Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Southeastern College

College Road, Taft Avenue, Pasay City


Tel Nos. 8831-8484

Detalyadong Banghay Aralin sa E.P.P

Antas ng Baitang: 6

Oras: 60 minuto

I. Layunin:
 Natatalakay ang mga pamamaraan sa pagbili ng tamang pagkaing kailangan.

II. Paksang Aralin:


a. Paksa: Wastong Paraan ng Pamimili ng Pagkain.
b. Sangguniang Aklat: E.P.P PELCV. 2.1.3.4 bsp.gov.ph.
c. Kagamitan: Laptop at Larawan.
d. Pagpapahalaga: Napapahalagahan ang pagkakaroon ng kasanayan sa pamimili.

III. Pamamaran:
Gawain ng Guro Gawain ng Mag- aaral
A. Panimulang Gawain
a. Pagbati
Magandang Araw mga Bata! Magandang Araw po Binibini

Panalangin Sa ngalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo,


Bago tayo magsimula sa ating gawain, Amen..
tayo muna ay manalangin
Salamat Panginoon… Amen.

Kamusta ang lahat? Nag almusal na ba Masaya naman po Ma’am!!


kayo? ... Salamat sa lahat ng sumagot. Opo at busog!!!
Magkakaroon tayo ng maikling gawain
sa araw na ito.

b. Pagganyak
“SI ALING DANI AT SI ALING MARJORIE”
Madalas magkasabay na mamalengke ang
magkapitbahay na sina Aling Dani at Aling
Marjorie. Si Aling Dani ay mahilig bumili ng
mga pagkaing de lata tulad ng sardinas, ham,
corned beef, at iba pang pagkaing madaling (Binabasa ng mga Estudyante)
iluto. Si Aling Marjorie naman ay nakagawiang
bilhin ang mga pagkaing nakatala sa kanyang
listahan. Sa listahan ng bibilhing pagkain,
hindi nawawalaang mga mura at
masusustansyang pagkain gayang isda,
petsay, talong, kalabasa, at kamatis.

Mga Tanong:
 Sa iyong palagay, sino sa dalawang
magkapitbahay ang matalinong
mamimili ng pagkain? Ipaliwanag kung
bakit.
 Alin sa dalawang pangkat ng pagkain Si ALING DANI PO
ang madaling bilhin? Bakit? SI ALING MARJORIE DAHIL MURA ANG MGA
 Alin sa dalawang pangkat ng pagkain PRODUKTO…
maaaring makatipid? Bakit?
c. Balik Aral
Ang mga Masusustansyang Pagkain
 Ang pagkain ng masusustansyang
pagkain ay mahalagang bahagi ng
pagpapanatili ng malusog na
pangangatawan.
 Sa pamamagitan ng pagpapanatili ng
tamang pagkain, mapananatili mo rin
ang maganda at maayos na
pakiramdam.

B. Panlinang na Gawain
a. Motibasyon
(Nasa Powerpoint)
b. Paglalahad
Bakit kailangang malaman ang
wastong paraan ng pamimili?

C. Pagtalakay
Wastong Paraan ng Pamimili ng Pagkain
Mahalaga ito para sa kalusugan ng kakain
dahil kung hindi ka marunong o hindi mo ito
matutunan ay maaari mong mapili ang mga
expired o rejected na produkto. Ang wasto at
maingat na pamimili ng mga pagkain ay isang
paraan upang matiyak na mura at
masustansiya ang pagkaing ihahanda para sa
mag-anak. Ang pamamalengke ay madali at
kawili-wiling gawin kung marunong kang
magbalak ng pagkain at may kaalaman ka sa
pamamalengke. Dapat alamin ang iba't ibang
bahagi ng palengke upang hindi masayang
ang oras sa paglilibot at paghanap ng lugar ng
pagbibilhan ng mga kailangan.
Mas mabuti kung mamalengke ng maagang-
maaga sapagkat kaunti pa lamang ang tao at
higit na sariwa at maraming mapagpipiliang
mga-paniada.

Mga Dapat Tandaan Kapag Namamalengke:


1. Gumawa ng listahan ng mga bibilhin.
2. Magdala ng basket.
3. Mamamalengke ng maagang-maaga.
4. Bumili ng pagkaing napapanahon.
5. Bilhin ng maramihan ang mga pagkaing
araw-araw ginagamit tulad ng bigas, asin,
atbp.
6. Huwag mahiyang tumawad sa bilihin.
7. Tiyaking tama ang ibinayad at bilanging
mabuti ang sukli.
8.Tingnan nang mabuti ang timbangan upang
matiyak na hindi ka dinadaya.
9. Mahalagang malaman ang mga katangiang
dapat hanapin sa anumang pagkaing bibilhin
upang matiyak na ito ay sariwa at
masustansiya….

D. Paglalahat
Upang makatipid sa oras at pagod, at
hindimagpabalik-balik ang mamimili, ano ang
kanyanginihanda o dala?

b. Upang makasiguro na may sustansya ang


mgapagkaing bibilhin, anong mga pagkain ang
binibiling mga mamimili?

c. Upang makatipid pa rin, anong mga


pagkainang kanilang pinipili napapanahon ba
o hindinapapanahong mga pagkain?

d. Ano ang reaksyon ng mga mamimili tungkol


samga patalastas at pananalita ng mga
tindera?

e. Kapag tinitimbang ang mga pagkaing


binibili, ano ang dapat gawin ng mga
mamimili?

E. Paglalapat
Pamamaraan: Sa pamamagitan ng
Circle grap, sikaping masagot ang
hinihinging konsepto.
Idikit mo!

Masustansya Pagkain vs. Di-


Masustansyang Pagkain

IV – Pagtataya
Basahin ang bawat pangungusap.
Lagyan ng tsek(☑) ang nagpapahayag
sa wastong paraan ngpamimili ng
kailangang pagkain.
___Bumili ng mga pagkaing
napapanahon.
___Maniwala sa mga patalastas.
___Laging isaalang-alang ang
sustansiya ngpagkaing bibilhin.
___Maghanda ng listahan o talaan ng
mga bibilhin.
___Surin ang mga pagkaing binibili.

V. Takdang aralin:
Gumawa ng drawing patungkol sa
masustangsyang pagkain.

You might also like