Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

SETTINGS: SA LOOB NG SIMBAHAN-KAMPANARYO

(Tuloy-tuloy ang pagbuhos ng malakas na ulan. Ngunit patuloy pa rin sa pagbatingaw ang kampana. Binibigay ng
dalawang bata ang lahat ng kanilang lakas upang matatunog ng tama ang kampana. - PLAY MUSIC NAULAN,
KULOG AT KIDLAT)

Basilio: Batakin mo pa ang lubid Crispin.

Crispin: Caca ,ayoko na dito natatakot ako. Umuwi na tayo. Sa bahay ay hindi ako natatakot, doon ay hindi ako
sasaktan at doon ay hinding-hindi ako pagbibintangang magnanakaw..... Hanggang kelan tayo ganito,kuya? Sana
pagkauwi natin ay magkasakit na lamang ako para aalagaan ako ni nanay at hinding-hindi na niya ako pababalikin
dito sa kumbento. Ikaw din kuya,sana magkasabay tayong magkasakit.

Basilio: Huwag! Mas mahihirapan tayo kung magkakasakit tayo. Mamamatay sa sama ng loob si nanay at tayo
naman ay sa gutom.

Crispin: Magkano ba ang sweldo mo ngayong buwan?

Basilio: Dalawang piso. Malaki ang nabawas dahil sa ilang beses na multa.

Crispin: Caca , bayaran mo ang sinasabi nilang salapi na ninakaw ko.

Basilio: Nasisiraan ka na ba? Ang sabi ng sakristan mayor ay dalawang onso ang kinuha mo katumbas iyong ng
tatlumpu't dalawang piso. At hindi ko kayang bayaran iyon. Kulang pa ang sinusweldo ko.

Crispin: Sabi ng sakristan mayor ay papatayin niya daw ako sa palo kapag hindi ko nailabas ang kwarta,caca kung
nasa akin mna iyon edi sana matagal ko ng ibinalik. Hay naku sana lang talaga totoong ninakaw ko na lamang ang
mga salapi. Ang kinatatakot ko lamang ay baka malaman ito ni nanay.

(Ilang sandal pa ay darating ang sakristan mayor...)

Sakristan: Basilio! Ikaw ay minumultahan ko ng kalahati dahil sa maling pagpapatunog ng kampana. At ikaw
naman Crispin hindi ka makakauwi hanggat hindi mo nailalabas ang iyong ninakaw.

Basilio: May pahintulot na po kaming makauwi. Hinihintay na po kami ng aming ina.

Sakristan: Hindi! Mamayang alas-diyes ka pa makakaalis.

Basilio: Ginoo, alas-nuwebe pa lamang po ay hindi na maaaring maglakad sa daan sigurado akong mahuhuli kami
ng mga guwardiya sibil. At bukod po duon ay malayo an gaming bahay,malayo ang aming lalakbayin.

Sakristan: Aba't! Inuutusan mo ba ako?! (Tinig nito at hinawakan sa magkabilang balikat si Basilio at hinila
papalapit sa kanya) Ito ang tatandaan mo ha. MAS mataas ang posisyon ko sa inyo.Isaksak mo yan sa kukote mo
(Duduruin ang noo ni Basilio ). Kaya wala kang karapatang diktahan ako. Naiintindihan mo ba?! (Tatango si Basilio
at sasagot ng opo.) Mabuti naman kung ganun, Basilio maiiwan ka ditto mamaya ka pa makakaalis at ikaw naman
(Ituturo si Crispin) sumama ka sa akin. (Hindi gagalaw si Crispin kaya't hinigit na siya ng sakristan mayor.)
Crispin: Caca!!!!! (Sigaw nito at nagpupumiglas pa)

Basilio: Parang awa niyo na. Isang linggo na naming di nakikita an gaming ina (Pakiusap ni Basilio habang
nakaluhod at ang magkabilang kamay ay nakahawak sa kamay ng sakristan. Tila ba'y pinipigilan niya ang sakristan
sa paghigit sa kapatid. Ngunit itinulak siya ng sacristan ng malakas kaya napaupo siya sa sahig.)

Crispin: Caca!!! Tulungan mo ako.

(Walang nagawa si Basilio kundi ang umiyak. Iyak lamang siya ng iyak habang nakalupasay sa sahig at ilang saglit
pa ay....)

Basilio: sniff* Babalikan kita Crispin pangako, ngunit ngayon ay kailangan ko munang makatakas dito (wika nito sa
sarili)

SETTINGS: BAHAY NINA SISA

(Masayang inilapag ni Sisa ang pagkain ng kanyang mga anak sa kanilang hapag...)

Sisa: Sigurado akong magugustuhan ng mga anak ko ang ihinanda ko sa kanila. Nasaan na kaya sila?

(Biglang may kakatok... Bubuksan ni Sisa....)

Sisa: Oh! Ikaw pala yan Pedro.

Pedro: At sino ba pa ang inaasahan mo? Ha?! Tabi nga (tutulak si Sisa. Diretso agad si Pedro sa kanilang kainan...)

Sisa: Para sana sa mga anak natin ang inihanda ko.

Pedro: (papaluin ng malakas ang lamesa) Peste naman oo! Edi hindi ako kakain?! Yun ba ang gusto mong sabihin?!
(hahawakan ng mahigpit sa braso si Sisa)

Sisa: H-hindi naman sa ganun. Sige kumain ka na.

(Bibitawan ni Pedro si Sisa at marahang itutulak.)

Pedro: Wag na! Wala na akong gana.... Kapag dumating na ang mga anak mo ay siguraduhin mong ipagtatabi mo
ako ng pera galing sa sweldo nila.

(Napaiyak na lamang si Sisa matapos makaalis ng asawa ngunit ilang sandal pa ay tumigil na rin ito at naghanda ng
muli ng kakainin ng kanyang mga anak ng biglang...)

Basilio: Nay! Nanay! Buksan niyo po ang pinto!

(Nang buksan ni Sisa ang pinto ay agad siyang yinakap ni Basilio. Iyak ng iyak si Basilio at halatang natatakot...)

Sisa: Anak,anong nangyari sayo?! At nasaan ang kapatid mo? Si Crispin, nasaan siya?

Basilio: Ok lang po ako nay. At si Crispin ay naiwan sa kumbento.


Sisa: Naiwan sa kumbento? Bakit siya naiwan?

Basilio: Kinuha po siya ng Sakristan Mayor dahil pinagbintangan po nilang nagnakaw si Crispin. Ayaw pa rin akong
pauwiin ngunit sa takot na ako'y abutan ng alas diyes at mahuli ng guwardiya sibil ay tumakas ako.

Sisa: Mahabaging Diyos! Iligtas niyo ang aking anak. Si Crispin, ang mabait kong si Crispin ay pinagbintangan nilang
magnanakaw,kawawa naman ang aking bunso.

Basilio: Huwag na kayong magalala inay,hindi naman nila sinasaktan si Crispin.

Sisa: Kumain ka na muna anak. Ngunit ito na lamang ang natira ng iyong ama.

Basilio: Umuwi dito si tatay? At umalis agad? Nay ano kaya kung tayo na lamang tatlo ang magsamasama Ako
ikaw at si Crispin Mas tahimik ang buhay natin kung wala si tatay sa buhay natin.

Sisa: Huwag kang magsalita ng ganyan anak. Sige na kumain ka na.

(Hindi na ginalaw ni Basilio ang kanyang pagkain at natulog na lamang.)

Basilio: Inaantok na po ako nay. Matutulog na lamang muna ako mamaya na lang ako kakain.

Sisa: Ganun ba? Sige pumasok ka na sa ating silid at susunod na rin ako. Liligpitin ko lang ito.

SETTINGS: BAHAY NINA SISA/LANSANGAN

(Habang nagaayos si Sisa sa kanilang tahanan ay biglang may kumatok....)

Kawal1: Ikaw ba ang ina ng mga magnanakaw?

Kawal2: Magtapat ka kung ayaw mong barilin ka namin.

Sisa: Ina ng mga magnanakaw?

Kawal1: Nasaan na ang mga salapi na ibinigay sa iyo ng anak mo kagabi?

Sisa: Salapi? Anong salapi?

Kawal2: Huwag ka na ngang magsinungaling! Sabihin mo na lang kung nasaan ang mga anak mo. Ang malaki ay
nakatakas,saan mo dinala ang maliit?

Sisa: Mga ginoo,si Crispin po ay matagal ng hindi umuuwi dito. Pumunta po ako kanina sa kumbento at ang sabi
ay---

Kawal1: Tama na! Ang mabuti pa ay ibigay mo na lamang sa amin ang salapi na ninakaw ng mga anak mo at
pababayaan ka na namin.

Sisa: Pero hindi magnanakaw ang mga anak ko kahit na wala silang makain,ay hinding-hindi nila magagawa iyon.
Kilala ko ang mga anak ko.
Kawal2: Kung gayon ay sumama ka na lang sa amin sa kwartel.

(Kinulong nila ng si Sisa sa kwartel. Dalawang oras din siyang nanatili duon hanggang sa nalaman ito ng Alperes at
pinalaya agad siya. Ng makalaya naman si Sisa ay mabilis siyang tumakbo patungong sa tahanan nila. Ng makauwi
siya ay nakita niya ang kapirasong damit ni Basilio na may bahid ng dugo...)

Sisa: Ang damit ni Basilio... May dugo... Hahahahah. May dugo. Huhuhuhuh. May dugo ang damit ni Basilio.
Huhuhuhuhu (Unti-unting mawawala sa katinuan si Sisa. Iyak tawa ang ginagawa niya. Lalabas siya ng kanilang
tahanan at magsisigaw...)

Sisa: Basilio! Crispin! Mga anak ko! Huhuhuhuh. Nasaan na kayo? Hahahaha lalalalala. Nawawala yung mga anak
kooo0..... Ikaw! Ikaw siguro ang kumuha sa kanya ano?! Sumagot ka! (Kinakausap na ni Sisa pati ang mga bagay...)
Nawawala ang mga anak ko at kagagawan ninyo iyong lahat. LAHAT KAYO! Huhuhuhu...Ay sandali hahahahah
yung mga anak ko naghihintay na siguro sa akin yung mga yun hahah. Sandali lamang ha hahah babalik ako.

(Tuluyan na ngang nasiraan ng bait si Sisa at lagi na lamang siyang nakikita na pagala-gala habang kumakanta at
sumasayaw

You might also like