Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

GABAY NA PLANO SA PAGTUTURO NG LITERASI SA FILIPINO SA “CATCH-UP FRIDAYS”

Pangalan ng Guro: RUSSPY C. ESCLAMADO Paaralan: Nangka High School


Asignatura: Filipino Baitang: Ikapitong Baitang
Pangkat: GENTLE
Iskedyul: Marso 1, 2024

KOMPONENT KASANAYAN MGA GAWAIN KAGAMITAN/


NG CATCH-UP SA PAGBASA SANGGUNIAN
I. INTERBENSYON/ 1. Nakababasa ng may A.PANIMULANG GAWAIN Mga kagamitan:
REMEDYASYON pag-unawa sa akdang a. Pagdarasal Sipi ng kwento,
pampanitikan. b. Pagdampot ng mga activity
kalat/pagsasaayos ng silid-aralan
2. Nasasagot ang mga c. Pagbati sa Klase
tanong hinggil sa d. Pagtsek ng attendance
alamat na binasa. e. Kumustahan

3. Naiuugnay ang A. PAGTALAKAY SA ARALIN


sariling karanasan sa
binasang alamat. Pagmomodelo (I DO): Paghambingin ang nasa
larawan. Maaaring gamitin ang mga salitang
4. Nagagamit nang higit/mas, di gaano, labis/sobra.
maayos ang mga (Magbibigay ang guro ng halimbawang sagot.)
pahayag sa
paghahambing
(higit/mas, di gaano,
di-gasino, at iba pa)

 Mas malinis tignan ang unang babae


kaysa sa pangalawa.
 Di-gaanong maganda ang nasa
pangalawang larawan.
WE DO: Pagbabahagi ng kasagutan ng mga mag-
aaral tungkol sa unang gawain.

B. Ikalawang Bahagi
Alamat ng Alitaptap
Noong unang panahon, may isang makisig na
binata na nais mag-asawa ng
pinakamagandang dilag. Siya ay mayabang at
masyaong malaki ang pagkakilala sa sarili.

Kung minsan tuloy, nagdaramdam ang ilang


mga dalaga sa kanya dahil sa pamimintas niya
kahit nakaharap ang dalaga. Isang araw,
papunta na siya sa bundok upang manguha ng
yantok nang masalubong niya ang isang
napakagandang dalaga na nakasuot ng puting-
puti.

“Napakagandang dalaga,” wika niya sa sarili


at tuloy-tuloy na nilapitan niya ito. Nang
malapit na siya, nagtatakbo ang dalaga at
nawalang parang bula.

Hinanap niya ang dalaga sa buong kagubatan


ngunit hindi niya nakita.Sa tagal at hirap na
dinanas ng binata sa paghahanap sa dalaga,
nagalit siya. “Hindi ka talaga maganda. Ang
ilong mo’y pango, ang mata mo ay duling at
ang mga tenga mo ay malalapad!” sigaw ng
binata.

Dahil sa pagkahapo ay nahiga siya sa lilim ng


punung-kahoy para magpahinga. Naidlip siya
at nang magising, nakita niya ang magandang
dilag. Alam niyang maganda talaga ang dalaga
at hindi totoo ang sinabi niya.

Sabi ng dalaga, “ininsulto mo ako, kaya mula


ngayon, ikaw ay magiging isang kulisap.
Manunumbalik lamang ang anyo mo kapag
naipakita mo sa akin ang isang dalagang mas
higit ang kagandahan sa akin. Humayo ka at
hanapin mo ang dalagang sinasabi ko para
mabalik ang dati mong anyo,” ang utos ng
engkantadang babae.

Lumipad ang binatang naging kulisap upang


hanapin ang babaeng mas maganda pa kaysa
sa engkantada. Naghanap siya gabi’t araw.
Upang makita niya ang babaing gaganda pa sa
sumpa sa kanya, nagdala siya ng ilaw tuwing
gabi.

Ang binatang yaon na naging kulisap ang


tinawag natin ngayong alitaptap.
Sasagutin ng mga mag-aaral ang mga
sumusunod na tanong tungkol sa kanilang
binasa.
1.Tungkol saan ang kuwento?
2. Anong ugali ang ipinakita ng binata sa
kwento?
3. Ano ang nararamdaman mo bilang isang
kapatid matapos mabasa ang alamat?
4. Sa iyong palagay, tama ba ang ginawa
ng engkatada sa binata? Ipaliwanag.
5. Bakit nagsinungaling ang binata sa
engkatada?

MGA PAGSASANAY
Gawaing Pang- indibidwal (YOU DO)

Sa isang buong papel o Catch-Up Friday


notebook. Iguhit o ilarawan ang isang
magandang babae o lalaki para sa iyo,
pagkatapos ay ihambing mo ito sa iyong sarili
gamit ang mga paghahambing na salita tulad ng
higit/mas, di gaano, labis/sobra.

II. ENHANCEMENT 1.Napapaunlad ang A. BAGO BUMASA Mga kagamitan:


kultura at Sipi ng kwento,
pagmamahal sa Ibigay ang iyong mahihinuha sa daloy ng activity
pagbasa. kwento batay sa pamagat nito

B. HABANG BUMABASA
Pagbasa ng Alamat ng Alitaptap

C. PAGKATAPOS BUMASA
Sasagutin ng mga mag-aaral ang sumunod na
mga katanungan.
1.Tungkol saan ang kuwento?
2. Anong ugali ang ipinakita ng binata sa
kwento?
3. Ano ang nararamdaman mo bilang isang
kapatid matapos mabasa ang alamat?
4. Sa iyong palagay, tama ba ang ginawa
ng engkatada sa binata? Ipaliwanag.
5. Bakit nagsinungaling ang binata sa
engkatada?
III. Gamit ang Venn Diagram, paghambingin ang
Alamat ng Paruparo at Alamat ng Alitaptap.
Gumamit ng mga salitang naghahambing tulad ng
higit/mas, di gaano, labi s/sobra.

Inihanda ni:

RUSSPY C. ESCLAMADO
Guro sa Filipino 7

Sinuri at Iniwasto ni:

MA. LORENA A. GAYLA


Puno ng Departamento, Filipino

Inaprubahan ni:

HADJI M. TEJADA
Punong Guro II

You might also like