Professional Documents
Culture Documents
Mahabang Pagsusulit Ikatlong Markahan Long Test
Mahabang Pagsusulit Ikatlong Markahan Long Test
1
11. Nagsinungaling si Surpanaka kay Ravana para makaganti kay Sinabi niyang nakakita siya
ng pinakamagandang babae sa gubat at inalok niya itong ______________ ni Ravana pero
tumanggi ang babae.
A. makaisang dibdib C. maging kapareha
B.maging matalik na kaibigan D. mabigyan ng magandang buhay
III. TULA – ELEHIYA SA KAMATAYAN NI KUYA
Panuto: Tukuyin ang ELEMENTO NG ELEHIYA na inilalarawan sa bawat bilang. Piliin
ang letra ng tamang sagot.
12. Tinatawag ding ________________ ang Elehiya na isa sa uri ng tulang liriko sa panulaang
Pilipino.
A. elegeia B. elegie C. elehie D. elehiea
13. Alin sa sumusunod na elemento ng elehiya ang tumutukoy sa pag-alala sa isang mahal sa
buhay?
A. kaugalian B. tauhan C. tema D. wika
14. Malungkot na lumisan ang kaniyang mahal ngunit hindi ang mga alaala nito. Batay sa
pahayag, alin sa sumusunod na elemento ng elehiya ang tinutukoy ng nakasalungguhit na
salita?
A. damdamin B. tauhan C. tema D. simbolo
15. Napagtanto niya sa huli na ang kaniyang mahal ang nagbibigay ng liwanag sa kaniyang
buhay, anong elemento ng elehiya ang tinutukoy ng nakasalungguhit na salita?
A. kaugalian B. tauhan C. simbolo D. wika
16. Bakit mahalagang gumamit ng simbolo sa pagsulat ng isang elehiya?
A. Saklaw nito ang mensahe ng buong tula.
B. Ang simbolo ay maaaring magpalawak ng ating isipan.
C. Inihahambing nito ang iba’t ibang diwang ipinapakita ng elehiya.
D. Nakatutulong ito upang maging makulay ang isinusulat na elehiya.
17. Kung ang mga Awit ay may temang patungkol sa pag-ibig, ano naman ang tulang Elehiya?
A. kamatayan C. pananampalataya
B. paggunita D. Pagpapasalamat
IV. ALAMAT – ALAMAT NI PRINSESA MANORAH
18. Ang tula na pinamagatang “Elehiya sa Kamatayn ni Kuya” ay isang piksyon sa kabilang
banda ang Alamat naman na pinamagatang “Alamat ni Prinsesa Manorah ay may
______________ pangyayari.
A. makatotohanan B. ‘di makatotohanan
Itinali nang mahigpit ni Prahnbun ang pakpak ni Prinsesa Manorah upang hindi
makawala at tuluyang madala pabalik sa Udon Panjah at maibigay kay Prinsipe Suton
nanoo’y naglalakbay rin sakay sa kabayo papunta sa kagubatan. Nakasalubong niya si
Prahnbun dala-dala si Prinsesa Manorah. Agad-agad na naakit sa kagandahan ni Prinsesa
Manorah ang prinsipe.
“Nang isalaysay ni Prahnbun kay Prinsipe Suton ang dahilan kung bakit niya hinuli at
dinala ang prinsesa sa harap niya, nagpasalamat ang prinsipe at binayaran siya nito ng
napakalaking halaga.
Nagbalik ang prinsipe sa kaniyang palasyo dala-dala si Prinsesa Manorah kung saan
umusbong ang isang tunay na pag-ibig sa isa’t isa. Nang sabihin ng prinsipe sa kaniyang
inang reyna at amang hari ang buong pangyayari, masayang-masaya sila at agad-agad
nagbalak na magsagawa ng kasal para kina Prinsipe Suton at Prisesa Manorah. Bumalik sila
sa palasyo ng Udon Panjah kung saan isinagawa ang kasal at tuluyang namuhay nang
masaya’t matiwasay habambuhay.”
Mula sa Alamat ni Prinsesa Manorah
19. Nagbalik ang prinsipe sa kaniyang palasyo dala-dala si Prinsesa Manorah kung saan
umusbong ang isang tunay na pag-ibig sa isa’t isa. Ang pangyayari ay __________________.
2
20. Masasalamin sa akda ang totoong kulturang mayroon ang bansang Thailand, maliban sa
isa:
A. Ang pagpapakasal sa pagitan ng dalawang taong hindi nagmamahalan ay hindi na
isinasagawa.
B. Batay sa kanilang paniniwala, may mga mahiwagang nilalang na dati’y nanirahan sa
Thailand.
C. Ang mga pangalan ng karakter ay nakabatay sa mga pangalan ng mga naninirahan sa
Thailand.
D. Ipinakikita sa alamat na ang ilan sa mga tauhan ay may bansag na prinsipe at prinsesa
na nagpapakita na ang mga naninirahan sa Thailand ay pinamumunuan ng mga
monarkiya.
21. Ang sumusunod ay mga pangyayaring nagpapahayag ng katotohanan batay sa akda,
MALIBAN sa isa:
A. Itinali nang mahigpit ni Prahnbun ang pakpak ni Prinsesa Manorah upang hindi
makawala.
B. Sa di-kalayuan ng lawa, nakatira ang isang ermitanyo na nagsasagawa ng kaniyang
meditasyon.
C. Habang abala sa paglalaro ang mga kinnaree, inihagis ni Prahnbun ang lubid at
matagumpay na nahuli si Prinsesa Manorah.
D. Nagbalik ang prinsipe sa kaniyang palasyo dala-dala si Prinsesa Manorah kung saan
umusbong ang isang tunay na pag-ibig sa isa’t isa.
22. Batay sa wakas ng alamat na binasa, paano mo kaya mabibigyan ng pinal na wakas ito?
Piliin ang pinakaakmang panapos na kuwento para dito.
A. Nanatiling alamat sina Prinsesa Manorah at Prinsipe Suton sa bansang Thailand.
B. Sina Prinsesa Manorah at Prinsipe Suton ay nagkaroon ng mga anak at pinangunahan
na ang pamumuno sa kanilang bansa.
C. Sina Prinsesa Manorah at Prinsipe Suton ay muling binalikan ni Prahnbun upang
makapaghiganti sa kanilang nagawa sa kanila.
D. Binigyan ng masaganang buhay ang mga mamamayan ng kanilang bansa at hanggang
ngayon ay pinaniniwalaan na silay namuhay isang beses sa Thailand.
V. EPIKO – RAMA AT SITA
23. Ang EPIKO ay Isang uri ng panitikan na hango sa salitang _________________.
A. epic C. epos
B. epoc D. epire
24. Dinala ni Ravana si Sita sa Lanka, ang kaharian ng mga higante at demonyo. “Mahalin mo
lang ako ay ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kayamanan”, sabi ni Ravana. Pero hindi niya
napasuko si Sita. Ang hindi pagsuko ni Sita kay Ravana ay nangunguhulugang
_____________.
A. pagkatatakot ni Sita C. mahal ang kanyang asawa
B. gagawin ang lahat dahil sa pag-ibig D. hindi si Ravana ang kanyang gusto
25. “Sige patayin mo siya!” sabi ni Rama. Ang pahayag ay_____________.
A. nakikiusap C. nagpapaunawa
B. nagmamakaawa D. nag-uutos
26. “Ayon sa paniniwala ng mga Hindu, ang ANTYESTI ay isang proseso kung saan mabilis na
inihihiwalay ang kaluluwa mula sa bangkay ng taong namayapa. Alin sa sumusunod na
pangyayari sa epiko ang maaaring iugnay sa rito?
A. pag-aanyong agila ni Maritsa B. pagsunog sa bangkay ng agila
27. Sa epikong Rama at Sita, ipinakita ng mga tauhan na hindi matatawaran ang pagmamahal
nila sa kani-kanilang pamilya. Ang ganitong pagpapahalaga ay nasasalamin din sa ilang
bansa sa Asya. Ano ang mabubuong kongklusyon mula rito?
A. Higit na pinahahalagahan ng mga Asyano ang pamilya.
B. Dapat ipagtanggol ang kapamilya kahit nasa maling panig.
28. Hinarap ni Lakshamanan ang higanteng si Surpanaka na nahagip ang tenga at ilong
sinundan din niya Rama sa gubat upang tulungan ito. Anong kulturang Asyano ang
ipinahihiwatig nito?
3
A. pagpapakita na handang maglaan ng lakas at panahon alang- alang sa mahal
sa buhay
B. pagpapakita na hindi lamang ang mga panganay na mga anak ang maaasahan
kundi ang mga nakababata rin
29. Siya ay si Surpanaka, ang kapatid ni Ravana, na hari ng mga higante at demonyo. “Gusto
kitang maging asawa”, sabi nito kay Rama. “Hindi maaari sabi ni Rama, “May asawa na
ako”. Anong kulturang Asyano ang mauulinigan dito?
A. Pinakikita ang pagiging tapat at busilak na pagmamahal sa asawa.
B. Ipinakikita ang pagiging magalang ng mga Asyano na kahit na ito ay hari ng
mga higante at demonyo ay kaniya pa rin itong kinausap.
30. Sa epikong Rama at Sita, ipinakita ng mga tauhan na hindi matatawaran ang pagmamahal
sa pamilya. Ang ganitong pagpapahalaga ay nasasalamin din sa ilang bansa sa Asya. Ano
ang mabubuong kongklusyon mula rito?
A. Masakit ang mawalan ng pamilya
B. Higit na pinahahalagahan ng mga Asyano ang pamilya.
A. B.
damot ganid
ganid gahaman
sakim sakim
gahaman damot
A. B.
pagmamahal pagmamahal
pagliyag pagliyag
paghanga pagsinta
pagsinta paghanga
4
Panuto: Ikaw naman ang sumubok na iaayos ang mga sumusunod na damdamin ayon sa
sidhi o antas nito.
40. lumuluha, umiiyak, humahagulgol, humihikbi - HUMIHIKBI, LUMULUHA, UMIIYAK,
HUMAHAGULGOL