Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

HISTORY OF PAARALANG SENTRAL NG MATAASNAKAHOY

Before the arrival of the Spaniards, people of Mataasnakahoy had their education.
Formal education started in year 1863 through the missionaries who came here
emphasizing religion.

Then came the Americans. At this time, public school began in 1901. In 1907,
Gabaldon building was built through the efforts of the parents. Education existed peacefully
until the Second World War broke out from 1939 to 1944. Education then was hindered.
Gabaldon building was used by the Japanese as their quarter.

Education came to existence after the liberation in 1945 in some houses of civilians.
With the cottages built and used by the Americans as their quarters were used as school
houses by the people. From then many people of Mataasnakahoy became educated. There
is the increase in the enrolment and teachers in this school up to present.

Mataasnakahoy Central School now Paaralang Sentral ng Mataasnakahoy has been


administered by different school heads or principals. With the efforts and supports of these
principals, the whole school has been in great progress.

At present, the central school is really a beautiful place to educate our children. It
continuously moulding the young minds of the children. And now this school never stop
serving the people of Mataasnakahoy under the leadership of our very own principal,
Leopoldo A. Landicho, Ed.D.

With his efforts to make our school prospers in all angles, he continues looking and
working hard the benefits of our school children and the school itself. At present, the
covered court is under construction.

Paaralang Sentral ng Mataasnakahoy is always at post to serve the pupils of


Mataasnakahoy.

ANG MATAASNAKAHOY- NOON AT NGAYON


Kung gaano kahalaga sa isang nilikha ang malaman ang kasaysayan ng kanyang
pinagmulang lahi at angkan, at kung gaano dapat pahalagahan niya ang araw ng
kanyang pagsilang, ay gayon din marahil ang katumbas ng kahalagahan na malaman
ang kasaysayan ng kanyang lupang tinubuan. Sa ating mga kaibigan at kakilala na taga
ibang lugal na hindi pa nakasanayan ang maglakbay dito sa Mataasnakahoy ay madalas
na maririnig ang ganitong katanungan: “Saan ba ang Mataasnakahoy? Doon ba ay
matataas ang puno ng kahoy?

Ang Mataasnakahoy ay isang hindi kalakihang teritoryo na mayroon lamang 8,000


hektarya humigit kumulang ang kabuuan. Ito ay dati- rati’y isa lamang baryo o nayon na
nasasakop ng noon ay bayan ng Lipa, Batangas. Sa pagsusumikap ng mga taong may
masidhing pagmamalasakit ay lubusang naihiwalay ang Mataasnakahoy sa Lipa at ito’y
kinilalang isang bayan simula pa noong Enero 2, 1932. Sang- ayon sa mga salin- saling
impormasyon ay mayroon daw isang di- pangkaraniwang puno ng kahoy ang tumubo
noon dito sa kabayanan na may habang 100 metro humigit- kumulang . Ito ang naging
sanhi o dahilan kung bakit ang ating bayan ay tinaguriang Mataasnakahoy.

Palibhasa’y magasok ang lupa at may hulab na kaaya- aya sa mga pananim kung
kaya’t naging pangunahing pinagkakakitaan ng mga naninirahan dito sa Mataasnakahoy
ang paghahalaman. Sang- ayon sa mga lumang kasaysayan ay nagging tanyag na ang
Mataasnakahoy maging noon pa mang panahon ng mga Kastila sa kasaganaan nito sa
matataas na uri ng produktong agricultural katulad ng kape, kakaw, lanzones, at iba pang
uri ng halaman. Nakatutulong ng Malaki ang pagkakaroon nito ng tinatawag na “Volcanic Soil”
na dulot ng Bulkang Taal na nasa gawing hilagang- kanluran nito.

Katulad ng maraming Pilipino, ang mga taga- Mataasnakahoy ay bukas ang isip sa
pagtuklas ng karunungan. Subalit sa mga ilang dekada ng kasaysayan ng Mataasnakahoy
ay hindi rin lubhang marami ang nakapagtapos ng pag- aaral sanhi marahil ng
kakulangan ng bahay paaralan dito noon. Magugunita na noong maging isang bayan ang
Mataasnakahoy ay hanggang ika-apat na baitang lamang sa elementarya mayroon ang
Mataasnakahoy at ito ay sa mga lumang gusali na itinayo pa marahil noong panahon ng
mga Amerikano. Upang makatapos ng hanggang ika-pitong baitang o High School ay
kinakailangan na ang isang mag- aaral ay dumayo na sa mga karatig- bayan tulad ng
Lipa, Cuenca at Batangas. At kung sakaling kukuha ng kurso ay kailangang sa Maynila na
pumunta sapagka’t walang pamantasan o kolehiyo maging sa mga karatig- bayan. Dahil
dito kung kaya kakaunti at mangilan- ngilan lamang ang nakakaya at nakatatapos ng
pag- aaral. Mabilis na umusad ang panahon at noon marahil nasa kalaghatian ng
pananakop ng mga Hapones sa ating bansa ay nagkaroon na ng kumpletong paaralang
elementarya ang Mataasnakahoy. Simula ng manumbalik ang katahimikan matapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay unti- unting naragdagan ang mga paaralang
pampubliko at kaalisabay nito ay dumarami rin ang kabataang nakapagtapos ng pag-
aaral. Hindi maipagkakaila na ang pagkakapatatag dito sa ating bayan noong 1949 ng
isang pribadong mataas na paaralan ay nakatulong at hanggang ngayon ay nakatutulong
nang malaki upang maraming kabataan ang makatapos sa pagtuklas ng karunungan. At
lalo pang dumami ang mga “professional” sa Mataasnakahoy dahil sa pagkakaroon ng
mga pamantasan sa ating mga karatig- bayan tulad ng Lipa at Batangas. Sa ngayon ay
ang bawat bukid sa Mataasnakahoy ay mayroon ng bahay- paaralan at ang karamihan
pa ay may kumpletong elementarya. Mayroon pa tayong isang Barangay High School sa
Barangay Bayorbor. Dahil dito kaya’t ngayon ay napakarami ng mga professional o dili
kaya’y tapos sa mataas na paaralan (high school) dito sa Mataasnakahoy at ang iba ay
nasa ibayong dagat at umaani ng dolyar.

Ang katahimikan ng buong pamayanan ng Mataasnakahoy at ang matiyagang


pagsisikap at sipag ay maaaring masabing siyang nagdulot ng ibayong tagumpay sa
larangan ng kalakalan dito sa ating bayan. Ngayon ay marami ng malalaki at
magagarang tahanan dahil sa matagumpay na pangangalakal ng taga- Mataasnakahoy
ng kape, niyog, lanzones at “poultry raising” at “piggery”.

Palibhasa’y relihiyoso at mapagmahal din sa Dakilang Lumikha ang mga taga-


Mataasnakahoy kung kaya’t hindi rin kinalilimutan o isinasa-isang tabi na lamang ang
mga gawaing pang simbahan. Sa pamumuno ng kura paroko na nakatalaga sa ating
bayan at sa kusang- loob at masiglang pakikiisa ng mamamayan kung kaya’t ngayon ay
naitayo na ang isang malaki at magandang simbahan at kaalinsabay nito ay makikitang
ngayon ay lalong buhay na buhay ang pananampalatayang Kristiyano sa ating bayan.
Lalong hindi mapapabulaanan ang tagumpay ng pamahalaang bayan ng
Mataasnakahoy. Magugunita na matagal- tagal ding panahon ang ginamit na bahay
pamahalaan ay yari lamang sa kahoy na may dingding na sawali at ang mga empleyado
ay nagsisiksikan sa dalawang silid lamang. At nagdaan din ang mga taon na umuupa
lamang ng bahay pamahalaan ang Mataasnakahoy. Ngayon ay mayroon na tayong
bahay pamahalaan na kongkreto at ang bawat departamento ay may kanya- kanyang
sariling silid. Bukod pa rito ay marami nang napadagdag na mga gusali upang hindi
magsiksikan ang mga empleyado.

Katunayan ding maipagmamalaki na dito sa Mataasnakahoy ay mayroon na


tayong Health Center at isang pribadong hospital. Ngayon ay hindi katulad ng unang
panahon na kinakailangang magtawid bayan pa upang ang isang may karamdaman ay
ipagamot maging ang karamdaman man ay hindi kalubhaan. Halos karamihan ng mga
bahay maging sa Poblacion at mga baryo ay mayroon ng gripo ng tubig na di tulad noon
na umiigib pa ang mga tao. Ang ilaw o elektrisidad ay tuloy- tuloy maghapon at
magdamag dahil nakakabit na ang bayan sa National Power Corporation di tulad noon sa
generator lamang umaasa at tuwing hapon at umaga lamang may elektrisidad. At
ngayon ay may linya na ng telepono sa mga bahay- bahay, an gating mga kababayan ay
pwede ng tawagan at tumawag sa karatig-bayan, Maynila, at sa iba pang panig sa
Pilipinas gayundin sa Amerika at sa iba pang bansa.

Sa larangan ng transportasyon, kinahihilian ngayon ang Mataasnakahoy. Ito ay sa


dahilang napakarami ng jeepney sa ating bayan, hindi katulad noong mga nagdaang
panahon o ng ibang lugal na kakailanganin pang maghintay nang matagal ng mga
estudyante o ng iba pang nagyayao’t ditto upang may masakyan papunta sa Lipa at sa
ibang karatig- bayan. Maging ang anumang kalakal ay madaling nailuluwas sa pamilihan
dahil sa dami ng sasakyan at mga daang lansangan na magaan namang napaglalagusan
ng sasakyan.

Madali lamang matatagunton, maging ng isang hindi gaanong kasanayang


maglakbay, ang baying ng Mataasnakahoy. Kung ang isang nais magpunta sa
Mataasnakahoy ay may sariling sasakyan at babagtas ng Lungsod ng Lipa patugong
Lungsod ng Batangas ay dapat lamang isa-isip ang “Fernando Air Base” gate at simula
doon ay mayroon lamang 500 metro humigit- kumulang patungong kanluran at makikita
na ang kanto na may panlansangang tandang “To Mataasnakahoy”. Kung sakali naman
at walang sariling sasakyan at manggagaling ng Metro Manila at kanugnug- pook
katulad ng Laguna, San Pablo, at iba pang lugal at babagtas din sa Lungsod ng Lipa ay
sumakay lamang ng pampasaherong jeepney o bus na patungong Lipa, Lemery o
Batangas. Lumunsad na lamang sa Lungsod ng Lipa o kaya’y sa Fernando Air Base gate at
marami ng jeepney na masasakyan patungong Mataasnakahoy.

Madalas nating maririnig ang kasabihang ganito: “Ang tao ay may kanya-
kanyang panahon at ang panahon ay may kanya- kanyang tao.” Kung ating
paghahambingin ang Noon at Ngayon ng Mataasnakahoy ay maaaring masabing ang
Ngayon ay katuparan lamang ng pangarap ng ating Kahapon. Idalangin natin sa
Maykapal na kahimanawari’y lalong maging maunlad ang Bukas ng ating bayan upang
ang katuparan ng pangarap natin Ngayon ay madama ng ating mga anak at salin- saling
angkan ng Bukas ng Mataasnakahoy.

You might also like