Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Cassandra A.

Arimbuyutan

KULTO
Ako si sage galing misamis oriental may mga napapapalitang may kulto rito samin
at madalas ay may kaguluhan kaya minabuti kong tumira at magtrabaho sa maynila
maswerte ako na nakahanap ako agad ng trabaho at mga kaibigan may naging
manliligaw ako dito at di kalaunan ay maging boyfriend.tahimik siyang lalaki relihi
hiyoso siya kaya naman nagustuhan ko siya ng sobra pero iba ang relihiyon ni pietro
hindi ito kilalang relihiyon pero ayos lang sakin dahil parehong diyos lang naman ang
pinaniniwalaan namin.nagrorosaryo siya at laging may dalang maliit na bibliya.nang
naging kami ay agad niya akong niyaya sa kanila para ipakilala sa kaniyang magulang
pastor pala ang kaniyang tatay,ayos naman ang lahat mababait naman sila.

Hanggang niyaya nila akong magpaconvert sa relihiyon nila dahil magkasintahan naman
na raw kami ni Pietro tumango lang ako at nakangiti sa kanila isinasama ako ni Pietro
sa kapilya nila noong una ayaw ko naman ngunit hindi ako komportable sa mga ritwal na
ginagawa nila dahil may mga nagaganap sa kapilya nila na hindi ko kayang maging parte.
isang lingo ay niyaya ako ni Pietro sa kanila gusto daw akong makita ng kaniyang
magulang dahil matagal tagal na ng huli nila akong makita.sabi nila sakin icoconvert
na raw nila ako na hindi naman nabanngit sakin.sabi ng tatay niya ay di daw ako
maliligtas at ikamamatay raw ng pamilya ko.natakot ako sa sinabi nila pero di
kalaunan ay pumayag ako at tuwang tuwa sila nakangiti lang ako habang ginagawa
ang mga ritwal at sa kalagitnan ay nagpaalam na umihi di nako bumalik.galit na
galit si Pietro ng magkita kami sa trabaho nakipaghiwalay ako sa kanya agad agad
dahil panay ang banggit nya na di ako makakaligtas at mamamatay ang pamilya ko dahil
sa ginawa ko ilang araw pagtapos ng paghihiwalay namin ay tumawag sakin ang kuya
ko nasunog daw ang aming bahay at di nakaligtas ang aking mga magulang iyak ako ng
iyak sa office nakatitig lang sakin si Pietro nagfile ako agad ng leave at bago pa
makalabas ng building ay binulungan ako ni jude ikaw na ang susunod.

You might also like