Activity 3 RIPH

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MEMBERS OF MALOLOS CONGRESS

• Emilio Aguinaldo – ang pinakaunang Pangulo ng Repubilika ng Pilipinas, ang Pangulo ng


Pamahalaang Rebolusyonaryo at Kapitan-Heneral ng hukbo nito. Sa kasalukuyan, si Pangulong Rodrigo
Roa Duterte ang namamahala sa bansang Pilipinas.
• Apolinario Mabini – ang nagpayo kay Emilio Aguinaldo na mula sa pamahalaang diktatoryal ito
ay gawing isang rebolusyong pamahalaan, upang maiwasang maghinala ang ibang mga probinsya sa
kanyang awtoridad. Siya rin ang tinaguriang “utak ng himagsikan.” Isa sa nagrebisa nang nasabing
konstistusyon at ang sekretarya ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas na sa kasalukuyan ay si Sec.
Teodoro L. Locsin Jr.
• Pedro Paterno – ang Pangulo ng Kongreso at isa sa nagrebisa ng konstitusyon kasama sina Felipe
Calderon at Apolinario Mabini. Sa kasalukuyan, si Hon. Velasco, Lord Allan Jay Q. Velasco ang “House
Speaker” ng ating bansa.
• Benito Legarda – ang Bise Presidente ng Kongreso. Sa kasalukuyan, ito ay tinatawag na “Deputy
Speakers,” na kung sakaling wala ang “House Speaker” ito ang hahalili.
• Baldomero Aguinaldo – ang pinsan ni Emilio Aguinaldo; “Secretary of Department of War” na sa
ngayon ay tinatawag na “Department of National Defense” at hinalinhan ni Sec. Delfin N. Lorenzana.
• Gregorio Araneta– nanungkulan siyang kalihim ng Kongreso ng Malolos at Kalihim ng
Katarungan ng Unang Republika ng Pilipinas. Si Sec. Menardo "Boy" Ilasco Guevarra ang hinalinhan nito
sa kasalukuyan.
• Mariano Trias –siya ay naglingkod sa ilalim ng administrasyong ito sa gabinete bilang Kalihim ng
Pananalapi at hinalinhan siya ni Sec. Carlos Dominguez.

REFLECTION:
Sa kasalukuyan, makikita ang kabuluhan ng mga paghihirap at pagtatanggol sa ating bansa ng mga taong
bumuo at nagtatag ang Unang Republika ng Pilipinas. Sa loob ng humigit tatlong daang (300) pananakop
ay naisakatuparan ang pinakamatagal nang hinahangad ng bawat Pilipino noon; ang kalayaan.
Umusbong ang isang pamahalaan na siyang pokus ay ang karapatan ng bawat Pilipino.

Ang pagkabuo ng Unang Republika ng Pilipinas at ang Kongreso ng Malolos ay nagpapahiwatig na kaya
nating pamahalaan ang ating sariling bansa. Kaya nating tumayo sa sariling mga paa at hindi natin
kailangan ang tulong ng mga mananakop dahil ang mga Pilipino, ang siyang nakakaalam kung ano ang
nakabubuti sa kapwa niya PIlipino't tinubuang lupa.

Maraming nawala, ngunit ang mga bagay na kanilang naiambag ay patuloy na nasisilayan at naging
pundasyon sa kung anong mayroon ang bansa natin ngayon. Kung iisipin, kung hindi nailunsad ito at
nabuo ang Kongreso ay patuloy pa rin tayong nakikipaglaban para sa ating kalayaan sa mga mananakop.
Kaya't hindi dapat balewalahin, kundi bigyang kahalagahan ang mga naganap sa nakaraan dahil kung
wala ito, walang kasalukuyang puno ng pag asa at hinaharap na ating pinapangarap.

MORO WAR'S TIMELINE


• December 8, 1720 - ang labanan sa pagitan ng mga Espanyol at mga Moro sa Fort Pillar Shrine,
Zamboanga City. Dito nag sagupaan ang anim naraang (600) hukbo ng mga sundalong Espandyol at mga
rebeldeng nagtatangkang pumasok na may daan-daang barko na may lulan ng tatlong libo (3,000)
kataong mandirigma.
• Nagpatuloy ang labanan hanggang sa nagdala ng mga barko ang mga Espanyol na mula sa
England. Dito ay may laban na sila sa mga barkong gamit ng mga "raiders."
• 1848 -Nagwagi ang mga Espanyol at dinakip ang tatlong daan at limampung (350) mga
kababaihan at kalalakihan. Naikuwento rin na ang alin ay mas ninais na patayin ang kanilang mga anak o
kapamilya kaysa mapasakamay ng mga Espanyol.
• 1858 - Sumuko ang kanilang lider nang malamang kasama sa mga nadakip ang kaniyang pamilya.
Dumating pa sa punto na nasa posiyon na sila upang mamili kung patuloy bang lalaban o susuko na
lamang sa mga Espanyol. May ilang mga humiwalay at sumuko. Ang ibang natira'y kahit kakaunti ay
nagpatuloy.
• 1909 - Nang dumating ang bagong mananakop, ang mga Amerikano. Kakaunti man ay
nakipaglaban pa rin ang mga tinaguriang "Raiders opf the Sulu Sea." Ngunit natalo ang mga ito at doon
nagtapos ang mahabang labanan.
• Sa kasalukuyan, patuloy pa 'ring binibigyang halaga ang mga armas noong unang panahon at ang
pagtuturo sa paggmit nito. Nakatatak pa rin sa kanilang isipan, sa makabagong henerasyon, ang
paglaban sa kanilang lugar at mga paniniwala.

You might also like