Professional Documents
Culture Documents
Kartilla NG Katipunan Reflection Paper
Kartilla NG Katipunan Reflection Paper
Kartilla NG Katipunan Reflection Paper
Kartilla ng Katipunan
Reflection Paper ( GEED 002)
Ayon sa Philippine Cultural Education, ang Kartilla ng Katipunan ay ang popular na akda ni Emilio
Jacinto na naglatag ng mga batas at prinsipyo ng Katipunan at nagsilbing gabay sa mga kasapi nito. Ang
KKK na nangangahulugan ng Kataas-taasang, Kagalang-galangang, Katipunan ng mga Anak ng bayan o
mas kilala sa tawag na Katipunan ay isang lihim na samahan na itinatag ni Andres Bonifacio na may
layuning palayain ang bansa sa ilalim ng mga mananakop na Espanyol. Naitatag ito nuong Hulyo 7,
1892. Si Emilio Jacinto ang kinilalang “utak ng himagsikan”.
Nang Mabasa ko ang Kartilla ng Katipunan ay mahahalintulad ko siya sa sampung utos ng biblia. Gaya
ng biblia ang nakapaloob sa kartilla ng Katipunan ay magagandang aral na dapat isabuhay hindi lamang
ng mga myembro o kasapi ng samahang ito. Dapat din itong isabuhay ng lahat ng mga Pilipino para
magkaroon ng kapayapaan at katiwasayan sa ating bansa. Kagaya nalang ng sabi sa unang aral na dapat
ang kinikita natin ay ginagamit sa mabuti at ikakaunlad ng buhay natin. Dapat tayo ay may mabuting
adhikain kung gagawa ng kabutihan dapat ito ay bukal sa loob at walang halong pagkukunyari para lang
maging Mabuti sa paningin ng ibang tao. Matatawag itong pagkukunyari kung sa huli ang pagtulong ay
para sa ikabubuti ng pangsarili lamang. Mas maganda din na meron tayong malasakit sa ibang tao lalo
na sa oras ng pangangailangan hindi lamang ng sariling pamilya kundi para din sa mas higit na
nangangailangan, sabi nga sa kasabihan “It’s better to give that to receive”. Mas maganda na ikaw ang
nagbibigay kaysa ikaw ang binibigyan. Maging Mabuting tao hindi lamang sa salita kundi kasama ang
pag-gawa.
Kapayaan sana ang mas nangingibabaw kung lahat ng inaapi ay merong nagtatanggol at mas payapa
sana kung walang nang-aapi dahil sa mata ng Diyos tayo ay pantay-pantay. Wala din sanang mga puring
nasisira at nadudungisan kung lahat ng tao ay magiging matalino sa bawat mamumutawing salita sa
kanilang bibig. Sa panahon ngayon na halos lahat ng sulok ng komunidad ay may mga kapwa tayo
Pilipino na ginawa nang libangan ang mag-umpukan at pag-usapan ang buhay ng ibang tao lalo na
kapag wala ang taong kanilang paksa. Minsan mas maganda na maging tahimik nalang lalo na kung ang
sasabihin mo ay isang sekreto na maaring makapanakit ng damdamin nang ibang tao.
Nakikita ko sa akda ni Emilio Jacinto na may Malaki siyang pagpapahalaga sa pamilya. Ang pamilya
ang unang naghuhubog sa kung ano ang ating pagkatao at kung pa’no ang ating asal sa pakikisalamuha
sa ibang tao. Bilang isa nang magulang, dapat talaga na palakihin ng maayos ang anak at maging
mabuting halimbawa para sila ay hindi maligaw ng landas. Dapat din maging halimbawa sa mga
kabataan, na tunay na Pilipino na may pagmamahal at malasakit sa bansa. Sumasalamin ang ating
pakikipagkapwa tao kung paano tayo pinalaki ng ating mga magulang. Mas gaganda ang buhay nang
bawat Pilipino kung may pagtutulungan at malasakit sa iba,hindi yung hihilain pababa ang kapwa kapag
tingin na nalalamangan or nakakalamang na. Mas maganda kung laging positibo ang tingin natin sa
buhay upang magkaroon ng kakontentuhan at maiwasan na mangibabaw ang inggit sa ibang tao.
Naniniwala ako na madalas inggit ang nauuna kaya minsan kahit iisa lang tayo ng lahi at bansa mas
napapadalas padin ang gulo at hindi pagkakaunawaan. Kung meron lang sana tayong likas na
kakontentuhan at malasakit sa ibang tao mas miiwasan ito. Kung mas pagtutuunan na lang natin kung
paano paunlarin ang ating sarili at ating bansa para wala nang mahirap at naapi at hindi na tayo masakop
pa ng mga dayuhan.
Ang kartilla ng Katipunan ay sumasalamin sa dapat na pag-uugali ng lahat ng tao. Kung lahat tao ay
pantay-pantay ang tingin sa bawat isa,maiiwasan ang gulo at sakuna. Kung mas ipangingibabaw natin
ang mabuting pakikipagkawa tao mas payapa at masaya tayong lahat. Makikita sa kanilang kartilla na
ang tanging nais nila ay pagkakaisa,pagkakabuklod-buklod at kapayapaan ng bawat Pilipino.Sa panahon
ngayon na puro gulo at krimen mas maganda sana kung isasabuhay ang mga aral ng kartilla.