Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Ang Kalinga-Apayao ay isang dating lalawigan ng Pilipinas sa Rehiyong Administratibo ng

Cordillera sa pulo ng Luzon. Nahati ito sa dalawang Lalawigan ng Kalinga at Apayao sa


pagkapasa ng Batas Republika bilang 7878 noong Pebrero 14 taong 1995. Inamyendahan nito
ang naunan nang Batas Republika bilang 4695 na naipasa noon Hunyo 18 taong 1966 na
nagbuo sa Lalawigan ng Kalinga-Apayao, Benguet, Ifugao, at Mountain Province mula sa nauna
nang Mountain Province.

Ang Rehiyong Administratibo ng Cordillera[1] (Ingles: Cordillera Administrative


Region, CAR) ay isang rehiyon ng Pilipinas na matatagpuan sa hilagang Luzon na binubuo ng
mga lalawigan ng Benguet, Ifugao, at Mountain Province. Sakop ng rehiyon ang halos lahat ng
lupain ng Kabundukan ng Cordillera, ang pinakamataas na bulubundukin sa Pilipinas. Ito lamang
ang rehiyon sa Pilipinas na hindi napaliligiran ng tubig. Ang rehiyong ito ang tirahan ng mga
katutubong tribong tinatawag na Igorot.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang wikitext]


Noong 18 Hunyo 1966, naisabatas ang Republic Act No. 4695[2] na naghahati sa Mountain
Province sa apat na magkakahiwalay na mga lalawigan, ang Benguet, Mountain
Province, Ifugao at Kalinga-Apayao.
Bago nabuo ang Rehiyon Pampangasiwaan ng Cordillera, ang apat na lalawigan,
ang Benguet, Mountain Province, Ifugao at Kalinga-Apayao ay bahagi ng Lambak ng Cagayan,
samantalang ang Abra ay nakapangkat sa Ilocos.
Noong 15 Hulyo 1987, iniutos ni Pangulong Corazon C. Aquino ang Executive Order No. 220 na
lilikha sa Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera, na kinabibilangan ng Mountain
Province, Benguet, Ifugao, Kalinga-Apayao at isinama ang lalawigan ng Abra bilang bahagi nito.
Noong 14 Pebrero 1995, ang lalawigan ng Kalinga-Apayao, isa sa limang lalawigan ng rehiyon
ay hinati sa dalawang magkahiwalay na lalawigan, ang Apayao at Kalinga.[2]

Ang solong Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Benguet ang kinatawan


ng lalawigan ng Benguet sa mababang kapulungan ng Pilipinas.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang wikitext]


Unang nabigyan ng representasyon ang noo'y sub-province ng Benguet na bahagi ng
dating Mountain Province noong 1917 sa bisa ng Kautusan Blg. 2711 (Revised Administrative
Code). Nagtalaga ang Gobernador-Heneral ng tatlong assemblymen at-large na kinatawan ng
Mountain Province sa mababang kapulungan.
Nagsimulang maghalal ng kinatawan ang Mountain Province kasama ang Benguet noon lamang
1935 sa bisa ng Kautusan Blg. 4203. Ang sub-province ay bahagi ng kinakatawan ng ikalawang
distrito ng Mountain Province, kung saan kabilang rin ang Lungsod ng Baguio.
Noong panahon ng Ikalawang Republika, nagpadala ang noo'y Mountain Province ng dalawang
assemblymen at-large sa Kapulungang Pambansa. Bilang nakakartang lungsod, may sariling
representasyon ang Baguio. Nang manumbalik ang Komonwelt, ibinalik ang lungsod
sa ikalawang distrito ng Mountain Province.
Sa pamamagitan ng Batas Pambansa Blg. 4695 na naaprubahan noong Hunyo 18, 1966, naging
ganap na lalawigan ang Benguet. Ayon sa Seksiyon 10 ng batas, naging bahagi ng solong
distrito ng lalawigan ang Baguio na nagsimulang maghalal ng kinatawan noong eleksyon 1969.
Bahagi ito ng kinakatawan ng Rehiyon I sa Pansamantalang Batasang Pambansa, mula 1978
hanggang 1984. Mula 1984 hanggang 1986, nagpadala ng isang assemblyman at-large ang
lalawigan sa Regular Batasang Pambansa. Nagpadala ng sariling kinatawan ang Baguio.
Sa ilalim ng bagong Konstitusyon, muling ipinangkat ang Baguio sa Benguet na nirepresentahan
bilang unang distrito ng lalawigan mula 1987 hanggang 1992.
Mula 1992, hiniwalay ang Baguio mula sa Benguet at nabigyan muli ng sariling distrito. Mula
dalawa, nabawasan sa isa ang distrito ng lalawigan.

 1521:
o Marso 16 - Dumating at natuklasan ni Ferdinand Magellan ang Pilipinas;
dumaong sa Samar; inangkin ang mga isla para sa Espanya.
o Marso 31 - Idinaos ang kauna-unahang misa sa Isla Limasawa.
o Abril 27 - Labanan sa Mactan; napatay si Magellan ng mga tauhan
ni Lapu-Lapu.
 1542
o Nobyembre 1 - Ipinangalan ni Ruy López de Villalobos ang
arkipelagong Felipinas kay Haring Felipe II ng Espanya.
 1543 - Pinangalanan ni Ruy López de Villalobos ang mga pulo na Las Islas Filipinas.
 1565:
o Pebrero 18 - Dumaong si Miguel López de Legazpi sa isla ng Samar at
sinakop ito para sa Espanya.
o Itinatag ni Miguel López de Legazpi ang unang permanenteng
pamayanang Espanyol sa bansa.
 1570 - Sinakop ang Maynila at ginawang isang lungsod ng Espanya.
 1571:
o Mayo 19 - Tinalo ni Legazpi si Rajah Sulayman; inangkin niya
ang Maynila para sa Espanya.

1600s[baguhin | baguhin ang wikitext]


 1611 - Itinatag ang Unibersidad ng Santo Tomas.
 1647:
o Hunyo 10 - Nilusob ng mga barkong Olandes ang Cavite; kalaunan ay
tinalo ng mga Espanyol.

1700s[baguhin | baguhin ang wikitext]


 1762:
o Oktubre 4 - Kinubkob ng mga pwersang Briton ang Intramuros (Walled
City); kalaunan ay muli itong nakuha ng mga Espanyol.
o Kinuha ng British East India Company ang Maynila.
 1763 - Ibinalik ng Kasunduan sa Paris ang Maynila sa Espanya.

1800s[baguhin | baguhin ang wikitext]


 1821 - Naging lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.

José Rizal (1861-1896)


 1861:
o Hunyo 19 - Isinilang si José Rizal sa Calamba, Laguna. Kalaunan ay
idedeklara siyang Pambansang Bayani ng Pilipinas.

Andrés Bonifacio (1863-1897)

 1863:
o Nobyembre 30 - Isinilang si Andres Bonifacio sa Maynila.
 1872:
o Pebrero 17 - Binitay ang tatlong paring sina Jose Burgos, Mariano
Gomez at Jacinto Zamora, sa Bagumbayan.

Bandila ng Katipunan.

 1892 - Itinatag ni Andres Bonifacio ang Katipunan.

Pagbitay kay Rizal, taong 1896.

 1896:
o Agosto 23 - Nagpulong ang mga Katipunero, sa pamumuno ni Andres
Bonifacio, sa Pugad Lawin sa Balintawak at pinunit ang kanulang mga
sedula bilang paglaban sa otoridad na Espanyol.
o Disyembre 30 - Binitay si José Rizal sa Bagumbayan.
 1897:
o Mayo 10 - Binitay si Andrés Bonifacio sa Bundok Buntis sa Maragondon,
Cavite ng mga tauhan ni Emilio Aguinaldo.
o Nobyembre 1 - Itinatag ni Emilio Aguinaldo at ng mga kasama
ang Republika ng Biak-na-Bato.
o Disyembre 14 - Nilagdaan ng pamahalaang rebolusyonaryo, na
pinamunuan ni Emilio Aguinaldo, ang isang kasunduang
pangkapayapaan kasama ang pamahalaan ng Espanya. Nagpunta si
Aguinaldo sa Hong Kong.
Anyo ng watawat na iwinagayway sa Kawit, Cavite noong ika-12 ng

Hunyo, 1898. Opisyal na kopya-burador ng Pagpapahayag ng


Kasarinlan, taong 1898

 1898:
o Abril 26 - Nagdeklara ng digmaaan laban sa isa't isa ang Estados
Unidos at Espanya dahil sa kontrol sa Pilipinas, Cuba, Guam at Puerto
Rico.
o Hunyo 12 - Ipinahayag ni Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng
Pilipinas mula sa Espanya na sumakop sa loob ng 333 taon.
o Disyembre 10 - Inilipat ng nilagdaang Kasunduan sa Paris ang kontrol ng
Pilipinas mula Espanya sa Estados Unidos. Nakuha ng una ang Pilipinas
mula sa huli sa halagang US$20-milyon.
 1899:
o Enero 23 - Pinasinayaan ang Unang Republika ng Pilipinas sa Malolos,
Bulacan.
o Pebrero 5 - Nagdeklara si Pangulo Emilio Aguinaldo ng Unang Republika
ng Pilipinas, ng digmaan laban sa Estados Unidos.
o Abril 11 - Ibinigay ng Espanya ang Pilipinas sa Estados Unidos sa bisa
ng Kasunduan sa Paris; ibinenta sa halagang US$20-milyon.
o Mayo 6 - Idinaos ang kauna-unahang halalang munisipal sa Baliuag,
Bulacan sa ilalim ng superbisyon ng Amerika.

 1901:
o Marso 23 - Sumuko si Pangulo Emilio Aguinaldo sa mga pwersang
Amerikano sa Palanan, Isabela; kalaunan ay nanumpa ng katapatan sa
mga Amerikano.
o Hulyo 4 - Si William Howard Taft ay naging kauna-unahang Amerikanong
gobernador-sibil ng bansa.
o Agosto 23 - Dumating ang Amerikanong barkong Thomas, lulan ang 600
na mga Amerikanong guro, sa Maynila. Ang mga gurong ito ay tinawag
kalaunan na Thomasites.
o Setyembre 29 - Iniutos ng isang Amerikanong heneral sa kanyang mga
sundalo na "barilin ang sinumang kumilos" sa tinagurian ngayong
masaker sa Balangiga sa Samar.
 1913:
o Mayo 1 - Ipinagdiwang sa bansa ang kauna-unahang Araw ng Paggawa.
Manuel L. Quezon (1878-1944)

 1935:
o Mayo 14 - Niratipika ng mga Pilipino ang Saligang Batas ng 1935.
o Itinatag ang Komonwelt ng Pilipinas.
 1937:
o Abril 30 - Nagwagi ang kababaihang Pilipino sa isang plebisito sa
karapatan nilang bumoto.
o Disyembre 30 - Idineklara ni Pangulo Manuel L. Quezon ang Tagalog na
batayan ng wikang pambansa.

Sinalakay pa rin ng Imperyo ng Hapon ang Maynila sa kabila ng


deklarasyon nito bilang open city noong taong 1941

 1941:
o Disyembre 10 - Nilusob ng mga pwersang Hapones ang Maynila.
o Sinalakay at sinakop ng Hapon ang Pilipinas noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
 1942:
o Enero 2 - Sinakop ng mga Hapones ang Lungsod ng Maynila.
o Marso 11 - Tumakas si Heneral Douglas MacArthur mula sa Pilipinas;
sumumpang babalik.
o Marso 29 - Itinatag ni Luis Taruc ang Hukbo ng Bayan Laban sa
Hapon (Hukbalahap), isang tagong samahang gerilya.
o Abril 9 - Bumagsak ang Bataan sa mga pwersang Hapones.
o Mayo 6 - Sumuko sa mga pwersang Hapones ang mga pwersang
Amerikano at Pilipino sa Isla Corregidor.
Labanan sa Golpo ng Leyte, taong 1944.

 1944:
o Oktubre 20 - Bumalik si Heneral Douglas MacArthur sa Pilipinas sa
pagdating sa Palo, Leyte.
o Nabawi ng Estados Unidos ang Pilipinas sa Hapon.

Muling nakuha ng mga Amerikano ang Corregidor sa labanan

upang mabawi ang Pilipinas, taong 1945. Seremonya ng kalayaan


noong ika-4 ng Hulyo, 1946

 1946:
o Hulyo 4 - Ipinagkaloob ng Estados Unidos ang buong kalayaan sa
Pilipinas.
 1951:
o Agosto 30 - Inaprubahan ang RP-US Mutual Defense Treaty sa ilalim ng
administrasyong Quirino.
 1967:
o Agosto 8 - Itinatag ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN),
kasama ang Pilipinas sa mga unang kasapi nito.
 1971:
o Agosto 21 - Ginambala ng isang pagsabog ang pagtitipon ng mga
pulitiko ng Partido Liberal sa Plaza Miranda sa Quiapo, Maynila.
Ipinahayag ni Pangulo Marcos ang batas militar sa buong bansa
(epektibo 1972-1981), batay sa ulo-ng-balita ng Panlinggong edisyon ng Philippine Daily
Express, isyu noong ika-24 ng Setyembre, 1972

 1972:
o Setyembre 21 - Idineklara ni Pangulo Ferdinand Marcos ang batas
militar.
 1981:
o Enero 17 - Inalis ang batas militar.
 1983:
o Agosto 21 - Sa kanyang pagbabalik mula sa exile sa Estados Unidos,
pinaslang si Benigno Aquino, Jr. sa paliparan ng napaulat na si Rolando
Galman.
 1986:
o Pebrero 22-26 - Inilunsad ng publiko ang Rebolusyong EDSA na
nagpababa sa tungkulin kay Pangulo Marcos; naging pangulo si Corazon
Aquino.
 1991 - Tinanggihan ng Senado ang pagpapanibago ng mga base militar ng Estados
Unidos sa Pilipinas.
 1992 - Pangkalahatang halalan sa Pilipinas, 1992 (nahalal si Fidel V. Ramos).
 1998 - Pangkalahatang halalan sa Pilipinas, 1998 (nahalal si Joseph Estrada).

2000s[baguhin | baguhin ang wikitext]


 2001:
o Enero 20 - Sa pamamagitan ng Rebolusyong EDSA II nilahukan ng
militar, pinalitan si Pangulo Joseph Estrada ni Ikalawang Pangulo
si Gloria Macapagal-Arroyo.
o Mayo 1 - Sinalakay ng nasa 20,000 mga tagasuporta ng napatalsik na
Pangulo Joseph Estrada ang Palasyo ng Malakanyang, sa tiagurian
ngayong isang rebelyon ng mga tao, ngunit iginiit nilang isa itong
malawakang himagsikan kasunod ng katulad na mga pangyayari sa
EDSA sa nakalipas.
 2003 - Himagsikan sa Oakwood.
 2004 - Pangkalahatang halalan sa Pilipinas, 2004 (muling nahalal si Gloria
Macapagal-Arroyo).
LINK:

Karagdagang kronolohiya[baguhin | baguhin ang wikitext]


 Ene. 1 - Bagong Taon, isang pagdiriwang sa Pilipinas; nagsisimula ito sa gabi ng
Dis. 31.
 Ngayon, matapos ibalik ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Hun. 12, sa halip
ang Hul. 4 ay ipinagdiriwang bilang Araw ng Pakikipagkaibigang Pilipino-Amerikano.
 Ago. - Pambansang Araw ng mga Bayani, isang pista opisyal sa Pilipinas.
 Nob. 1 - Isang paggunita; ang Todos los Santos kung saan karamihang mga
Katolikong Pilipino ay nagbibigay-respeto sa mga yumaong kaanak.
 Dis. 25 - Araw ng Pasko
 Dis. 30 - Ang araw na ito ay taunang ginugunita at isang pista opisyal.
Maikling kronolohiya[baguhin | baguhin ang wikitext]

Maikling kronolohiya ng kasaysayan ng Pilipinas

Siglo Buod Kaganapan

 Pinaniniwalaang nagsimula
ang kasaysayan ng Pilipinas sa
pagdating ng mga unang tao
Bago ang Panahon bago gamit ang mga bangka mahigit
ika-9 maitala ang sa 67,000 taon na ang
kasaysayan nakaraan, sang-ayon sa
(hanggang 900) pagkakatuklas sa Taong
Callao noong taong 2007.
801–  Ang naitalang kasaysayan ng
900 Pilipinas ay nagsimula sa
pagkalikha ng Inskripsyon sa
Binatbat na Tanso ng
Laguna (LCI) noong taong 900,
Sinaunang ang unang nakasulat-na-
panahon at dokumento na natuklasan sa
Ika isang sinaunang wika ng
-9 panahon bago
900 ang Pilipinas.
pananakop  Ang petsang Abril 21, 900 ang
(hanggang kasalukuyang hangganan sa
1565) pagitan ng panahong di-
Panahon ng nasusulat at sinaunang
sinaunang nasusulat na kasaysayan ng
kasaysayan Pilipinas.
Ika-10 (900–1565)
Ika-11
Ika-12
Ika-13
Ika-14
Ika-15
1501–
1565  1521: Pagdating ni Ferdinand
Ika
Magellan, isang manlalakbay
-16 1565– Panahon ng Panahon ng na Portugues, sa Pilipinas.
1600 pananakop pamamahala ng
(1565–1946) mga Espanyol
Ika-17
(1565–1898)
Ika-18
1801–  1898: Himagsikang Pilipino;
1898 nagwakas ang panahon ng
pananakop sa Pilipinas bilang
kolonya ng Imperyong Kastila.
 1898: Sumiklab ang Digmaang
Espanyol-Amerikano noong
Ika Abril.
-19 1898–  1898: Nilagdaan ang Tratado
Panahon ng
1900 ng Paris noong Disyembre 10;
pamamahala ng
ibinigay ng Espanya ang
mga Amerikano
Pilipinas sa Estados Unidos,
(1898–1946)
nagpasimula sa panahon ng
pananakop ng huli.
 1899–1901: Unang Republika
1901–  1935–1946: Komonwelt ng
1946 Pilipinas
Ikatlong  1943–1945: Ikalawang
Republika bago Republika
ang  1946: Pagkilala sa kalayaan ng
1946– Pilipinas
Administrasyon
1965  1946–1973: Ikatlong Republika;
ni Pangulo
Marcos (1946– nagwakas sa pagtibay
1965) ng Saligang Batas ng
Pilipinas ng 1973 noong Enero
Administrasyon
17, 1973.
1965– ni Pangulo
 1965: Katapusan ng
1986 Marcos (1965–
administrasyon ni
1986)
Panahon Pangulo Diosdado Macapagal
Ika pagkatapos ng  1965: Simula ng
-20 pananakop: administrasyon ni
Simula sa Pangulo Ferdinand Marcos
panahong  1972: Isinailalim ang bansa
malaya ng sa batas militar
Pilipinas,  1981: Inalis sa bansa ang batas
taong 1946. militar
1986– Kasalukuyang  1981–1986: Ika-apat na
2000 panahon (mula Republika
taong 1986)  1986: Katapusan ng
administrasyon ni
Pangulo Ferdinand Marcos
 1986: Himagsikang Lakas ng
Bayan
 1987: Simula ng Ikalimang
Republika
Ika-21

Kronolohiya 1[baguhin | baguhin ang wikitext]


PREHISTORY

 30,000 B.C. - Nanirahan ang mga ninuno ng Negrito sa Pilipinas.


 3,000 B.C. - Dumating ang mga Austronesian sa arkipelago sa pamamagitan ng
mga bangka.
BEFORE 16th CENTURY
 1250 - Pagdating ng mga datu mula sa Borneo.
 1450 - Dumating ang mga Islamikong misyonero sa kapuluan ng Sulu.
16th CENTURY

 1515 - Ipinakilala ang Islam sa Mindanao.


 1521 - Dumating si Ferdinand Magellan sa Pilipinas at inangkin ang arkipelago para
sa Espanya.
 1543 - Tinawag ni Ruy López de Villalobos ang kapuluan na Las Islas Filipinas.
 1565 - Itinatag ni Miguel López de Legazpi ang kauna-unahang permanenteng
pamayanang Espanyol sa Pilipinas, kalaunan ay Lungsod ng Cebu.
 1570 - Sinakop ng mga Espanyol ang Maynila.
 1595 - Itinatag ang Unibersidad ng San Carlos bilang Colegio de San Ildefonso.
17th CENTURY

 1611 - Itinatag ang Unibersidad ng Santo Tomas.


 1647 - Kinubkob ng mga Olandes ang Cavite sa Labanan sa Puerto de Cavite.
18th CENTURY

 1743 - Nakuha ni George Anson, namuno sa Britong barkong Centurion,


ang Nuestra Señora de la Covadonga sa Galeon ng Maynila.
 1745 - Sumiklab ang mga pag-aalsa sa mga lalawigan
ng Bulacan, Batangas, Laguna at Cavite.
 1762 - Nanalo ang mga Briton sa Labanan sa Maynila at nakuha nila ang Maynila.
 1764 - Naibalik ang Maynila sa Espanya sa bisa ng 1763 Kasunduan sa Paris.
 1763 - Ipinatapon ang mga Intsik mula sa Pilipinas at ang imigrasyon ay naging
posible muli para sa kanila noong 1840.
 1768 - Pinaalis ang mga Heswita sa Pilipinas.
19th CENTURY

 1821 - Naging isang lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.


 1872 - Napigilan ang himagsikan ng 200 mga sundalong Pilipino sa Lungsod ng
Cavite.
 1872 - Itinuring na sangkot sa Pag-aaklas sa Cavite ang mga paring sina Mariano
Gomez, José Burgos at Jacinto Zamora (magkasamang kilala bilang Gomburza) at
binitay.
 1892 - Itinatag ni Graciano Lopez Jaena ang La Solidaridad.
 1892 - Pinangunahan ni Andres Bonifacio ang kilusan ng armadong paglaban
na Katipunan.
 1896 - Si José Rizal ay inakusahan ng pag-uudyok sa rebelyon at siya ay binitay.
 1896 - Naging bagong pinuno ng Pilipinong kilusang paglaban si Heneral Emilio
Aguinaldo at pinamunuan niya ang himagsikang Pilipino.
 1897 - Natapos ang Kasunduan sa Biak-na-Bato. Ang mga pinuno ng kilusang
rebolusyonaryo ay kusang nagpatapon sa Hong Kong.
 1898 - Idineklara ni Emilio Aguinaldo ang Pilipinas na malaya.
 1898 - Sumailalim ang Pilipinas sa pamamahalang Amerikano sa pamamagitan
ng Kasunduan sa Paris ng 1898.
20th CENTURY

 1907 - Nagpulong ang unang Kapulungang Pilipino.


 1916 - Pinagtibay ang Batas Jones sa Estados Unidos. Ang batas na ito ay nagbigay
sa Pilipinas ng karapatang gumawa ng sariling batas.
 1916 - Ang Asembleya Filipino ay naging Kapulungan ng mga Kinatawan.
Karagdagan pa, nilikha ang Senado.
 1934 - Inaprubahan ang Batas Tydings-McDuffie, na nagbigay-daan tungo sa
kalayaan ng Pilipinas.
 1935 - Nilikha ang Komonwelt ng Pilipinas.
 1935 - Nahalal na pangulo si Manuel Quezon.
 1941 - Muling nahalal si Pangulo Quezon.
 1941 - Sinalakay ng Hapon ang Pilipinas at sinakop nito ang bansa sa panahon
ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
 1943 - Itinalaga ng mga Hapones si Jose Laurel na pangulo.
 1944 - Nabawi ng Estados Unidos sa Hapon ang Pilipinas.
 1946 - Nahalal na pangulo si Manuel Roxas.
 1946 - Binigyan ng Estados Unidos ang Pilipinas ng ganap na kalayaan.
 1948 - Pumanaw si Pangulo Roxas, kaya si Elpidio Quirino ang naging bagong
pangulo.
 1949 - Muling nahalal bilang pangulo si Elpidio Quirino.
 1950 - Lumahok ang Pilipinas sa Digmaang Koreano.
 1953 - Nahalal na pangulo si Ramon Magsaysay.
 1954 - Sumuko si Luis Taruc, ang pinuno ng Hukbalahap, na tumapos sa kanilang
matagalang armadong pag-aalsa.
 1957 - Nasawi si Pangulo Ramon Magsaysay sa isang plane crash sa Cebu.
 1961 - Nahalal na pangulo si Diosdado Macapagal.
 1961 - Binago ni Diosdado Macapagal ang Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12.
 1965 - Nahalal na pangulo si Ferdinand Marcos.
 1969 - Muling nahalal si Ferdinand Marcos para sa ikalawang termino.
 1972 - Inihayag ni Pangulo Marcos ang katayuan ng kagipitan.
 1978 - Unang opisyal na halalan mula noong 1969 para sa Interim Batasang
Pambansa (Pambansang Asembleya).
 1978 - Naging pansamantalang Punong Ministro ng Pilipinas si Ferdinand Marcos.
 1981 - Tinanggal na ang operasyong militar na itinakda noong 1972.
 1981 - Muling nahalal si Ferdinand Marcos para sa ikatlong termino.
 1983 - Pinaslang ang pinuno ng oposisyon na si Benigno Aquino Jr. sa kanyang pag-
uwi sa Pilipinas.
 1986 - Muling nahalal bilang pangulo si Ferdinand Marcos.
 1986 - Napilitan si Pangulo Marcos na tumakas dahil sa isang popular na pag-aalsa,
ang binansagang rebolusyong EDSA; naging bagong pangulo si Corazon Aquino.
 1991 - Tinanggihan ng Senado ang isang panukala mula sa Estados Unidos upang
mapanatili ang kanilang mga base militar sa Pilipinas nang mas matagal.
 1992 - Nahalal na pangulo si Fidel Ramos.
 1997 - Ang krisis sa pananalapi sa Asya ay tumapos sa paglago ng ekonomiya na
naranasan ng Pilipinas.
 1998 - Nahalal na pangulo si Joseph Estrada.
21st CENTURY

 2000 - Ang mga pagsisiwalat na sangkot si Pangulo Estrada sa malakihang


katiwalian ay humantong sa tangkang pagpapaalis ng Kapulungan ng mga
Kinatawan sa kanya. Ngunit hinarang ito ng mga kaalyado niya sa Senado.
 2001 - Napilitan mula sa ikalawang malawakang pag-aalsa, napatalsik si Joseph
Estrada at pinangalanang bagong pangulo si Pangalawang Pangulo Gloria
Macapagal-Arroyo.
 2004 - Muling nahalal bilang Pangulo si Gloria Macapagal-Arroyo.
 2005 - Hindi nakatanggap ng sapat na suporta sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng
Pilipinas ang panukala upang simulan ang hakbang ng pagpapaalis sa tungkulin kay
Gloria Macapagal-Arroyo.
Kronolohiya 2[baguhin | baguhin ang wikitext]
THE EARLIEST TIMES

 30th century B.C. - Narating ng mga unang tao ang lupaing saklaw ngayon ng
Pilipinas.
 12th century B.C. - Ang simula ng paninirahan sa isla.
 Ika-6 hanggang ika-10 siglo - pagpapaigting ng proseso ng paninirahan sa Pilipinas.
 Ika-10 siglo - Itinatag ang mga unang lokal na kaharian.
 Ika-10 siglo - Nagsimula ang mga taga-isla na makipagkalakalan sa populasyon ng
mga kalapit na isla at sa China.
 Huling bahagi ng ika-15 siglo - mula sa Brunei, lumitaw ang Islam sa Pilipinas.
 Sa pagitan ng 1512 at 1523 - Natuklasan ng mga Portugues ang Pilipinas.
 Mar. 17, 1521 - Dumating sa Pilipinas ang ekspedisyon ni Magellan.
 Abr. 27, 1521 - Napatay si Ferdinand Magellan sa Pilipinas.
 1542 - Naging kolonya ng Espanya ang Pilipinas.
SPANISH RULE

 1543 - Bilang karangalan ng kahalili sa trono ng Espanya na si Felipe II, binigyan ng


ekspedisyon ni Ruy López de Villalobos ang mga isla ng pangalang "Pilipinas."
 1565 - Itinatag ang unang pamayanan sa isla ng Cebu, itinatag ng ekspedisyon
ni Miguel López de Legazpi.
 1571 - Nanirahan ang mga Kastila sa nayon ng tribo sa Maynila, na naging sentro ng
pamamahala ng Espanya.
 Ika-16 siglo - Ang unti-unting pagsakop ng kapuluan ng mga Espanyol.
 Ika-17 hanggang ika-18 siglo - Panahon ng pagtaboy ng Espanya sa mga
pagtatangka upang pasukin ang Pilipinas ng iba pang mga bansa sa Europa
(pangunahin ang Inglatera at Olandiya).
 1872 - Sumiklab ang pag-aalsa kontra-Espanyol sa Lungsod ng Cavite.
 1892 - Itinatag ang mga lihim na makabayang organisasyon: Katipunan (na
naghahanap ng kalayaan ng Pilipinas) at ang La Liga Filipina (na humihingi ng mga
pagbabago mula sa Espanya).
 1896 - Sumiklab ang pag-aalsa kontra-Espanyol, sa panawagan ng pinuno ng
Katipunan na si Andres Bonifacio.
 1889 - Pinalubog ng US ang armada ng mga Espanyol sa Look ng Maynila.
 Hun. 12, 1898 - Idineklara ng mga rebolusyonaryo ang kalayaan para sa Pilipinas
(hindi kinilala ng Estados Unidos, na nakapaslang ng nasa 200,000 mga Pilipino).
 1898 - Sa ilalim ng Kasunduan sa Paris, itinatag ng Estados Unidos ang kanilang
mga pamahalaan sa kapuluan.
AMERICAN RULE

 1899 - Inihalal ng Pambansang Kapulungan ng Pilipinas si Pangulo Emilio


Aguinaldo at pinagtibay nito ang Saligang Batas.
 1920s - Nagsimulang mabuo ang unang mga unyon ng kalakalan at makakaliwang
asosasyon ng mga magsasaka sa Pilipinas.
 1934 - Binigyan ng Kongreso ng US ang Pilipinas ng awtonomya sa loob ng 10 taon.
 Dis. 7, 1941 - Sinalakay ng Hapon ang Pilipinas.
 Okt. 14, 1943 - Ipinahayag ng mga awtoridad ng Hapon ang kalayaan ng Pilipinas at
binuo nila ang isang pamahalaang sunud-sunuran.
 Okt. 1944 - Hul. 1945 - Pagpapaalis ng mga tropang Amerikano sa mga Hapones
mula sa Pilipinas.
 Hul. 1946 - Deklarasyon ng kalayaan ng Pilipinas.
INDEPENDENT PHILIPPINES

 1947 - Nilagdaan ng Estados Unidos at Pilipinas ang mga kasunduan sa mga base
at tulong militar, na gumagarantiya sa pagkakaroon ng US ng mga base sa Pilipinas
sa loob ng 99 taon (ang panahong ito ay pinaikli bunga ng kasunod na mga pag-
aayos).
 1966 - Naging pangulo ng Pilipinas si Ferdinand Marcos.
 1969 - Nilikha ang Moro National Liberation Front (MNLF), na naglalayong lumikha
ng awtonomiya para sa mga lugar na tinitirhan ng populasyon ng mga Muslim sa
mga isla ng Sulu at Mindanao.
 1969 - Muling nahirang sa tungkulin bilang pangulo si Ferdinand Marcos.
 1969 - Sinimulan ng MNLF ang mga kapanig na aktibidad, na nagresulta sa 40,000
mga biktima noong 1985.
 1972 - Ipinahayag ang katayuan ng kagipitan.
 1972 - Ipinagbawal ang partido pulitikal.
 1973 - Pinagtibay ang bagong konstitution.
 1978 - Pinaluwag ang katayuan ng kagipitan.
 1981 - Muling pinaluwag ang katayuan ng kagipitan.
 Ago. 21, 1983 - Pinaslang ang lider ng oposisyon ng Pilipinas na si Benigno Aquino.
 1983 - Bumuo ang mga grupo ng oposisyon ng isang pampulitikang alyansa sa ilalim
ng pangalang Pwersa ng Bayan.
 1984 - Idinaos ang halalan sa Pambansang Kapulungan.
 1985 - Sinimulan ng Estados Unidos ang kanilang programa ng pagtulong sa
ekonomiya at sa militar.
 1986 - Idinaos ang halalang parlyamentaryo, na napagwagian ni
Marcos. Natuklasang napalsipika ang mga resulta nito.
 1986 - Naging pangulo si Corazon Aquino, bunga ng malawakang mga welgang
panlipunan.
 Peb. 1987 - Pinagtibay ang bagong konstitusyon bunga ng reperendum.
 Agosto 1987 - Nabigo ang inilunsad na kudeta laban kay Aquino.
 Set. 28, 1989 - Namatay si Marcos habang nasa exile sa labas ng bansa.
 Nob. 1989 - Sa isang reperendum ay tinutulan ang panukalang lokal na paglahok ng
karamihan sa labintatlong mga lalawigan sa katimugang rehiyong awtonomo.
 Okt. 1990 - Nabigo ang isinagawang kudeta laban kay Aquino.
 Hunyo 1991 - Sa pagsabog ng Bundok Pinatubo ay nasawi ang 343-katao, at mula
100,000 hanggang 200,000-katao ang nawalan ng kanilang mga tahanan.
 1992 - Isinara ang mga base militar ng US sa Pilipinas.
 1992 - Naging pangulo si Fidel Ramos.
 Mayo 11, 1998 - Naging pangulo si Joseph Estrada.
 Nob. 13, 2000 - Inakusahan ng parlyamento ng Pilipinas si Joseph Estrada ng pag-
abuso sa kapangyarihan, nepotismo at katiwalian.
 2001 - Nagbitiw sa tungkulin si Joseph Estrada dahil sa mga paratang ng katiwalian,
naging pangulo si Gloria Macapagal-Arroyo.
 Hul. 2003 - Nabigo ang isinagawang kudeta laban sa pamahalaan.
 2003 - Naglunsad ang Islamikong samahang terrorista na Abu Sayyaf ng serye ng
mga pag-atake.
 Hun. 30, 2010 - Naging Pangulo si Benigno Aquino III.
 2015 - Nakatanggap ang mga rebeldeng Islamiko ng suporta mula sa ISIS at Al-
Qaeda.

You might also like