Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

‘’ANG ULIRANG ANAK’’

Isang araw, may isang batang babae na nagngangalang Ann. Si


Ann ay isang mabait at masayahing bata. Lumaki siya kasama
ang kanyang mga magulang na sina Ramon at Eva, mayroon
siyang pito na kapatid at ikaapat siya sa mga ito. Sa loob ng
maraming taon, masaya silang namuhay. bilang isang
magkakasama. Ngunit isang araw, biglang nagbago ang lahat
simula noong siya ay pitong taong gulang ng matuklasan ni Ann
na ang kanyang ama ay naghanap ng ibang pamilya at
nagdesisyon na iwan sila. Nasaktan at naguluhan si Ann sa
nangyari. Hindi niya maintindihan kung bakit nagawa ito ng
kanyang ama.

Sa kabila ng pagkabigo at sakit na na- raramdaman, sinikap ni


Ann na maging matatag. Tinulungan siya ng kanyang ina na
maunawaan ang sitwasyon ng kanilang pamilya at pinaramdam
sa kanya na kaya niyang mapunuan ang pagmamahal at suporta
na tinalikuran ng kanyang asawa. Sa gitna ng pagkabigo, hindi
nawala ang pagmamahal at suporta ng kanyang ina. Siya ang
tumayong haligi at ilaw ng tahanan. Ipina- ramdam niya sa
kanyang mga anak na hindi siya nag-iisa at mahal na mahal niya
ang mga ito lalong lalo na si Ann. Sa paglipas ng panahon,
natutuhan ni Ann na tanggapin ang nangyari at magpatuloy sa
kanyang buhay na makapagtapos ng kolehiyo.

Ngayon ay isa na siyang ganap na dalaga na matiyagang


pinapaaral ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagtatrabaho
tuwing umaga o kaya naman ay sa araw ng kanyang libre. Hindi
siya nagtanim ng galit sa kanyang ama, sa halip ay gina- wa
niyang motibasyon ang masalimuot na nangyari sa kanyang
pamil- ya sa pagpapatuloy ng kanyang pangarap para sa
kanyang sarili at sa kanyang ina at mga kapatid. Mas lalong
naging matatag at malakas si Ann.

You might also like