Samboto Prayer 2023 Yes

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PANALANGIN NG SAMBOTO PARA SA

2023 BARANGAY AND SK ELECTIONS


by Rev. Leslie Guerrero
Ordained Minister, United Church of Christ in the Philippines (UCCP)

Panginoong Diyos, inihahanda namin ngayon ang aming sarili na makibahagi sa


nalalapit na halalan. Nais naming magkaroon ng malawak na pang-unawa sa
kalagayan at usapin ng aming bansa, at piliin ang mga kandidato na may
layuning magdala ng pag-asa.

Panginoon, bigyan mo po kami ng kamulatan nang makita ang bawat kapwa na


may dignidad, na sila din ay nilikha Mo ayon sa Iyong larawan, lalo na ang mga
biktima ng pang-aabuso, karahasan at panlilinlang.

Diyos na Makatarungan, bigyan Mo kami ng pandinig nang marinig namin ang


pagtangis ng mga dukha, mga kababaihan, at mga batang inaabuso. Marinig din
namin ang mga panaghoy ng mga manggagawa, magsasaka, mangingisda at iba
pang sektor ng lipunan.

Ituro Mo po sa amin ang magmalasakit sa mga inuusig dahil sa kanilang


paninindigan sa katotohanan at katarungan, ibinilango dahil sa pagtatanggol sa
karapatang pantao. Pinapaslang dahil sa mga kasong bintang lamang.

Hinihiling po namin ang mapanuring isipan upang makilala namin ang mga lider
na magtataguyod ng Iyong paghahari, mga magiging pinuno na makikinig at
susunod sa Iyong Salita, may tapang na panindigan ang katotohanan at
mamumuno ng tapat.

Dalangin namin na bigyan Mo kami ng mga pinuno na handang sumunod sa


hakbang ni Jesus. Mga pinuno na nagpasyang maglingkod at hindi upang
paglingkuran. Mga pinunong magiging katuwang namin sa pakikibaka tungo sa
kalayaan ng aming bansa.

Sa aming makikibahagi sa halalan, patnubayan Mo po kami ng iyong


karununugan. Huwag kaming padala sa udyok ng huwad na pangako, sa silaw ng
salapi, pananakot at pamimilit. Maging tapat at makatarungan nawa kaming
mamamayan.

Hinihiling namin ito sa sa pangalan ng iyong anak na si Jesu-Cristo, at sa


kapangyarihan ng Banal na Espiritu. Amen.

You might also like