Professional Documents
Culture Documents
Ap10 q3 Mod4 Pagtanggapatpaggalangsakasariantungosapagkapantaypantay Finalcopy-1-1
Ap10 q3 Mod4 Pagtanggapatpaggalangsakasariantungosapagkapantaypantay Finalcopy-1-1
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Pagtanggap at Paggalang
sa Kasarian Tungo
sa Pagkakapantay-pantay
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Pagtanggap at Paggalang sa Kasarian Tungo sa
Pagkakapantay-pantay
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Ronelo Al K. Firmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Pagtanggap at Paggalang
sa Kasarian Tungo
sa Pagkakapantay-pantay
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin
at paggamit ng SLM na ito.
ii
Alamin
Pagkatapos mong basahin at isagawa ang mga gawain sa modyul na ito, ikaw
ay inaasahang:
1. nakasusuri ng mga prinsipyo ng Yogyakarta;
2. nakapagpapaliwanag ng gender and development; at
3. nakapagbibigay ng mga pamamaraan na nagtataguyod ng pagtanggap,
paggalang, at pagkakapantay-pantay ng iba’t ibang kasarian sa lipunan.
Subukin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pahayag o tanong sa bawat bilang. Piliin
ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa isang papel.
1
2. Binubuo ang prinsipyo ng Yogyakarta ng 29 na prinsipiyo. Saan nakaayon ang
mga ito?
A. Batas Pambansa
B. Pandaigdigang Batas ng mga Kristiyano
C. Batas ng Pagkakapantay-pantay sa lipunan
D. Pandaigdigang Batas ng mga Karapatang Pantao
2
7. Hindi ininda ng mga miyembro ng LGBTQIA+ ang ulan upang isagawa ang isang
mapayapang demonstrasyon. Ito ay naglalayon na maipaglaban ang kanilang
karapatan. Ang pangungusap ay nagpapahayag na:
A. anuman ang kasarian ay maaaring makibaka
B. ang lahat ay may karapatan sa malayang asembleya
C. ang lahat, anuman ang kasarian ay malaya sa pagpili ng relihiyon
D. walang sinuman ang maaaring pigiling magtungo kung saan nila gusto
8. Si Ilo ay isa sa mga pasyenteng tinanggihan ng ilang mga ospital dahil sa siya ay
kinakitaan ng sintomas ng COVID-19. Anong karapatan niya ayon sa Yogyakarta
ang binalewala?
A. karapatang tanggapin sa ospital
B. karapatan sa mga pasilidad ng ospital
C. karapatan sa social security at iba pang proteksiyong panlipunan
D. karapatan sa pinakamataas na pamantayan ng kalusugang makakamit
3
13. Ang pagpapaunlad ng kasarian ay hindi lamang para sa mga kalalakihan, ito ay
para sa mga kababaihan din. Paano pinauunlad ng GAD ang kapakanan ng mga
kababaihan?
A. pinahahayag ang malayang opinyon ng kababaihan
B. pinagtitibay ang mga kakayahan ng kababaihan sa lipunan.
C. pinahahalagahan ang pagkakakilanlang panlipunan ng kababaihan
D. pinagbubuti ang mga patakarang pangkabuhayan at panlipunan para sa
kababaihan
4
Aralin Pagtanggap at Paggalang
1 sa Kasarian Tungo
sa Pagkakapantay-pantay
Sa natapos na modyul, nabigyang diin ang tungkol sa tugon ng pamahalaan
ukol sa karahasan at diskriminasyon sa mga kalalakihan, kababaihan at LGBTQIA+.
Dito mo rin natutuhan na patuloy na tinutugunan at itinataguyod ng pamahalaan
ang husay at galing ng bawat kasarian. Naunawaan mo rin sa nakaraang modyul
ang kahalagahan ng mga tugon ng pamahalaan sa mga isyu ng kasarian sa lipunan
sa iyong buhay bilang isang mamamayan.
Balikan
5
Mga Tala para sa Guro
Kailangang masiguro na mayroong panulat at
papel na magagamit ang mag-aaral sa pagsagot niya
sa mga gawaing nakapaloob sa modyul na ito.
Tiyakin din na siya ay magabayan sa mga
nakahandang teksto sa aralin.
6
Tuklasin
Sa bahaging ito ng modyul, iyong mababasa ang isang tula na talaga namang
pupukaw sa iyong imahinasyon. Unawain mo itong mabuti sapagkat ito ay
makatutulong sa pagtahak mo sa kabuuan ng modyul.
PAGKAKAIBA
Ni: Marie Cris F. Tecson
Respeto!
Pitong letra, isang salita
Wari' ba'y katumbas, mala-gintong halaga
Hirap matamasa, lalo kung sa mata nila, ikaw ay iba.
7
Pamprosesong tanong:
1. Ano ang ipinahihiwatig ng tula?
2. Anong damdamin ang namayani sa iyo habang binabasa ang tula? Bakit?
3. Sino-sino ang mga karakter na ipinakikita sa tula? Ano ang kanilang
pagkakaiba?
4. Paano makakamit ang respeto ng iba’t ibang kasarian?
5. Bilang mamamayan, paano ka makatutulong upang maitaguyod ang
pagtanggap at paggalang sa kasarian?
Suriin
8
Nagkakaisa ang mga eksperto na ang Mga Prinsipyo ng Yogyakarta ay
sumasalamin sa namamayaning kalagayan ng pandaigdigang batas ng mga
karapatang pantao kaugnay ng mga isyu ng oryentasyong seksuwal at
pagkakakilanlang pangkasarian. Kinikilala din nila na ang mga Estado ay maaaring
magkaroon ng mga karagdagang obligasyon sa paghuhubog ng batas sa mga
karapatang pantao. Ang Mga Prinsipyo ng Yogyakarta ay nagpapatibay sa umiiral
nang mga legal na pamantayang pandaigdig na nararapat sundin ng mga estado.
Nagbibigay ang mga ito ng pag-asa para sa isang bagong hinaharap, na kung saan
mangyayaring ang mga taong isinisilang na malaya at pantay-pantay sa dignidad at
mga karapatan, ay nabubuhay ayon sa ganoong namumukod na karapatan.
9
3. Ang karapatan sa pagkilala sa batas
Sa batas, ang lahat ay may karapatang kilalanin bilang tao saan
man. Ang mga taong may iba-ibang oryentasyong seksuwal at
pagkakakilanlang pangkasarian ay dapat na nagtatamasa ng mga
kapasidad na legal sa lahat ng aspekto ng buhay. Ang oryentasyong
seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian na pinili ng bawat isa ay
di-maihihiwalay na bahagi ng kanyang katauhan at kabilang sa
pinakabatayang aspekto ng pagpapasya sa sarili, dignidad, at
kalayaan.
10
7. Ang karapatan na hindi arbitraryong mapiit
11
12. Ang karapatan sa trabaho
Ang lahat ay may karapatan sa disente at produktibong trabaho,
sa makatarungan at paborableng mga kondisyon sa paggawa, at sa
proteksyon laban sa disempleyo at diskriminasyong nag-uugat sa
oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
12
18. Proteksyon laban sa mga abusong medikal
Walang sinuman ang mapipilit na sumailalim sa anumang
medikal o sikolohikal na panggagamot, proseso, at pagsusuri, o kaya’y
bimbinin sa isang pasilidad na medikal nang dahil sa oryentasyong
seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Sa kabila ng anumang
taliwas na klasipikasyon, ang oryentasyong seksuwal at
pagkakakilanlang pangkasarian ng isang tao ay hindi maituturing na
sakit sa paano man tingnan; at kung gayon ay hindi nararapat na
gamutin, pagalingin, o pigilin.
13
23. Ang karapatang humanap ng asilo
Ang lahat ay may karapatang humanap at magtamasa ng asilo
o santwaryo sa ibang bansa upang makaligtas sa pang-uusig. Hindi
maaaring alisin, palayasin, o ipatapon ng isang Estado ang isang tao
sa kung saan siya ay maaaring pahirapan, usigin, o dumanas ng
pagmamalupit, makahayop o mapanghiyang trato, o pagpaparusa
bunga ng oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian
niya.
14
28. Ang karapatan sa mabibisang lunas at pagtutuwid ng kamalian
Bawat biktima ng paglabag sa mga karapatang pantao, ay may
karapatan sa mabisa, sapat, at karampatang mga remedyo. Ang mga
hakbang na naglalayong magbigay ng reparasyon, o nauukol sa
ikabubuti ng mga biktimang may iba-ibang oryentasyong seksuwal at
pagkakakilanlang pangkasarian, ay hindi maihihiwalay sa karapatan
para sa mabibisang lunas at pagtutuwid ng kamalian. Tumiyak na
bukas sa lahat ng tao ang lahat ng kinakailangang impormasyon
tungkol sa mga proseso ng remedyo at pagtutuwid ng kamalian.
29. Pananagutan
Karapatan ng lahat na biktima ng paglabag sa mga karapatang
pantao, kabilang ang mga nakapaloob sa Mga Prinsipyong ito, na
papanagutin ang mga maysala, sila man ay tuwiran o di-tuwirang
responsable, opisyal man ng gobyerno o hindi. Ang pananagutan nila
ay magiging simbigat ng kanilang paglabag. Walang palusot o
kaligtasan para sa mga lumalabag sa mga karapatang pantaong
kaugnay ng oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
15
Ang pangunahing pokus ng GAD ay ang dalawang mahalagang balangkas
nito, ang Gender Roles at Social Relations Analysis. Ang Gender Roles ay nakatuon
sa pagbuo ng mga pagkakakilanlan sa lipunan at ang pagiging patas ng lalaki at
babae sa pagkukunan ng pangkabuhayan. Ang Social Relations Analysis naman ay
nakatuon sa pag-aaral ng panlipunang katayuan ng kalalakihan at kababaihan sa
lipunan.
16
Pagyamanin
A. Gulong ng Kaalaman
Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa gulong ng kaalaman at isulat sa isang papel.
17
B. GAD says
Panuto: Tukuyin ang isinasaad ng bawat pangungusap. Piliin ang titik ng iyong sagot
mula sa kahon at isulat ito sa isang papel.
C. Suri-Larawan
Panuto: Suriin ang bawat larawan at tukuyin kung anong prinsipyo ng Yogyakarta
ang ipinakikita nito. Piliin ang sagot mula sa kahon at isulat ito sa isang papel.
Karapatan sa buhay
Karapatan sa trabaho
Karapatan sa edukasyon
Karapatan sa sapat na pamantayan ng pamumuhay
Karapatan sa malayang paglalahad ng opinyon at pamamahayag
Karapatan sa pinakamataas na pamantayan ng kalusugang makamit
1. 2. 3.
4. 5.
18
D. Hephep… Hooray…
Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Isulat ang salitang Hooray kung
ito ay saklaw ng prinsipyo ng Yogyakarta at Hephep kung hindi. Isulat ang iyong
sagot sa isang papel.
E. Solusyunan Natin!
Panuto: Gamit ang fishbone technique ibigay ang magiging tugon sa mga sumusunod
na sitwasyon. Isulat ang sagot sa isang papel.
19
F. Ikomento mo!
Panuto: Pagmasdan ang larawan at ilagay ang iyong opinyon patungkol dito.
Ipahayag ang iyong pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon sa paglalagay ng panibagong
palikuran(toilet) para sa lalaki at babae at iba pang kasarian. Isulat ang sagot sa
isang papel.
Isaisip
#PUNAN MO AKO
Panuto: Punan ng angkop na mga kasagutan ang “Bintana ng Pag-unawa sa
Paggalang at Pagtanggap sa Kasarian”. Gayahin ang pormat sa ibaba. Isulat ang
sagot sa isang papel.
REYALISASYON INTEGRASYON
EMOSYON AKSYON
20
Isagawa
Rubriks ng Pagmamarka
Hindi gaanong
Napakagaling Magaling Hindi magaling
Pamantayan magaling
(5 puntos) (4 puntos) (3 puntos) (2 puntos)
Nilalaman Malinaw at Hindi gaanong Medyo magulo Magulo at hindi
madaling maunawaan ang laman ng maunawaan
unawain ang ang patalastas patalastas o ang patalastas
patalastas o o anunsyo sa anunsyo sa o anunsyo sa
anunsyo sa pagtanggap at pagtanggap at pagtanggap at
pagtanggap at paggalang sa paggalang sa paggalang sa
paggalang sa kasarian kasarian kasarian
kasarian
21
Tayahin
22
5. Ang karahasan at diskriminasyon ay patuloy na nararanasan ng iba’t ibang
kasarian sa lipunan. Kaya, ang mga kinatawan ng mga grupong nagsusulong ng
karapatang pantao ay nagtipon-tipon noong Nobyembre 6-9, 2006 sa Indonesia
upang pagtibayin ang isang pandaigdigang pakikibaka para sa isyu ng
oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian. Ano ang naging bunga
ng pagtitipong ito?
A. pagbuo ng Prinsipyo ng Yogyakarta.
B. pagkakabuo ng Asosasyon ng LGBTQIA+
C. pagbuo ng komisyon ng karapatang ng mga kasarian
D. pagkakabuo ng samahan na nagsusulong sa kasarian
6. Hindi ininda ng mga miyembro ng LGBTQIA+ ang ulan upang isagawa ang isang
mapayapang demonstrasyon upang maipaglaban ang kanilang karapatan. Ang
pangungusap ay nagpapahayag na:
A. anuman ang kasarian ay maaaring makibaka
B. ang lahat ay may karapatan sa malayang asembleya
C. ang lahat, anuman ang kasarian ay malaya sa pagpili ng relihiyon
D. walang sinuman ang maaaring pigiling magtungo kung saan nila gusto
10. Isang aplikanteng lalaki ang hindi tinanggap sa paaralang kaniyang inaaplayan
sapagkat pawang mga babae lamang ang nagtuturo rito. Anong prinsipyo ng
Yogyakarta ang nabalewala?
A. karapatang mabuhay C. karapatan sa malayang pagkilos
B. karapatan sa trabaho D. karapatang magbuo ng pamilya
23
11. Ang pagpapaunlad ng kasarian ay hindi lamang para sa mga kalalakihan, ito ay
para sa mga kababaihan din. Paano pinauunlad ng GAD ang kapakanan ng mga
kababaihan?
A. pinahahayag ang malayang opinyon ng kababaihan
B. pinagtitibay ang mga kakayahan ng kababaihan sa lipunan.
C. pinahahalagahan ang pagkakakilanlang panlipunan ng kababaihan
D. pinagbubuti ang mga patakarang pangkabuhayan at panlipunan para sa
kababaihan
24
Karagdagang Gawain
#PANATA KO
Panuto: Bilang isang responsableng mamamayan ng iyong komunidad, sumulat ka
ng isang pangako na iyong isusulong ang pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang
kasarian upang makamit ang isang lipunang may pagkakapantay-pantay.
25
26
Subukin C. E.
1. A 9. D 1. Karapatan sa trabaho - Gagamitin ang social media
2. B 10. D 2. Karapatan sa upang isulong ang patakarang
3. D 11. C pinakamataas na ipinatutupad ng aming
4. D 12. B pamantayan ng barangay ukol sa
5. A 13. D kalusugang makamit pagkakapantay-pantay ng
6. C 14. D 3. Karapatan sa sapat na kasarian. Hihikayatin ko rin
7. B 15. D pamantayan ng ang aking pamilya at mga
8. D kaibigan na suportahan ito.
pamumuhay
4. Karapatan sa - Igagalang ko at kikilalanin
Pagyamanin edukasyon ang kanilang mga gawa.
A. 5. Karapatan sa malayang
1. Pribadong buhay paglalahad ng opinyon -Sa pamamagitan ng
2. Arbitraryo at pamamahayag paggalang at pagrespeto sa
3. Makataong pagtrato bawat isa.
4. Torture D.
5. Traficking 1. Hooray F.
2. Hooray - Ako ay sumasang-ayon na
B. 3. Hooray magkaroon ng tiyak na
1. F comport room para sa LGBT
4. Hephep
2. B 5. Hephep community. Upang hindi na
3. A sila makaranas ng
4. E diskriminasyo sa tuwing sila
5. D ay gagamit nito.
Isaisip Tayahin
1. D
REYALISASYON INTEGRASYON
2. D
Bagong kaalaman na Sitwasyon na kung saan mo magagamit ang 3. A
tumatak sa iyong isipan kaalamang nakuha sa aralin 4. C
5. A
(Respeto at paggalang sa (Ang pagsasabi ng bakla at tomboy sa aking 6. B
ibang kasarian) kamag-aral ay mali pala. Kaya simula 7. A
ngayon ay hindi ko na sila ituturing na 8. C
kakaiba.
9. B
(Ang paggalang at pagresto sa ibang kasarian
ay makakatutulong upang mabawasan ang 10. C
karahasan at diskriminasyon) 11. C
12. D
EMOSYON AKSYON 13. C
14. C
Pag-gamit ng emoticon na Pangakong gagawin upang maisulong ang 15. B
maglalarawan ng iyong pagtanggap at paggalang sa kasarian
nararamdaman base sa
iyong naging sagot sa (Ako ay nangangako na igagalang at
bintana ng integrasyon irerespeto ang aking kapwa anuman ang
kanilang kasarian upang ang bawat isa ay
☺ kilalanin sa lipunan)
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
“Gender and Development.” Department of Labor and Employment, Bureau of Workers
with Special Concerns. http://bwsc.dole.gov.ph/publications/gad.html?fbclid
27
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: