Grade 7 Lesson Planning

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

BATAAN PENINSULA STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF EDUCATION
City of Balanga 2100 Bataan
PHILIPPINES

Aaron Calvin P. Quilban

BSE- Social Studies 3A

Teaching Approaches in the Social Sciences

Ika-Pitong Baitang: Araling Asyano

Unang Markahan

A. Nilalaman: B. Mga Likas na Yaman ng Asya

B. Code: AP7HAS-If1.6

C. Pamantayan sa Pagkatuto: Natataya ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal at

yamang likas ng mga rehiyon sa pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon sa

larangan ng:

7.1 Agrikultura

7.2 Ekonomiya

7.3 Pananahanan

7.4 Kultura

1. Why do I need to teach this lesson?

● Ang araling ito ay mahalaga sapagkat naipakita nito ang kahalagahan ng mga likas

na yaman ng Asya sa pang-araw-araw na buhay ng mga tao. Sa pamamagitan ng

pagtuturo ng aralin na ito ay mahahasa ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa kung

paano nakakaapekto ang mga likas na yaman sa kanilang mga buhay at sa lipunan.

2. Why do my students need to learn this lesson?

● Ang mga mag-aaral ay mahalagang matutunan ang araling ito dahil ito ay

naglalaman ng kaalaman sa kahalagahan ng mga likas na yaman ng Asya at ang

kanilang implikasyon sa buhay ng mga tao at sa lipunan. Sa pag-aaral nito ay

magkakaroon sila ng mas malalim na kamalayan tungkol sa mga yaman ng


BATAAN PENINSULA STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF EDUCATION
City of Balanga 2100 Bataan
PHILIPPINES

kalikasan, pati na rin ang kanilang papel bilang tagapangalaga ng mga ito.

3. Why is the lesson relevant to my students?

● Ang aralin na likas na yaman ng Asya ay may kaugnayan sa buhay ng mga

estudyante dahil ito ay may implikasyon sa mga aspeto ng buhay tulad ng

agrikultura, ekonomiya, pananahanan, at kultura. Ang aralin na ito ay may

kaugnayan sa mga estudyante sapagkat nagbibigay ito sa kanila ng kaalaman at

kamalayan sa kung paano magamit at pangalagaan ang mga likas na yaman upang

mapabuti ang kanilang mga pamumuhay.

Purpose of the Lesson: Ang aralin na ito ay magbubunga ng mga indibidwal na may

kamalayan sa pangangalaga sa kalikasan at pagpapahalaga sa yamang likas. Ito ay

magtuturo sa kanila ng kahalagahan ng responsableng paggamit ng likas na yaman at

magtatakda ng pundasyon para sa kanilang pagiging mga mamamayan na may malasakit sa

kapaligiran at kultura.

Ikalawang Markahan

A. Nilalaman: B. Sinaunang Pamumuhay

4. Bahaging ginampanan ng mga pananaw, paniniwala at tradisyon sa paghubog ng

kasaysayan ng mga Asyano

B. Code: AP7KSA-IIf1.9

C. Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang bahaging ginampanan ng mga pananaw,

paniniwala at tradisyon sa paghubog ng kasaysayan ng mga Asyano

1. Why do I need to teach this lesson?

● Mahalaga na ituro ang bahaging ginampanan ng mga pananaw, paniniwala, at

tradisyon sa paghubog ng kasaysayan ng mga Asyano upang mabigyan ang mga

mag-aaral ng mas malalim na pag-unawa sa kultura at kasaysayan ng Asya.


BATAAN PENINSULA STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF EDUCATION
City of Balanga 2100 Bataan
PHILIPPINES

2. Why do my students need to learn this lesson?

● Makakatulong ang aralin na ito para magkaroon ang mga estudyante ng mas

malawak na perspektibo at kalaaman sa kanilang sariling kultura at pagkakakilanlan

bilang mga mamamayan ng Asya.

3. Why is the lesson relevant to my students?

● Sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga pananaw, paniniwala, at tradisyon ng mga

Asyano, magkakaroon ang mga estudyante ng mas mataas na pagpapahalaga sa

kanilang sariling kultura at ng iba, na magtutulak sa kanila na magpakita ng respeto

at pag-unawa sa mga ibang kultura at paniniwala.

Purpose of the Lesson: Ang araling ito ay mapapalawak ang pag-unawa ng mga estudyante

sa mga salik na bumubuo sa kanilang lipunan at kasaysayan. Ang araling ito ay nagbibigay

ng mas malawak na perspektibo sa pag-aaral ng kasaysayan at nagtutulak sa mga mag-aaral

na magkaroon ng respeto at pag-unawa sa iba't ibang kultura at paniniwala. Bukod dito, ang

pagsusuri sa mga pananaw, paniniwala, at tradisyon ng mga Asyano ay nagbubukas ng

pintuan sa mas malalim na pag-unawa sa mga suliranin at hamon na kinakaharap ng mga

Asyano sa kasalukuyan, at nagbibigay inspirasyon sa mga mag-aaral na maging bahagi ng

pagtangkilik at pangangalaga sa kanilang kultura at kasaysayan.

Ikatlong Markahan

A. Nilalaman: C. Ang mga Pagbabago sa Timog at Kanlurang Asya

5. Bahaging Ginampanan ng Relihiyon sa Iba’t ibang aspekto ng pamumuhay

B. Code: Bahaging Ginampanan ng Relihiyon sa Iba’t ibang aspekto ng pamumuhay

C. Pamantayan sa Pagkatuto: Natataya ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa iba’t

ibang aspekto ng pamumuhay


BATAAN PENINSULA STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF EDUCATION
City of Balanga 2100 Bataan
PHILIPPINES

1. Why do I need to teach this lesson?

● Mahalaga na ituro ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa iba't ibang aspekto ng

pamumuhay sa Timog at Kanlurang Asya upang bigyang-diin ang kahalagahan ng

pananampalataya sa paghubog ng lipunan at kultura.

2. Why do my students need to learn this lesson?

● Sa pamamagitan ng pag-aaral sa bahaging ginagampanan ng relihiyon sa lipunan,

kultura, at pamumuhay ng mga tao sa rehiyon, magkakaroon ang mga estudyante

ng mas malawak na kaalaman at perspektibo sa kanilang kapwa. Ito ay magbibigay

sa kanila ng pagpapahalaga sa mga pagkakaiba at pagkakakilanlan ng bawat

relihiyon, na maaaring magdulot ng mas malalim na pag-unawa at pagtanggap sa

iba't ibang pananampalataya.

3. Why is the lesson relevant to my students?

● Ang kaugnayan ng aralin na ito sa buhay ng mga estudyante ay mahalaga dahil

nagbibigay ito ng pag-unawa sa mga salik na nakaaapekto sa kanilang araw-araw na

pamumuhay. Sa pag-aaral ng bahaging ginagampanan ng relihiyon sa iba't ibang

aspekto ng pamumuhay, maaaring mas maintindihan ng mga tao kung paano ito

naglalarawan ng kanilang kultura, mga halaga, at pamumuhay.

Purpose of the Lesson: Ang araling ito ay huhubugin ang mga estudyante na mag-analisa at

magpasya batay sa kanilang sariling pag-unawa at paniniwala, na magagamit nila sa

kanilang buhay at pakikisalamuha sa iba't ibang kultura at paniniwala. Ang aralin na ito ay

maghuhubog sa kanilang pagiging responsableng mamamayan at magtuturo sa mga

estudyante ng mga halaga tulad ng pagiging bukas sa pagbabago at pagtanggap sa

pagkakaiba-iba ng tao.
BATAAN PENINSULA STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF EDUCATION
City of Balanga 2100 Bataan
PHILIPPINES

Ikaapat na Markahan

A. Nilalaman:

8. Iba’t ibang ideolohiya (ideolohiya ng malayang demokrasya, sosyalismo at komunismo) sa

mga malawakang kilusang nasyonalista

B. Code: AP7KIS-IVe1.13

C. Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang kaugnayan sa iba’t ibang ideolohiya

(ideolohiya ng malayang demokrasya, sosyalismo at komunismo) sa mga

malawakang kilusang nasyonalista

1. Why do I need to teach this lesson?

● Mahalaga na ituro ang aralin na ito upang bigyang-diin ang kahalagahan ng

pag-unawa sa iba't ibang ideolohiya, tulad ng ideolohiya ng malayang demokrasya,

sosyalismo, at komunismo, sa konteksto ng mga malawakang kilusang nasyonalista.

Sa pamamagitan ng pagtuturo ng araling ito, magkakaroon ang mga mag-aaral ng

mas malalim na kaalaman sa mga pangunahing pananaw at ideya na nagtatakda ng

mga kilusang nasyonalista sa kasaysayan

2. Why do my students need to learn this lesson?

● Ito ay magbibigay sa kanila ng mas malawak na perspektibo sa mga pangyayari at

pagbabago sa lipunan, pati na rin ang kanilang papel bilang mga mamamayan at

aktibong bahagi ng kanilang komunidad. Ang pag-unawa sa iba't ibang ideolohiya

ay magtuturo sa kanila ng kahalagahan ng pagiging mapanuri at mapanagot sa

kanilang paniniwala at pananaw, na mahalaga para sa kanilang pag-unlad bilang

indibidwal at bilang bahagi ng lipunan.

3. Why is the lesson relevant to my students?

● Ang aralin na ito ay may kaugnayan sa buhay ng mga estudyante sapagkat

magkakaroon ang mga estudyante ng mas malawak na kaalaman sa mga sistema ng


BATAAN PENINSULA STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF EDUCATION
City of Balanga 2100 Bataan
PHILIPPINES

pamahalaan at panlipunang istraktura.

Purpose of the lesson: Huhubugin nito ang mga estudyante na maging aktibo at maingat sa

pagtupad ng kanilang mga tungkulin bilang mamamayan, tulad ng pagrespeto sa batas,

pagtulong sa pagpapalaganap ng mga halaga ng bayan, at pagpapahalaga sa kasaysayan at

kultura ng kanilang bansa. Ang pagpapahalaga sa mga idelohiya ay magiging gabay sa

kanilang pagpili ng mga landas, na naglalayong paunlarin ang bansa at pakikibahagi sa

pandaigdigang komunidad.

You might also like