Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

President Ramon Magsaysay State University


(Formerly Ramon Magsaysay Technological University)
San Marcelino, Zambales, Philippines
College of Teacher Education

MASUSING BANGHAY ARALIN SA

Araling Panlipunan 5

Pebrero 10, 2023

I. Layunin

A. Natutukoy at naibabahagi ang antas ng katayuan sa lipunan ng sinaunang


tao.
B. Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1.Natutukoy ang tatlong antas ng katayuan sa Lipunan ng sinaunang tao;

2. Naibabahagi ang kahalagahan ng pagkakaroon ng iba’t ibang antas ng


katayuan sa lipunan;

3.Naiguguhit ang pyramid ng antas ng katayuan sa lipunan ng sinaunang tao


at ang mga nakapaloob rito.

II.
A. Nilalaman
A.1. Pangunanhing Paksa
Mga Sinaunang Lipunang Pilipino
A.2. Paksa
Antas ng Katayuan sa Lipunan ng sinaunang Pilipino

B. Sanggunian

B.1. Batayang Aralin sa Araling Panlipunan 5


B.2. kto12Lessons, AP 5 Unit 1 Aralin 5, Sir Bob.,Antas ng katayuan ng mga
Pilipino., Gannaban H.,Mga antas panlipunan ng mga sinaunang Pilipino., Teacher Aldrin
Tv, Antas ng sinaunang Filipino(k-12 MELCS CS Based).

B. Kagamitan: Pyramid Chart ng antas ng katayuan sa lipunan,


Larawan ng mga taong nabibilang sa iba’t-ibang antas ng katayuan sa
lipunan, Table Chart ng pagkakaiba ng antas ng katayuan sa lipunan noon at
ngayon.

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
"Magandang umaga mga bata! Magandang umaga rin po among Guro
Magandang umaga aming kamag-aral

Klas! maaari bang tignan ang ilalim ng mga upuan at


pulitin ang kalat na inyong makikita. (pupulutin ang mga kalat)

Very good!

B. Pagbabalik-Aral
Bago tayo natin ipagpatuloy ang ating talakayan ngayong
umaga, atin munang balikan ang aralin natin noong
nakaraan.

Sa inyong upuan ay mga mga nilagay akong placards na


may nakasulat na TAMA o MALI. Itataas Ninyo ang
TAMA kapag ang aking sasabihing pahayag ay tama at
itataas Ninyo naman ang MALI kapag ang sasabihing
pahayag ay mali.
Panuto: Itaas ang mga placard kapag ito ay nagsasaad
ng TAMA o MALI na pahayag.

Naintindihan niyo ba mga bata?


Mahusay kung ganun!
Simulan na natin. opo Teacher!

1.Ang Barangay ay hango salitang balangay na ang ibig


sabihin ay sasakyang pandagat.

2.Datu ang tawag sa Pinuno ng Barangay.


TAMA
3. Ang Sultan ay ang pinakamababa sa isang Sultano.

4.Ang Sanduguan ay isinasagawa sa pamamagitan ng TAMA


paghiwa sa bisig gamit ang punyal at pagpapatulo ng
dugo sa kopang may alak. MALI

Magaling! TAMA
Kayo nga ay talagang nakinig sa ating talakayan
kahapon.

C. Pagganyak

Klas! Meron akong ipapakitang larawan at mga letra na


inyong bubuoin. Ang inyong salitang mabubuo may
kinalaman sa ating aralin.

Simulan na natin.

Unang Larawan
AS
Antas

Pangalawang Larawan

KA AN AN
katayuan

Ikatlong Larawan

Lip
lipunan

Magaling mga bata!

Kapag pinagsama-sama natin mabubuo ang salitang


“Antas ng Katayuan sa Lipunan”
“Antas ng Katayuan sa Lipunan”

D. Pagtalakay
Ang ating tatalakayin sa araw na ito ay tungkol sa antas
ng katayuan ng Lipunan ng sinaunang Pilipino.
Kapag narinig niyo ang salitang antas ng katayuan ano Tungkol po sa aming level ng kabuhayan.
ang inyong naiisip?

Masasabi niyo ba kung ano ang antas ng katayuan ng


inyong pamilya ngayon? opo/hindi po

Kayo ba ay nasa Pinakamayaman o upper class, may


kaya o middle class o mahirap o lower class?
Mahusay dahil alam niyo ang antas ng inyong katayuan Middle class po!
sa lipunan ng inyong pamilya.

Ngayon, handa na ba kayo mga bata?

Opo guro!

Ano ang nakikita niyo sa harapan?

maginoo
Tatsulok po na nahahati sa tatlo.
at datu
Pyramid po
maharlika at
timawa
alipin

Tama!

Tama at sinisimbolo din niyan ang tatlong antas


panlipunan noon. Sinisimbolo po nito ang antas ng katayuan

Meron na ba kayong nalalaman kung ano- ano ang mga sa Lipunan.

tawag sa mga antas ng katayuan ng sinaunang Pilipino?

Tama!
Meron pang dalawang antas ng katayuan sa lipunan Datu po

noon.
Tama ! Ibigay pa ang huling antas ng panlipunan noon.

Mahusay! Ngayon dahil alam niyo na ang tawag sa Maharlika

tatlong antas ng panlipunan noon ay magkakaroon kayo


ng isang maikling Gawain. Alipin po
Tutukuyin niyo naman ang antas ng katayuan na ipakikita
naming larawan.

Ngayon maaari mo ba itong ilagay sa tatsulok kung saan


ito nararapat sa itaas,gitna o ibaba?

Bakit mo nasabi na ito ay nasa itaas?


Ang larawan na iyan ay Maginoo at datu po.

(ididikit ng mga bata ang mga larawan sa


pyramid)

Dahil po mukha siyang mayaman.

Mahusay ang iyong kasagutan

Tukuyin naman ang katayuan ng pangalawang larawan.

Alipin po sila

Saang parte kaya ito ng tatsulok nakalagay?

Ano ang iyong batayan kung bakit iyan ay nasa ibabang


bahagi ng tatsulok?

Itong panghuling larawan ay tinatawag na maharlika o


timawa. Nasa ibabang bahagi po ng tatsulok.
Ano ang katangian ng nasa gitnang antas sa lipunan
noon?

Sila ay may kaya po.

Ngayon naman na naiayos niyo na ang bawat antas ng


katayuan sa lipunan ay iisa-isahin na natin kung ano-ano
nga ba ang mga tungkulin,
katangian at karapatan ng bawat antas ng katayuan sa
lipunan noon.

Anu ang nakikita ninyo sa harapan?


Maaari niyo ba itong ilarawan?

Sisimulan natin sa Datu


Ito ay nasa itaas ng Pyramid chart.

Tama ibig sabihin lamang iyan na sila ay pinakamataas.

Ano kaya ang sinisimbolo ng may pinaka mataas na


Pinakamataas na antas ng sinaunang
antas noon? lipunan.

Ano kaya ang tawag sa kanila bilang paggalang? Ginto po

Paano kaya nagkakaroon ng namumuno o datu noon? Datu,Gat o sultan po.

Sa panahon natin ngayon kanino niyo maihahalintulad Maaring batay sa katapangan at katalinuhan.
ang Datu?

Sa aming baranggay Captain.


Tama !
Sa panahon natin ngayon paano tayo nagkakaroon ng
namununo ?

Nagkakaroon po ng botohan.
Tama!

Ngayon ay dumako naman tayo sa pangalawang antas


Ang Maharlika at Timawa.
Anu kaya ang tawag sa mahuhusay na mandirigma?

Tama Bagani ang tawag sa mahuhusay na mandirigma.

Bagani po
Bukod sa isang mahusay na mandirigma anu pa kaya
ang ibang tungkulin ng Bagani?

Sa inyong opinyon sila ba ay nagbabayad ng buwis?


Tulungan ang datu sa pagtatanggol
Tama isa sa tinatamasa nila ay ang hindi pagbabayad ng
buwis.

Opo/hindi po
Ano naman kaya ang katangian ng mga timawa?
Base sa larawan na ito.

Tama sila ay malalayang tao at lumaya mula sa


pagkakaalipin. kabilang din sakanila ang mga inanak o Mga malalayang tao po.
inapo ng mga datu mula sa kanilang ikalawang asawa.

Kahit sila ay malaya ay may tungkulin pa rin silang


ginagampanan.

Ano-ano kaya ang kanilang mga tungkulin lalo na sa


kanilang datu?

Tama tulad ng pagtulong sa pagtatanim at anihan, Sundin ang utos ng Datu.


pangingisda at pagsagwan ng bangka.

Mayroon din kaya silang karapatan?Kung meron ano ito.


Meron po
Tama! May Karapatan sila sa kita ng kaniyang ani nang
hindi nagbabayad ng buwis at maaaring magmay-ari ng
lupain.

Ayan mahusay dahil kayo ay magaling magbigay ng


inyong mga opinyon.

Ngayon,dadako na tayo sa panghuling antas ang alipin


sila ay nasa ibabang bahagi ng pyramid.
Ano ang ibig sabihin nito?
Pinakamababang anatas po
Sa inyong palagay ano kaya ang dahilan ng kanilang
pagkakaalipin?

Tama!
Kaparusahan po

opo
May dalawang uri ng alipin. Ang aliping namamahay at
saguiguilid.
Ano kaya ang katangian ng aliping namamahay.
Sila ba ay nakatira sa kanilang sariling bahay o hindi?
Ano ang kanilang tungkulin?

Aliping saguiguilid ,sa tingin niyo saan kaya sila nakatira? Sa tahanan ng datu po

Tama sa tirahan ng Datu at maari silang bumukod kapag


nakapag asawa.
Maaari ba silang magkaroon ng ari-arian?

Teacher devi Mayroon kapabang nais idadagdag?


Hindi po.

Naintindihan nyo ba ang tungkol sa antas ng katayuan ng


mga sinaunang Pilipino.

.
Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng iba’t ibang
antas ng katayuan sa lipunan?

E.Paglalahat
Upang malaman namin kung mayroon kayong natutunan
sa ating talakayan ngayong araw ay may mga ilang
katanungan kaming itatanung sainyo.

Ano-ano ang antas ng katayuan sa lipunan ng sinaunang


Pilipino?

IV. Paglalapat

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A.Panuto: Isulat sa Table chart ang
pagkakaiba ng antas ng katayuan noon at
ngayon.

Noon Ngayon

B.Panuto: Naiguguhit ang pyramid ng antas


ng katayuan sa lipunan ng sinaunang tao at
ang mga nakapaloob rito.

V. Pagtataya

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Panuto:Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat
sa patlang bago ang bilang.
__1. Pinakamataas na Antas ng katayuan ng
Lipunan.
A.Datu
B.Maharlika
C.Timawa
__2. Ano kaya ang sinisimbolo ng may pinaka
mataas na antas noon?
A.Yaman
B.Ginto
C.Pera
__3. Ang Datu ay dapat nagtataglay ng___.
A.Yaman
B.Kakisigan
C.Katangkaran
__4. Ano kaya ang tawag sa pinakamataas na
antas bilang paggalang?
A.Datu,Gat o sultan
B.Pinuno
C.Panginoon
__5.Sila ay Kabilang Sa mga karaniwan at
malayang mamamayan ng barangay.
A.Datu
B. Maharlika
C. Timawa
__6. Anu kaya ang tawag sa mahuhusay na
mandirigma?
A.Timawa
B.Bagani
C.Lakan
__7. Ito naman ang pinakamababang antas ng
katayuan ng Lipunan.
A.Alipin
B.Maharlika
C.Datu
__8. Anu ang kaparusan kapag ikaw ay
Nakagawa ng krimen o kawalan ng bayad sa
nagawang krimen?
A.Pinapatay
B.Ginagawang Alipin
C.Pinapaalis sa kanilang lugar
__9.Sila ay maaaring magkaroon ng mga ari-
arian at asawa.
A.Aliping namamahay
B.Alipin sa Tabi-tabi
C. Alipin sa Gigilid
__10, Isang uri ng alipin na angsisilbi sa Datu
araw o gabi. Ano ito?
A.Aliping Sagigilid
B,Aliping namamahay
C,Alipin sa tabi-tabi
.VI. Takdang-Aralin

Basahin ang Batayang aklat sa Araling Panlipunan 5 Pahina 70-71. At sagutin ang
mga sumusunod.

1. Ilarawan ang katangian ng mga kababaihan sa lipunan noon.


2. Isa-isahin ang mga tungkulin at Gawain ng mga kababaihan noon.
3. Sang-ayon ka bang paglingkuran muna ang pamilya ng babae bago sila
mapakasalan ng iniibig na lalaki? Bakit?

Inihanda ni:

Annaliza L. Esguerra at Devi De Leon


BEED III

You might also like