Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Module 3 Occupational Safety and Health (OSH) Personnel

WHAT

Ano ang OSH personnel?

Ang OSH personnel ay manggagawa o opisyal na inatasan ng kumpanya na magbigay


ng serbisyong medikal o magpatupad ng mga panuntunan o regulasyon na nasasaad sa
programa sa pangkaligtasan at pangkalusugan sa trabaho (OSH program) ng isang
kumpanya at naaayon sa DOLE OSH Standards.

WHO

Sinu-sino ang mga nabibilang sa OSH personel?

Ang OSH personnel ay kinabibilangan ng isa o kombinasyon ng mga sumusunod: (a)


Safety Officer; (b) Qualified First-Aider; (c) Nurse; (d) Physician o Doktor; o (e) Dentista.

WHEN

Kailan maaaring sabihin na ang isang manggagawa o opisyal ng kumpanya ay


maging kwalipikado bilang: (a) Safety Officer; (b) Qualified First-Aider; (c) Nurse;
(d) Physician o Doktor; o (e) Dentista?

Ang mga sumusunod ay ang mga kinakailangang kasanayan upang maging kwalipikado
bilang: (a) Safety Officer; (b) Qualified First-Aider; (c) Nurse; (d) Physician o Doktor; o
(e) Dentista:

 Safety Officer – BOSH/COSH


 Qualified First-Aider – Emergency First-Aid Training, Occupational First-
Aid Training and Basic Life Support o Standard First-aid and Basic Life
Support
 Nurse – BOSH for Nurses
 Doktor/Dentista – BOSH for Physician/Dentist

WHERE

Saang ahensiya maaaring kumuha ng pagsasanay para sa mga OSH personnel?

Ang isang manggagawa o opisyal ng kumpanya maaaring maging kwalipikado para sa


mga posisyong nabanggit matapos makakuha ng angkop na pagsasanay mula sa
sumusunod na institusyon o ahensya:

 Safety Officer - DOLE o DOLE-Accredited Training Organization


 Qualified First-Aider - Philippine Red Cross, Department of Health (DOH),
Bureau of Fire Protection (BFP), at Technical Education Skills
Development Authority (TESDA) Accredited Training Centers
 Nurse - University of the Philippines College of Public Health (UPCPH) at
Occupational Health Nurse association of the Philippines (OHNAP)
 Doktor/Dentista - University of the Philippines College of Public Health
(UPCPH) at Philippine College of Occupational Medicine, Inc. (PCOM)

WHY

Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng OSH personnel?

Ang pagkakaroon ng OSH personnel ay mahalaga upang epektibong maipatupad mga


programa sa pangkaligtasan at pangkalusugan sa trabaho (OSH program) upang
maiwasan ang pagkakasakit o disgrasya ng mga manggagawa sa lugar pagawaan.

HOW

Paano malalaman ang tamang bilang at akmang OSH personnel na dapat


mayroon ang isang lugar pagawaan?

Ang kabuoang bilang ng mga manggagawa at uri ng peligro (risk classification) na


matatagpuan sa isang kumpanya ang magsisilbing batayan ng tamang bilang at sinu-
sino ang OSH personnel na mayroon dapat ang isang kumpanya.

Ang mga maliliit na kumpanya (micro establishment) na may kabuoang bilang ng


manggagawa mula isa (1) hanggang siyam (9) at may mababang uri ng peligro (low risk)
hanggang katamtamang uri ng peligro (medium risk) ay dapat na mayroong isang (1)
first-aider at isang (1) safety officer 1 (SO1). Samantala, ang maliliit na kumpanya (micro
establishment) na mayroong mataas na uri ng peligro (high risk) ay nangangailangan na
ng isang (1) first-aider at isang (1) safety officer 2 (SO2).

You might also like