Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Samonte, Ma.

Kristella B SCPGBSU
12STEM2201 Enero 4, 2023

Panuto: Sumulat ng isang Tekstong Deskripto, ang Paksa ay patungkol sa “Karanasang hindi ko
malilimutan”

“Karanasang hindi ko malilimutan”

Mula noong ako ay bata pa, hilig ko na ang kumanta sa harap ng maraming tao. Kinahiligan ko na
ito dahil ang musika ang nagbibigay sakin ng kasiyahan ng kalayaan na maibahagi ang akin
nararamdaman ang dedikasyon sa pagkanta. Mula sa mga patimpalak na aking sinalihan, maraming
beses na rin akong nagwagi at nabigo. Ngunit, ang pinaka hindi ko malilimutan na aking naranasan ay
ang manalo sa unang patimpalak sa pagkanta na aking sinalihan. Sa mga panahon na iyon, maraming
beses akong napaluha sa kadadahilanang ako ay hirap na sa pagkanta at laging wala sa kondisyon. Ako ay
tinuturuan ng isang propesyonal na vocal coach na akig nakakasama sa anim na taon. Sa araw na ako ay
kumakanta para sa preparasyon sa nalalapit na patimpalak, tumulo ang aking luha ng biglaan dahil
nahihirapan na ako at inisip na itigil ko na lamang ito. Sa mga panahon na ito, tingin ko sa sarili ko na
parang walang magandang proseso na nangyayari. Nangmarinig ko ang mga salita mula sa bibig ng aking
vocal coach “Ano, hirap ba? Ganon talaga.”. Mas lalo akong kumuha ng determinasyon na hindi sumuko
nang marinig ko ang mga ito.

Sa oras na ang patimpalak ay nalalapit na, ako ay nakakuha ng maraming suporta mula sa aking
mga kaibigan, at pamilya. Mas inalagaan ko ang aking sarili at umiwas sa mga pagkain na matatamis. Sa
araw ng patimplak, sampung mangaawit ang aking mga nakalaban. Ako ay nakaramdam ng kaba at lamig
dahil lahat ng aking mga kalaban ay magagaling sa pagkanta. Marami sa amin ang mataggal ng umaawit
at sumasali sa mga patimpalak sa telebisyon. Ako lamang ag nagiisang bata na unang sumali mula dito.
Natapos na ang lahat, maraming tao ang pumalakpak mula sa akin. Sa pagsasabi na ng mga nanalo, ako
ay nakatanggap ng pangunang placer na trophy mula sa mayor ng Dasmariñas at enbelop na naglalaman
ng malaking pera. Nakita ko ang masasayang reaksyon ng bawat isa noong ako ay nakatanggap ng
premyo. Masaya ako dahil nakamit ko ang aking pinapangrap, ngunit mas masaya ako na masaya at
proud rin ang aking mga magulang dahil rito. At ito ang pangyayari na hindi ko malilimutan, kailanman.

You might also like