Balang Araw - Spoken Poetry No. 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

TITLE: “BALANG ARAW”

Naririnig ko na

Mga hiyawan at palakpakan

Mga kamustahan at batian

Pamilyang nagyayakapan

Napapaisip na lamang

Sana sa susunod

Ako na ang andiyan

Aakayat ng entablado

Habang suot ang panapos na purmado

Tatanggapin ang mga kamay ng panalo

Sasabihing Ma,Pa, Gradweyt nako!

Magiging guro na ang panganay nyo!

Pangarap man kung tutuusin

Pero alam ko naman

Na iyan ay tutuparin

Bago man ako makapunta diyan

Bago man ako makaranas niyan

Ay handa akong sumuong sa butas ng karayom

Makamtan lang ang pagtatapos

Makuha lang ang kurso ng maayos

Ilang taon nalang ay malapit ng matapos

Kaya ako’y sasabay nalang


Sa oras na umaagos

Ang sabi ng iba

Sa kursong edukasyon

Madali lang talaga

Pero hindi naman nakatala

Ang hirap na aabutin

Para lang sa pangarap

Sa para sa iba ay madali lang daw pala

Tulog, oras, luha ay sakripisyo

Lahat ng pag uulat at gawain

Ay halos naman minu-minuto

Pero sabi naman ng iba

Ganito talaga pag gusto mo

Magsasakripisyo kasi ginugusto

Hindi madali

Kahit na ako’y nangangalahati

Ilang beses ng sinukuan

Pero talagang babalikan

Patibayan ng loob

Susukatin rin pati pasensya mo

Pero ganyan naman talaga dito?

Pangarap na mag tapos

Pamilya’y i-aahon
Luha may maubos

Basta sa huling entablado ko nalang

Iuubos

Naririnig ko na

Kaya ipipikit ang mga mata

Isusuot ang toga

Malaking ngiti ang ipapakita

Na balang araw ay aking makukuha

Ang inaasam-asam na pangarap

Hihiyaw

Isisigaw

Sasabihin sa mundo

Na balang araw makukuha ko

Balang araw makakaya ko

Ma, Pa balang araw

Magiging guro din ako!

You might also like