Banghay Aralin Ap

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

STUDENT’S NAME: Angel Mae Mapoy TEACHER: Mrs.

Hazell Abellano

DATE AND TIME OF LESSON TO BE PRESENTED: SUBMITTED ON:


BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN- BAITANG 2

I.LAYUNIN (OBJECTIVES)

Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:

1. Natatalakay ang kahulugan ng salitang pamilya


2. Napapahalagahan ang sariling pamilyang kinagisnan sa pamamagitan ng paglalahad ng
komposisyon, kaugalian, paniniwala, at pinagmulan ng pamilya gayundin ang mga tungkulin at
karapatan ng bawat kasapi nito
3. Naiguguhit ang bawat miyembro ng pamilya upang makabuo ng ‘Tala ng Angkan o family tree’.

II.PAKSANG ARALIN (SUBJECT MATTER)

PAKSA: Ang Pamilya

SANGGUNIAN: ARALING PANLIPUNAN 1 (Quarter 2-Module 2): Ang Aking Pamilya


Youtube channel: DDO TV ESKWELA

MGA KAGAMITAN: Laptop

III.PAMAMARAAN (PROCEDURE)
STUDENT’S NAME: Angel Mae Mapoy TEACHER: Mrs. Hazell Abellano

DATE AND TIME OF LESSON TO BE PRESENTED: SUBMITTED ON:

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A.Paunang Gawain (Preliminary Activities)

“Magandang Araw mga bata!” “Magandang Araw po Ma’am!”

“Bago tayo magsimula sa panibagong talakayan, (Tatayo at pupunta sa harap si Jamia upang
tayo ay manalangin muna sa poong maykapal na pangunahan ang panalangin)
pangungunahan ni Jamia”
“Panginoon naming Diyos, patnubayan mo po
ang araw na ito sa aming lahat upang
magampanan namin ang aming sariling
tungkulin. Bigyan mo kami ng gabay at
pagkalinga sa pagtupad ng aming mga gawain.
Bigyan mo kami ng tulong sa aming mga
desisyong ginagawa. Pagpalain mo an gaming
mga guro sa matiyagang paghahatid sa amin
ng mga leksyon sa araw-araw. Pagpalain mo
rin an gaming mga magulang sa patuloy na
pagsuporta sa amin. Maraming salamat po,
Panginoon sa lahat ng biyayang inyong
ibinibigay sa aming lahat. Ikaw po ang aming
sandigan at kalakasan. Amen.”

“Ngayon naman ako ay magtatala kung sino ang “Ma’am, wala po!”
lumiban sa araw na ito, mayroon ba ang wala dito
ngayon?”

“Magaling! Kumpleto tayong lahat!”

“Paalalahanan ko lamang kayo, pakipulot ang mga


kalat sa inyong paligid at ayusin ang inyong mga
upuan. Iwasan ang pakikipagdaldalan sa inyong
katabi lalo na habang ako ay nagsasalita. Makinig
lamang kayo ng mabuti habang ako ay nagtuturo ng
sa ganon magiging madali sa inyo ang lahat. Kung
kayo ay may tanong o nais ninyong sumagot, itaas
lamang ang inyong kamay. Huwag kayo magsasalita
ng sabay-sabay. Nagkakaintindihan ba mga Anak?” “Opo, Ma’am”

“Mabuti naman. Magbalik aral naman tayo ngayon


mula sa ating naging talakayan kahapon. Sino ang
makakapagbigay ng paksa ng ating naging talakayan “Ma’am, ako po!”
kahapon?”

“Sige anak, ano ang paksa ng ating naging aralin “Ma’am, tinalakay po natin kahapon ang mga
kahapon?” kasapi ng pamilya”
STUDENT’S NAME: Angel Mae Mapoy TEACHER: Mrs. Hazell Abellano

DATE AND TIME OF LESSON TO BE PRESENTED: SUBMITTED ON:

“Tama! Magaling! Sino-sino naman ang bumubuo “Ma’am, ako po!”


sa pamilya?”

“Sige anak, ikaw” “Ma’am,ang pamilya po ay binubuo ng tatay, nanay


at mga anak”

“Tama! Magaling! Bukod kay tatay, nanay at ang


mga anak, sino-sino pa ang kasapi na kabilang sa “Ma’am, ako po!”
pamilya?”

“Sige anak, ikaw” “Ma’am, bukod po kay tatay, nanay at mga anak,
kasapi rin po ng pamilya sila lolo, lola, tito at tita”

“Tama! Magaling! Anong uri ng pamilya ang “Ma’am, ako po!”


binubuo ng nanay, tatay, at mga anak?”

“Sige anak, ikaw” “Ma’am, Two parent family po”

“Tama! Magaling! Ano naman tawag sa uri ng


pamilya na binubuo ng isang magulang lamang at “Ma’am, ako po!”
anak?”

“Sige anak, ikaw” “Ma’am, Single parent family po”

“Tama! Magaling! Paano naman kapag ang pamilya


ay binubuo ng nanay, tatay, mga anak at kasama
narin rito sina lolo at lola. Anong uri ng pamilya “Ma’am, Extended family po”
ito?”

“Tama! Magaling! Para sa huling katanungan, para


sa iyo bakit kailangan natin pahalagahan ang
pamilya na ating kinabibilangan?” “Ma’am, ako po!”

“Sige anak, ikaw” “Kailangan po natin pahalagahan ang pamilya na


ating kinabibilangan dahil, ang pamilya natin ang
gumagabay, nagtuturo ng mga mabubuting asal,
nagbibigay ng pangangailangan at nagmamahal ng
walang kapalit”

“Tama! Magaling! Nakakatuwa naman kayong lahat


dahil talaga nga namang naintindihan at
natatandaan niyo pa ang ating naging aralin
kahapon! Bago tayo dumako sa talakayan ngayong
araw na ito, nais ko muna ninyong sagutan ang mga
sumusunod na pangungusap. Ilabas niyo ang inyong (Ilalabas ng mga mag-aaral ang kanilang kuwaderno
STUDENT’S NAME: Angel Mae Mapoy TEACHER: Mrs. Hazell Abellano

DATE AND TIME OF LESSON TO BE PRESENTED: SUBMITTED ON:


mga kuwaderno sa Araling Panlipunan at lapis at at sisimulan ang pagsagot)
simulan niyo na ang pagsasagot. Dahil kayo ay mga
10 minuto sa pagsasagot”

(Ipapakita ng Guro ang mga katanungan sa


pamamagitan ng power point presentation)

(Nayari na ang 10 minuto na ibinigay ng Guro sa


mga mag-aaral)

“Times Up! Tara na’t alamin ang mga sagot sa mga


sumusunod na pangungusap”

“Pakibasa nga Trisha ang unang pangungusap” “Ang pagtutulungan ng mag-anak sa tahanan ay
nagdudulot ng kasiyahan”

“Mga anak ano ang sagot? Tama o Mali ba ito?” “Tama, po!”

“Tama! Magaling! Pakibasa nga ang ikalawang “Bawat kasapi ng tahanan ay may karapatan at
pangungusap James” tungkulin na dapat gampanan”

“Mga anak ano ang sagot? Tama o Mali ba ito?” “Tama, po!”

“Tama! Magaling! Pakibasa nga ang ikatlong “Sinisigawan ang nakakatandang kapatid kapag
pangungusap Acel” kinakausap”

“Mga anak ano ang sagot? Tama o Mali ba ito?” “Mali, po!’

“Tama! Magaling! Pakibasa nga Jillian ang ikaapat “Magbigay galang at respeto sa bawat kasapi ng
na pangungusap’ pamilya para sa maayos na pagsasamahan”
STUDENT’S NAME: Angel Mae Mapoy TEACHER: Mrs. Hazell Abellano

DATE AND TIME OF LESSON TO BE PRESENTED: SUBMITTED ON:

“Mga anak ano ang sagot? Tama o Mali ba ito?” “Tama, po!”

“Ang pagdarasal ng mag-anak ay nagpapakita ng


“Tama! Magaling! Pakibasa nga Nathan ang huling pananampalataya sa Diyos”
pangungusap”
“Tama, po!”
“Mga anak ano ang sagot? Tama o Mali ba ito?”

“Tama! Magaling! Palakpakan niyo naman ang


inyong mga sarili!”

“Base sa inyong sinagutan na mga tanong, ano sa “Ma’am, ako po!”


palagay niyo ang paksa ng ating aralin ngayong
araw na ito?”
“Ma’am, mga karapatan at tungkulin po ng bawat
“Sige anak, ano ang ideya mo” kasapi ng pamilya”

“Ma’am, daragdagan ko lamang po ang sinagot ng


“Magaling! Sino pa ang may ideya?” aking kaklase, ang maaari rin po natin na maging
aralin sa araw na ito ay tungkol sa paniniwala at
kaugalian ng isang pamilya”

“Magaling! Ang inyong mga sagot ay konektado sa


ating magiging aralin ngayong araw na ito”
“Ngayong araw na ito ang paksa ng ating aralin ay
Ang aking Pamilya. Nakapaloob sa paksa na ito ang
komposisyon, kaugalian, paniniwala at pinagmulan
ng pamilya gayundin ang mga tungkulin at
karapatan ng bawat kasapi nito”
“Opo, Ma’am!”
“Handa naba kayong matuto ng panibagong aralin
mga anak?”

“Kung ganoon, simulant na natin!”

(Ipapakita ng Guro ang kaniyang inihandang power


point presentation para sa mga mag-aaral)

“ARALIN 2: Ang Aking Pamilya:

“Ang pamilya ang pinakamaliit na yunit ng


komunidad. Ang bawat pamilya ay may iba’t ibang
pinagmulan, komposisiyon, kaugalian at paniniwala.
Dito unang nahuhubog ang kaiisipan at ugali ng
isang bata. Ano’t anuman ang pinagmulan ng isang
pamilya, iisa ang mithiin, ang mahubog ang bata na
STUDENT’S NAME: Angel Mae Mapoy TEACHER: Mrs. Hazell Abellano

DATE AND TIME OF LESSON TO BE PRESENTED: SUBMITTED ON:


maging kapakipakinabang sa komunidad.

Mapananatili ang matatag na pamilya kung


ginagampanan ng bawat miyembro ang kanilang
tungkulin, may pagtutulungan, paggalang sa
pananaw ng bawat isa, pagmamahalan at higit sa
lahat may pananampalataya sa Panginoon”

(May ipapakitang larawan ang Guro)

“Ano ang napapansin niyo sa mga larawan?” “Ma’am, ako po!”

“Sige anak, ikaw” “Ma’am, may dalawang klase po ng pamilya ang


pinapakita sa mga larawan. Ang unang larawan po
ay ang pamilyang nagtutulungan at ang ikalawa
naman po ay pamilya na nag-aaway ang mag-
asawa”

“Tama! Magaling ”

(Babasahin ng Guro ang kwento)

(Makikinig ang mga mag-aaral ng mabuti habang


nagbabasa ng kwento ang kanilang Guro)
STUDENT’S NAME: Angel Mae Mapoy TEACHER: Mrs. Hazell Abellano

DATE AND TIME OF LESSON TO BE PRESENTED: SUBMITTED ON:


STUDENT’S NAME: Angel Mae Mapoy TEACHER: Mrs. Hazell Abellano

DATE AND TIME OF LESSON TO BE PRESENTED: SUBMITTED ON:

You might also like