Tekstongnaratibo 200108035037

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

TEKSTONG

NARATIBO
◦Pagsasalaysay o pagkukwento ng mga pangyayari
sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar
at panahon o sa isang tagpuan nang may maayos
na pagkasunod-sunod mula simula hanggang
wakas.
◦May iba’t ibang uri ng Naratibong Teksto.
◦Maikling kwento
◦Nobela
◦Kuwentong Bayan
◦Mitolohiya
◦Alamat
◦Tulang pasalaysay
May iba't ibang pananaw o point of view
◦Unang Panauhan – Isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga
bagay na kanyang nararanasan, naaalala, o naririnig kaya gumamit ng
panghalip na ako.
◦Ikalawang Panauhan – Dito mistulang kinakausap ng manunulat
ang tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kaya’t gumamit siya ng
panghalip na ka o ikaw subalit tulad ng unang nasabi.
◦Ikatlong Panauhan – Isinasalaysay ng isang taong walang relasyon
sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya sa pasalaysay ay siya.
Mga paraan ng Pagpapahayag ng
Diyalogo
1. Direkta o Tuwiramg Pagpapahayag
- Ang tauhan ay direkta o tuwrirang nagsasaad o nagsasabi ng kanyang
diyalogo, saloobin, o damdamin. Ito ay ginagamitan ng panipi.
2. Di Direkta o Di tuwirang Pagpapahayag
- Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip, o
nararamdaman ng tauhan sa ganitong uri ng pagpapahayag. Hindi na
ito ginagamitan ng panipi.
Mga Elemento ng Tekstong Naratibo
1.Tauhan - may dalawang paraan sa pagpapakilala ng
tauhan- ang expository at ang dramatiko.
a.Expository – kung ang tagapagsalaysay ang
magpapakilala o maglalarawan sa pagkatao ng tauhan.
b.Dramatiko – kusang magbubunyag ang karakter
dahil sa kanyang pagkilos o pagpapahayag.
Karaniwang Tauhan sa mga Akda
a. Pangunahing Tauhan – bida, umiikot ang mga pangyayari sa
kuwento mula simula hanggang katapusan.
b.Katunggaling Tauhan – kontrabida, sumasalungat o kalaban
ng pangunahing tauhan.
c. Kasamang Tauhan - karaniwang kasama o kasangga ng
pangunahing tauhan.
d.Ang May-akda – sinasabing ang pangunahing tauhan at ang
may-akda ay lagi nang magkasama sa kabuoan ng akda.
Dalawang uri ng Tauhan
a.Tauhang Bilog – isang tauhang may
multidimensiyonal o maramaing saklaw ang
personalidad. Nagbabago ang kanyang pananaw, at
damdamin ayon sa pangangailangan.
b.Tauhang Lapad – ito ang tauhang nagtataglay ng
iisa o dalawang katangian na madaling matukoy o
predictable.
2. Tagpuan at Panahon
- Ang tagpuan ay tumutukoy hindi lang sa lugar kung
saan naganap ang mga pangyayari sa akda kundi
gayundin sa panahon (oras, petsa, taon) at mahing sa
damdaming umiiral sa kapaligiran nang maganap ang
mga pangyayari.
3. Banghay
◦Ito ang tawag sa maayos na daloy o pagkasunod-sunod
ng mga pangyayari sa mga tekstong naratibo upang
mabigyang-linaw ang temang taglay ng akda.
i. Simula – pagpapakilala ng mga tauhan, tagpuan at
tema
ii. Suliranin
iii.Kasiglahang hahantong sa aksiyong gagawin ng tauhan
iv.Pangyayaring hahantong sa Kasukdulan
v. Resolusyon o kakalasan
vi.Makabuluhang Wakas.
Anachrony
◦Pagsasalaysay na hindi nakaayos.
◦May tatlong uri nito:
a. Analepsis (flashback) – papasok ang mga pangyayaring naganap sa
nakalipas.
b. Prolepsis (flash-forward) – pumapasok ang mga pangyayaring
magaganap pa lang sa hinaharap.
c. Ellipsis – mga puwang o patlang sa pagkasunod-sunod ng mga
pangyayari na nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay na
tinanggal.
4. Paksa o Tema
◦Sentral na ideya kung saan umiikot ang mga
pangyayari sa tesktong naratibo.

You might also like