Epekto NG K-12 Essay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Epekto ng K to 12

Sanaysay

Ang K to 12 ay isang programa na kung saan ito ay ipanatupad ng pamahaalaan at ang sangay ng
edukasyon sa pamahalaan. Ang programang ito ay may layunin na tulungan ang mga mag aaral na
makapaghanda sa pagsabay o pagpantay ng ating sistema ng edukasyon sa sistema ng ibang bansa mula sa iba’t
ibang panig ng mundo. Ano nga ba ang K to 12? Ang K to 12 ay ang mga karagdagang taon sa high school,
grade 11 at 12 ang naidagdag bago tumungtong sa kolehiyo ang mga nakapagtapos ng apat na taon sa high
school. At ang pumirma sa pagpapatupad ng K to 12 ay ang dating president na si Benigno Aquino III. Sa ilalim
ng Republic Act 10533 ay naisulong ang pagpapatupad ng K to 12 sa gobyerno at DepED sa mga paaralan sa
buong bansa na nilalaman ang isang taon sa kindergarten, anim na taon sa primary school o elementarya, apat
na taon sa junior high school at dalawang taon sa senior high school, grade 11 at 12.
Ano ano ang magandang dulot nito? Kung iyong tatanungin, ang dagdag na dalawang tao sa high school
bago magkolehiyo ay matutulungan ang mga estudyante na malinang pa lalo ang mga kursong nais nilang
tahakin sa kolehiyo. Magagawa rin nila itong mapaghandaan at hindi mabigla sa mga pagbabago na kanilang
kakaharapin pagpasok ng kolehiyo. Ang karagdagang dalawang taon na ito ay may layunin rin na mapataas ang
kalidad ng edukasyon ng mga mag aaral at maari ring paunlarin ang ekonomiya ng ating bansa. Ang mga mag
aaral ay kadalasan hindi pa sigurado sa mga kurdong balak nilang kunin kaya kung minsan ay umaasa na
lamang sila sa kung saan sa tingin nila ay madali, o kaya naman kung ano ang nais ng kanilang magulang o ang
kurso na kung saan naroon ang kanilang mga kaibigan. Sa dalawang taon na ito ay matutulungan silang
mahanap ang kursong para talaga sa kanila at hindi nila pagsisisihan. Layunin ng K to 12 ang mapaghanda ang
mga mag aaral sa kanilang mga balak tahakin na trabaho, karagdagan pa rito ay ang edad ng mga estudyante
kapag nakatapos sila ng K to 12 ay nasa edad na 18 na sila na kung saan maari na silang magtrabaho sa larangan
ng kanilang mga kinuhang kurso, ngunit sa ilang establisyimento lamang ata naaapply. Ngunit mayroon rin
itong mga hindi mabuting epekto katulad ng ito ay makakapandagdag ng dalawang taon na gastusin ng mga
magulang na kung saan hindi lahat ng mag aaral at magulang ay kayang tustusan ang mga pangangailangan sa
eskwelahan ng bata. Pangalawa ay ang mababang sahod ng mga guro, mga iprastrakturang gagamitin para pag
ganapan ng klase ng mga mag aaral.
Marami man itong magandang maidudulot ay samut saring sakripisyo naman ang kapalit ng bagong
patakaran/batas na ito patungkol sa edukasyon. Hindi man magiging madali ang hakbang na ito para sa lahat
lalo na sa mga estudyante ay wala ng magagawa sapagkat ito’y matagal ng naaprubahan at ang tanging
magagawa na lang ay ang pagsikapan ang pag aaral upang masigurong hindi masasayang ang perang
pinaghirapang ipunin ng ating mga magulang na siyang ginagastos natin sa ating pag aaral. At upang
mapaghandaan ang kinabukasan ng bawat isa ay kinakailangan nating mag aral ng mabuti.

You might also like