Epp-4 Q4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Roman Catholic Diocese of Urdaneta

Diocesan Schools of Urdaneta

Urdaneta City

MODYUL SA EDUKASYONG PANTAHAN AT PANGKABUHAYAN 4

(Ika Apat na Markahan, Unang Modyul)

Pangalan: _____________________________________________________ Iskor: _________________

Baitang at Seksyon: _____________________________________________

PAKSA: Panimula sa Pagguhit at Pagleletra

LAYUNIN
 Natatalakay ang mga kaalaman at kasanayan sa pagsusukat
 Naisasalain ang sistemang panukat na English sa metric sa English
 Naisasagawa ang pagleletra, pagbuo ng linya at pagguhit
 Nagagamit ang “alphabets of line” sa pagbuo ng linya, guhit, at pagleletra

PANGKALAHATANG IDEYA
Ang mga gawaing pang-industriya ay naipamamalas sa batayang kaalaman at kasanayan sa
pagsusukat, pagleletra, pagbuo ng linya, at pagguhit. Natatalakay ang kahalagahan ng kaalaman at
kasanayan sa basic sketching, shading, at outlining sa pagbuo ng mga kapaki-pakinabang sa produkto na
nakatutulong sa pag-unlad ng pamilya at ng isang pamayanan.

PAGTATALAKAY
Ang sining ay isang uri ng paglalahad ng sinasaloob o mga kaisipang may kalakip na udyok upang
mabigyan ng kasiyahan ang ating pagkatao at maging ang ating kaluluwa. Ito ay nagiging repleksiyon na
rin ng ating sariling iniisip tungkol sa kapaligiran, mga ninanais, at mga pangangailangan.
Ang Alphabet of Lines ay ang iba’t ibang estilo ng mga linyang ginagamit sa pagbabalangkas at
dito naipakita ang iba’t ibang detalyeng dapat lumitaw sa isang bagay na iginuguhit.
 Ang pinakamakapal o pinakamaitim na guhit na tinatawag ring object line ay naglalarawan ng
tabas ng bahagi ng dibuho at ng hugis at detalye ng mga bagay.

 Ang linyang nakikita o visible line ay ginagamit para sa nakikitang bahagi ng inilalarawang bagay.

 Ang hidden line ay mga linyang di-nakikita o invisible line. Ito ay maliliit at pino na putol-putol
na mga guhit na nagpapakita ng mga nakatagong detalye.

 Ang linyang panukat o dimension line ay nagpapakita ng kapal, lapad, o haba, ng larawan.

 Ang linyang pasudlong o extension line ay ipinakikita ang pagkakatapat ng mga larawan at ang
hangganan ng mga sukat ng mga inilalarawang mga bagay.

______________ ______________ ______________ ______________

Isang kagamit-gamit na talento ang kasanayan sa pagleletra sa sining pang-industruya lalo na sa sining
panggrapika. Ang pagleletra ang malayang pagbuo ng mga letra at numero sa pamamagitan ng kamay.

Ang Iba’t Ibang Uri ng Pagleletra

 Gothic- ito ang pinaksimpleng uri ng pagleletra na walang palamuti o dekorasyon at
magkakapareho ng kapal.

Pagmamay-ari ng Diocesan Schools of Urdaneta

 Roman- ito ang lahat ng letrang may mabigat, mariin o makapal, at manipis na linya.

 Italic- ito ang mga nakahiling na letra.

 Script- ito ang uri ng pagleletra na ginagamit noong unang panahon sa kanlurang Europa.

ABCDEFG
 Text- ito ang madalas gamitin sa mga diploma at sertipiko, mga titulo ng lupa, at mga imbisyon.

METRIC SYSTEM
Ang Metric System ay malawakang ginagamit bilang pagsasabuhay ng International System of
Units (SI) na ginagamit sa pandaigdigang kalakalan.
Mahalagang matutuhang bumasa ng iba’t ibang sukat nang wasto at mga sukat sa metric system at
katumbas nito sa English system. May mga pagkakataon na hinihingi sa atin ang katumbas na sukat ng
mga bagay sa ibang yunit ng pagsusukat o ibang sistema ng pagsusukat

DISTANSIYA

English-Metric Metric-English

1 pulgada (in) = 2.54 sentimetro (cm) 1milimetro (mm) = 0.04 pulgada (in)
1 talampakan (ft) = 30.48 sentimetro (cm) 1 sentimetro (cm) = 0.39 pulgada (in)
1 talampakan (ft) = 0.30 metro (m) 1 metro (m) = 3.28 talampakan (ft)
1 yarda (yd) = 0.91 metro (m) 1 metro (m) = 1.09 yarda (yd)
1 milya (mi) = 1.6 kilometro (km) 1 kilometro (km) = 0.62 milya (mi)

TIMBANG

English-Metric Metric-English

1 ounce (oz) = 28.35 grams (gm) 1 gram (g) = 0.035 ounce (oz)
1 pound (lb) = 0.45 kilogram (kg) 1 kilogram (kg) = 2.2 pounds (lb)
2,000 pounds (lb) = 0.9 ton (t)

GAWAIN 1: Punan ang mga linya ng mga hinihingi ng mga pahayag. (x2)

Pagmamay-ari ng Diocesan Schools of Urdaneta

1. Ang ___________________________ ay ang iba’t ibang estilo ng mga linya na ginagamit sa
pagbabalangkas.
2. Ang makapal na linya ay tinatawag na ___________________________.
3. Ang ___________________________ ay nagpapakita ng mga nakatagong detalye.
4. Ang pagdugtong-dugtong ng mga tuldok ay tinatawag na ___________________________.
5. Ang ___________________________ ay nabubuo kapag ang mga linya ay pagdurugtungin.
6. Ang ___________________________ ang malayang pagbuo ng mga letra at numero sa pamamagitan
ng kamay.
7. Ang ___________________________ ang pinakasimpleng uri ng pagleletra na walang palamuti o
dekorasyon.
8. Ang ___________________________ ay ang letrang may mabigat at manipis na linya.
9. madalas gamitin ang ___________________________ sa diploma.
10. Ang mga nakahiling na letra ay tinatawag na ___________________________.

GAWAIN 2: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot na mga nakalaang patlang.
(5 puntos bawat isa)
1. Bakit mahalagang matutuhan ang alphabet of lines?
_____________________________________________________________________________________

2. Ano ang paborito mong uri ng pagleletra? Bakit ito ang napili mo?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

3. Paano maaaring pagkakitaan ang pagleletra?

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

GAWAIN 3: Subukang gumawa ng iyong sariling estilo ng pagleletra gamit ang iyong pangalan. Gawin
ito sa loob ng kahon. (20 puntos)

SANGGUNIAN:
Villazamora, Annie R. et. al., “Masiglang Pamumuhay para sa Kinabukasan 4”, Phoenix Publishing
House, 927 Quezon Ave, Quezon City, pp. 121-152.
Roman Catholic Diocese of Urdaneta

Pagmamay-ari ng Diocesan Schools of Urdaneta

Diocesan Schools of Urdaneta
Urdaneta City

MODYUL SA EDUKASYONG PANTAHAN AT PANGKABUHAYAN 4

(Ikaapat na Markahan, Ikalawang Modyul)

Pangalan: _____________________________________________________ Iskor: _________________

Baitang at Seksyon: _____________________________________________

PAKSA: Basic Sketching, Shading, Outlining at Pagiingat at Pagmamalasakit sa Kapaligiran

LAYUNIN
 Natatalakay ang kahalagahan ng kaalaman at kasanayan sa “basic sketching” shading at outlining
 Naisasagawa ang wastong pamamaraan ng basic sketching, shading at outlining
 Nakapagsasaliksik ng wastong pamamaraan ng basic sketching, shading at outlining gamit ang
teknolohiya at aklatan
 Nakagagawa ng sariling disenyo sa pagbuo o pagbabago ng produktong gawa sa kahoy, ceramics,
karton, o lata
 Naipakikita ang mga gawi na dapat o di-dapat isaugali upang makatulong sa patuloy na pag-unlad

PANGKALAHATANG IDEYA
Ang mga gawaing pang-industriya ay naipamamalas sa batayang kaalaman at kasanayan sa
pagsusukat, pagleletra, pagbuo ng linya, at pagguhit. Natatalakay ang kahalagahan ng kaalaman at
kasanayan sa basic sketching, shading, at outlining sa pagbuo ng mga kapaki-pakinabang sa produkto na
nakatutulong sa pag-unlad ng pamilya at ng isang pamayanan.

PAGTATALAKAY
Ang gawaing pang-industriya ay nahahati sa dalawang malalaking bahagi. Ito ang gawaing
pangkamay at pangkalahatang industriya. Ang basic sketching, shading, at outlining ay bahagi ng
gawaing pangkamay na sining panggrapiko na gumagamit ng mga linya, pagleletra, pagdidibuho, at
pagguhit gamit ang kamay lamang at pagbubuo ng mga krokis.
Mga Kagamitan sa Drawing
 Lapis. Ang lapis ay may pambalot na pinoprotektahan ang pansulat na nasa loob. Karaniwa’y ang
pansulat ay gawa sa graphite na may halong luwad at nag-iiwan ng gray o itim na mga mark ana
madaling mabura.
 Crayons at Charcoals. Ginagamit ang mga ito sa pagkukulay at pagpapaganda ng mga ginuhit na
larawan.
 Papel. Sa papel inilalapat ang lapis at iginuguhit ang mga larawan. Mahalagang malaman ang
iba’t ibang mga papel dahil nakaaapekto ito sa iginuguhit. May mga makinis at magaspang na
papel, mayroon ding mga maninipis at makakpal.

Proseso ng Pagguhit
 Outlining- ang outline ay mga guhit na sumusunod na hugis o tabas ng larawang iginuguhit.
 Sketching- ang sketch ay ang larawang iginuguhit ng kamay sa mabilis at madaliang paraan. Ang
prosesong ito ay ang pagtatala ng pintor o dibuhante ng isang bagay na ayon sa nakikita nila.
 Shading- ang shading ay isang pamamaraan sa sining na gumagamit ng iba’t ibang value sa papel
na nagpapakita ng tamang posisyon ng ilaw at anino ng isang bagay.

Mga Pamamaraan ng Shading

Pagmamay-ari ng Diocesan Schools of Urdaneta

 Hatching- ito ay paraan na gumagamit ng hanay ng mga linya na nasa parehong direksyon.
 Cross-Hatching- katulad din ito ng hatching maliban sa mga karagdagang kumukrus na mga linya
o criss-crossing line.
 Cicular Technique- ito ay simpleng simpleng paraan ng paggamit nang paikot-ikot.
 Side Strokes- ginagawa ang paraang ito gamit ang gilid ng lapis para sa makapal at di-tiyak na
stroke.
 Feathering- ginagamit ito upang makalikha ng mga suwabeng gilid o makagawa ng blending sa
mga gilid o outline.
 Fade Shading- ginagamit ang lapis sa paggawa ng shade mula sa malalim at mariing shading
hanggang sa nagiging magaan ang paghawak ng lapis at nagiging magaan din ang pag-shade.

Pag-iingat at Pagmamalasakit sa Kapaligiran Tungo sa Patuloy na Pag-unlad

Hindi natin maipagkakaila na ang bansa natin ay patuloy na umuunlad. Lumalawak ang mga
industriya, at hindi rin nagpapahuli sa mga makabagong teknolohiya at inobasyon. Dahil dito, patuloy rin
ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa. Ngunit kasabay ng kaunlaran na tinatamasa ng bansa ay may
panganib na naidudulot nito sa kapaligiran. Ano ngayon ang dapat nating gawin? Walang iba kundi ang
agarang pagkilos o aksiyon ng bawat tao. Ang hamon sa ating lahat ay ang mga sumusunod:
 Maging responsible at disiplinadong mamamayan. Taos pusong sumunod sa mga batas tungkol sa
kalikasan.
 Magtipid sa paggamit ng enerhiya at kuryente.
 Magtanim ng maraming punongkahoy. Lahat ng bakanteng lote ay dapat taniman ng halaman.
 Bawasan ang paggamit ng plastik at iwasan ang pagsusunog nito. Ang plastik ang pangunahing
basura na napupunta sa karagatan at nakakaaapekto sa mga yamang-dagat. Hindi rin ito basta-
bastang nabubulok. Libo-libong taon muna ang lilipas bago ito tuluyang mabulok.
Dagdag pa rito ang patuloy na pagsasagawa ng mga gawaing pangkalikasan sa ating komunidad tulad
ng:
 Regular na paglilinis ng mga estero at pagbibigay ng relokasyon sa mga residente na naninirahan
malapit dito.
 Patuloy na paglilinis ng mga daluyan ng tubig o drainage
 Paghihiwa-hiwalay ng mga basura sa mga tahanan, gusali, at iba pang establisyimento.
 Pagkokolekta ng mga basura araw-araw.
 Paglilinis ng tambutso ng sasakyan.
 Pagbabawal ng mga plastik sa mga pamilihan at
 Pagpapatuyo ng MRF (Material Recovery Facility) sa bawat barangay, paaralan, at mga gusali.
Mga Benepisyo ng Upcycling
 Nababawasan ang mga gamit o basura na itinatapon sa mga tambakan o landfill.
 Nagdudulot ng positibong epekto sa kapaligiran.
 Nalilinang ang pagkamalikhain at maparaan ng mga Pilipino.
 Nahihikayat at nabibigyang inspirasyon ang mga kabataan na maging designer at engineer.
 Nakalilikha ng mga makabuluhan at orihinal na kagamitan.
 Nagbibigay daan sa makalimang pamamaraan ng sining.
 Nagbibigay ng karagdagang kaalaman at kasanayan.

Pagmamay-ari ng Diocesan Schools of Urdaneta

GAWAIN 1: Sagutin ang bawat tanong at isulat ang iyong sagot sa mga patlang. (5 puntos bawat isa)
1. Paano nakatutulong ang kasanayan sa basic sketching, shading, at outlining sa iyo?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
2. Paano naisasagawa ang tamang pamamaraan sa pagguhit?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
3. Ano-ano ang dapat gawin ng mga tao upang masolusyonan ang mga problema sa kapaligiran?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
4. Bakit mahalaga ang agarang aksiyon sa pangangalaga ng kalikasan?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

GAWAIN 2: Tukuyin at ipakita ang anim na pamamaraan sa shading. Gawin ang bawat uri sa mga kahon
at isulat kung anong pamamaraan ng shading ito. (5 puntos bawat isa)

________________________ ________________________ ________________________

________________________ ________________________ ________________________

Pagmamay-ari ng Diocesan Schools of Urdaneta

GAWAIN 3: Hanapin at bilugan sa kahon ang sampung salita na may kaugnayan sa kalikasan. (x2)

C L I M A T E C H A N G E D S

C H A N G B T E U K U N D I L

A Y A W L M L A N D F I L L G

G R E E N H O U S E G A S E S

U P C Y C L I N G N G S A G D

K U M I L O S K A R L O A T Y

G L O B A L W A R M I N G N G

C A R B O N D I O X I D E K I

G A W I N M O C O M P O S T O

R E C Y C L I N G N G S I P L

SANGGUNIAN:
Villazamora, Annie R. et. al., “Masiglang Pamumuhay para sa Kinabukasan 4”, Phoenix Publishing
House, 927 Quezon Ave, Quezon City, pp. 204-236.

Pagmamay-ari ng Diocesan Schools of Urdaneta

You might also like