Alamt NG Makahiya 3X3

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

“ALAMAT NG MAKAHIYA”

noong unang panahon ay may mag-asawang


sina mang dondong at aling iska na merong
anak na labindalawang taong gulang na babae
na nagngangalang Maria. Mabait at masunurin
si maria, kilala siya ng lahat dahil sa taglay
nitong ganda. Ngunit si maria ay sobrang
mahiyahin at malimit na nakikipagusap sa mga
tao. Sa pagiging mahiyain nya ay parati itong
nagkukulong sa kwarto.

Sa hardin na puno ng mga magagandang


bulaklak parating naka tambay si maria,
gandang ganda at nasisiyahan si maria sa mga
bulaklak na nakikita.

Isang araw kumalat ang balita patungkol sa


mga bandido na nagsisisalakay sa mga kalapit
bayan. Pinapatay ng grupo ang lahat ng mga tao
ay ninanakawan nila.

Makalipas ang isang araw, nakarating ang mga


bandido sa kinaroroonan nila maria, Dahil dito,
tinago ni Mang dondong ang kanilang anak na
si maria, habang si aling iska naman ay nagtago
sa bahay. Lumaon ay nakapasok ang mga
bandido sa bahay nina aling iska, sabay sambit
ni aling iska “Ama namin! Iligtas nyo po si
Maria! Pagkapasok ng mga bandido ay pinalo
nila sa ulo sina aling iska at mang dondong,
hinanap din nila ang dalagang si Maria ngunit
hindi nila ito mahanap kahit saan kayat
ninanakaw nalang nila ang mga ari-arian ng
pamilya.

Noong nagising na ang mag asawa. Pumunta


sila sa hardin at hinanap si Maria. Ngunit wala
ito roon at hindi nila mahanap. Umiyak si Aling
iska. “Pinatay nila si Maria” at sa panahon ding
yun ay nakaramdam si mang dondong na may
tumutusok sa kanyang paahan, ito ay
Magandang halaman na mabilis na nagsasara.

Lumuhod si mang dondong para makita ang


halaman, sinundan din ni aling iska. Pagkalipas
ng panahon ay pinaniniwalaan nilang mag
asawa na ang halaman na iyon ay sa Maria.
Mula noon pinangalanan nilang makahiya ang
halaman na isang katangian ni Maria.
Pinaniniwalaan din nilang iniligtas ng
panginoon si Maria.

You might also like