Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION II – CAGAYAN VALLEY
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATANES
BATANES NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
BASCO BATANES

SUMMATIVE TEST
sa ARALING PANLIPUNAN 9

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na aytem. Piliin at isulat ang letra ng
pinakatamang sagot bago ang numero.

1. Ang Ekonomiks ay may dalawang sangay, ang Maykroekonomiks at Makroekonomiks. Ang


Makroekonomiks ay nag-aaral sa:
A. Maliit na yunit ng ekonomiya
B. Kabuuang ekonomiya ng bansa
C. Pagpapalago ng negosyo ng pamahalaan
D. Pagkakaloob ng sebisyong pampubliko
2. Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?
A. Kita at gastusin ng pamahalaan C. Kalakalan sa loob at labas ng bansa
B. Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya D. Transaksyon ng mga bangko
3. Ano ang gampanin ng sambahayan sa ekonomiya ng bansa?
A. Nagmamay-ari ng mga salik ng produksiyon
B. Nagkakaloob ng mga tapos na produkto at serbisyo
C. Lumilikha ng mga produkto at serbisyo
D. Nagtatayo ng mga negosyo
4. May iba’t ibang aktor ng paikot na daloy ng ekonomiya, Alin sa sumusunod ang
nagkakaloob ng mga yari o tapos na produkto?
A. Bangko
B. Sambahayan
C. Pamahalaan
D. Bahay- Kalakal
5. Lumalahok sa sistema ng pamilihan ang pamahalaan sa pamamagitan ng pangongolekta
ng buwis. Sa paanong paraan ginagamit ng pamahalaan ang buwis na ibinabayad ng mga
mamamayan?
A. Pagpapautang
B. Paggawa ng mga Produkto
C. Paglalagak ng pera sa negosyo
D. Pagbibigay ng pampublikong serbisyo
6. Ang sambahayan ay walang kakayahang lumikha ng produkto samantalang ang bahay
kalakal ay bumibili o umuupa ng mga salik ng produksiyon sa sambahayan. Ano ang tawag
sa kabayarang tinatanggap sa paggamit ng paggawa bilang salik ng produksiyon?
A. Sahod B. Upa o Renta C. Tubo D. Interes
7. Sa paikot na daloy ng ekonomiya, sa papaanong paraan nagkakaroon ng ugnayan ang
sambahayan at bahay- kalakal sa isa’t- isa?
A. Sa sambahayan nagmumula ang salik ng produksiyon na sumasailalim sa
pagpoproseso ng bahay kalakal
B. Ginagamit ng sambahayan ang nakolektang buwis upang makapagkaloob ng mga
produkto sa bahay kalakal
C. Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang may trabaho para sa bahay-
kalakal
D. Pinapautang ng bahay- kalakal ang sambahayan ng mga tapos ng produkto
8. Ang lupa, paggawa at kapital ay mga mahalagang salik ng produksiyon. Sa anong uri ng
pamilihan maaaring magkaloob nito?
A. Goods market C. Financial Market
B. World Market D. Factors Market
9. Sa paikot na daloy ng ekonomiya ay may uri ng pamilihan. Anong uri ng pamilihan
binebenta ang mga tapos o yaring produkto?
A. Factor Market C. Capital Market
B. World Market D. Commodity/ Goods Market
10.Ang Pilipinas ay nakikipag- ugnayan sa ibat ibang bansa sa pamamagitan ng
pakikipagkalakan. Anong sektor ang tinutukoy dito?
A. Panlabas na Sektor C. Sektor ng Paglilingkod
B. Sektor ng Agrikultura D. Sektor ng Industriya
11. May mga modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya. Sa anong modelo naipapakita na ang
pag –iimpok at pamumuhunan ay nagiging mahalagang gawaing pang- ekonomiya?
A. Unang modelo
B. Ikalawang Modelo
C. Ikatlong Modelo
D. Ikaapat na Modelo
12.Si Jonel ay hindi lamang iniisip ang gumasta kundi pag- iimpok din para sa hinaharap.
Idinedeposito nito ang perang inipon sa bangko. Ano ang nararapat na gawin upang ang
inimpok na salapi sa bangko ay pumasok na muli sa paikot na daloy ng ekonomiya?
A. Magpataw ng mataas na interes ang bangko sa mga sambahayan
B. Magbigay ng insentibo sa mga depositor upang lumaki ang reserba
C. Ibaba ang interes sa mula 10% sa 5% upang madagdagan ang panggastos ng tao
D. Ipautang ng bangko ang ideneposito upang magamit na puhunan ng mga bahay
kalakal
13.Ang Pilipinas ay nagluluwas o naglalabas ng mga produkto sa ibang bansa upang higit na
makilala ang gawang Pinoy. Anong tawag sa prosesong ito ng pakikipagkalakan?
A. Import C. Deport
B. Export D. Entrepot
14. Ito ay isa sa ginagamit na pagsukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto
at serbisyo na nagawa ng mga mamamayan sa loob at labas ng bansa.
A. Consumer Price Index C. Gross Domestic Product
B. Gross National Income D. Net Factor Icome
15. Si Mr. hiroko , isang Chinese National ay nagtatrabaho sa kompanya na nasa Pilipinas.
Saan dapat isama ang kanyang kita?
A. GDP ng China
B. GDP ng Pilipinas
C. GNP ng Pilipinas at China
D. GDP ng Pilipinas at China
16.Sa pagsukat ng kabuuang produksyon ng bansa, kailangang bilangin ng isang beses lang
ang mga nagawang produkto at serbisyo. Anong produkto ang handang ikonsumo at
isasama sa pagsukat ng GNI?
A. Substitute Goods C. Final Goods
B. Complementary Goods D. Intermediate Goods
17.May tatlong pamamaraan sa pagsukat ng pambasang kita sa isang ekonomiya. Alin sa
sumusunod ang kinapalolooban ng Sektor ng Industriya, Agrikultura, Serbisyo at NFIA ng
isang bansa?
A. Pamamaraang Batay sa Kita (Factor Income Approach)
B. Pamamaraang Batay sa Gastusin (Final Expenditure Approach)
C. Pamamaraang Batay sa Ekonomiya (Base on Economy Approach)
D. Pamamaraang Batay sa Pinagmulang Industriya (Industrial Origin / Value Added
Approach)
18. Alin sa sumusunod ang pormula sa pagkuwenta ng Gross National Income sa
pamamaraang batay sa Gastos o Final Expenditure Approach?
A. GNI = C+I+G+(X-M)+SD+NFIA
B. GNI = KEA+KG+KEM+KK+CCA+IBT
C. GNI = Price Index (base year) x Current GNI
Price Index (Current year)
D. GNI = Agrikultura+Industriya+Serbisyo+NFIA

Para sa bilang 19 – 20
GROSS NATIONAL PRODUCT AT GROSS DOMESTIC PRODUCT AYON SA MGA
GASTUSIN SA MILYONG PISO
Mga Gastusin Taon 2016

1. Personal P270 m
2. Pamahalaan P180 m
3. Capital Formation P120 m
4. Export P20 m
5. Import P22 m
6. Statistical Discrepancy P3m
7. Net Factor Income from Abroad P105m

19.Ano ang GDP sa taong 2016?


A. 450 milyon B. 500 milyon C. 571 milyon D. 600 milyon
20. Ano ang GNP sa taong 2016:
A. 500 milyon B. 550 milyon C. 600 milyon D. 676 milyon
21.Saan kabilang ang mga gastos ng mga OFW’s at gastos ng mga dayuhang nasa loob ng
bansa?
A. Consumer’s Consumption
B. Government Consumption
C. Capital Formation
D. Net Factor Income From abroad
22.Ginagamit ito upang masukat ang halaga ng produksyon sa dalawa o higit pang taon sa
pamamagitan ng paggamit ng basehang taon bilang basehang presyo.
A. Real GNI B. Potential GNI C. Nominal GNI D. Actual GNI
23. Bagamat may mga economic indicators na ginagamit ang pamahalaan sa pagsukat ng
paglago ng ekonomiya hindi pa rin ito perpektong batayan dahil may mga gawaing hindi
naibibilang.Alin sa sumusunod ang HINDI KABILANG sa mga limitasyon sa pagsukat ng
pambansang kita sa:
A. Impormal na sektor C. Kalidad ng Buhay
B. Sektor ng Paglilingkod D. Hindi pampamilihang Gawain
24. Anong pormula ang ginagamit sa pagkompyut ng Real GNI?
A. Real GNI = price index base year Current/ Nominal GNI
price index current year
B. Real GNI = price index current year Current/ Nominal GNI
price index base year
C. Real GNI = Current GNI Current/ Nominal GNI
price index base year
D. Real GNI = Current GNI Current/ Nominal GNI
price index current year
Para sa bilang 25 at 26, Kompyutin ang Real GNI gamit ang basehang taon 2012(Price Index
=100)

Taon Nominal GNI Price Index Real GNI

2013 8,600,000 137 6,277,372

2014 9,500,000 140 6,785,714

2015 10,000,000 145

2016 11,000,000 150

25. Ano ang Real GNI ng taong 2015?


A. 5,585,000 C. 7,000,000
B. 6,896,551 D. 8,000,053
26.Ano ang Real GNI ng taong 2016?
A. 6,656,200 C. 7,333,333
B. 6,700,000 D. 8,000,054
27. Suriin kung anong pormula ang ginagamit sa pagkompyut ng Growth Rate.
A. Growth Rate = GNI kasalukuyang taon- GNI nakaraang taon 100

GNI nakaraang taon

B. Growth Rate = GNI kasalukuyang taon- GNI nakaraang taon 100

GNI kasalukuyang taon

C. Growth Rate = GNI kasalukuyang taon- GNI kasalukuyang taon 100

GNI nakaraang taon

D. Growth Rate = GNI nakaraang taon- GNI kasalukuyang taon 100

GNI kasalukuyang taon

28.Kailan masasabi na positibo ang Economic Performance ng bansa?


A. Kapag madaming walang trabaho
B. Kapag lumaki ang utang panlabas ng bansa
C. Kapag tumataas ang presyo ng mga bilihin
D. Kapag may pag- angat sa Gross Domestic Product ng bansa
29.Kung mabagal ang pagsulong ng ekonomiya, dapat bang gumawa ng hakbang ang
pamahalaan upang mapataas ito?
A. Oo, dahil magiging kahiya- hiya ang bansa sa buong daigdig.
B. Oo, dahil repleksiyon ito ng hindi mahusay na pamamalakad ng ekonomiya
C. Hindi, dahil ang bansa naman ang haharap sa naturang suliranin
D. Hindi , dahil walang kaugnayan ang ekonomiya ng bansa sa ekonomiyang pandaigdigan
30.Ano ang tawag sa halagang natatanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyo o
paglilingkod na kanyang ibinibigay?
A. Puhunan B. Kita C. Tubo D. Interes
MGA TAMANG SAGOT:

ARALING PANLIPUNAN 9
SUMMATIVE TEST
S.Y. 2023-2024

1. A 11. C 21. D

2. A 12. D 22. B

3. C 13. B 23. A

4. D 14. B 24. A

5. D 15. C 25. B

6. B 16. C 26. C

7. A 17. D 27. A

8. A 18. A 28. D

9. A 19. A 29. B

10. A 20. C 30. B

You might also like