Professional Documents
Culture Documents
Ap LP Semi
Ap LP Semi
I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natatalakay ang Impluwensya ng Espanyol sa kultura ng mga Pilipino;
b. Nasusuri ang ginawang pag-aangkop ng mga Pilipino sa kulturang
ipinakilala ng mga Espanyol.
c. Nakapagbibigay ng katibayan ng pagiging malikhain ng mga Pilipino sa
musika, sayaw, sining, at panitikan.
II. Nilalaman
A. Paksa: Impluwensya ng kulturang Espanyol sa kulturang Pilipino
B. Kagamitan: Mga larawan, Visal aids, video clips, Laptop, at T.V.
C. Sanggunian: Araling Panlipunan: Pilipino Lahing Makabayan 5
III. Pamamaraan
A. Panimulang gawain
1. Panalangin
“Magsitayo ang lahat at tayo’y manalangin”
Panginoon maraming salamat po sa araw na ito, patawarin niyo po kami sa aming
nagawan kasal-anan sa isip at sa gawa.
Amen!
2. Pagbati
“Magandang umaga sa lahat”
Bago kayo umupo, ayusin muna ang inyong upuan at manataling tahimik.
B. BALIK-ARAL
Paksa: Mga Unang Pag-aalsa
a. Pangganyak
Panunuluyan Cenakulo
Ano ang masasabi ninyo sa mga larawan na inyong nakita?
Ano ang ipinahihiwatig nito? Sa inyong palagay saan ito may kaugnayan?
Maaari ba kayong magbigay ng halimbawa ng mga Pista na ipinagdiriwang sa
Pilipinas? (Iugnay ang kanilang mga sagot sa paksang aralin.)
C. Paglalahad/Talakayan
• (Magpapakita ang Guro Slide Presentation na may 3 Jumbled Words para sa
bagong aralin)
Kasuotan
Pagkain
Arkitektura
• Pagbabago sa estilo ng mga gusali at mga tahanan. Paggamit ng mga bato, mga
ladrilyo, at matitigas na kahoy tulad ng mulawin at narra.
Relihiyon
Edukasyon
• Pagpapatayo ng mga paaralang pamparokya na pinamahalaan ng mga prayle o
kura paroko, kung saan ang pagtuturo ng relihiyon ang sentro ng pag-aaral.
Pamahalaan at Pamayanan
Panitikan
• Pagkahilig ng mga Pilipino sa mga awit, korido, at pasyon. Awit ang tawag sa
mahabang tulang pasalaysay. Ang korido naman ay isa ring anyo ng tulang
pasalaysay na binubuo naman ng dalawang pantig , at binibigkas sa kumpas ng
martsa o allegro. Samantala, ang pasyon ay isang librong naglalaman ng mga
pahayag hinggil sa pagpapakasakit at kamatayan ni Kristo.
• Pagpapakilala sa mga Pilipino ng mga dulang kanluranin tulad ng sarsuwela,
moro moro, at senakulo. Ang sarsuwela ay dulang may salitaan, awitan, at
sayawang may romantikong istorya. Ang moro-moro ay dulang tungkol sa
labanan ng mga Muslim at Kristiyano. Ang senakulo naman ay dulang may
kinalaman sa buhay ni Kristo.
D. Paglalahat
(Sasagutin ng mga mag-aaral ang mga katanungan nainihanda ng Guro.)
E. Paglalapat
Hahatiin ang mga mag aaral sa tatlong pangkat bawat pangkat ay Pabubunutin ng
kanikanilang gagawin kung ito ba ay musika, sayaw, o pag guhit.
- Pangkat 1 (Musika)- Ang mga mag-aaral ay kailangan mag prepara ng
isang awit namay impluwensya ng Espanyol at ito ay kanilang itatampok
sa unahan.
- Pangkat 2 (sayaw)- Ang mga mag-aaral ay kailangan mag prepara ng
isang sayaw namay impluwensya ng Espanyol at ito ay kanilang
itatampok sa unahan
- Pangkat 3 (Pagguhit)- Ang mga mag-aaral ay kailangang gumuhit ng
mga nais nilang propesyon at ito ay ipapaliwanag nila sa unahan
-Narito ang mga rubrics para sa pag mamarka ng mga gawain sa performance
tasks:
RUBRICS
1.Napakahusay
- Malinaw at angkop ang diyalogo at 16-20
kilos. Maayos na naipahayag ang
mensahe at tumpak ang lahat ng
impormasyon ipinakita
2.Mahusay
- May malinaw na pagpapahayag ng 11-15
angkop na dayalogo at kilos, subalit
may isa ang nagkamali sa
impormasyong ipinakita.
3. Katamtaman ang Kahusayan
- Nakapagpahayag ng dayalog at kilos, 6-10
subalit may dalawa o higit pang
nagkamali sa impormasyong ipinakita.
4.Nangangailangan ng pagsasanay
- Walang naipahayag na diyalogo at 1-5
walang kilos na naipakita
IV. Pagtataya
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang salitang TAMA kung ang pahayag ay
nagpapaliwanag ng impluwensiya ng kulturang Espanyol sa kulturang Pilipino at MALI
naman kung hindi.
_________ 1.) Mula sa bahag ay natutong gumamit ng barong at saya ang mga
Pilipino
__________ 2.) Gumamit ang mga Pilipino ng bata at matitigas na kahoy sa paggawa
ng kanilang mga tahanan.
__________3,) Sa panahon ng kolonyalismo, isinawalang bahala ng karamihan ng mga
katutubong pamayanan ang Kristiyanismo.
__________ 4.) Napalitan ang pamahalaang barangay ng pamahalaang sentralizado
noong panahon ng mga Espanyol.
Panuto: Ibigay ang hinihinging kasagutan ayong sa mga pahiwatig. Gawin ito sa sa
sagutang papel
S N K U O
P A S O N
P A O
P R SI S O N
V. Takdang-Aralin
Inihanda ni:
Marivel S. Acope
Student Teacher