Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

CANOSSA ACADEMY

LIPA CITY
PAASCU ACCREDITED
SY 2023 – 2024

PERFORMANCE TASK

Deklamasyon (Ikatlong Markahan)

Goal – Makapagsagawa ng isang deklamasyon na magiging daan upang mabuksan ang kamalayan ng
manonood na magpalaganap ng pag-ibig sa kapwa at sarili.

Role – Isa kang deklamador/mambibigkas

Audience – guro at ang klase

Situation – Isa kang deklamador/mambibigkas na nagnanais maipaunawa sa mga mamamayan na magagawa


natin sa simpleng paraan ang pagpapalaganap ng pag-ibig sa kapwa at sarili.

Product – presentasyon ng deklamasyon

Standards – Ang gawain ay dapat makasunod sa pamantayan sa ibaba.

Pamantayan sa Deklamasyon 5 4 3 2 1
Tinig , Diin at Kalinawan ng Pagsasalita (pagbigkas, lakas, at
damdamin)
Pagpapakahulugan ( kilos at gawi, galaw ng mata, pagbabago ng
mukha, hinahon )
Hikayat at Pang-akit sa Madla
Pagkasaulo

Puntos Kahulugan
(5) 18-20 Napakahusay
(4) 15-17 Mahusay
(3) 11-14 Katamtaman
(2) 8-10 Hindi gaanong mahusay
(1) 4-7 Nangangailangan ng pagbabago

Sumunod na Hakbang sa gawaing ito:


• Siguraduhing saulo ang piyesa nang sa gayon ay lumutang ang ganda ng iyong pagtatanghal.
• Maaaring gumamit ng props kung kinakailangan.
• Ang presentasyon ay magsisimula sa ika-16 ng Enero 2024
• Tingnan ang Genyo Course para sa mga sample ng deklamasyon bilang gabay sa pagsasagawa nito o i-
access ang google drive link na ito :
https://drive.google.com/drive/folders/1Gsoi5qgPp6TeqILWOcdsE4Vd2g06cUNb?usp=sharing
Ang Pamilya Kong Kontrabida
Ni G. Kit Jolex S. Santos

(Malakas na sigaw ni Inay) Gabbbbrieeellll ! / Isabbbeeellll! Tanghali na! Bumangon ka na diyan at


tirik na ang araw! (Maaalimpungatan sa narinig) “Inay naman, 5 minutes pa po puwede? Inaantok pa po ako
eh…” “Aba! Hindi ko kasalanan kung puyat na puyat ka kagabi. Hindi ba sabi ko sa iyo, maaga kang matulog!
Anong ginawa mo? Inumaga ka na sa pagtulog! Hala! Bangon na riyan at gumawa na ng gawaing bahay,” iyan
ang mariing wika sa akin ni Inay. Ang unang kontrabida. Pero huwag ka, dahil kay Inay natutuhan ko kung
paano maging responsable sa buhay. Naiisip ko nga, ang Diyos sampu lang ang utos, pero si Inay, hayyysssttt!
Unlimited! (tatawa) Si Inay ang kontrabidang inspirasyon ko sa pagiging mapagmahal, maaruga at higit sa
lahat gagawin ang lahat para sa pamilya.
Lumabas ako ng aking silid. Nakita ko si Itay na may kinukumpuni sa kusina. “Gabriel/Isabel,
sumunod ka na sa inuutos ng iyong nanay. Huwag mong hintaying sinturon ko ang sumunod sa iyo.” Iyan si
Itay, ang pangalawang kontrabida. Pero dahil kay Itay natutuhan ko kung paano maging matatag. Siya ang
tipong tahimik pero malalim. Napaisip nga ako noon, kung si Inay ang ilaw ng tahanan, akala ko, si Itay ang
tagapundi ng ilaw (tatawa), lalo na kapag mayroong ‘di sila pagkakaunawaan. Pero normal lang naman daw
iyon sa isang pamilya. Si Itay ang kontrabidang inspirasyon ko sa pagiging masikap, mapagpahalaga at kayang
isakripisyo ang lahat para sa pamilya.

“Opo itay,” ang aking tugon sa kanya. “Nasaan, nga po pala sina Ate at Kuya?” itinuro ni Itay sa salas
ang dalawa kong kapatid. “Ayan! Gising na ang prinsipe namin. Kumusta ang tulog bunsoy?” ang wika ni Ate.
“Oo nga bunsoy, kumusta ang inumagang matulog, este maagang natulog?” pagbibiro ni Kuya sa akin. Sila
ang pangatlong kontrabida. Pero huwag ka, dahil sa kanila, natututuhan ko kung paano protektahan at
suportahan ang bawat isa. Kahit na minsan nagiging paniki at baka sila kapag inuutusan. “Ba’t, ako ? Ba’t ako
na naman!” “’Kaw na kaya ang gumawa! ‘Kaw na kaya ang bumili!” Sila ang kontrabidang inspirasyon ko sa
pagtanggap ng aking sarili, kakampi sa bawat pagluha at sumusuporta sa aking mga pangarap.
Sila ang pamilya kong kontrabida. Kontra sa mga ginagawang di-maganda ng bidang tulad ko.
Itinatama ang aking mga pagkakamali. Itinatama ako sa dapat at pinupunlaan ng magagandang asal na
magagamit ko sa aking paglaki. Dahil tama nga naman, darating ang panahon na maiiwan akong “Bida” sa
aking kuwento at hahanap-hanapin ang mga kinagisnan kong kontrabida. Ang aking pamilya… Sila ang aking
ligaya sa panahon ng kalungkutan. Ang ilaw sa madilim na landas. Ang tunay na bida sa kuwento ng isang
batang kulang ang pagkaunawa sa salitang kontrabida…

You might also like