Professional Documents
Culture Documents
Qa Mapeh2 Q3 W1
Qa Mapeh2 Q3 W1
DAY 1
Content Standard: Demonstrates understanding of the basic concepts of timbre
Performance Standard: Determines accurately the sources of sounds heard, and produce
sounds using voice, body and objects and be able to sing in accurate pitch
Learning Competencies:
MELC #1. Replicates different sources of sounds with body movements MU2TB-IIIa-2
MELC #2. Identifies the common musical instruments by their sounds and images MU2TB-IIIb-3
I. OBJECTIVES:
1. Natutukoy ang pinagmumulan ng mga tunog
2. Nagagaya o nabibigkas ang mga tunog mula sa kalikasan at gawa ng tao kasabay ng
pagkilos o galaw ng katawan
3. Nakikilalla ang mga instrumentong pangmusika ayon sa anyo at tunog ng mga ito
4. Natutukoy ang mga uri ng mga instrumentong pangmusika
5. Napahahalagahan ang mga mga pinagmumulan ng mga tunog.
II. CONTENT: Pinagmumulan ng mga Tunog (Nature Sounds and Mam-made Sounds)
Mga Uri ng Instrumentong Pangmusika (Instrumentong Perkusyon, Dekwerdas at Brass)
III. LEARNING RESOURCES:
A. Patnubay ng Guro: MAPEH2 Kapampangan TG pp. 91-110, MAPEH2 Tagalog TG pp.66-74
B. Batayang Aklat: MAPEH2 Kapampangan LM pp. 54-59; MAPEH2 Tagalog LM pp.97-107
C. Kagamitang portal:https://www.youtube.com/watch?v=Tde91GvEHV8&t=422s
(LearningMusic-Wind, String, Percussion Instruments)
D. Iba pang Kagamitan: kwaderno, lapis
IV. PROCEDURES:
A. Reviewing previous lesson or presenting the new lesson
Magandang araw sa iyo. Noong unang markahan napag-aralan mo ang iba’t
ibang tunog ng mga bagay sa ating paligid. Naaalala mo ba ang mga tunog na
ginagawa ng mga hayop, sasakyan, at instrumentong pangmusika? Bilang
pagbabalik-aral, sagutin mo ang unang gawain na inihanda ko.
Gawain 1
Pagtambalin ang mga bagay o hayop na nasa Hanay A at ang kanilang
nalilikhang tunog sa Hanay B. Piiin at isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong
kwaderno.
Hanay A Hanay B
1. palaka A. Pip! Pip! Pip!
2. bulkan B. Kokak! Kokak! Kokak!
3. trumpeta C. Bum! Bum! Bum!
4. dyip D. Klang! Klang! Klang!
5. kampana E. Tot-tot-tot!
B. Establishing a purpose for the lesson
Bago natin simulan ang bagong aralin, ipikit mo ang iyong mga mata.
Pakinggan mo ang iyong paligid. Ano ang iyong mga naririnig? Ano ang
pinagmumulan ng iyong mga narinig?
Magaling! Lahat ng iyong narinig ay mga iba’t ibang tunog. Ang mga
tunog ay may pinanggagalingan.
Sa araw na ito palawakin mo pa ang iyong kaalaman tungkol sa mga tunog na
naririnig mo sa iyong paligid. Malalaman mo ngayon ang mga
pinagmumulan ng mga tunog kagaya ng mga sumusunod na larawan.
Suriin mo ang bawat larawan. Bigkasin o gayahin ang tunog ng mga ito.
A B C D E F
Mga Tanong
1. Ano-ano ang mga nakikita mo sa larawan A? B? C? D? E? F? Bigkasin o
gayahin ang mga tunog na nalilikha ng mga ito.
2. Ano ang pinagmumulan ng tunog ng mga nakalarawan sa bawat pangkat?
3. Sa palagay mo, alin sa mga pangkat ng mga bagay ang gawa ng tao? Alin
naman ang nagmumula sa kalikasan o bagay na hindi gawa ng tao?
4. Ano ang masasabi mo sa mga tunog na iyong ginaya? Magkakatulad ba
ang tunog ng mga bagay o hayop sa ating kapaligiran?
1. 2. 3.
Ang matanda kahit kuba Palitan ang mga nakasalingguhit na salita ng:
Sapillitang titindig, titindig *Biyolin - Eng, eng, eng, eng
Mga Tanong:
1. Ano-ano ang mga instrumentong pangmusika ang mga nabanggit sa awit?
2. Ano-ano ang mga tunog na kanilang nalilikha?
3. Magkakatulad ba ang kanilang mga tunog?
Kilalanin mo ngayon ang iba’t ibang uri ng mga instrumentong
pangmusika ayon sa kanilang anyo o hitsura, tunog at ang kanilang
mga pangalan, gayundin kung paano patugtugin ang mga ito
Mga Iba’t Ibang Uri ng nga Instrumentong Pangmusika
(A. ) Instrumentong Perkusyon (Percussion) - Ito ang mga instrumentong
tinatapik, pinapalo gamit ang istik, pinagtatama upang makalikha ng
tunog.
Mga Halimbawa
ANYO PANGALAN TUNOG
Ito ay pinatutunog sa pamamagitan Tamborin Tssst- tssst- tssst
ng pagtama sa palad
na may kumakalansing na tunog.
Ito ay pinatutunog sa pamamagitan Tambol Boom- boom
ng pagpalo gamit ang dalawang istik
o patpat.
Ito ay isang pares ng instrumento na Maracas Tsik- tsik
pinatutunog sa pamamagitan ng
pag-alog(shaking) sa mga ito.
Ito ay isang pares ng metal na billog Pompyang Tsing- tsing
na pinatutugtog sa pamamagitan ng
pagtatama sa isa’t isa.
1. 2. 3.
Tandaan: Ang mga instrumentong pangmusika ay may iba’t ibang uri ng tunog
at may kanya-kanyang anyo, hugis at laki. Kaya ang bawat instrumento ay may
iba’t ibang timbre.
F. Developing mastery
Linangin mo pa iyong kaalaman sa mga natutunan mo ngayon sa
pamamagitan ng pagsagot sa susunod na gawain.
Gawain 4
Isulat kung tama o mali ang isinasaad ng bawat pangungusap.
1. Ang mga natural sounds ay mga tunog na naririnig natin mula sa tao, hayop
at kalikasan.
2. Ang mga tunog na nililikha ng mga sasakyan ay mga man-made sounds.
3. Ang timbre ng mga pinagmumulan ng mga tunog ay magkakatulad lahat.
4. May iba’t ibang uri ang mga instrumentong pangmusika.
5. Ang gitara, piyano, biyolin at ukelele ay mga instrumentong perkusyon.
DAY 3
I. Evaluating learning
A. Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin at isulat ang letra ng
tamang sagot sa iyong kwaderno.
1. Ang mga sumusunod na tunog ay nagmumula sa kalikasan maliban
lamang sa isa. Alin ito?
Pagkatapos gayahin ang mga tunog at isagawa ang mga kilos, sagutan ang
rubric ayon sa iyong pagkasagawa.
KAALAMAN BUONG MAHUSAY HINDI GAANONG
HUSAY MAHUSAY
5 puntos 3 puntos 1 puntos
1. Nabigkas o nagaya ko ang tunog ng
isang bagay na pinagmulan nito.
2. Nagaya o naisagawa ko ang galaw ng
pinagmulan ng tunog sa pamamagitan ng
aking katawan.
3. Sabay kong nagawa ang paggalaw ng
katawan at pagbigkas ng tunog ayon sa
pinagmulan nito.
4. Masaya kong isinagawa ang pagbigkas at
pagkilos ng mga tunog.
J. Additional activities for application or
remediation Gawain 5
Gumuhit ng 3 instrumentong pangmusika na gustong-gusto mong
patugtugin. Isulat ang pangalan at tunog ng mga ito.
DAY 4
Learning Competencies:
MELC 3 Recognizes the difference between speaking and singing MU2TB-IIIc-4
MELC 4 Performs songs with appropriate vocal or sound quality MU2TB-IIIc-5
I. OBJECTIVES:
1. Natutukoy ang speaking at singing voice
2. Nasasabi ang pagkakaiba ng speaking at singing voice
3. Nakaaawit nang may wastong tono at timbre
4. Naipakikita ang kahalagahan ng paggamit nang wasto sa speaking
voice at singing voice
II. CONTENT: Speaking Voice at Singing Voice
Pag-awit nang may tono at kalidad ng boses
III.LEARNING RESOURCES:
MAPEH 2 Tagalog TG pp. 75-77. 82-83 Tagalog LM pp. 112-115, 121-123
MAPEH 2 Kapampangan LM 54-59
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.fotosearch.com%2FCSP681%2Fk1950167
1%2F&psig=AOvVaw0j-
8DkclBgLtBRA6idtAQU&ust=1599208701161000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCIi_rO3K
zOsCFQAAAAAdAAAAABBU
IV.PROCEDURES:
A. Reviewing previous lesson or presenting the new lesson
Magandang araw sa iyo. Magbalik-aral ka muna tungkol sa mga pinagmumulan
ng mga tunog. Natatandaan mo pa ba ang mga ito? Ano-ano ang mga tunog
mula sa kalikasan at mga bagay na ginawa ng tao? Napag-aralan mo na rin ang
mga uri ng instrumentong pangmusika. Ano-ano ang mga ito? Naaalala mo pa
ba ang anyo, hitsura at tunog ng mga ito? Muli mong kilalanin ang mga
instrumentong pangmusika sa pamamagitan ng pagsagot sa unang gawain.
Gawain 1
Kilalanin ang mga instrumentong pangmusika ayon sa paglalarawan sa
kanilang anyo o tunog. Piliin ang tamang sagot sa mga salita sa loob ng kahon.
trumpeta gitara tambol tuba bajo de uñas tamburin
F.Developing mastery
Upang malinang ang iyong kaalaman sa iyong mga natutunang aralin
sagutin mo ang susunod na gawain.
Gawain 4
Sagutan ng Tama o Mali ang mga sumusunod na pangungusap.
1. Magkakaiba ang timbre o kalidad ng boses ng tao.
2. Ginagamit natin ang speaking voice kapag nakikipag-usap tayo.
3. Ang singing voice ay dapat gamitin kung bumibigkas ka ng tula.
4. Ang tinig o boses ng tao ay may katangian.
5. Kaaya-ayang pakinggan ang awit kapag sintonado ang boses ng umaawit.
DAY 6
I. Evaluating learning
Gawain 5
(A.) Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin at isulat ang letra ng
tamang sagot.
1. Sumali si Rita sa paligsahan sa “Masining na Pagkukwento.” Aling uri ng
boses
ang dapat niyang gamitin?
a. speaking b. singing c. shouting
2. Alin sa mga sumusunod ang ginagamitan ng singing voice?
a. pagbigkas ng tula b. pagbasa ng pabula c. pag-awit ng “Bahay Kubo”
2. Ang mga sumusunod ay ginagamitan ng singing voice maliban lang sa
isa. Alin ito?
a. pangangaroling b. pakikipagkwentuhan c. paghaharana
4. Ito ang kalidad ng tono, laki o pino ng boses.
a. katre b. sobre c timbre
5. Paano magiging maayos ang boses sa pag-awit?
a. Dapat nasa tono at may kalidad ang boses
b. Dapat umawit nang pasigaw
c. Dapat pakahinaan ang boses
(B.) Awitin mo ang awiting “Leron Leron Sinta” sa wastong tono. Iparinig
ang tinig mo sa iyong pamilya o kasama sa bahay.
Pagkatapos mong umawit, upang masukat mo kung paano mo nagawa ang
iyong pag-awit ay sagutin mo ang mga tanong at lagyan ng tsek ( √ ) ang
antas ng pagkasagawa.
KAALAMAN BUONG MAHUSAY HINDI GAANONG
HUSAY MAHUSAY
5 puntos 3 puntos 1 puntos
1. Naawit mo ba ang buong kanta?
2. Nasa tono ba ang iyong boses sa
ginawang pag-awit?
3. Kaaya-aya ba sa pandinig ng mga
nakinig ang tinig mo sa pag-awit?
4. Nakaawit ka ba nang may damdamin?