Youth & YP Christmas Party

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Sabay: Magandang Hapon mga kabataan!

Jhen: Habang kayo po ay kumakain, eto po ang magiging flow ng ating programa
sa hapong ito. *After Lunch ay maaari na po kayong magchange outfit, Ang
theme nyo po ngayon ay “Panjama Party” at maya-maya po kami po ay lilibot
upang tatakan at pangalanan ng bawat isa ang inyong thumbmark souvenier, ito
po ang magiging kabuuan ng inyong souvenier.
Cindy: Hayaan nyo pong aming banggitin ang magiging flow ng ating program
*Sa Opening paryer ay pangungunahan po ni Bro. Nelsie, for ehortation led by
Elder Steve. At may mga naitalagang game masters na magpapacilitate ng inyong
magiging activities.
Jhen: Inspirational message by Sister Belen, Closing remarks led by Ptr. Israel
And last ay ang ating photo opportunity.
At ilang minuto po ay maaari na pong magsimula ang ating programa.

Sabay: MAGANDANG HAPON MULI MGA KABATAAN!


Jhen: Sa hapon pong ito kami po ay nataatasan bilang kabahagi ng inyong
programa.
Cindy: Alam po namin na matagal ng pinaghandaan ng bawat isa ang event na ito,
kaya bago po tayo magsimula sa ating programa ay atin muling alamin ano ba ang
layunin ng pagtitipon ng mga kabataan.
Jhen: Sa ating pagtitipon sa hapong ito ay atin pong Lubos po mauunawaan ang
kahalagahan rin ng Paalala ng bawat isa sa tunay na kahulugahan ng pasko, kung
bakit po ba natin ito ipinadiriwang sa ating mga buhay.
Jhen: Kaya't Bago po natin simulan ang ating programa tayo muna po ay
pangungunahan sa panalangin ni Bro. Nelsie.
Cindy: Salamat po Bro. Nelsie, Maaari na po kayong magsi upo, At tinatawagan po
sa harapan si Elder steve upang bigyan tayo ng mensahe mula sa salita ng ating
Panginoon.
Jhen: Salamat po sa sa salita ng ating Panginoon, maliwanag po mga kabataan, na
ang tunay na kahulugan ng Ka-Paskuhan ay hindi lamang dahil sa mga regalo, di
dahil sa may mga bonus na dumarating pagtungtong ng month of December, o
kaya naman may family get together. Bilang paalala po sa bawat isa ang tunay na
kahulugan ng Pasko kung bakit natin ito ipinagdiriwang ay dahil sinasariwa po
natin ang pagsilang ng ating Panginoon na tagapagligtas.
Cindy: Tama ka dyan Jhen, Kaya't mahalaga na ating nauunawaan ang tunay na
ugat ng kapaskuhan. At Alam ko pong ang bawat isa ay handa ng tumaggap ng
mga prices kaya't atin na pong simulan ang mga inihandang activities ng ating mga
Game Masters. Youth & Yp's Handa na po ba kayo? 1st Activity c/o by ate Linda at
ieexplain po ng bawat Game Master ang magihing mechanics ng laro.
Jhen: Nabitin po ba kayo? you want more?? So Let's proceed for the next activity,
For the 2nd Activity po c/o by Ate Jas.
Cindy: Thank you Ate Jas and your team sa inihanda nyong activity sa bawat isa.
Atin muna pong pansamatalang puputulin ang ating kasiyahan, Mukhang
kailangan muna po natin Short break dahil nakaready na po ang ating foods.
Cindy: At sa Pangatlong Activity ay ating tinatawagan sa harapan si Kuya Rhaf
upang iexplain ang magiging mechanics ng inyong laro.
Cindy: And last, syempre ang inyong coordinator ay may inihanda ring activity
para sainyo. Kaya’t tinatawagan po si Elder Steve para po sa ating last activity.
Jhen: To give us, an inspirational message let me call on, sister belen Vergara.
Cindy: At para naman po sa closing remarks at closing prayer ay pangungunahan
po tayo ni Ptr. Israel Vergara.
Cindy: For photo opportunity ay ang mga youth muna ang mauuna kasama po ang
ating mga Elders, next is YP with our Elders, and last ay ang kabuuan na po.
Jhen : Nag enjoy po ba ang lahat? At dito na po natatapos ang ating programa,
Salamat po sa lahat ng nakibahagi sa Event na ito, muli po ako po si Ate Jhen,
Cindy: At Ako naman po si Ate Cindy,
Sabay: Na bumabati sainyo ng…..
Merry Christmas and Advance Happy New Year Everyone.

You might also like