Professional Documents
Culture Documents
Aralpan8 Q3 M2 W2 3
Aralpan8 Q3 M2 W2 3
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 2
(Week 2-3)
Unang Yugto ng
Imperyalismong Kanluranin
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 2 (Week 2-3): Unang Yugto ng Imperyalismong
Kanluranin
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon-Region VII
Division of Lapu-Lapu City
Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City Tel #: (032) 410-4525
Email: oliver.tuburan@deped.gov.
Website: http://depedlapulapu.net.ph
8
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 2
(Week 2-3)
Unang Yugto ng
Imperyalismong Kanluranin
Malugod na pagtanggap sa asignatura ng Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at
pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na
mga Gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang
makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan
at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng
modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin
ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Unang
Yugto ng Imperyalismong Kanluranin!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong
pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuhamo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
ii
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
Tuklasin
tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong
kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
Karagdagang
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin
Gawain ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.
Pagwawasto
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimut ang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mgagawain at sapag wawasto ng mga
kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang Gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasamasabahay na mas nakatatanda saiyo. Laging
itanim sa iyong isip ang hindi ka nag-iisa.
iii
Alamin
Isang maligayang pagtuntong sa Ikawalong Baitang!
Noong nasa unang aralin ka, napag-aralan mo ang tungkol sa Pag-usbong ng
Renaissance. Ngayon, mas mapalalawak pa ang iyong kaalaman ukol sa Unang Yugto ng
Imperyalismong Kanluranin. Magkakaroon ka ng interes na pag-aralan ang kasaysayang
ito dahil dito mo malalaman ang mayaman at nakamamanghang kaganapan na siyang may
malaking kontribusyon sa ating kasalukuyan.
Ang modyul na ito ay makatutulong sa iyo upang ikaw ay magkaroon ng kaalaman
tungkol sa dahilan, pangyayari at epekto ng Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin.
Magiging mahalaga sa iyo ang pagkatuto mo sa paksang ito dahil dito mo mabibigyang-
pansin ang mga kaganapan sa kasaysayan na siyang ugat na kasalakuyang kalagayan ng
mga bansang kanluranin at kung paano nila tayo naimpluwensiyhan sa aspetong kultural
at panlipunan.
Handa ka na ba? Tara na at lakbayin ang daan patungo sa karunungan!
Nakapaloob sa modyul na ito ang araling:
1
Subukin
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at piliin sa mga sumusunod na konsepto ang hinihingi
ng tanong. Bilugan ang titik ng napiling sagot.
1. Nagsimula noong ika-15 na siglo ang dakilang panahon ng eksplorasyon na nagbigay-
daan sa Imperyalismong Kanluranin. Hindi sana maisasakatuparan ang paglakakbay ng
mga Europeo sa malalawak na karagatan noong ika-15 na siglo kung hindi dahil sa iba’t-
ibang salik. Alin sa mga sumusunod ang hindi naging salik nito?
A. Pagsuporta ng mga monarkiya
B. Pagiging mausisa na dulot ng Renaissance
C. Pagpapaunlad sa mga instrumentong panglakbay
D. Para gastusin ang kayamanang umaapaw
2. Sa Asya ay isa nang kaakit-akit na lugar para sa mga Europeo. Bagama’t ang kanilang
kaalaman tungkol sa Asya ay limitado lamang at hango lamang sa mga tala ng mga
manlalakbay na sina ____________ at _____________?
A. Christopher Columbus at Ferdinand Magellan
B. Marco Polo at Ibn Battuta
C. Marco Polo at Christopher
D. Ibn Battuta at Ferdinand Magellan
7. Sa pagpasok ng ika-17 na siglo, napalitan ng mga Dutch ang mga Portuguese bilang
pangunahing bansang kolonyal sa Asya. Inagaw nila ang Moluccas mula sa Portugal at
nagtatag ng bagong sistemang plantasyon. Nagkaroon din ng mga kolonya ang mga
Dutch sa North America. Sino ang nanguna na isang English na manlalayag?
A. Herry Hudson C. Henry Hudson
B. Herry Johnson D. Henry Johnson
10. Si Prinsepe Henry, ay anak ni Haring Juan ng Portugal, ang naging pangunahing
tagapagtaguyod ng mga paglalayag sa pamamagitan ng pag-aanyaya ng mga
mandaragat. Siya ay tagagawa ng mapa, matematisyan, astrologo at mag-aaral ng
siyensya ng nabigasyon sa bansa. Anong pangalan ang kinabit sa kanya?
A. The Boater C. The Philosopher
B. The Navigator D. The Great
3
Balikan
Panuto: Basahin ang mga katanungan at hanapin ang konseptong nauugnay o
nagpapakahulugan nito sa pamamagitan ng mga pinagsama-sama mga letra na makikita
sa ibaba.
A R E G I D G L O R
S E E B N E R Y E E
S P A T T E D P I N
P O K S A H O S T A
C R H A G R O K O I
V M O B T E N T M S
K A Y T G O S K Y S
L S U R E R E A L A
M Y U O A R E M Y N
N O T I O K I T Y C
B N R A E U R O P E
P R O T E S T A N T
Tuklasin
Gawain sa Pagkatuto Blg.1: TAYO AY MANLAYAG!
Panuto: Alamin ang bawat pahayag, salita o ideya kung ito ba ay inilalarawan ng mga
kategorya na makikita sa ibaba. Isulat lamang ang titik na siyang maiuugnay sa katapat
nitong kategorya.
A – Motibo ng Eksplorasyon D – Mga Kasunduang Eksplorasyon
B – Salik ng Eksplorasyon E – Epekto ng Eksplorasyon
C – Mga Tanyag na Eksplorador
___1. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
___2. Si Vasco De Gama ay nakarating sa Cape of Good Hope noong 1498 at unang
Europeong nakarating sa India sa pamamagitang ng paglalakbay sa dagat.
___3. Limitadong Kaalaman ng mga Kanluranin sa Asya.
4
___4. Nagkasundo ang Portugal at Spain na baguhin at ilayo ang pakanluran ang line of
demarcation.
___5. Nagbigay-daan sa malawakang pagkakatuklas sa mga lupaing hindi pa
nagagalugad at nagpalakas sa ugnayan ng silangan at kanluran.
___6. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo (God).
___7. Nagkaroon ng pag-unlad sa paggawa ng mga sasakyan pandagat tulad ng caravel
at instrumentong pangnabigasyon tulad ng compass at astrolabe.
___8. Dutch East India Company ang naging dahilan kung bakit mas tumagal pa ang
pananakop mga Dutch sa Asya kaysa sa America.
___9. Naghangad ng mga pagkaing pampalasa tulad ng paminta, luya at cinammon na
tinatawag na spices
___10. Ferdinand Magellan ay isang Portuges na ang paglalakbay ay pinondohan ng
Spain taong 1519 nang nagsimula ang kanyang ekspedisyon. Natagpuan niya
ang South America o Brazil.
Suriin
Gawain sa Pagkatuto Blg.2: PALUPITAN TOH!
Panuto: Basahin mabuti ang bawat salita at sagutan ang gawain.
Marco Polo at Ibn Battuta: Dapat magpasalamat ang mga taga Kanluranin sa amin
sapagkat kami ang dahilan kung bakit napunan ang kanilang konting kaalaman tungkol
sa Asya.
Prinsepe Henry: Ako ay tinaguriang “The Navigator” dahil ako ang nagturo ng tamang
paraan kung paano ang maglayag.
Pope Alexander VI: Ako naman ang namagitan sa dalawang bansang nag-aagawan
ng teritoryo. Inilunsad ko ang line of demarcation.
5
2. Ano ang naramdaman mo pagkatapos basahin ang teksto?
Pagyamanin
Gawain sa Pagkatuto Blg.3: PAHALAGAHAN MO AKO!
Panuto: Gumawa ng isang sanaysay na ayon sa ibinigay na tema.
6
Isaisip
Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
Salik sa Eksplorasyon
Peking ay nasa Bejing,
China.
Ang Samarkand ay isang
1. Mga Unang Ruta ng Kalakalan lungsod sa timog-
a. Hilagang Ruta silangan ng Uzbekistan.
Peking->Disyerto ng Gitnang Asya->Samarkand Ang Bukhara ay ang
at Bukhara ikalimang
b. Panggitnang Ruta pinakamalaking lungsod
India->Persian Gulf->Damascus sa Uzbekistan
c. Timog na Ruta
Indian Ocean->Arabia->Red Sea->Egypt
3. Kayamanan
-Naghangad ng mga pagkaing pampalasa tulad ng paminta, luya at cinammon na
tinatawag na spices
-Dahil sa patakarang Merkantilismo na nagnanais na magkaroon ng mariming ginto at
pilak
4. Pagpapaunlad ng Teknolohiya
-Nagkaroon ng pag-unlad sa paggawa ng mga sasakyan pandagat tulad ng caravel at
instrumentong pangnabigasyon tulad ng compass at astrolabe.
7
Compass ay nagbibigay ng
tamang direksyon
Astrolabe para malaman
ang layo ng barko mula
ekwador at latitude sa
pagtingin ng araw at bituin.
https://www.slideshare.net/campollo2des/unang-yugto-ng-
imperyalismong-kanluranin-82895132
Si Prinsipe Henry ang naging inspirasyon ng mga manlalayag dahil siya ang
nag-anyaya sa mga dalubhasang mandaragat na magturo ng tamang paraan sa
paglalayag.
8
Pope Alexander VI- naglabas ng papal bull na naghahati sa lupaing maaaring tuklasin
ng Portugal and Spain. Noong 1493, gumuhit ng line of demarcation, isang hindi
nakikitang linya mula sa gitna ng Atlantiko tungo sa Hilagang Pola hanggang sa
Timugang Pola.
Dutch - pumalit sa mga Portuges bilang pangunahing bansang kolonyal sa Asya noong
ika-17 ng siglo.
-Inagaw nila ang Moluccas mula sa Portugal at nagtatag ng bagong sistemang
plantasyon kung saan ang mga lupain ay pinatamnan ng mga halamang
mabili sa pamilihan.
Dutch East India Company - dahilang kung bakit mas tumagal pa ang pananakop
mga Dutch sa Asya kaysa sa America.
-Ilog Hudson - pinangalan galing ni Henry Hudson na matatagpuan sa
Manhattan, USA
-Nagtatag ng pamayahan sa Africa sa pamamagitan ng
Boers(magsasakang nanirahan sa Cape of Good Hope)
9
Isagawa
Gawain sa Pagkatuto Blg.4: PAHALAGAHAN MO AKO!
Panuto: Kumpletuhin ang mga pangungusap at magbigay ng dalawa o higit pang
pangungusap na naaayon nito.
3. Bilang isang Junior High School na mag-aaral, paano mo magagamit ang pagkakaroon
ng kaalaman tungkol sa gawain na ginawa?
10
Tayahin
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at piliin sa mga sumusunod na konsepto
ang hinihingi ng tanong. Bilugan ang titik ng iyong mga napiling sagot.
4. Maraming paraan para mapanatili ang mabuting ugnayan ng mga tagasunod ng iba’t-
ibang relihiyon sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang paniniwala. Anong relihiyon ang
pinalaganap sa panahon ng Imperyalisasyon?
A. Budhismo C. Kristiyanismo
B. Muslim D. Politismo
5. Sa Asya ay isa nang kaakit-akit na lugar para sa mga Europeo. Bagama’t ang kanilang
kaalaman tungkol sa Asya ay limitado lamang at hango lamang sa mga tala ng mga
manlalakbay na si Marco Polo. Anong aklat ang naging tanyag sa buong mundo?
A. The Travels of Ibn Battuta C. Ibn Battuta Travels
B. The Travels of Marco Polo D. MArco Polo Travels
6. Noong 1943 ay nagkaroon ng line of demarcation na isang hindi nakikitang linya mula sa
gitnang Atlantiko tungo sa Hilagang Polo hangang sa Timugang Pola. Ito ay inilunsad ni?
A. Christopher COlumbus C. Pope ALexander VI
B. Ferdinand Magellan D. Pope ALexander VII
10. Nagsimula noong ika-15 na siglo ang dakilang panahon ng eksplorasyon na nagbigay-
daan sa Imperyalismong Kanluranin. Hindi sana maisasakatuparan ang paglakakbay ng
mga Europeo sa malalawak na karagatan noong ika-15 na siglo kung hindi dahil sa iba’t-
ibang salik. Alin sa mga sumusunod ang hindi naging salik nito?
A. Pagsuporta ng mga monarkiya
B. Pagiging mausisa na dulot ng Renaissance
C. Pagpapaunlad sa mga instrumentong panglakbay
D. Para gastusin ang kayamanang umaapaw
Karagdagang Gawain
Gawain sa Pagkatuto Blg.7: ENTRANCE AND EXIT SLIP!
Panuto: Punan ng matapat na sagot ang entrance at exit slip. Sa pagkakataong ito
inaasahan na masasagot mo nang wasto ang gawain.
12
Susi sa Pagwawasto
vary
8. B Amswer may 8. D
7. D 7. C
6. C Gawain 2 6. A
5. B 5. Repormasyon 5. B
isaisip)
4. C (pagbasehan sa
4. Europe 4. B
3. C In any order 3. Boutgeousie 3. A
2. C vary vary 2. Protestant 2. B
1. A Answer may Answer may Gawain 1 1. Renaissance 1. D
Sanggunian
Books
Blando, Rosemarie C. et. Al. Kasaysayan ng Daigdig: Araling Panlipunan-Modyul ng Mag-
aaral. Pasig City, Vibal Group Inc. 2014
Images
https://www.slideshare.net/campollo2des/unang-yugto-ng- imperyalismong-kanluranin-
82895132
Department of Education
13