Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Patintero, Tumbang preso, Luksong tinik, Batuhang bola, ilan lamang yan sa mga larong

lahi na ating paboritong laruin. Isang laro na ang pinagmulan ay hayop din ang ating susubuking
laruin. Handa ka na bang maglaro sa pamamagitan ng hablutan ng buntot? Tara na!

Alam nating lahat na ang ating mga ina ay tanging proteksyon at


kaligtasan lamang ang kanilang nais para sa kanilang mga anak. Proteksyon,
yan ang layunin ng larong “Lawin at Sisiw” na marahil ay
ngayon nyo lang narinig o nilalaro nyo na pero iba-iba ang inyong tawag.

Noong araw magkaibigan ang Inahing Manok at Lawin. Dahil sa


kagustuhan ni Inahing Manok na mapansin siya ni Tandang Manok ay naghiram
siya kay Lawin ng singsing upang maging kaaya-aya siya sa paningin ni
Tandang Manok. Ngunit dahil maluwag ito sa daliri ni Inahing Manok ay hindi
niya namalayang nalaglag ito habang nagpapakasaya sa sayawan.

Dahil sa sobrang takot, hanap dito, hanap doon, kahig dito, kahig doon
ang ginawa ni Inahing manok upang sakaling mahanap ang singsing ni lawin.
Nang malaman ni Lawin na nawawala ito, sinabing kukunin at dadagitin niya
ang mga sisiw ni Inahing Manok kung hindi nito mahanap. Nang mabigong
hanapin ito, tuluyan nang nagalit si Lawin kay Inahing Manok.

Magmula noon hindi na makita ang singsing, kaya dinadagit na ni Lawin


ang mga sisiw ng Inahing Manok.

Layunin ng Inahin na iiwas ang mga sisiw mula sa kamay ng Lawin. Ito ay
nilalaro ng dalawa o hanggang anim na pangkat na may sampu o higit pang
manlalaro. Pipili ang bawat pangkat ng pinakamalakas na manlalro na siyang
magiging lider o nasa unahan ng linya. At pipili rin ng pinaka maliksing
manlalaro na siya namang nasa hulihan.

Ikakabit ang dalawang kamay sa bewang ng kasunod na manlalaro at


hihigpitan ang pagkakahawak rito. Magsisimulang iikot ang bawat pangkat at sisikaping maagaw
ng lider ang panyo na nasa likod ng huling manlalaro sa pangkat ng kalaban. Kapag naagaw ng
kalaban ang panyo ay bibigyan
sila ng puntos. Ang makakakuha ng pinakamataas na puntos ang siyang panalo.

Ang mga larong lahi na ito ay sinusubok ang talino ng mga kabataan sa pagdiskarte at
tinuturuan tayo sa iba’t ibang kagandahang asal. Natututunan natin na “life is bound by rules” –
at kung susuwayin natin ito ay may kaakibat na parusa. Tinuturuan din tayo ng mga larong ito
kung paano gumawa ng sariling istratehiya, pagpa-plano, teamwork at komunikasyon. At higit sa
laahat ang ating mga larong lahi ay nandyan para sa tawanan at kasiyahan.

You might also like