EsP 6 TQ

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XI

Pang-isahang Pansangay na Pagsusulit


IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP 6
Taong Panuruan 2023-2024
Pangalan: _______________________________________________ Baitang at Pangkat:_____________________
Paaralan: _______________________________________________ Petsa: _________________ Iskor: ___________

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong sa bawat bilang. Piliin at itiman ang bilog
( ) ng tamang sagot.

Para sa bilang 1-3. Basahin at unawaing mabuti ang sitwasyon sa ibaba at sagutan ang mga
sumusunod na mga katanungan.
Isang Pangako
Si Rodel ay kabilang sa mga magagaling na mag-aaral sa larangan ng sining sa
kanilang paaralan. Siya ay mahusay din sa pagkanta, pagsayaw at maging sa sining biswal.
Sa paparating na paligsahan sa campus journalism, napili siya bilang kinatawan ng
paaralan sa editorial cartooning. Masaya niya itong tinanggap at nangakong pagbubutihin
ang kanyang pagsasanay. Ilang linggo pa lang ang nakalipas, ipinatawag siya ng kanyang
guro sa EsP upang maging kalahok sa paligsahan sa pagkanta. Gustong-gusto niyang
sumali dahil mahal din niya ang pagkanta ngunit alam niyang mahihirapan siya sa
pagsasanay lalo pa’t halos magkasabay ang iskedyul ng mga naturang paligsahan.
Alam niyang hindi niya pwedeng pagsabayin ang pagsali sa mga paligsahan at
mahalagang pangatawanan niya ang kaniyang binitiwang pangako.

1. Kung ikaw si Rodel, ano ang gagawin mo?


Ⓐ Huwag nang sumali sa paligsahan sa pagkanta.
Ⓑ Kalimutan nalang ang editorial cartooning dahil mahirap ito.
Ⓒ Gumawa ng tamang hakbang upang matupad ang mga pangako.
Ⓓ Susundin ko ang aking guro sa EsP dahil gusto ko rin ang pagkanta.
2. Paano mo maipakikita ang pagiging tapat sa pangako sa ganyang sitwasyon?
Ⓐ Gumawa ng tamang desisyon na hindi nakasasama sa pangakong binitawan.
Ⓑ Gumawa ng dahilan upang matupad ang gustong gawin.
Ⓒ Hayaan ang sasabihin ng iba at gawin ang gusto.
Ⓓ Hayaan nalang kung ano ang mangyayari.

3. Ano ang katangiang maaaring mawala kay Rodel kung hindi siya tutupad sa kanyang
binitiwang pangako?
Ⓐ awa at galang Ⓒ pasensya at simpatya
Ⓑ tiwala at respeto Ⓓ kabutihan at katanyagan
4. Napagkasunduan ninyong magkakaibigan na mag video call gamit ang Zoom App upang pag-
usapan ang inyong mga takdang-aralin sa araw na iyon, Itinakda ninyo ito ng ika-6 ng gabi.
Biglang nagkaroon ng pagbabago at nais ninyong isagawa ito ng mas maaga na lamang ngunit
isang kaibigan ninyo ang hindi nakakaalam sapagkat hindi na siya online sa oras na iyon. Ano
ang nararapat ninyong gawin?
Ⓐ Magbotohan na lamang kami kung ano ang masusunod na iskedyul.
Ⓑ Susundin namin ang ika-6 ng gabi sapagkat iyon ang napagkasunduan naming lahat.
Ⓒ Susundin namin ang bago naming napagkasunduan dahil may mahalaga pa kaming gagawin.
Ⓓ Itutuloy namin ang bagong iskedyul at sasabihan na lang namin siya kung ano ang aming
natalakay kapag nakaonline na sya.

5. Malapit na ang iyong kaarawan. Ipinangako ng ate mo na ibibili ka niya ng bagong damit bilang
regalo niya sa iyo. Biglang nagkasakit ang inyong bunsong kapatid at isinugod ito sa hospital na
malapit sa inyo. Ang naipong pera ng iyong ate na pambili sana ng iyong damit ay nagastos niya
sa pagpapagamot ng iyong kapatid. Ano ang magiging reaksyon mo?
Ⓐ Hayaan na lang at sasabihin sa ate na sa susunod na lamang.
Ⓑ Magagalit sa ate ko dahil hindi niya tinupad ang kanyang pangako.
Ⓒ Sasabihin sa bunsong kapatid na kundi dahil sa kanya, wala na tuloy akong bagong damit.
Ⓓ Magpasalamat pa rin sa ate ko kahit di man nabili ang damit, na ipagamot naman ang kapatid
ko.

6. Mahirap lamang ang pamilya ni Belen. Wala silang perang pambili ng bagong pantalon na itim
na gagamitin niya sa folkdance na kanyang sasalihan. Napag-alaman niyang meron ka nito kung
kaya naisipan niyang humiram muna sayo. Nangako siyang isasauli ito kaagad dahil gagamitin
mo rin ito sa susunod na araw. Ngunit, nakalimutan niyang isauli ito. Ano ang magiging reaksyon
mo?
Ⓐ Ipagsabi mo sa iba ang ginawa niya.
Ⓑ Intindihin na lamang siya at huwag nang kausapin pa.
Ⓒ Hayaan na lang siya at ibigay na lang sa kanya ang pantalon.
Ⓓ Puntahan mo siya at kausapin na kunin mo na ang pantalon na kanyang hiniram.

7. May pagsusulit kayo sa Matematika sa araw na iyon. Hiniram muna ng iyong kaibigan ang aklat
mo upang makapag review sya. Nangako siyang isasauli iyon pagkaraan ng dalawang oras.
Matagal kang naghintay, pero hindi bumalik ang kaibigan mo. Ano ang gagawin mo?
Ⓐ Magpapahiram lamang ng mga gamit kung nasa tabi mo lang siya.
Ⓑ Hindi ko na siya kausapin at ipagsasabi ko sa iba na matagal siyang magsauli ng gamit.
Ⓒ Kumbinsihin ang sarili na walang magandang naidudulot ang pagpapahiram ng mga gamit.
Ⓓ Kakausapin siya tungkol sa kahalagahan ng pagsasauli ng hiniram sa takdang oras na pinag-
usapan.

8. Napagkasunduan ninyong magkakaibigan na maglaro ng basketball sa basketball court ng


inyong barangay. Nakatakda kayong magkita-kita sa tapat ng bakery sa may kanto ika-3 ng
hapon para sabay-sabay kayo na magtungo sa court. Matagal kang naghintay pero hindi
dumating ang mga kaibigan mo. Nalaman mo na lang na nauna na pala sila sa basketball court.
Ano ang gagawin mo?
Ⓐ Huwag na silang kausapin kailanman.
Ⓑ Kausapin mo sila at susumbatan dahil hindi sila tumupad sa napag- usapan.
ⒸKausapin mo sila tungkol sa nangyari at ipahayag ang tunay mong damdamin.
Ⓓ Balewalain na lang ang nangyari dahil napatunayan mo naman ang tunay nilang ugali.

9. Ipinangako ng tatay mo na bibilhan ka ng isang pares ng rubber shoes. Nang dumating siya,
hindi mo nagustuhan ang tatak ng sapatos na nabili niya para sa iyo. Sabi niya, “Anak, ito lang
ang tatak ng sapatos na kaya kong bilhin,”. Ano ang magiging reaksyon mo?
Ⓐ Maawa sa iyong tatay.
Ⓑ Tatanggapin nang buong puso ang sapatos.
Ⓒ Ipapangako sa sarili na hindi na masyadong aasa mula ngayon.
Ⓓ Paalalahanan si tatay sa kanyang pangako at sasabihin na huwag mangako kung hindi naman
kayang tuparin.

10. Si Nelie ay isang batang marunong tumupad sa kanyang pangako. Anong katangian meron
siya?
Ⓐ Matiisin Ⓒ Mahinahon
Ⓑ Matiyaga Ⓓ May isang salita

11. Nagugutom ang iyong matalik na kaibigan at wala siyang pambili ng pagkain. Kaya hiniram
niya muna ang inilaan mong pera para sa iyong pamasahe pauwi. Nangako siyang babayaran ka
niya kinahapunan kapag binigay na ng kuya niya ang baon niyang pera. Subalit, hindi ka niya
binayaran, kung kaya naglakad ka nalang pauwi sa inyong bahay. Ano ang gagawin mo?
Ⓐ Awayin siya at isumbong sa iyong guro.
Ⓑ Magagalit ka at huwag na siyang pautangin muli.
Ⓒ Pagsabihan siya na mali ang kanyang ginawa at huwag na siyang kausapin pa.
Ⓓ Paalalahanan siya sa kahalagahan ng pagbabayad ng utang sa takdang oras na pinag-usapan.

Para sa Bilang 12 - 13. Basahin ang sitwasyon sa ibaba at sagutan ang mga sumusunod na mga
katanungan.

Sina Jan at Anthony ay matalik na magkaibigan. Parehong matalino, mabait at


maabilidad na mga bata. Isang araw, lumiban sa klase si Jan dahil may mataas itong
lagnat at sinugod siya sa hospital. Alam ito ni Anthony dahil magkapitbahay sila.
Nagkataon na ito ay araw ng pagsusulit.

12. Kung ikaw si Anthony, ano ang gagawin mo?


Ⓐ Magkunwaring walang alam sa nangyayari sa kaibigan ko.
Ⓑ Ipagsawalang bahala ang lahat at ipagpatuloy ang pagsusulit.
Ⓒ Pumunta sa guro at ipaalam ang pangyayari at humingi ng pabor para sa kaibigan.
Ⓓ Huwag ipaalam sa guro, tyansa ko nang malamangan sa klase ang aking matalik na kaibigan.
13. Paano mo maipapakita sa iyong kaibigan na ikaw ay may tunay na malasakit sa kanya?
Ⓐ Pabayaan lamang ang kaibigan sa hospital kasi tinatamad ka.
Ⓑ Dalawin ang kaibigan at sabihing humingi ka ng pabor sa guro.
Ⓒ Dalawin ang kaibigan at magsinungaling na hindi natuloy ang pagsusulit.
Ⓓ Pumunta sa hospital, dumalaw at makikain sa dalang pasalubong ng kanyang nanay.

14. Sina Jose at Daniel ay matalik na magkaibigan. Nangako si Jose kay Daniel na ipapasyal niya
ito sa Museum sa darating na Sabado. Ngunit may masamang nangyari sa nanay ni Jose kaya
isinugod ito sa hospital sa mismong araw ng kanilang kasunduan. Ano kaya ang magiging
reaksyon ni Daniel?
Ⓐ Pupunta nalang siya sa Museum mag-isa.
Ⓑ Magagalit kay Jose at hindi na makipag-usap pa.
Ⓒ Pagsabihan si Jose na hindi tama ang mangako na hindi naman tutuparin.
Ⓓ Intindihin na lamang si Jose at ipagdasal ang kalagayan ng kanyang nanay.

15. Sa araw ng pagsusulit, nakiusap sa iyo ang matalik mong kaibigan na hayaan siyang kopyahin
ang iyong sagot kasi hindi siya nakapag-aral ng inyong mga leksyon. Bilang kapalit ay bibigyan
ka niya ng pagkain kasi alam niyang wala kang dalang baon. Alin sa mga sumusunod ang tamang
gawin?
Ⓐ Hahayaan ko siyang mangopya kasi matalik ko siyang kaibigan.
Ⓑ Pagsasabihan ko siya na masama ang mandaya at mag-aral na siya sa susunod.
Ⓒ Hindi ko siya papansinin at hahayaan ko siyang gawin anuman ang kanyang gusto.
Ⓓ Tutulungan ko siyang makasagot nang tama sa pagsusulit para may makain ako sa oras ng
recess.

16. Mahigpit na ipinagbilin ng iyong guro na gawin mag-isa sa bahay ang ibinigay niyang
takdang-aralin. Ngunit pagdating mo sa bahay, niyaya ka ng iyong mga kaibigan na maglaro at
manood ng telebisyon kahit alam mo na mayroon ka pang takdang-aralin na dapat tapusin.
Bilang isang mabuting mag-aaral, ano ang dapat mong gawin?
Ⓐ Makikipaglaro muna ako bago ko gagawin ang aming takdang-aralin.
Ⓑ Bukas ko na lang gagawin ito at kokopyahin ko ang sagot ng aking mga kaklase.
Ⓒ Ipapagawa ko ito sa aking mga magulang upang ako ay makapaglaro kasama ang aking mga
kaibigan.
Ⓓ Gagawin at tatapusin ko muna ito kahit na ako ay nahihirapan bago ako makipaglaro sa aking
mga kaibigan.

17. Alin sa mga salawikaing ito ang nagbibigay kahulugan sa isang tunay na pagkakaibigan?
Ⓐ “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.”
Ⓑ “Matalino man ang matsing, napaglalamangan din.”
Ⓒ “Sa panahon ng kagipitan, diyan mo makikita ang tunay mong kaibigan.”
Ⓓ “Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan.”
18. Ang iyong kamag-aral ay namili ng mga materyales na gagamitin para sa inyong proyekto sa
ESP. Natuklasan mo na may sobrang illustration board ang kanyang pinamili at nagkataon itong
kailangan ng iyong bunsong kapatid. Tama ba na ibigay mo ito sa iyong bunsong kapatid?
Ⓐ Oo, dahil makatitipid na si nanay.
Ⓑ Oo, dahil hindi naman namin kasalanan na sobra ang binigay.
Ⓒ Hindi, dahil dapat na isauli ito sa tindahan na pinagbilhan ng kaklase ko.
Ⓓ Hindi, dahil pwede naman naming gawing reserba ito baka sakaling magkamali kami.
Para sa Bilang 19 – 20. Basahin ang sitwasyon sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na mga
katanungan.

Oras ng recess, nag-uunahan patungong kantina ang mga mag-aaral sa ika-


anim na baitang. Sa pagmamadalai ni Diana, nahulog niya ang kanyang pera.
Nakita mong pinulot ito ng iyong matalik na kaibigan na si Alex na nagkataon na
nasa kanyang likuran lamang. Dali-dali itong inilagay ni Alex sa kanyang bulsa
habang palinga-linga pang tumingin sa paligid na tila naghahanap ng sinumang
nakakita sa kanyang ginawa. Alam mong wala siyang pera at baon ng mga
panahong iyon. Nakita mo na ang perang kaniyang napulot ay ipinambili niya ito
ng pagkain sa kantina.

19. Kung ikaw ang bata sa senaryo, sasabihin mo ba kay Diana kung ano ang iyong nakita?
Ⓐ Oo, dahil hindi naman kay Alex iyon.
Ⓑ Oo, dahil hindi ako binigyan ni Alex ng pera na napulot niya.
Ⓒ Hindi, dahil kailangan iyon ni Alex para pambili niya ng pagkain.
Ⓓ Hindi, dahil kasalanan ni Diana kung bakit nahulog ang perang iyon.

20. Alam mong magagalit si Alex sayo kapag isinumbong mo siya kay Diana. Bilang isang
mabuting mag-aaral, paano mo sasabihin kay Alex na hindi tama ang kanyang ginawa?
Ⓐ Sisigawan ko siya na hindi tama ang kanyang ginawa.
Ⓑ Pagsasabihan ko siya na isauli niya ang pera kay Diana dahil hindi naman sa kanya iyon.
Ⓒ Kakausapin ko ang kanyang mga magulang tungkol sa kanyang ginawa para sila na lang ang
magsabi nito sa kanya.
Ⓓ Kakausapin ko siya nang mahinahon at sasabihin sa kanya na hindi tama ang kanyang ginawa
at ibalik niya kay Diana ang perang napulot niya.

21. Habang naglilinis ka sa iyong silid-aralan, may nakita kang isang daang piso sa sahig. Walang
ibang nakakita kundi ikaw lamang. Ano ang iyong gagawin?
Ⓐ Kukunin ko ang pera at itatago ko hanggang sa may maghahanap.
Ⓑ Hindi ko gagalawin ang pera at hayaang ang ibang makakita ang magsasauli.
Ⓒ Kukunin ko ang pera at ibigay sa aking guro upang ipaalam na may nakawala ng pera.
Ⓓ Hindi ko gagalawin ang pera upang madatnan muli ng may-ari ang pera sa lugar na pinag-
iwanan nito.
22. Pinagalitan ka ng iyong guro dahil sa isang pagkakamali na hindi naman ikaw ang gumawa.
Napahiya ka sa buong klase. Napag-alaman mo na isa pala sa kamag-aral mo ang nakagawa ng
mali at ikaw ang kanyang naituro ng tanungin siya ng iyong guro. Humingi siya ng tawad sa iyo
at nangakong sasabihin sa guro ang totoo. Ano ang gagawin mo?
Ⓐ Aawayin siya nang husto dahil sa iyong pagkapahiya sa klase.
Ⓑ Isusumbong ko siya sa aking guro upang siya naman ang mapagalitan.
Ⓒ Sasabihin ko sa kanya na huwag nang mag-abala dahil nasira ka na sa iyong guro.
Ⓓ Pakinggan ang paliwanag ng kamag-aral at tatanggapin ang paghingi niya ng paumanhin.

23. Hindi sinadyang nasagi ni Celine ang plorera ng bulaklak ng kanyang guro. Ito ay nahulog at
nabasag. Walang nakakita sa pangyayari, Siya ay nataranta at hindi alam ang gagawin. Wala
naman siyang pera ipambili ng kapalit ng nabasag na plorera. Ano sa palagay mo ang dapat gawin
ni Celine?
Ⓐ Ituro sa iba ang kasalanang nagawa.
Ⓑ Sasabihin sa guro ang totoong nangyari.
Ⓒ Ligpitin kaagad ang nabasag na plorera at itapon sa malayo upang walang makaalam na
nabasag ito.
Ⓓ Umalis kaagad sa pinangyarihan upang walang makakaalam na siya ang nakabasag nito

24. Hindi ka masyadong kumbinsido sa mungkahi ng inyong Kapitan tungkol sa paraan ng


pagbibigay ng relief goods. Paano mo ito maipararating sa kanya?
Ⓐ Pabayaan na lang ito at hayaan ang kanyang desisyon.
Ⓑ Hikayatin ang ibang kasama na huwag ng sumali sa pamimigay.
Ⓒ Kausapin ito ng masinsinan at ilahad ang iyong opinyon ukol dito.
Ⓓ Huwag pansinin ang kanyang mungkahi bagkos gagawa ka nalang ng ibang
paraan na naaayon sa iyong kagustuhan.

25. Si Jesie ay pangulo ng inyong klase at matalik mong kaibigan. Gusto niyang ipatupad ang
“Basura Mo, Ligpitin Mo”, bilang isang proyekto sa inyong paaralan. Bilang isang kaibigan, ano
ang gagawin mo?
Ⓐ Hayaan siyang ipatupad ang proyektong ito.
Ⓑ Ipagsawalang bahala ang proyektong nais niyang ipatupad.
Ⓒ Susuportahan ang kaibigan upang maging malinis ang kapaligiran.
Ⓓ Makinig sa kanyang gusto at bahala na ang ibang grupo na magpatupad nito.

26. Maganda ang ideya ng isang kasapi ng inyong samahan tungkol sa Clean-Up Drive. Subalit,
ayaw sundin ng isa mo pang kasamahan ang kanyang suhestiyon dahil salungat ito sa gusto niya.
Ano ang gagawin mo?
Ⓐ Pumili ng kagrupo na may katulad na paniniwala.
Ⓑ Magkanya-kanya na lang dahil iba-iba ang pananaw ng bawat isa.
Ⓒ Pakinggan ang suhestiyon ng bawat isa at pag-usapan nang mabuti kung ano ang
nakabubuting gawin.
Ⓓ Huwag nang gawin ang Clean-Up Drive sapagkat nakasisira lamang ito sa relasyon ng bawat
kasamahan.
27. Si Mang Kanor ay nawalan ng hanapbuhay dahil nagsara ang pabrika na kanyang
pinapasukan. May apat siyang anak na pawang mga bata pa. Wala ring hanapbuhay ang kanyang
asawa. May konting ipon silang pera sa bangko ngunit unti-unti na rin itong nauubos dahil ito
ang ginagamit nila sa pang-araw-araw na gastusin. Wala nang pag-asang magbukas pang muli
ang pabrikang kanyang pinasukan noon. Ano ang maibibigay mong suhestiyon sa kanyang
sitwasyon?
Ⓐ Maghanap ng ibang trabaho na marangal kahit na maliit ang sahod.
Ⓑ Pagsabihan niya ang kanyang mga anak na mamalimos sa lansangan.
Ⓒ Pagsabihan siya na kasalanan niya kung bakit nawalan siya ng trabaho.
Ⓓ Huwag ng papaaralin ang mga anak at hayaan silang magtinda ng mga pagkain sa lansangan
para mag dagdag income.

28. Masyado kang abala sa buong araw kaya hindi mo natapos ang iyong takdang-aralin.
Kailangan mo itong tapusin sa araw na iyon sapagkat iwawasto na ito kinabukasan.
Napagdesisyunan mong tapusin ito hanggang sa inabot ka na nang hatinggabi. Upang hindi ka
antukin, nilakasan mo ang radyo. Lumabas sa kwarto ang bunso mong kapatid at sinabihan ka
na hindi siya makatulog dahil sa lakas ng tunog ng iyong radyo. Sinabi niya na hinaan mo ito
ngunit inaantok ka na. Ang malakas na tunog lamang ang nag-aalis ng iyong antok sa panahong
iyon, Ano ang gagawin mo?
Ⓐ Pagagalitan ang kapatid dahil nakikialam siya.
Ⓑ Hahayaan ang bunsong kapatid at ipagsawalang bahala ito.
Ⓒ Papatayin ang radyo at maghanap na lang ng ibang paraan para hindi antukin.
Ⓓ Papatayin ang radyo, hindi tatapusin ang takdang-aralin at magsusumbong sa
nanay na inistorbo ka ng kapatid mo.

29. Nagkaroon ng pangkatang gawain tungkol sa paggawa ng isang tula para sa


kapaligiran. Si Michelle ang napiling lider ng kanilang grupo. Bilang isang lider, ano kaya ang
kanyang dapat gawin?
Ⓐ Makinig sa mga suhestiyon o ideya ng nakararami.
Ⓑ Pakinggan at sundin ang mga suhestiyon ng iilan lamang.
Ⓒ Pakinggan ang mga suhestiyon at sundin kung ano ang nakakabuti sa sarili niya.
Ⓓ Pagsama-samahin ang kanilang mga ideya at hangga't maaari ay ideya niya parin ang
masusunod.

30. Alin sa mga sumusunod ang karaniwang naging dahilan ng HINDI pagkakaunawaan ng bawat
isa?
Ⓐ Pagkakaiba-iba ng mga pananaw.
Ⓑ Laging maunawain at magalang sa palagay ng iba.
Ⓒ Pagkamahinahon sa pagbibigay ng sariling palagay o suhestiyon.
Ⓓ May isipang umunawa at pusong nagsasaalang-alang ng damdamin ng iba.

You might also like