______a M_______e --- pagpatay ng mga Dutch sa sampung


mangangalakal na Briton.
2. B______e of P_______y ---- labanan na napagtagumpayan ng mga Briton
sa pamumuno ni Lord Clive laban sa hukbo ng hari ng Bengal at ng
mga French.
3. D______ h --- napalitan nila ang mga Portuguese bilang pangunahing
bansang kolonyal sa Asya.
4. B_______ s --- mga magsasakang naninirahan sa Cape of Good Hope,
Africa.
5. D_________n --- nagbigay ng proteksiyon sa monopolyo ng mga paminta
at iba pang rekado.
6. H____y H_____n --- isang Briton na manlalayag na naglakbay sa
America para sa mga mangangalakal na Dutch.
7. N___w N________s --- isa sa mga estado ng United States of America
na kilala na ngayon bilang New York.
8. R___e R______t C___________r --- isang manlalakbay na French ang
nag-alay ng Louisiana, USA kay Haring Louis XIV.
9. F__r --- balahibo ng hayop
10. M____________s --- tinaguriang Spice Island na matatagpuan sa
kontinente ng Asya.

Gawain 2: Magbalitaan Tayo!

Duterte kinondena ang insidente sa Ayungin Shoal

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon


November 23, 2021 | 12:00am

MANILA, Philippines — Kinondena ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ginawang


pagharang at pagbomba ng tubig ng Chinese Coast Guard vessels sa
dalawang bangka ng Pilipinas na magdadala ng supply sa mga sundalong
nagbabantay sa Ayungin Shoal.

18
Sa kanyang pagsasalita sa Association of Southeast Asian Nations (Asean)-
China Special Summit sa pamamagitan ng video conference kahapon, sinabi ni
Duterte na ang isyu ng South China Sea ay isang hamon na hindi mareresolba
sa pamamagitan ng dahas.

Sinabi rin ni Duterte na nakakasuklam ang nasabing pangyayari sa Ayungin


Shoal at mga kahalintulad pang kaganapan. Ipinaalala rin ni Duterte na ang
pag-angkin sa South China Sea ay dapat resolbahin gamit ang batas.

“UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Seas) and the 2016
Arbitral Award provide legal clarity …pointing us to a just and fair solution to our
disputes. We must fully utilize these legal tools to ensure that the South China
Sea remains a sea of peace, stability and prosperity,” ani Duterte.

Sinabihan din ni Duterte ang China na sumunod sa Code of Conduct sa South


China Sea.Wala na aniyang ibang paraan para matapos ang problema kundi sa
pamamagitan ng rule of law.“We abhor the recent event in the Ayungin Shoal
and view with grave concern other similar developments,” ani Duterte sa
ASEAN-China special summit. Ang insidente aniya ay hindi nagpapakita ng
magandang relasyon sa pagitan ng mga bansa.

Duterte kinondena ang insidente sa Ayungin Shoal | Pilipino Star Ngayon (philstar.com)

Pamprosesong Tanong:

1. Anong insidente sa Ayungin Shoal ang kinundena ni Pangulong Duterte?


2. Ano kaya ang mga motibo ng mga Tsino sa ginawang pagharang at pagbomba
ng tubig ng Chinese Coast Guard vessels sa dalawang bangka ng Pilipinas?
3. Sa iyong palagay, ano kaya ang maaaring patutunguhan ng isyung ito sa
relasyong diplomatiko (diplomatic relations) ng Tsina at Pilipinas.
4. Kung lumala ang hidwaang ito at humantong sa digmaan, posible kaya tayong
maging isang kolonya sa modernong panahon? Pangatwiranan.

Tayahin

Panuto: Sa pagtatapos ng modyul na ito, subukin natin ang iyong natutunan.


Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang aklat na “The Travels of Marco Polo” ay naglarawan sa kasaganahan at


karangyaan ng Asya. Sino ang may-akda ng nasabing aklat?
A. Bartholomeu Dias C. Marco Polo
B. Ferdinand Magellan D. Vasco Da Gama

19
2. Pinaniniwalaan na mayroon silang tungkulin na ipakilala ang Kristiyanismo sa
ibang bahagi nang mundo. Alin sa mga sumusunod ang paraan na HINDI ginamit
ng mga Kastila sa kanilang pananakop?
A. edukasyon C. pagpapadala ng misyonaryo
B. dahas D. wala sa nabanggit

3. Anong uri ng barko ang may tatsulok na layag, ito ay sadyang mabilis at
may kakayahang magdala ng maraming kargamento gaya ng kalakal at
kanyon?
A. caravel B. cargo C. Ro-ro D. tanker

4. Anong sistemang pang-ekonomiya ang nagtalaga na ang lawak ng lupain


na pag-aari ang siyang batayan ng yaman ng isang estado o kaharian?
A. imperyalismo B. kolonyalismo C. merkantilismo D. piyudalismo

5. Anong instrumento sa paglalayag ang ginagamit upang matukoy ang latitude ng


barko gamit ang araw at mga bituin?
A. astrolabe B. caravel C. compass D. mapa

6. Nakapagtatag ng pamayanan sa Africa. Ano ang tawag sa mga


magsasakang naninirahan sa Cape of Good Hope?
A. Aborigines B. Boers C. Bushmen D. Pygmies

7. Mas nagtagal ang kapangyarihan ng Dutch sa Asya dahil sa pagkakatatag


ng Dutch East India Company. Ano ang nagbigay sa kanila ng proteksiyon para
mapanatili ang monopolyo nila sa mga paminta at iba pang rekados?
A. daungan B. mga sandata C. mabangis na hayop D. ginto

8. Sinong Briton na manlalayag ang naglakbay sa America para sa mangangalakal


na Dutch?
A. Henry Hudson C. Rene Robert Cavelier
B. Jacques Cartier D. Robert Clive

9. Siya ang kauna-unahang namuno ng ekspedisyon sa Silangan na dumaan


pakanluran ng Atlantic upang marating ang India ngunit napunta siya sa Amerika.
Sinong Italyanong manlalakbay ang tinutukoy?
A. Amerigo Vespucci C. Ferdinand Magellan
B. Christopher Columbus D. Prince Henry

10. Noong ika-15 na siglo, ang Europe ay nagpaligsahan sa yaman at


kapangyarihan. Alin sa mga sumusunod na bansa ang nanguna sa pagtuklas ng
mga lupain?
A. America B. India C. Portugal D. Spain

11. Sinong Italyanong nabigador ang nagpaliwanag na si Columbus ang nakatagpo


sa Bagong Mundo o Amerika?
A. Amerigo Vespucci C. Ferdinand Magellan
B. Christopher Columbus D. Prince Henry

12-14. Tama o MaliSuriin ang bawat pahayag. Makakatulong ang


nakasalungguhit na mga salita sa pagsusuri ng ideya sa bawat bilang. Piliin
ang letra ng wastong sagot.

20
Gamitin ang mga sumusunod na option 12-14.
a. Tama ang una at ikalawang pangungusap.
b. Mali ang una at ikalawang pangungusap.
c. Tama ang unang pangungusap lamang.
d. Tama ang ikalawang pangungusap lamang.

12. I. Itinatag ang Dutch East India Company noong 1602.


II. Ang mga daungan nito ang nagbigay ng proteksyon sa monopolyo ng mga
paminta at rekados.

13. I. Ang mga Dutch ang pumalit sa mga Portuguese bilang pangunahing
bansang kolonyal sa Asya.
II. Napaalis ng mga Kastila ang mga Briton sa Moluccas dahil sa Battle of
Plassey.

14. I. Inalay ni Robert Clive ang Louisiana kay haring Louis XIV.
II. Ang mga French ay hinirang na pinakamalakas na imperyong
pangkatubigan sa Europe.

15. Ang mga makapangyarihang bansa ay nag-agawan sa pagsakop ng mga


mahihinang bansa na masagana sa pampalasa at iba pang hilaw na materyales.
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI kabilang sa epekto ng mga unang
yugto ng kolonyalismo?
A. Pagtuklas sa mga makabagong pamamaraan sa paglalayag.
B. Ang pakikipagpaligsahan ng United States of America bilang isang imperyo
ay naganap sa unang yugto ng kolonyalismo.
C. Napagtagumpayan ng mga Kanluranin na mapalaganap ang kanilang
kultura at relihiyon sa Silangan.
D. Nagkaroon ng migrasyon ng mga sakit gaya ng bulutong, yellow fever at
tigdas na naging mabigat na suliranin ng mga mananakop.

Karagdagang Gawain

Gawain : Pagpapalalim ng Kaalaman

Binigyang diin sa module na ito ang kahalagahan ng pagtuklas at paggalugad ng


mga Europeo sa iba’t-ibang panig ng mundo. Sa iyong palagay, ano-ano kaya ang
epekto ng unang yugto ng kolonyalisasyon? Gumawa maikling sanaysay na binubuo
ng tatlong pangungusap.

Sanggunian

Aklat:

Mateo, G E. et al.(2012). Kasaysayan Ng Daigdig. Quezon City,

21
Philippines: Vibal Publishing House, Inc.

Blando, R C. et al. (2014). Modyul ng Mag-aaral: Kasaysayan ng Daigdig. Pasig


City, Vibal Group, Inc.

Zalde, G F. et al. (2006). World History 5th Edition

Online Links:

Unang Yugto ng Imperyalismo


Joyce Candidato Retrieved January 26, 2016 from
Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin (slideshare.net)

Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin


Rosario, M L C. et al. Retrieved November 28, 2017 from
Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin (slideshare.net)

Panahon ng Panggagalugad: Panahon ng Transpormasyon EP. 05 ( Age of


Exploration )
Sir Ian’s Class Retrieved September 20, 2019 from
Panahon ng Panggagalugad: Panahon ng Transpormasyon EP. 05 ( Age of Exploration ) -
YouTube

Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin: Panahon ng Transpormasyon


EP. 06 (Age of Exploration)
Sir Ian’s Class Retrieved September 25, 2019 from Unang Yugto ng
Imperyalismong Kanluranin: Panahon ng Transpormasyon EP. 06 (Age of Exploration) -
YouTube

Epekto ng Unang Yugto ng Imperyalismo: Panahon ng Transpormasyon EP:


07 (Age of Exploration)
Sir Ian’s Class Retrieved September 27, 2019 from Epekto ng Unang Yugto ng
Imperyalismo: Panahon ng Transpormasyon EP: 07 (Age of Exploration) - YouTube

22
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

23

You might also like