LAS Filipino8 Q3 MELC 16

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

8

Gawaing Pampagkatuto sa Filipino


Kuwarter 3 – MELC 16

Paggamit nang Wasto ng mga Ekspresyong Hudyat ng


Kaugnayang Lohikal (dahilan-bunga,paraan-resulta)

REGION VI-KANLURANG VISAYAS

i
Filipino 8

Learning Activity Sheet (LAS) Blg. 16


Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon


ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaang naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.”

Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang magamit ng
mga Paaralan sa Rehiyon 6- Kanlurang Visayas.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma
nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang
Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet - Filipino 8


Manunulat: Petronila P. Delino
Editor : Catherine D. Diaz
Tagasuri : Gemma B. Obsiana
Tagalapat : Petronila P. Delino

Division of Capiz Management Team:

Salvador O. Ochavo, Jr.


Segundina F. Dollete
Shirley A. De Juan
Merlie J. Rubio

Regional Management Team:

Ramir B. Uytico
Pedro T. Escabarte, Jr.
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Celestino S. Dalumpines IV

ii
MABUHAY!

Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo sa pamamagitan ng


sama-samang pagtutulungan ng Sangay ng Capiz sa pakikipagtulungan ng
Kagawaran ng Edukasyon, Region 6 – Kanlurang Visayas sa pakikipag-ugnayan ng
Curriculum and Learning Division (CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng
learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag-aaral na makamtan ang mga
inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na mapagtagumpayan


nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang
kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap
na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang
kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matugunan
ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy
ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan
mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.

Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto samga
gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang pag-
unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet na ito ay binuo upang matulungan ka, na
mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong paaralan.

Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at


makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang
mga panuto ng bawat gawain.

iii
Kuwarter 3, Linggo 6

Learning Activity Sheets (LAS) Blg. 16

Pangalan:_____________________________________Grado at Seksiyon:________________
Petsa: _______________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 8

Paggamit nang wasto ng mga Ekspresyong Hudyat ng Kaugnayang


Lohikal ( dahilan-bunga, paraan-resulta)

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nagagamit ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal


(dahilan-bunga, paraan-resulta). (F8WG-IIIe-f-32 )

II. Panimula (Susing Konsepto)

May mga konseptong higit na nagiging makahulugan kapag pinag-


ugnay o pinagsama. Halimbawa nito ang mga konseptong nagpapahayag ng
relasyon o kaugnayang lohikal tulad ng dahilan at bunga, at paraan at
resulta.

1. Dahilan at Bunga/Resulta
Nagpapahayag ang sanhi ng dahilan ng isang pangyayari samantalang
ang bunga ay nagsasabi ng resulta nito.
Tingnan ang halimbawang mga pangungusap na nagpapakita ng
relasyong dahilan/sanhi at resulta/bunga. Pansinin ang mga pang-ugnay
na ginamit, gayon din ang padron ng pagsusunod-sunod ng mga
konsepto. (nakaturo sa resulta ang arrow o palaso)
Nag-aaral siyang mabuti (dahilan + pang-ugnay + resulta)

kaya/kaya naman natuto


siya nang husto.

Nag-aaral siyang Mabuti (dahilan + pu + resulta; may


Hinto sa pagitan ng dahilan at
dahil dito/ bunga nito/ tuloy
resulta)
Natuto siya nang husto.

Sapagkat/ Pagkat/ Dahil (pu + dahilan + resulta; may


Hinto pagkatapos ng dahilan)
Nag-aaral siyang mabuti,
Natuto siya nang husto.

1
Natuto siya nang husto (resulta + pu + dahilan)

sapagkat/ pagkat/kasi/dahil
nag-aral siyang Mabuti
Makikitang maipahahayag ang relasyong dahilan at bunga sa iba’t ibang
paraan. Ginagamit ang mga kawsatib na pang-ugnay na sapagkat, dahil, dahilan
sa at kasi sa pagsasabi ng dahilan o sanhi samantalang naghuhudyat ng resulta o
bunga ang mga pang-ugnay na kaya, kaya naman, dahilan dito at bunga nito.

2. Paraan at Resulta

Nagpapakita ang relasyong ito kung paano nakukuha ang resulta. Sa


mga halimbawa, nakaturo sa resulta ang arrow.

Sa matiyagang pag-aaral (paraan + resulta)

nakatapos siya ng kaniyang kurso.

Nakatapos siya ng kaniyang kurso ( resulta + paraan)

sa matiyagang pag-aaral.

Mapapansing walang ginamit na pang-ugnay sa relasyong ito.


Inihuhudyat ng sa ang paraang ginamit upang makamit ang resulta.

III. Mga Sanggunian:


A. Aklat
Enrijo, Willita A. et al. (Unang Edisyon, 2013) “Mga Konseptong may
Kaugnayang Lohikal” Panitikang Pilipino, Filipino 8 Modyul para sa Mag-
aaral pahina 159-161.
B. Most Essential Learning Competencies, pahina 175

IV. Mga Gawain:

1. Pagsasanay/Aktibidad

A. Panuto: Pag-aralan ang mga pangungusap at tukuyin kung ang bahaging


nakasalungguhit ay ang dahilan/sanhi o resulta/bunga. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Nagbabara ang mga kanal dahil tinatapunan ng basura ng mga tao.
2. Bumagsak siya sa pagsusulit sa Filipino sapagkat hindi siya nakapag-
aral.
3. Nagsikap siyang mabuti sa kanyang pag-aaral kaya’t gumanda ang
kanyang buhay.
4. Naiwang bukas ang ilaw ng kotse kaya naubos ang baterya.
5. Dahil kulang sa calcium ang kanyang katawan kaya nagkasakit siya
ng osteoporosis.

2
B. Panuto: Kilalanin ang ugnayang lohikal na mayroon sa pangungusap at tukuyin
ang ekspresyong hudyat na ginamit. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Natuto ng pagbasa si Athea dahil sa matiyagang pagtuturo ni Gemma.


2. Nagbago ang kanyang buhay sa tulong ng kanyang pamilya.
3. Sa pamamagitan ng pagkakaisa ng lahat masusugpo ang pandemyang
ito.
4. Nanguna siya sa klase dahil sa kanyang tiyaga sa pag-aaral.
5. Nagtagumpay ang proyekto sa pakikiisa ng mga kabataan.

C. Panuto: Gamit ang mga salita o ekspresyong nagpapakita ng mga


ugnayang lohikal, tukuyin ang kaisipang isinasaad ng larawan. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.

kaisipan kaisipan

kaisipan

2. Mga Batayang Tanong

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.


1. Ano ano ang mga konseptong nagpapahayag ng relasyon o kaugnayang
lohikal?
2. Ano ang kahalagahan ng paggamit nang wasto ng mga ekspresyong
hudyat ng kaugnayang lohikal?

3. Batayan sa Pagbibigay ng Iskor sa Rubrik

A. Organisasyon ng mga ideya 5 puntos


B. Kawastuan ng mga kaisipan 5 puntos
C. Orihinalidad 5 puntos
KABUUAN 15 puntos

5- Napakahusay 3- Katamtaman 1 – Sadyang Di mahusay


4- Mahusay 2- Di mahusay

3
4
Pagsasanay A
1. Bunga
2. Sanhi
3. Bunga
4. Sanhi
5. Bunga
Pagsasanay B
1. Sanhi at Bunga – dahil sa
2. Paraan at Resulta – sa
3. Paraan at Resulta – sa
4. Sanhi at Bunga – sa
5. Paraan at Resulta – sa
Pagsasanay C
Magkakaiba ang ugnayang lohikal na ginamit ng mga mag-aaral.
Sagot sa Batayang Tanong
1. Ang mga konseptong nagpapahayag ng relasyon o kaugnayang
lohikal ay dahilan at bunga at paraan at resulta. Ang dahilan at
bunga ay nagpapahayag ng sanhi o dahilan ng isang pangyayari
samantalang ang paraan at resulta ay nagpapakita kung paano
nakukuha ang resulta.
2. Ang kahalagahan ng paggamit nang wasto ng mga ekspresyong
hudyat ng kaugnayang lohikal sa paglalahad ay upang madaling
makuha o maunawaan ang mensaheng nais iparating ng nagsasalita
o nagpapahayag.
Repleksiyon:
Magkakaiba ang sagot ng mga mag-aaral.
VI. Susi sa Pagwawasto:
__________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
sagutang papel.)
Ang natutunan ko sa araling ito ay: (Isulat ang sagot sa iyong
V. Repleksiyon:

You might also like