Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10

REVIEWER
PRACTICE SET
https://docs.google.com/document/d/1aJRxUgp8fxTPBuHobO_-9LZVHiKv5JqRWsXRL5cJF4s/edit?usp=
sharing

POINTERS
1. Mahahalagang Tauhan, Pahayag, at Katangian o Paglalarawan sa Papel na Kanilang Ginampanan
2. Mahahalagang Pangyayari, Aral, at Isyung Panlipunan
3. Kabanata 7: Mga Dahilan kung bakit Hindi Pinatay ni Simoun si Basilio
4. Kabanata 8: Mga Dahilan ng Pagkapipi ni Tata Selo
5. Kabanata 9: Ang mga Pilato sa Buhay ni Kabesang Tales
6. Kabanata 10: Sino ang Kayamanan at Karalitaan?
7. Kabanata 12: Kahulugan ng Placido Penitente
8. Kabanata 12: Mga Dahilan kung bakit Tinatamad Pumasok Noon sa Paaralan ang mga
Estudyante gaya ni Placido
9. Kabanata 13: Paano iniugnay ni Rizal ang “Law of Motion” sa pangyayaring naganap sa Klase sa
Pisika
10. Kabanata 14: Ang pagtatalo ni Sandoval at Pecson ukol sa Akademya ng Wikang Kastila
11. Kabanata 15: Ang mga makasariling payo ni Ginoong Pasta kay Isagani
12. Kabanata 16: Ang panunuhol ni Simoun kay Quiroga
13. Kabanata 17: Ang mga likhang sining na nilait ni Padre Camorra at Ben Zayb
14. Kabanata 18: Ang Kwento ng mga karanasan ni Imuthis at pagkakaugnay nito sa buhay ni Ibarra
15. Kabanata 19: Mga nasaksihan ni Placido sa kalye Iris ukol sa paghihimagsik ni Simoun
16. Kabanata 20: Mga katangian ni Don Custodio bakit itinuring siyang “mapagpalagay” o assuming
person
17. Mga Dapat isaalang-alang sa Pagsasaling-wika
18. Wastong Paraan ng Pagsasaling-wika

MAHAHALAGANG TAUHAN
Mahahalagang Tauhan, Pahayag, at Katangian o Paglalarawan sa Papel na Kanilang
Ginampanan

PANGALAN KATANGIAN

➔ Mayamang mag-aalahas.
➔ Kaibigan at tagapayo ng Kapitan-Heneral.
Simoun
➔ Nais maghimagsik ngunit inuusig ng sariling budhi sa kasamaang
balak.
➔ Pinakamataas na pinuno ng pamahalaan.
Kapitan Heneral ➔ Pinunong pabigla-biglang humatol.
➔ Salungat lagi sa pasiya ng Mataas na Kawani.

➔ Kastilang kagalang-galang, tumutupad sa tungkulin, may paninindigan


Mataas na Kawani at kapanagutan.
➔ Mabuting kalooban para sa naisin ng mga mag-aaral.

Padre Florentino ➔ Kumupkop sa pamangkin na si Isagani nang maulila sa magulang.

➔ Paring Pransiskano.
Padre Bernardo
➔ Mapag-isip.
Salvi
➔ Umiibig kay Maria Clara at kompesor niya ni Kapitan Tiago.

➔ Matikas at matalinong paring Dominiko.


Padre Hernando
➔ Bisa-Rector ng UST.
Sibyla
➔ Salungat sa panukala ng mga mag-aaral.

➔ Paring Kanonigo.
➔ Di iginagalang ni Padre Camorra.
Padre Irene
➔ Nilapitan ng mga mag-aaral upang mamagitan sa panukala nila.
➔ Tagaganap ng huling habilin ng kaibigang si Kapitan Tiago.

➔ Batang paring Pransiskano.


Padre Camorra ➔ Kura ng Tiani.
➔ Walang galang sa kababaihan.

➔ Paring Dominiko.
➔ Propesor ng Pisika at Kemika.
Padre Millon
➔ Mabuting pilosopo.
➔ Hindi mahusay maituro ang mga mag-aaral.

Telesforo Juan de ➔ Magsasaka na dating kasama ng mayamang may lupain.


Dios (Kabesang ➔ Mahusay na ginamit ang kinitang pera kaya umunlad.
Tales) ➔ Pinili bilang Kabesa ng Barangay dahil sa kasipagan at kabutihan.

➔ Pilipinang madasalin, matiisin, masunurin, at madiskarte para


Juliana o Juli makatulong sa minamahal na pamilya.
➔ Naghihintay sa katipang si Basilio.

➔ Kumalinga sa batang Basilio sa gubat nang tumakas sa guwardiya sibil.


Tandang/Tata Selo ➔ Tatay ni Kabesang Tales at lolo nina Juli at Tano.
➔ Tiniis ang kapighatian sa buhay.

➔ Anak ni Kabesang Tales.


Carolino o Tano
➔ May kagustuhang magsundalo.

➔ Nagpaalipin kay Kapitan Tiago.


Basilio ➔ Nagtagumpay sa pag-aaral at nakapanggamot agad kahit hindi pa
natatanggap ang diploma.
➔ Malalim na makatang mahusay makipagtalo.
Isagani
➔ Pamangkin ni Padre Florentino.

➔ Mag-aaral sa abogasya.
Makaraig ➔ Nangunguna sa pagbubukas ng akademya ng Wikang Kastila.
➔ Mahusay sa pag-aaral, mayaman, at bukas-palad sa kapwa.

➔ “Mapayapang Nagdurusa”.
Placido Penitente
➔ Kapag napuno, parang bulkan sumasabog at walang kinatatakutan.

➔ Mapanuring mag-aaral.
Pecson ➔ Hindi agad naniniwala sa mga balita kaya inaakalang mapangambahin
at laging nag-aalala.

➔ Mayamang mag-aaral na tamad at lakwatsero.


Juanito Pelaez ➔ Manliligaw ni Paulita Gomez na pinaboran ng tiyang si Donya
Victorina.

➔ Espanyol.
Sandoval ➔ Kaisa sa adhikain ng mga mag-aaral.
➔ Mahilig makipagdebate.

➔ Masayahin at magandang dalagang hinahangaan ng karamihang lalaki.


Paulita Gomez ➔ Pamangkin ni Donya Victorina.
➔ Kasintahan ni Isagani.

Donya Victorina de
➔ Pilipinang walang pagpapahalaga sa sariling lahi.
Espadaña

➔ Mayamang taga-San Diego.


Kapitan Basilio ➔ Ama ni Sinang.
➔ Asawa ni Kapitana Tika.

➔ “Buena Tinta”.
Don Custodio de
➔ Nakapag-asawa ng mestisa.
Salazar y Sanchez
➔ Opisyal na tagapayo ng Kapitan Heneral. Kakatwa lamang ang
de Monteredondo
panukala at pasiya sa mga tungkulin.

➔ Mamahayag na malaya raw mag-isip.


Ben Zayb
➔ Mababa ang pagtingin kay Padre Camorra.

➔ Naging alila ng mga prayle habang nag-aaral bago naging pinakatanyag


Ginoong Pasta na abogadong Pilipino.
➔ Dating kaklase ni Padre Florentino.

➔ Mananayaw.
➔ Maputing Pilipina.
Pepay
➔ Mahilig humingi ng pabor sa “kaibigang” si Don Custodio.
➔ Kaibigan si Juanito Pelaez.

Hermana Penchang ➔ Masimbahing manang.


➔ Panginoon ni Juli.
➔ Takot sa mga prayle.

➔ Ina ni Placido Penitente.


Kabesang Andang
➔ Naghigpit ng sinturon para mapag-aral ang anak.

➔ Mayamang Intsik na mangangalakal.


Quiroga ➔ Halos kontrolado ang kalakalan.
➔ Isinusulong ang pagkakaroon ng konsulado ng mga Intsik sa bansa.

➔ Mahusay sa mahika.
Mr. Leeds
➔ Nagamit upang mausig ang budhi ni Padre Salvi.

MAHAHALAGANG PANGYAYARI, ARAL, AT ISYUNG PANLIPUNAN


BLG. NG MAHAHALAGANG…
KABANAT
A PANGYAYARI ARAL ISYUNG PANLIPUNAN

➔ Pagsaksi ni Basilio
kay Simoun at sa
mga balak niya.
➔ Pagmamahal sa
➔ Pagdedebate ni ➔ Paghihiganti bilang
sariling wika.
Simoun at Basilio solusyon sa mga
➔ Kahalagahan ng
7 tungkol sa sariling problemang
pagkakaisa ng
wika at paglaban sa kinakaharap ng
mga
pang-aapi ng mga lipunan.
mamamayan.
Kastila.
➔ Hindi pagpatay ni
Simoun kay Basilio.

➔ Maging handa sa
anumang
➔ Paninilbi ni Juli kay
pagsubok na
Hermana Penchang.
darating.
➔ Kalungkutan ng ➔ Pag-asa lamang sa
➔ Gawin ang lahat
8 kabataan tuwing mga milagro at
ng makakaya
Pasko. banal na nilalang.
upang
➔ Pagkapipi ni
makatulong sa
Tandang Selo.
mga mahal natin
sa buhay.

➔ Pag-sisi ni Hermana ➔ Pagtitiwala at


Penchang kay pagsuporta sa
➔ Kawalan ng
Tandang Selo. isa’t isa sa
pagkakaisa at
➔ Pag-uwi ni Kabesang panahon ng
9 pagkamapagmahal
Tales at pagpalayas pagsubok.
ng mga tao sa
niya sa sariling ➔ Humandang
bayan.
bahay ng hukuman tumulong sa
sa 3 araw. kapwa.
➔ Kahirapan at
➔ Pamimili ng alahas
pagsasamantala sa
ni Simoun sa bahay ➔ Pagkakaisa at
mga Pilipino.
ni Kabesang Tales. pagtutulungan
➔ Pagtulak ng
➔ Pagsapi ni Kabesang upang labanan
10 mabuting tao na
Tales sa mga tulisan. ang mapang-api
gumawa ng
➔ Paghuli ng mga at
karahasan upang
gwardiya sibil kay mapagsamantala.
mabawi ang
Tandang Selo.
katarungan.

➔ Pangangailangan
ng
pagkakapantay-pa
➔ Paglalaro ng baraha ntay at ➔ Pang-aabuso ng
sa bahay ng katarungan. kapangyarihan,
Kapitan-Heneral. ➔ Paglalahad ng korapsyon, at
11
➔ Panukala at pananaw iba’t ibang panlipunang hindi
ng mga tao roon sa pananaw upang pagkakapantay-pan
iba’t ibang suliranin. maunawaan at tay.
maresolba ng
maayos ang
problema.

➔ Kahalagahan ng ➔ Paboritismo sa mga


pagkakaroon ng estudyante dahil sa
tunay na kayamanan at
➔ Pag-uusap ni Placido
edukasyon. impluwensiya.
kay Juanito tungkol
➔ Kahalagahan ng ➔ Mas
sa pag-aaral niya sa
12 pagpapahalaga sa pagbibigay-halaga
UST.
sariling sa pagiging
➔ Pahuling pagpasok ni
kakayahan sa masunurin at mga
Placido sa klase.
harap ng koneksyon kaysa sa
pagsubok at pag-unlad ng
pang-aapi. kaalaman.

➔ Pag-aasa sa
estudyante na
➔ Pagtatawag ni Padre ➔ Kahalagahan ng sumunod sa guro
Millon sa mga pagtatanggol sa nang walang
13 estudyante. sarili at pagtatanong o
➔ Paglisan ni Placido pagpapahalaga sa pagtutol.
sa Klase ng Pisika. sariling dignidad. ➔ Di-makatarungang
sistema ng
edukasyon.

➔ Pagtatalo ni ➔ Malaki ang ➔ Pangangailangang


Sandoval at Pecson magagawa kung itago pa ang
14 may pagkakaisa, kagustuhan ng mga
ukol sa Akademya
determinasyon, at mag-aaral sa
ng Wikang Kastila pagtitiwala sa mataas na opisyal
➔ Pagdedesisyon ng sarili upang na hindi sang-ayon
mga mag-aaral na maisagawa ang rito.
lumapit kay Ginoong mithiin.
Pasta upang
maghingi ng tulong.

➔ Maging
mapagkumbaba
at determinado sa
pagpapatupad ng
sariling mithiin.
➔ Pagpursige sa ➔ Pagkatakot sa
➔ Payo ni Ginoong kabila ng pagbabago dahil sa
15
Pasta kay Isagani. pagkabigo. posibleng
➔ Pagtatanggap na kahihinatnan.
hindi lahat ng tao
ay may
kaparehong
pananaw o interes
sa adhikain.

➔ Impluwensiya ng
salapi sa relasyon
at desisyon ng tao.
➔ Utang bilang
➔ Maging mapanuri instrumento ng
➔ Hapunan sa bahay ni sa mga pinuno. pagsasamantala,
Quiroga. ➔ Isulong ang ➔ Pagkukulang ng
16
➔ Panunuhol ni pagkakaisa para pamahalaan sa
Simoun kay Quiroga. sa kabutihan ng pag-aaral at
bansa. pagpapahalaga sa
sariling kayamanan
ng bansa.
➔ Panunuhol o
Bribery

➔ Pagkatuwa ni Padre
➔ Kahalagahan ng
Camorra sa mga
paggalan sa
magagandang dalaga.
kapwa at sa sarili. ➔ Pang-aabuso ng
17 ➔ Paglalait ni Padre
➔ Pag-iingat sa kapangyarihan.
Camorra at Ben Zayb
paggamit ng
ng mga likhang
kapangyarihan.
sining.

➔ Pagkuwento ni ➔ Pagiging
Imuthis ng kanyang mapanuri at
➔ Pagdadaya ng
18 karanasan. kritikal sa mga
ibang tao.
➔ Paghihmatay ni hindi
Padre Salvi. nauunawaang
➔ Pagtungo ni Mr. bagay.
Leeds sa Hong Kong. ➔ Kahalagahan ng
katapatan at
pagtutuwid ng
maling gawi.

➔ Pagsaksi ni Placido
➔ Paggawa ng
sa panghihimagsik ni ➔ Pagsisikap ng
kasamaan upang
19 Simoun. mga magulang
maitupad ang
➔ Pagdadalawang-isip para sa anak.
sariling layon.
ni Placido at Simoun.

➔ Mahalaga ang
➔ Pagpasya ni Don kaalaman at tunay ➔ Mga namumuno ng
Custodio hinggil sa na karanasan lipunan na hindi
20
panukala ng mga upang maging sapat ang kaalaman
mag-aaral. karapat-dapat sa at kakayahan.
isang posisyon.

KABANATA 7 : SI SIMOUN
Mga Dahilan kung bakit Hindi Pinatay ni Simoun si Basilio
● SIMOUN: “Ikaw ay nagtiyaga at nagsikap at katulad ko rin ay mayroon kang pautang na dapat
singilin sa lipunan – pinatay ang iyong kapatid, nabaliw ang iyong ina, ngunit hindi inusig ng
lipunan ang salarin.”
● SIMOUN: “Ikaw at ako ay nabibilang sa mga taong uhaw sa katarungan. Kaya’t sa halip na
ipahamak natin ang isa’t isa ay dapat tayong magtulungan.”

KABANATA 8 : MALIGAYANG PASKO


Mga Dahilan ng Pagkapipi ni Tata Selo
● Labis na kasawiang dinanas ng anak na si Tales.
● Kawalan ng pag-asa na makaahon pa sa kahirapang dinaranas, umurong ang dila ni Tata Selo
(maaaring epekto ng depresyon).
● Ano ang Depresyon?
○ Karaniwang sakit sa pag-iisip kung saan nakakaramdam ang isang tao ng labis
nakalungkutan.
○ Namamana o kaya’y sanhi ng mga pagbabago sa utak at hormones, problema sa
neurotransmitters.
○ Maaaring ang dahilan ay stress o trauma dahil sa mga pangyayari o kaganapan sa buhay
ng tao.

KABANATA 9 : SI PILATO
Ang mga Pilato sa Buhay ni Kabesang Tales
● Padre Clemente
○ Paano hindi ipagbabawal ang pagdadala ni Kabesang Tales ng armas hindi siya
nagbabayad ng buwis at may pagbabanta pa, kung namalagi raw si Kabesang Tales sa
bahay ay di sana nadukot ng mga tulisan.
● Tinyente ng mga Gwardiya Sibil
○ Kaya lamang daw niya sinamsam ang mga sandata ay utos sa kanya iyon, hindi upang
bigyan ng pagkakataon ang mga tulisan upang madukot si Kabesang Tales.
○ Di raw niya kasalanan kung di man matagpuan si Kabesang Tales.
● Hermana Penchang
○ Ang may sala raw ay si Tandang Selo na rin, dahil di marunong magdasal at di nagturo
ng wastong pagdarasal sa mga kaanak na tulad ng ginagawa niya ngayon kay Juli na
tinuturuan niya ng dasal at pinababasa niya ng aklat na Tandang Basyong Makunat.
○ Nang mabalitaang tutubusin ni Basilio ang kasintahan ay nagsabing si Basilio ay isang
demonyong nag-aanyong estudyante na ibig magpahamak sa kaluluwa ng dalaga.
● Bagong May-Ari ng Lupa
○ “Wala akong kinalaman diyan, ginagawa ko lang ang aking obligasyon. Kung hindi na
sana siya nagreklamo at nagsampa ng kaso sa korte laban sa mga prayle ay hindi
mauubos ang kanyang salapi at marahil ay kung nanatili na lamang sa kanyang bahay ay
hindi madadakip ng mga tulisan.“

KABANATA 10 : KAYAMANAN AT KARALITAAN


Sino ang Kayamanan at Karalitaan?
● KAYAMANAN = Kabesang Tales
○ Mabuti, matapat, makatarungan, mapagmalasakit, at hindi nagsisinungaling, sapagkat
umamin at humingi-tawad pa siya sa pagnanakaw at pagpapatay sa mga taong nagmalupit
sa kanya at sa kanyang pamilya.
● KARALITAAN = Simoun
○ Kailangan pa niyang magpanggap at gumawa ng kadayaan upang matupad ang sariling
layon.

KABANATA 12 : SI PLACIDO PENITENTE


Kahulugan ng Placido Penitente
● “Tahimik na Nagdurusa”
○ Placido - calm o peaceful - TAHIMIK
○ Penitente - penitence - PAGSASAKRIPISYO/PAGDURUSA
Mga Dahilan kung bakit Tinatamad Pumasok Noon sa Paaralan ang mga Estudyante gaya ni
Placido
● Di nagdadala ng aklat, dahil hindi naman nauunawaan ng lahat ang Wikang Kastila.
● Napakaraming estudyante sa isang silid.
● Mababa ang pagpapalagay ng mga guro sa estudyante.
● Madalas walang pasok.

KABANATA 13 : ANG KLASE SA PISIKA


Paano iniugnay ni Rizal ang “Law of Motion” sa pangyayaring naganap sa Klase sa Pisika
● Ang Tatlong Law of Motion: Inertia, Acceleration, at Interaction
○ Interaction: For every action, there is an equal and opposite reaction. (You Reap What
You Sow)
■ Negatibo ang pakikitungo ni Padre Millon sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng
kanyang di-makatwirang paraan ng pagtuturo, kaya nararapat lang na negatibo
rin ang reaksyon ng mga mag-aaral tulad ni Placido Penitente sa kanya.

KABANATA 14 : ANG TIRAHAN NG MAG-AARAL


Ang pagtatalo ni Sandoval at Pecson ukol sa Akademya ng Wikang Kastila
● SANDOVAL: Ibinigay sa inyo ang lahat ng Pamahalaang Kastila at walang ipinag-imbot na
anuman… umiiyak kami kapag kayo’y lumuluha; nagdurusa kami kapag kayo’y nagdurusa;
nagdarasal tayo sa magkatulad na parusa at sa ganito’y dapat lamang na makibahagi kami sa
magkatulad na karapatan at kasiyahan.

● SANDOVAL: Ang Espanya ay nagbubukas ng bagong panahon sa kanyang minamahal na


Pilipinas.

● PECSON: Kung sakaling sa kabila ng lahat ng sinabi ni Sandoval, ang Heneral ay patuloy na
humingi ng payo at palagay, at sa wakas, ay hindi ibinigay ang pahintulot?

● SANDOVAL: Ang inyong pagsisikap ay hindi mawawalan ng saysay, sapagkat naisakatuparan


ninyo ang hindi nagawa ng iba. Sa gayo’y napilit ninyo sila na alisan ng maskara ang kanilang
sarili at kayo’y hamunin.

● PECSON: At pagkatapos ay ano?

● SANDOVAL: Kung walang Pilipino na maglalakas-loob na tanggapin ang hamon, ako, si


Sandoval, sa ngalan ng Espanya, ang tatanggap ng hamon, sapagkat ang ganitong patakaran ang
magpapasinungaling sa mabubuting hangarin na laging layunin ng Espanya sa kanyang mga
lalawigan, na sinumang pinagkakatiwalaan ng kapangyarihan at abusuhin ito, ay hindi dapat
tumanggap ng kandili ng Espanya, ni sinumang mamamayang Kastila.

● PECSON: Ako man ay makapagsasalita ng tulad niyon kung ako ay isang Kastila. Ngunit dahil
sa hindi ako Kastila sasabihin ko ang kalahati man lamang ng iyong sinabi at ibibilang itong
paghihimagsik.

KABANATA 15 : SI GINOONG PASTA


Ang mga makasariling payo ni Ginoong Pasta kay Isagani
1. Kumuha ng medisina. Manggamot at maningil ng mahal.
2. Mag-asawa ng mayamang dalaga na may ari-arian.
3. Huwag makialam sa usapin ng pamahalaan.

KABANATA 16 : MGA KAPIGHATIAN NG ISANG INTSIK


Ang Dahilan ng Kapighatian ni Quiroga
● QUIROGA: Hindi mo lang alam, akieng lugi, akieng hughog, akieng huapay! Malokong babae!
Sigulo hienne tuto sinyola! Ano ba siya, kahi Intsiek sa akieng, ako tao! A, sigulo hienne tuto,
sinyola; kung sigalela belong pa konti hiya!
● SIMOUN: Mayroon ka naman, marami. Nahuli ka!
● QUIROGA: At lahat tao hienge utang at hienne mayad. Ang tiniente, implealo, opisya, sunnalo,
akieng lugi, akieng talo, akieng huapay!
● SIMOUN: Huwag ka na masyadong maangal, nailigtas na kita sa mga pinunong humihingi sa iyo
ng pera. Ako na ang nagpahiram gayong alam ko na hindi sila magbabayad.
● QUIROGA: Ngunit, kayo’y nagpapahiram lamang sa mga opisya, ako ay pati sa mga mamae,
sinyla, malinelo, at halos lahat tao…”
Ang panunuhol ni Simoun kay Quiroga
● Si Quiroga ay may malaking pagkakautang kay Simoun. Nais ni Simoun na ipatago sa
tindahan ni Quiroga ang mga armas kapalit ng bayad sa pagkakautang ni Quiroga.
● SIMOUN: Nagkataon namang kailangan ko na ang siyam na libo pero, dahil sa ayaw kong
bumagsak ang iyong kalakal ay pagbibigyan kita, kung pagbibigyan mo rin ang aking kahilingan.
Pitong libo na lamang ang iyong ibabayad. Hindi ba’t kayo ay nakapaglalabas ng anuman sa
custom; pati armas sa mga kumbento ay kayo ang nagdadala? (Malaki daw ang isinusuhol ni
Quiroga)
● SIMOUN: Gusto kong ilabas mo sa pier ang ilang kahong puno ng mga armas na dumating
ngayong gabi. Ibig kong itago mo ito sa iyong bodega. Hindi kasya ang lahat ng ito sa aking
bahay. (Natakot si Quiroga)
● SIMOUN: Huwag kang mag-alala. Ilalagay ang mga baril na ito sa ibang mga bahay sa
panapanahon. Pagkatapos ay magkakaroon ng mga pagsisiyasat at lahat sila ay makukulong.
Makakapera tayo pareho sa paglalabas sa kanila. Naiintindihan mo ba? (Bantulot si Quiroga)
● SIMOUN: Kung hindi mo magawa ay ilalapit ko sa iba. Subalit kakailanganin ko ang siyam na
libo para ipansuhol. (Sumang-ayon na sa wakas si Quiroga)

KABANATA 17 : ANG PERYA SA QUIAPO


Ang mga likhang sining na nilait ni Padre Camorra at Ben Zayb
1. La Prensa Filipina = Pamamahayag sa Pilipinas
○ Ipinintang larawan ng isang babaeng pisak ang mata, gula-gulanit ang damit, nakalupasay
at namimirinsa ng lumang damit.
○ Pisak na Mata → Hindi makatotohanang balita.
○ Sira-Sirang Damit → Pagkamarumi ng sistema ng pagbabalita sa bansa.
○ SABI NI PADRE CAMORRA: hangal ang nakaisip nito.
2. Ang Bayan ng Abaka = Bansang Pilipinas
○ Larawan ng isang Indiong nakagapos ng abaka na tinututukan ng bayoneta ng baril ng
dalawang guwardiya sibil habang nakatayo na may takip ang mukha ng salakot. Sa
likuran, may mga taong walang mukha at waring nag-uusap ukol sa lalaking nakagapos.
○ Nakagapos na Lalaki → Pilipinong nasa ilalim ng mga guwardiya sibil.
○ SABI NI BEN ZAYB: hinanap si Simoun na biglang nawala.

KABANATA 18 : ANG KADAYAAN


Ang Kwento ng mga karanasan ni Imuthis at pagkakaugnay nito sa buhay ni Ibarra

KARANASAN IMUTHIS IBARRA

Pag-aaral Gresya, Assyria, Persiya Espanya, Pransya, Alemanya

Umibig sa anak ng Saserdote. Umibig kay Maria Clara (anak


Pag-ibig Iniibig din siya ng isang batang ni Padre Damaso).
Saserdote ng Abydos. Iniibig din siya ni Padre Salvi.

Pinagbintangan ni Padre Salvi


Pakikipag-ugnayan sa mga Isinakdal ng batang Saserdote sa
na namuno sa paglusob sa
Prayle kasalanang di niya ginawa.
kumbento.

Pinatugis sa mga guwardiya sibil


Pinatugis sa Lawa ng Moeris at
Pagkamatay sa lawa at napagkamalang
napatay.
napatay.

Nagbabalik upang isiwalat ang


Nagbabalik upang
kasinungalingan ng mga
Pagbabalik manghimagsik sa katauhan ni
Saserdote sa katauhan ng isang
SIMOUN.
ESPINGHE.

KABANATA 19 : PAGLISAN / ANG MITSA


Mga Nasaksihan ni Placido sa Kalye Iris ukol sa Paghihimagsik ni Simoun
1. Mga Napansin ni Placido sa Lansangan
a. Mga kabataan.
b. Mga nagliligawan na sinusundan ng kanilang mga ina o mga ale.
c. Grupo ng mga mag-aaral na mga nakaputi.
d. Langong sundalo sa mga karwahe.
e. Mga batang nagsisipagkwentuhan.
f. Intsik na nagsisipagtinda ng mga tubo.
g. Orkestra na tumutugtog ng balse si siang bahay (may ilang magkaparehong
nagsisipagsayaw sa liwanag ng lampara).
2. Ang Paghinto ng Karwahe
a. Dumaraan si Isagani, Paulita Gomez, Donya Victorina, at Juanito Pelaez.
b. Dumating sila sa malaking bakurang may kubo na napapalibutan ng mga puno ng saging
(Pagawaan ng mga Paputok).
i. (Kausap si Simoun ang dating Guro ng Tiani) Nagtatanong si Simoun kung
handa na ang Pulbura at Bomba, nagsabing kausapin ang Tinyente at Kabo at
tumuloy sa Lamayan at kausapin si Kabesang Tales (magagawa dapat lahat sa
isang linggo), tapos binigyan niya ito ng Gintong Salapi .
ii. Mga Tauhan: tauhan ni Kabesang Tales, pinaalis na gwardiya, at hukbo.
iii. Dahilan ng Maikling Oras: baka mamatay si Maria Clara.
c. Kinausap ni Simoun ang isang Kastilang nakatungkod sa harapan ng maayos na bahay ng
kahoy.
i. Maghanda daw sa isang linggo sa unang putok ng kanyon.
d. Pumunta sila Placido at Simoun sa bahay niya sa Escolta noong alas-diyes kinse (10:15
P.M.).
i. Sa pagkalipas ng dalawang oras, umalis na si Placido.
ii. Nagsalita si Simoun tungkol sa balak niyang manghimagsik (nagdadalawang-isip
siya).
e. Nang makauwi si Placido, biglang nagbago isip niya.

KABANATA 20 : ANG NAGPAPASIYA


Mga Katangian ni Don Custodio kung bakit itinuring siyang “mapagpalagay” o assuming
NAGPALAGAY SIYA NA SIYA’Y MATALINO, MASIPAG, MAYAMAN, ETC. KAHIT HINDI
NAMAN
1. Mayaman
○ Subalit ito’y dahil nakapag-asawa ng mayamang mestiza.
2. Maraming Hawak na Posisyon
○ Ito’y dahil lang sa kayamanan, hindi naman siya matalino.
3. Mahal ang Pilipino
○ Subalit nilalait kapag sila’y nakatalikod.
4. Mahalagang Tungkulin sa Pagpapatupad ng ‘Akademya ng Wikang Kastila’
○ Di naman pinag-isipan ng mabuti ang pasya (ginaya lang ang mga Agustino).
5. Magaling na Abogadong Mahilig Makipagtalo
○ Walang kabuluhan ang dahilan ng pakikipag-talo.
6. Sagradong Katoliko
○ Di naman nangungumpisal at nagsisimba o nangingilin ng Kuwaresma.
7. Mas Ninais Manirahan sa Pilipinas

Umuuwi pa rin sa Espanya para magpagamot dahil walang tiwala sa kakayahan ng mga
Pilipino.
DAHIL SA ESPANYA, HINDI SIYA BINIBIGYANG PAHALAGA DAHIL SA MABABANG
EDUKASYON NIYA.

PAGSASALING-WIKA
Mga Dapat isaalang-alang sa Pagsasaling-wika
● Katangiang Dapat Taglayin (Sapat na Kaalaman sa…)
○ Dalawang wikang kasangkot.
○ Paksang isasalin.
○ Kultura ng dalawang bansa.
Wastong Paraan ng Pagsasaling-wika
● Simulain sa Pagsasalin
a. Bawat wika ay nakaugat sa kultura.
■ Her heart is as white as snow. → Busilak at malinis talaga ang kanyang puso.
b. Bawat wika ay may natatanging kakanyahan.
■ Jose watered the plants. (Simuno → Panaguri) → Dinilig ni Jose ang mga
halaman. (Karaniwan/Di-Karaniwan)
c. Mag-ingat sa paggamit ng panlapi.
■ Lilia bought a book. → Bumili ng aklat si Lilia.
d. Di kailangang ilipat sa pinagsalinang wika ang kakayahan ng wikang isinasalin.
■ Pedro watched a movie. (Simuno → Panaguri) → Si Pedro ay nanood ng
pelikula. (Simuno → Panaguri)
e. Itipid ang salita.
■ Tell the children to return to their seats. → Paupuin mo ang mga bata (sa
upuan).
f. Nagkakaroon lamang ng tiyak na kahulugan ang salita kapag bahagi ng
parirala/pangungusap.
■ He ate a cup of rice. → Kumain siya ng isang tasang kanin.
■ The farmers harvested rice. → Nakapag-ani ang mga magsasaka ng palay.
g. Gumamit ng diksyunaryo ngunit huwag palagi.
● Karagdagang Paalala
a. Kung magkakaroong ng ibang kahulugan sa itutumbas na salita, humanap ng ibang
maaring ipalit dito o gumamit ng Context Clues.
■ His paper was soaked in water. → Nabasa na ang kanyang papel.
b. Iwasan ang paggamit ng panumbas na salitang may kaanyo sa ibang wikang Pilipino
ngunit hindi kasingkahulugan.
■ Your servant is already here.
■ Narito na ang iyong tagapaglingkod.
c. Minsan, dapat gamitan ang kaisipang tahasan sa Ingles ng eupemistikong salita sa
Filipino.
■ Seed → Punla, Punla ng Buhay
■ Sunshine → Liwanag, Kaligayahan, Kasiyahan
d. Magandang pamagat sa Ingles ay minsang hindi magandang pamagat sa Filipino.
■ Broken Arrow → Sirang Palaso Naglahong Pangarap
■ Face Off → Tanggal Mukha Ang Paghaharap
e. Dapat maging matapat.
● Pagsasaling Pa-Idyomatiko
a. Bread and Butter → Hanapbuhay, Trabaho
b. To Have a Hand/Voice → Magkaroon ng Kinalaman/Kaugnayan sa Pagpapasiya
c. Dressed to Kill → Bihis na Bihis, Nakapamburol, Isputing
● Paglikha ng Salita
a. Dance, Poem, Song → Satulawit (sayaw + tula + awit)
b. Pork Loin, Fried Rice, Egg → Tapsilog (tapa + sinangag + itlog)
c. Monument → Bantayog (bantay ng katayugan)

You might also like