Math LP Week 5

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
Pablo Omerez Cedeño Memorial Learning Center
S.Y. 2023-2024

TEACHER: SHEILA MAE S. GABAY QUARTER:1


LEVEL: GRADE 1 WEEK:5
MONDAY-TUESDAY TIME: 8:55-9:45

SEMI DETAILED LESSON PLAN IN MATHEMATICS

I. LAYUNIN

 Natutukoy ang gamit ang katagang Mas Kaunti, Mas Marami at Magkapareho
 Naipapaunawa ang gamit ng magkasing dami gamit ang ibat-ibang larawan
 Naisasagawa ang gawain ng may pag unawa sa magkasing dami

A. Pamantayang Pangnilalaman: Demonstrates understanding of whole numbers up to


100, ordinal numbers up to 10th, money up to PhP100.
B. Pamantayang Pagganap:Compares two sets using the expressions “less than,” “more
than,” and “as many as” and orders sets from least to greatest and vice versa.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto:Maka-paghahambing ng pangkat ng mga bagay gamit
ang sali-tang “mas kaunti, mas marami”
II. PAKSANG ARALIN
Paksa: Paghahambing gamit ang katagang Mas Kaunti, Mas Marami at Magkapareho
Sanggunian:k to 12 Curriculum guide Grade 1 MATH
Kagamitan: Laptop,Powerpoint Presentation, Mga larawan

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik Aral
Ilang sampuan ang ating mabubuo sa 30 na mansanas?

2. Pagganyak
Ating basahin ang isang kwento at tanungin ang mga bata gamit ang mga
sumusunod na katanungan.

Sina Tim, Sam, Ana at Jam ay nagpunta sa palaruan. Nakakita sila ng


nagtitinda ng lobo.Bumili si Sam ng pitong lobo. Bumili din si
Anang pitong lobo. babahagi daw nila ito kina Jam at Tim.

Tanong:
 Sinu-sino ang nagpunta sa palaruan?
 Sinu-sino ang bumili ng lobo.
 Ilan ang biniling lobo ni Ana?
 Ilang lobo naman ang binili ni Sam?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Tingnan natin ang mga lobo nina Ana at Sam.

 Ano ang napansin ninyo sa dami ng mga lobo nina Ana at Sam?

 Ginagamit ang magkapareho kung pantay o magkasingdami


ang bilang ng mga bagay sa dalawang pangkat.

2. Pagtatalakay
Gawain 1: Gumuhit ng bagay na kasing dami ng nasa larawan sa kaliwa.

Gawain 2: Lagyan ng tsek ang set na magkasing dami.

C. Panwakas na Gawain
1. Paglalahat
 Ginagamit natin ang salitang magkasingdami kapag nagkukumpara ng
dalawang bagay na may parehong bilang o dami.

2. Paglalapat
 Bilangin ang inyong notebook sa bag, gumuhit ng kasingdami nito sa
inyong notebook.

IV. PAGTATAYA
Kulayan ang pangkat ng bagay na kasingdami ng nasa itaas.

V. TAKDANG ARALIN
Magsanay magbilang mula 1-100.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region XII
Pablo Omerez Cedeño Memorial Learning Center
S.Y. 2023-2024

TEACHER: SHEILA MAE S. GABAY QUARTER:1


LEVEL: GRADE 1 WEEK:5
MONDAY-TUESDAY TIME: 8:55-9:45
SEMI DETAILED LESSON PLAN IN MATHEMATICS

I. LAYUNIN

 Natutukoy ang Mas Kaunti, Mas Marami at Magkapareho gamit ang mga ibat-
ibang halimbawa
 Naipapaunawa ang gamit ang mas marami at mas kaunti
 Naisasagawa ang aralin ng may pag-unawa gamit ang mas marami at mas kaunti

A. Pamantayang Pangnilalaman: Demonstrates understanding of whole numbers up to 100,


ordinal numbers up to 10th, money up to PhP100.
B. Pamantayang Pagganap: Compares two sets using the expressions “less than,” “more
than,” and “as many as” and orders sets from least to greatest and vice versa.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Maka-paghahambing ng pangkat ng mga bagay gamit ang
sali-tang “mas kaunti”,mas marami”.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Paghahambing gamit ang katagang Mas Kaunti, Mas Marami at Magkapareho
Sanggunian:k to 12 Curriculum guide Grade 1 MATH
Kagamitan: Laptop,Powerpoint Presentation, Mga larawan

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik Aral
Pabilangin ang mga bata mula 1-100.

2. Pagganyak
Pagmasdan ang larawan.

Siya si Ben. Mahilig si Ben sa sombrero. Inutusan siya na magpunta sa palengke.


Nakakita siya ng iba’t-ibang kulay ng sumbrero. Bumili siya ng 3 pula, 6 na asul
at 2 dilaw na sombrero. Masayang umuwi si Ben.

tanong:
 Sino ang nagpunta sa palengke?
 Ano ang kaniyang gustong gusto na binili?
 Ano-ano ang kulay ng mga sombrero na binili ni Ben?
 Ilang pulang sombrero ang kaniyang binili? Asul? At dilaw?
 Ano ang napansin nila sa bilang ng mga sombrero?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Pasunod-sunurin ang numero ng kahon ng bagay ayon sa hinihingi bawat bilang.
2. Pagtatalakay
Iguhit sa loob ng kahon ang tamang bilang ng bagay upang ipakita ang
marami - kaunti na pagkakasunod-sunod.

C. Pangwakas na Gaain
1. Paglalahat
 Ginagamit ang mas kaunti kung mas maliit ang bilang ng mga bagay sa
dalawang pangkat.
 Ginagamit ang mas marami kung mas higit ang bilang ng mga bagay sa
dalawang pangkat.

2. Paglalapat
Ipakita ang kaunti-marami na pagkakasunod-sunod sa pamamagitan ng
paguhit ng paborito mong prutas.

IV. PAGTATAYA
Kulayan ng dilaw ang pangkat na may pinakakakaunti at pula sa pangkat na may
pinakamaraming bagay.

V. TAKDANG ARALIN
Magsanay sumulat ng bilang 1-50

Republic of the Philippines


Department of Education
Region XII
Pablo Omerez Cedeño Memorial Learning Center
S.Y. 2023-2024

TEACHER: SHEILA MAE S. GABAY


LEVEL: GRADE 1

LINGGUHANG PAGSUSULIT SA MATHEMATICS

Pangalan:_________________________________________________________ Iskor:
I. Gumuhit ng bagay na kasingdami ng nasa larawan sa kaliwa.

II. Isulat sa loob ng kahon ang tamang bilang ng bagay upang ipakita ang marami - kaunti na
pagkakasunod-sunod.

You might also like