Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 8

Paaralan Panoypoy Integrated School Baitang/Antas GRADE 8


Guro MARY ROSE P. PASACAS Asignatura Araling Panlipunan 8
Petsa/Oras MARCH 4,2024 Markahan Ikatlong Markahan
10:45-11:45
I. LAYUNIN
 Nasusuri ang dahilan, kaganapan, at epekto ng rebolusyong siyentipiko,
 Natataya ang dahilan, kaganapan, at epekto ng rebolusyong siyentipiko,
 Napapahalagahan ang kontribusyon ng rebolusyong siyentipiko,
A. Pamantayang Pangnilalaman: Ang mag-aaral ay…naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa naging
transpormasyon tungo sa makabagong panahon ng mga bansa at rehiyon sa daigdig bunsod ng paglaganap ng mga
kaisipan sa agham, politika, at ekonomiyatungo sa pagbuo ng pandaigdigan kamalayan.
B. Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay…kritikal na nakapagsusuri sa naging implikasyon sa
kaniyang bansa, komunidad, at sarili ng mga pangyayari sa panahon ng transpormasyon tungosa makabagong
panahon.
C .Mga Kasanayan sa Pagkatuto Isulatang code ng bawat kasanayan :
 Naipapaliwanag ang dahilan, kaganapan, at epekto ng rebolusyong siyentipiko, enlightenment, at
industriyal (AP8pMD-llli-10)
II.NILALAMAN REBOLUSYONG SYENTIPIKO
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian:
1.Mga pahina sa Gabay ng Guro:
2.Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral: Araling Panlipunan LM 8 pahina pahina 300-307
3 .Mga PahinasaTeksbuk:
4.Karagdagang Kagamitanmulasa portal ng Learning Resource:
5.Iba pang KagamitangPanturo: Chalk, eraser, chalkboard, laptop, Monitor
III.PAMAMARAAN
A.Panimulang Gawain
1.Pambungad na Panalangin
2.Pagbati ng Guro
3.Pagtatala ng lumiban sa klase

IV. Aktibi Gawain 1:


Panuto: sagutan ang mga sumusunod na katanungan.
1. Anak ni haring juan ng Portugal. Siya ay nag-anyaya sa mga
dalubhasang mandaragat na magturo ng tamang paraan ng
paglalayag sa mga tao.
2. Narating niya ang Timog ng Africa noong1488 at tinawag itong
“Cape of Storm o Cape of Good Hope” dahil sa katangian nito na
mabato at kilalang lugar na palaging binabagyo.
3. naging karibal ng Portugal sa pananakop at paggagalugad, nais din
nila na makapagtatag ng imperyong kolonyal.
4. Natukalasan niya noong 1507 ang “ Bagong Mundo” o new world na
ngayon ay Amerika.
5. Isang Portugues na manlalakbay na nagalok ng serbisyo sa hari ng
Espanya matapos siyang hindi pansinin ng hari ng Portugal.

V. Paglinang ng Gawain
Bakit kaya nag nagging magkaribal ang portugues at spain sa pananakop?
1. Analisis Ano ang mahahalahang pangyayari sa unang yugto ng kolonyalismo?

3. Abstraksyon REBOLUSYONG SIYENTIPIKO

Isa sa mahalagang pangyayari at epekto ng unang yugto ng


kolonyalismo at imperyalismo ang pagsibol ng makabagong
kaalaman at teknolohiya na ginamit at ipinakilala ng
eksplorasyon. Ang panahong renaissance at repormasyon ang
dahilan upang ang tao ay magkaroon ng kaalaman partikular sa
edukasyon at agham.

Ang kaalaman o ideyang siyentipiko ay daan upang


magkaroon ng panibagong pananaw at pag-iisip. Sumikat ang mga
siyentista sa panahong ito, tulad nina:

Nicolaus Copernicus 1473-1543

Sumikat sa larangan ng pisika at astronomiya, ayon sa kanya ang daigdig ay


umiikot sa kanyang axis, at ang araw ang sentro ng uniberso. Ang teoryang
ito ay mas nakilala sa “Teoryang Heliocentric.”

Galileo Galilei 1571-1630

Nakaimbento ng teleskopyo. Naobserbahan niya ang sinag ng buwan at


repleksyon na nagmula sa araw. Nadiskubre rin niya ang kalawakan.

Johannes Kepler

Isang Aleman na astronomer, natural scientist, at mahusay sa


larangan ng matematika na nakabuo ng isang pormula tungkol sa pagikot ng
mga planeta sa parabilog na tinatawag na ellipse, dahil sa hindi
pareho ang bilis ng pag-ikot nito.

Noong ika-17-19 na siglo nagsimula ang pag-alab ng mga kilusan


sa larangan ng siyensiya kung saan nangunguna sina:

Sir Isaac Newton

Isang matematisyan, sa kanya nagmula ang paggamit sa ideyang


calculus na sa pamamagitan ng pagkukuwenta ay nabigyan ng
katuwiran ang mga nangyayari sa kapaligiran ayon sa batas ng
kalikasan. Pangalawa nakagawa siya ng batas ng grabidad o Law of
Gravity, ayon sa prinsipyong ito, ang bawat bagay sa daigdig ay may
atraksyon sa ibang bagay batay sa kaniyang pinagsamang timbang at
tayo sa pagitan nila.

William Harvey

Nakilala sa larangan ng makabagong medisina. Pinag-aralan


ang sirkulasyon o pagdaloy ng dugo sa katawan, ayon sa pagsusuri ang
puso ang sentro sa pagkalat ng dugo sa buong katawan. Napag-alaman
din niya ang paraan ng paggrado ng dugo kapag ito ay tumataas o bumababa.

Edward Jenner

Ang bakuna ang tinutukan niya ng pansin. Mahalaga ang bakuna na


panlaban sa mga sakit. Siya ay nagsaliksik, nagsuri, at nagmasid
ukol sa bakuna hanggang natuklasan niya ang taong nagkasakit na di na muli
itong nahawaan. Dito nagsimula ang ideyang pagbabakuna.

Louis Pasteur

Naimbento ang antibiotic dahil napag-alaman niya na ang sakit ay


sanhi ng mikrobyo na maaaring patayin sa pamamagitan ng
antibiotic. Nakagawa rin ng gamot sa rabies at ang paraan ng pasteurization.

Dr. William Thomas Green Morton

nadiskubre ang paglanghap ng Ether (organic compound) na nakakaalis ng


sakit sa pagbunot ng ngipin. Dito nabuo ang bagong sangay ng medisina na
tinatawag na “Anesthesiology.”

Roentgen

Nakaimbento ng X-ray.

Charles Darwin

nabuo ang teoryang ebolusyon, na lahat ng kasalukuyang hayop at


halaman ay nagmula sa mga unang hayop at halaman. Pinatunayan niya na sa
pamamagitan ng natural selection, ang ideyang ito ay nasa
naisulat niyang aklat na “On the Origin of the Species.”

Pierre at Marie Curie

Nakaimbento ng radium.

4.Aplikasyon Panuto: Isulat sa talahayan ang mga naging ambag ng mga tao syentista sa
panahon ng siyentipiko
Siyentista Mga Naimbento

5. Assessment Panuto: Basahin at sagutan ang mga sumusunod na katanungan.


1. Isang Aleman na astronomer, natural scientist, at mahusay sa
larangan ng matematika na nakabuo ng isang pormula
2. Isang matematisyan, sa kanya nagmula ang paggamit sa ideyang
calculus.
3. Ang bakuna ang tinutukan niya ng pansin. Mahalaga ang bakuna
na panlaban sa mga sakit.
4. Nakaimbento ng X-ray.
5. Nakaimbento ng teleskopyo. Naobserbahan niya ang sinag ng
buwan at repleksyon na nagmula sa araw. Nadiskubre rin niya
ang kalawakan.
6.Taldang Aralin
IV.MGA TALA
V.PAGNINILAY
A.Bilang ng mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya.
B.Bilang ng mag-aaral
nanangangailangan ng iba pang
Gawain parasa remediation.
C.Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral nanakaunawa
sa aralin.
D.Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation?
E.Alin sa mga istratehiyang
pagtutroang nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F.Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyunan sa tulong
ng aking punungguro at superbisor?
G.Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Inihanda ni:
MARY ROSE P.PASACAS
SST-1

Iniwasto ni:

SHERYL JEAN M. GARCIA


School Head

You might also like