Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

ISABELA STATE UNIVERSITY


City of Ilagan, Isabela
COLLEGE OF NURSING

1
Republic of the Philippines
ISABELA STATE UNIVERSITY
City of Ilagan, Isabela
COLLEGE OF NURSING

Name: De Silva, Emerson A. Date: 10/19/2023


Section: BSN 4B

Filipino; Ang Usal ng Madla


Mahalaga ba ang wika ng isang bansa? Tinatangkilik mo ba ang
iyong sariling wika? Ipinagdririwang mo ba ang iyong sariling
wika? Ginagamit mo ba ang sarili mong wika? Ito ang mga tanong na
di mawari sa aking isipan. Saan nga ba natin ilulugar ang wikang
Filipino sa isyung pagkaka pantay-pantay pagdating sa usapin ng
ating lahi, uri, kasarian, sekswalidad, nasyonalismo, panlipunang
katarungan, kapayapaan, kalikasan, at teknolohiya.
Ang wika ang pinakamagandang regalo ng Diyos sa Kanyang mga
nilalang. Ito ang tanging kasangkapan ng tao na may kaugnayan sa
ibang tao, asosasyon, organisasyon at maging ang Dakilang Banal.
Ang wika ay gumaganap ng isang mahalagang papel sa mabuting
pagkakaunawaan, relasyon at malapit na pagkakaibigan. Ang wika ay
hindi na limitado bilang isang paraan ng komunikasyon, ngunit ito
ay tumagos din sa mga isyung pangkultura at panlipunan.
Filipino ang pambansang wika ng ating bansa. Ito ang wikang
ginagamit ng mga Pilipino sa kanilang pakikipag-usap. Ang
Filipino ay isang paraan ng komunikasyon upang magkaintindihan.
Ang wikang Filipino ay isa rin sa mga simbolo ng ating kulturang
Pilipino, kung sino at ano tayo. Ang wikang Filipino ay isa rin
sa mga simbolo ng ating kulturang Pilipino, kung sino at ano
tayo. Napakahalaga na magagamit natin ang ating wikang pambansa
dahil bilang isang mamamayan ng bansa, ang ating wikang pambansa
ay naglalaman ng ating sariling kultura, na siyang
pagkakakilanlan ng ating bansa.natin, nagsisilbi sa pag-unlad ng
ekonomiya at katatagan ng pulitika. Nangangahulugan din ito na
ang ating bansa ay isang "malayang bansa" dahil ang ating bansa
ay may sariling wikang pambansa.
Sa pag-aaral ng wikang filipino, mahalagang iniintindi ito
ng maigi at bukas ang kamalayan ng isang mag- aaral sa mga
impormasyon na dumadaloy sa gitna ng kanyang pagtuklas. Mahalaga
rin na maging bihasa ang isang mamamayan ng bansa sa paggamit ng
sarili nitong wika. Hindi maaaring mapaghiwalay ang wika sa
panitikan maging sa pagsulat man o pananaliksik. Mahalaga na
taglayin ng isang mag-aaral na Filipino ang mapanuring pag-iisip
sapagkat sa pamamagitan nito ay mas mauunawaan natin ang ating
lipunan at ang sarili nating konteksto. Ang wika ang tulay sa
pagitan ng mga mamamayan at ng mga mananaliksik at nalilinang din
nito ang katauhan ng isang mananaliksik.

2
Republic of the Philippines
ISABELA STATE UNIVERSITY
City of Ilagan, Isabela
COLLEGE OF NURSING

Makasasabay ang wikang Filipino kung matibay ang kulturang


pinahahalagahan ng mga Pilipino. Masasabi kong isang malaking
hamon sa wikang Filipino ang makipagsabayan sa pag-usad ng mga
teknolohiyang binigyang buhay na ng mga mauunlad na mga bansa.
Si Manuel L. Quezon ay kilala bilang “Ama ng Wikang
Pambansa”. Siya ang unang taong humubog sa wikang pambansa, ang
wikang Filipino. Marami tayong wika sa bansa tulad ng Cebuano,
Boholano, Ilocano, Tagalog at iba pa. Marami tayong iba't ibang
wika dahil sa archipelagong hugis ng ating bansa. Ang mga lugar
at isla na bumubuo dito ay napakalayo. Hindi naging madali para
kay Mannuel L. Quezon at ng iba pang opisyal ng pamahalaan na
pumili at ayusin ang kanilang wika dahil maraming tao ang nag-
aalinlangan at hindi sumang-ayon dito. Hanggang sa nagpasya ang
publiko na ang wikang pambansa ay Filipino.
Sa napakaraming bansa sa mundo, bukód tanging Pilipinas
lámang ang may nakalaang gintong panahon taón-taón upang
gunitain, pahalagahan, at alayan ng pagdakila ang wikang
Pambansa. Ang gawaing itó ay pinasimulan ni dating Pangulong
Ramon Magsaysay noóng Marso 26,1954 sa bisa ng Proklamasyon Blg.
12 na nagtatadhana sa pagdiriwang ng linggo ng wika tuwing Marso
29 – Abril 4 bílang pagbibigay parangal sa kaarawan ni Francisco
Balagtas na isa sa mga nagbigay prestihiyo sa wikang Tagalog.
Subalit makalipas lámang ang mahigit isang taón, noóng Setyembre
12, 1955, sa bisa ng Proklamasyon Blg. 186 ay pinalitan ang petsa
ng pagdiriwang ng linggo ng wika tungong Agosto 13-19 bílang
pagbibigay-pugay sa kaarawan ni dating Pangulong Manuel L. Quezon
na malaki ang naging hirap tungo sa pagkakaroon natin ng Wikang
Pambansa.
Tuwing Agosto ipinagdiriwang ang Wikang Filipino. Bilang
isang mamamayang Pilipino isa tayo sa mga taong nagdiriwang nito.
Bumabalik tanaw tayo sa ating kasaysayan kung paano nabo ang
Wikang Filipino. Maraming mga gawain ang bawat paaralan sa
pagdiriwang. May iba’t-ibang patimpalak isa isa na rito anng
tula, paggawa ng sanaysay, mga sayaw at iba pa. Sa buwang io maas
naiintindihan nating mga Pilipino ang kahhalagahan ng Wikang
Filipino. Hiindii lamang sa buwan ng Agosto magdiriwang kundi
dapat araw-araw dahil ginagami natin ang ating wika bawat
segundo. minuto at araw sa ating buhay.
Ngayong pumapasok na ang iba’t-ibang wikang banyaga sa ating
bayan, kailangan nating pahalagahan at wastong gamitin ang ating
pambansang wika. Ating ipaalam sa kanila na kung nandito ka sa
Pilipinas, dapat matuto kang magsalita sa wikang Filipino upang

3
Republic of the Philippines
ISABELA STATE UNIVERSITY
City of Ilagan, Isabela
COLLEGE OF NURSING

lubos na makilala ang kultura at panitikan ng ating lipunan.


Mabisang maipararating sa taumbayan ang kahandaan sa pagharap sa
anumang sakuna kung ang bawat pabatid o komunikasyon ukol dito ay
nasa wikang gágap at madaling nauunawaan ng publiko.
Bagaman at mayroong ilang pagsasalaula sa wika dala ng
modernisasyon gaya ng nanyayari sa paggamit ng kagamitang
elektroniko, ito ay mumuti lamang at hindi maiiwasan.
Nakalulungkot ding isipin na pati ang sentro ng pamahalaan at mga
sangay nito ay patuloy sa paggamit ng wikang banyaga sa mga
kalatas nito. Mainam siguro na sila ang manguna at magsilbing
tularan para sa mga mamamayan lalo na ang tinatawag na “masang
Pilipino.” Maliban dito, ang wika rin ang salamin ng pagbabago sa
mundo. Maraming wika ang nagbabago ang kahulugan dahil na rin sa
pagbabago ng mundo dulot ng teknolohiya. May mga bagong salitang
tuklas na niyayakap naman ng makabagong henerasyon bilang bahagi
ng kanilang pamumuhay.

Hindi man masasabing isang daang porsiyento ng ating mga


kababayan ang nakapagsasalita nito, hindi rin matatakbuhan ang
katotohanang ito’y patuloy na pinag-aaralan at nauunawaan saan
mang rehiyon sa ating bansa. Patunay dito ang malaking
impluwensiya ng media sa anumang anyo nito. Sa panahon ng
globalisasyon at makabagong teknolohiya, hindi maiiwan ang ating
wika. Gaya ng Facebook website kung saan magagamit ang wikang
Filipino bilang midyum o wika ng komunikasyon at lubos na
mauunawaan ng mga Pilipinong gumagamit nito kung paano ito
paganahin. Hindi rin mahuhuli ang Twitter na nasasalin ito sa
Filipino. Higit itong lalaganap kung patuloy nating pagyayamanin
at lilinangin sa mga simpleng kaparaanang nalalaman natin.

“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at


malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa
atin ay nagpala.” Ito ang tanyag na katagang nagmula sa ating
pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal na nagbibigay kahalagahan
sa wika sa buhay ng isang tao. Isang inspirasyonal na kataga at
kapupulutan ng aral tungkol sa pagpapahalaga ng wika. Kahit
maraming wikang banyaga ang alam na sabihin ni Rizal, hindi niya
tinalikuran ang kanyang bansa at pinalagahan ang wikang Tagalog
na isa sa mga parating ginagamit ng mga Pilipino noon.

Ang ating wika ay sumisimbolo sa isang matatag at


nagkakaisang bansa dahil kung ang bawat tao ay hindi
magkaintindihan dahil sa kanilang sariling wika ay hindi uunlad
ang ating bansa at ang pagbabagong ating inaasahan ay patuloy na

4
Republic of the Philippines
ISABELA STATE UNIVERSITY
City of Ilagan, Isabela
COLLEGE OF NURSING

maglalaho. Kung mayroong isang karaniwang wika, ang mga tao ay


magkakaintindihan at magkakaroon ng isang karaniwang pagnanais na
nagmumula sa mga nakaraang problema. Ngayon ay nasa tamang landas
na tayo, ating ipagmalaki at ipagdiwang ang katotohanan na tayo
ay may iisang wika at ito ang landas ng mga Pilipino tungo sa
ating iisang hangarin, at ito ay pagbabago sa lipunan. Ito ang
Filipino, at ito ang usal ng madla.

You might also like