Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Gawaing Paglalagom sa Pagbasa at Pagsuri sa Iba’t Ibang Teksto

Tungo sa Pananaliksik

Cariño, Ashley Nicole Y. Catu, Franz M.


12 – St. Athanasius

Pamagat: Mabangis na Lungsod


o Ito ay pinamagatang “Mabangis na Lungsod” sapagkat inilalarawan sa kwentong
ito ang paghihimagsik o paggamit ng mga taong may kaya sakanilang
kapangyarihan upang alipustahin at api-apihin ang mga taong mas nakakababa
sakanila o hindi sila kayang kalabanin kahit nasa harapan ng simbahan na
tinagurian din bilang kabutihan at pagrespeto sa kapwa.

Tauhan:
i. Umiikot ang kwento sa pangunahing tauhan na si Adong. Bilang mambabasa
makikita natin ang kaniyang naranasan na pagdudusa at paghihirap bilang isang
batang nanglilimos o pagiging isang basang sisiw.
ii. Si Bruno ang kinikilalang katunggaling tauhan o “kontra-bida” ng kwento. Siya ang
umaabuso kay Adong sa akda, at ang naging dahilan kung bakit namatay o
nasaktan ng matindi si Adong pagdating sa dulo ng kwento.
iii. Ang kasamang tauhan ni Adong sa akda ay si Aling Ebeng. Si Aling Ebeng ang
kasabay ni Adong sa paglilimos sa simbahan.

Tagpuan:
o Naganap ang kwento sa isang marusing na bakuran na simbahan sa Quiapo. Dito
nagmamalimos sila Adong at Aling Ebeng sa mga dumaraan galing sa loob ng
simbahan. Bukod doon ay dito rin pinupuntahan ni Bruno sila Adong upang kunin
ang kanilang pinalimos na pera.

Panauhang Ginamit:
o Ginamit ng tekstong pinamagatang “Mabangis na Lungsod” ang ikatlong
panauhan upang maihatid ang daloy, tema, at aral ng kwento. Naisagawa nito
ng may akda, dahil sakanyang paglalarawan sa mga pangyayari at paggamit nito
ng mga salita kung saan naipapakita na ang awtor at ang tagapagbasa ay hindi
kasali sa saklaw ng kwento, at sila’y nanonood o tumitingin lamang sa mga
nararanasan ng mga tauhan. Bukod doon, ginagamit din ng akda ang mismong
pangalan ng mga tauhan upang ipahayag ang kanilang mga nararamdaman at
ginagawang kilos sa kwento.

Paksa:
o Ang paksang iniikutan ng akda ay naka-ukol sa marahas na mga pangyayari na
nararanasan ng mga mahihirap, lalo na ng mga bata na nasa galamay ng mapang-
abusong mga tao tulad ni Bruno sa kwento. Naipapakita rin sa akda ang kanilang
kagustuhang makalaya sa kanilang estado, at ipaglaban ang kanilang sarili laban
sa mga mapanghusga at mapang-aping mga tao.

Tema/aral:
o Importante ang kwento dahil naipapakita nito ang paghihirap at pang-aapi na
nararanasan ng mga taong may mababang estado at mga taong walang-wala. Ang
mga problema tulad ng kakulangan ng trabaho, mga nagmamalimos, maaabusong
mga sistema o mga tao, at mapanghusgang mga puso na hanggang ngayon ay
nangyayari pa rin ay nabibigyang ilaw ng akda na makakatulong sa pagsasagawa
ng mga solusyon upang mabawasan ang mga ito, maian gat sa hirap ang iba sa
ating mga kababayan, at tiyakin ang kapayaan at pagkaka-isa sa mga lungsod.
Bukod dun, ang aral naman na mapupulot sa akda ay dapat natin ipalaya ang ating
sarili sa kasikiman, suliranin, at problema sapagkat tayo ay may karapatang
makamit ito.

Iugnay sa,
i. Sarili – Upang maiwasan ang pagkakaroon ng Mabangis na Lungsod ay
kinakailangan muna natin itong simulan sa ating mga sarili upang matuto o
magkaroon pa tayo ng kaalaman kung paano payabungin at maiwasan ang
pagkakaroon ng hindi pantay na pantay na tingin ng bawat tao mahirap man o
mayaman. Magagamit natin ang ating kaalaman upang ibahagi sa iba na walang
sino man ang kailangan tingalain sapagkat walang tao ang nakakababa o
nakakataas.
ii. Pamilya – bilang isang magpapamilya ay kinakailangan nating turuan ang ating
mga anak ng family planning upang kanilang mas maintindihan ang pagkakaroon
ng anak, at ito rin ang magsisilbing gabay nila sa kanilang pagtanda upang sa
hinaharap ay hindi matulad ang kanilang magiging anak sa mga naging karanasan
ni Adong tulad ng pang-aabuso.
iii. Komunidad - Upang mas maging masagana at payapa ang ating komunidad, ay
dapat nating bigyan pansin ang mga mahihirap at tulungan sila sa ating makakaya,
o kaya naman iwasan ang pagiging matopobre, marahas, at paghuhusga sakanila.
Dapat tayong maging makatao at mapagkumbaba upang hindi tayo matulad sa
mabangis na lungsod ng kwento.
iv. Bansa - Bilang isang umuunlad na bansa, ay dapat mabigyang pansin ang mga
suliranin na nararanasan ng mga mahihirap, o mga taong may mababang estado,
lalo na ang mga inaabuso. Dapat mabawasan ng ating bansa ang kaharasan at
diskriminasyon na nararanasan ng mga mahihirap, at tumulong sa pagsasagawa
ng mga proyekto na magbibigay ng mas masaganang kayapaan sa mga lungsod,
lalo na sa mga lugar kung saan maraming mahihirap. Dapat din malaman ng bansa
ang sanhi ng mga problema upang mas maging mabisa at epektibo ang mga
magiging proyekto na magbibigay ng mas magandang kalidad na kabuhayan sa
mga tao, lalo na sa mga mahihirap na tao tulad ni Adong.
v. Daigdig - Lahat ng bansa ay mayroong mga suliranin na kailangan masolusyunan
lalo na pagdating sa mga mahihirap at kung paano sila minamaltrato o inaabuso
ng ibang mga tao, lalo na kung sila’y matanda, may kapansanan, o kaya naman
dahil sila’y bata pa lamang. Upang mas matiyak at maipatupad ang mas payapa
na kabuhayan sa buong daigdig, ay dapat bigyan ng mundo ng pansin ang mga
suliranin na ito upang ito’y magawan ng proyekto o solusyon na magtutungo sa
mas magandang kabuhayan, lalo na sa mga mahihirap. Bukod doon, kailangan ng
daigdig na maitanggal ang pang-aapi ng mga tao sa kanilang kapwa, lalo kung
ito’y dahil sa kanilang estado sa buhay. Dapat din na makamit ng mga mahihirap
sa buong mundo ang kanilang karapatan na makakain ng tama, at makaranas ng
masaganang kabuhayan, upang maipakita ang kaunlaran at magamit ang tema at
aral na makikita sa akda. Ang lahat ng ito ay ating makakamit kung magtutulungan
ang buong daigdig, at kung maa-alis nito ang mga masasama at mga negatibong
asal. Ang mga ito ay ating maaabot at makakamit lamang kung tayo ay
magkakaroon ng magandang realisasyon patungo sa kabutihan.

You might also like