Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION II – CAGAYAN VALLEY
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATANES
BATANES NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
BASCO BATANES

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


sa ARALING PANLIPUNAN 9
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na aytem. Piliin at itiman ang letra ng
pinakatamang sagot.

1. Ang Ekonomiks ay may dalawang sangay, ang Maykroekonomiks at Makroekonomiks. Ang


Makroekonomiks ay nag-aaral sa:
A. Maliit na yunit ng ekonomiya
B. Kabuuang ekonomiya ng bansa
C. Pagpapalago ng negosyo ng pamahalaan
D. Pagkakaloob ng sebisyong pampubliko
2. Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?
A. Kita at gastusin ng pamahalaan C. Kalakalan sa loob at labas ng bansa
B. Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya D. Transaksyon ng mga bangko
3. Ano ang gampanin ng sambahayan sa ekonomiya ng bansa?
A. Nagmamay-ari ng mga salik ng produksiyon
B. Nagkakaloob ng mga tapos na produkto at serbisyo
C. Lumilikha ng mga produkto at serbisyo
D. Nagtatayo ng mga negosyo
4. May iba’t ibang aktor ng paikot na daloy ng ekonomiya, Alin sa sumusunod ang
nagkakaloob ng mga yari o tapos na produkto?
A. Bangko C. Pamahalaan
B. Sambahayan D. Bahay-Kalakal
5. Lumalahok sa sistema ng pamilihan ang pamahalaan sa pamamagitan ng pangongolekta
ng buwis. Sa paanong paraan ginagamit ng pamahalaan ang buwis na ibinabayad ng mga
mamamayan?
A. Pagpapautang C. Paglalagak ng pera sa negosyo
B. Paggawa ng mga Produkto D. Pagbibigay ng pampublikong serbisyo
6. Ang sambahayan ay walang kakayahang lumikha ng produkto samantalang ang bahay
kalakal ay bumibili o umuupa ng mga salik ng produksiyon sa sambahayan. Ano ang tawag
sa kabayarang tinatanggap sa paggamit ng paggawa bilang salik ng produksiyon?
A. Sahod B. Upa o Renta C. Tubo D. Interes
7. Sa paikot na daloy ng ekonomiya, sa papaanong paraan nagkakaroon ng ugnayan ang
sambahayan at bahay- kalakal sa isa’t- isa?
A. Sa sambahayan nagmumula ang salik ng produksiyon na sumasailalim sa
pagpoproseso ng bahay kalakal
B. Ginagamit ng sambahayan ang nakolektang buwis upang makapagkaloob ng mga
produkto sa bahay kalakal
C. Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang may trabaho para sa bahay-
kalakal
D. Pinapautang ng bahay- kalakal ang sambahayan ng mga tapos ng produkto
8. Ang lupa, paggawa at kapital ay mga mahalagang salik ng produksiyon. Sa anong uri ng
pamilihan maaaring magkaloob nito?
A. Goods market C. Financial Market
B. World Market D. Factors Market
9. Sa paikot na daloy ng ekonomiya ay may uri ng pamilihan. Anong uri ng pamilihan
binebenta ang mga tapos o yaring produkto?
A. Factor Market C. Capital Market
B. World Market D. Commodity/ Goods Market
10.Ang Pilipinas ay nakikipag- ugnayan sa ibat ibang bansa sa pamamagitan ng
pakikipagkalakan. Anong sektor ang tinutukoy dito?
A. Panlabas na Sektor C. Sektor ng Paglilingkod
B. Sektor ng Agrikultura D. Sektor ng Industriya
11. May mga modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya. Sa anong modelo naipapakita na ang
pag –iimpok at pamumuhunan ay nagiging mahalagang gawaing pang- ekonomiya?
A. Unang modelo
B. Ikalawang Modelo
C. Ikatlong Modelo
D. Ikaapat na Modelo
12.Si Jonel ay hindi lamang iniisip ang gumasta kundi pag- iimpok din para sa hinaharap.
Idinedeposito nito ang perang inipon sa bangko. Ano ang nararapat na gawin upang ang
inimpok na salapi sa bangko ay pumasok na muli sa paikot na daloy ng ekonomiya?
A. Magpataw ng mataas na interes ang bangko sa mga sambahayan
B. Magbigay ng insentibo sa mga depositor upang lumaki ang reserba
C. Ibaba ang interes sa mula 10% sa 5% upang madagdagan ang panggastos ng tao
D. Ipautang ng bangko ang ideneposito upang magamit na puhunan ng mga bahay
kalakal
13.Ang Pilipinas ay nagluluwas o naglalabas ng mga produkto sa ibang bansa upang higit na
makilala ang gawang Pinoy. Anong tawag sa prosesong ito ng pakikipagkalakan?
A. Import C. Deport
B. Export D. Entrepot
14. Ito ay isa sa ginagamit na pagsukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto
at serbisyo na nagawa ng mga mamamayan sa loob at labas ng bansa.
A. Consumer Price Index C. Gross Domestic Product
B. Gross National Income D. Net Factor Icome
15. Si Mr. hiroko , isang Chinese National ay nagtatrabaho sa kompanya na nasa Pilipinas.
Saan dapat isama ang kanyang kita?
A. GDP ng China C. GNP ng Pilipinas at China
B. GDP ng Pilipinas D. GDP ng Pilipinas at China
16.Sa pagsukat ng kabuuang produksyon ng bansa, kailangang bilangin ng isang beses lang
ang mga nagawang produkto at serbisyo. Anong produkto ang handang ikonsumo at
isasama sa pagsukat ng GNI?
A. Substitute Goods C. Final Goods
B. Complementary Goods D. Intermediate Goods
17.May tatlong pamamaraan sa pagsukat ng pambasang kita sa isang ekonomiya. Alin sa
sumusunod ang kinapalolooban ng Sektor ng Industriya, Agrikultura, Serbisyo at NFIA ng
isang bansa?
A. Pamamaraang Batay sa Kita (Factor Income Approach)
B. Pamamaraang Batay sa Gastusin (Final Expenditure Approach)
C. Pamamaraang Batay sa Ekonomiya (Base on Economy Approach)
D. Pamamaraang Batay sa Pinagmulang Industriya (Industrial Origin / Value Added
Approach)
18. Alin sa sumusunod ang pormula sa pagkuwenta ng Gross National Income sa
pamamaraang batay sa Gastos o Final Expenditure Approach?
A. GNI = C+I+G+(X-M)+SD+NFIA
B. GNI = KEA+KG+KEM+KK+CCA+IBT
C. GNI = Price Index (base year) x Current GNI
Price Index (Current year)
D. GNI = Agrikultura+Industriya+Serbisyo+NFIA

Para sa bilang 19 – 20
GROSS NATIONAL PRODUCT AT GROSS DOMESTIC PRODUCT AYON SA MGA
GASTUSIN SA MILYONG PISO
Mga Gastusin Taon 2016

1. Personal P270 m
2. Pamahalaan P180 m
3. Capital Formation P120 m
4. Export P20 m
5. Import P22 m
6. Statistical Discrepancy P3m
7. Net Factor Income from Abroad P105m

19.Ano ang GDP sa taong 2016?


A. 450 milyon B. 500 milyon C. 571 milyon D. 600 milyon
20. Ano ang GNP sa taong 2016:
A. 500 milyon B. 550 milyon C. 600 milyon D. 676 milyon
21.Saan kabilang ang mga gastos ng mga OFW’s at gastos ng mga dayuhang nasa loob ng
bansa?
A. Consumer’s Consumption C. Capital Formation
B. Government Consumption D. Net factor Income From abroad
22.Ginagamit ito upang masukat ang halaga ng produksyon sa dalawa o higit pang taon sa
pamamagitan ng paggamit ng basehang taon bilang basehang presyo.
A. Real GNI B. Potential GNI C. Nominal GNI D. Actual GNI
23. Bagamat may mga economic indicators na ginagamit ang pamahalaan sa pagsukat ng
paglago ng ekonomiya hindi pa rin ito perpektong batayan dahil may mga gawaing hindi
naibibilang.Alin sa sumusunod ang HINDI KABILANG sa mga limitasyon sa pagsukat ng
pambansang kita sa:
A. Impormal na sektor C. Kalidad ng Buhay
B. Sektor ng Paglilingkod D. Hindi pampamilihang Gawain
24. Anong pormula ang ginagamit sa pagkompyut ng Real GNI?
A. Real GNI = price index base year Current/ Nominal GNI
price index current year
B. Real GNI = price index current year Current/ Nominal GNI
price index base year
C. Real GNI = Current GNI Current/ Nominal GNI
price index base year
D. Real GNI = Current GNI Current/ Nominal GNI
price index current year

Para sa bilang 25 at 26, Kompyutin ang Real GNI gamit ang basehang taon 2012(Price Index
=100)

Taon Nominal GNI Price Index Real GNI

2013 8,600,000 137 6,277,372

2014 9,500,000 140 6,785,714

2015 10,000,000 145


2016 11,000,000 150

25. Ano ang Real GNI ng taong 2015?


A. 5,585,000 C. 7,000,000
B. 6,896,551 D. 8,000,053
26.Ano ang Real GNI ng taong 2016?
A. 6,656,200 C. 7,333,333
B. 6,700,000 D. 8,000,054
27. Suriin kung anong pormula ang ginagamit sa pagkompyut ng Growth Rate.
A. Growth Rate = GNI kasalukuyang taon- GNI nakaraang taon 100

GNI nakaraang taon

B. Growth Rate = GNI kasalukuyang taon- GNI nakaraang taon 100

GNI kasalukuyang taon

C. Growth Rate = GNI kasalukuyang taon- GNI kasalukuyang taon 100

GNI nakaraang taon

D. Growth Rate = GNI nakaraang taon- GNI kasalukuyang taon 100

GNI kasalukuyang taon

28.Kailan masasabi na positibo ang Economic Performance ng bansa?


A. Kapag madaming walang trabaho
B. Kapag lumaki ang utang panlabas ng bansa
C. Kapag tumataas ang presyo ng mga bilihin
D. Kapag may pag- angat sa Gross Domestic Product ng bansa
29.Kung mabagal ang pagsulong ng ekonomiya, dapat bang gumawa ng hakbang ang
pamahalaan upang mapataas ito?
A. Oo, dahil magiging kahiya- hiya ang bansa sa buong daigdig.
B. Oo, dahil repleksiyon ito ng hindi mahusay na pamamalakad ng ekonomiya
C. Hindi, dahil ang bansa naman ang haharap sa naturang suliranin
D. Hindi , dahil walang kaugnayan ang ekonomiya ng bansa sa ekonomiyang pandaigdigan
30.Ano ang tawag sa halagang natatanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyo o
paglilingkod na kanyang ibinibigay?
A. Puhunan B. Kita C. Tubo D. Interes
31.Ang mga salapi o pera na iniipon ay maaaring iimpok sa mga financial intermediaries upang
maging matatag ang ating ekonomiya. Ang sumusunod ay halimbawa ng financial
intermediaries MALIBAN sa:
A. Pawnshops C. Savings and Loans
B. Finance Companies D. Commercial Banks
32.Sa loob ng isang taon nakaipon si Rachel ng Php 5,000.00 kasama na ang interes nito,
kung 5% ang interes ng bangko, magkano halagang kanyang naipon?
A. Php 4,750 B. Php 4,000 C. Php4,700 D. Php 4500
33.Anong ahensiya ng pamahalaan ang nagbibigay proteksyon sa mga depositor
sa bangko sa pamamagitan ng pagbibigay seguro (deposit insurance) sa kanilang deposito
hanggang sa halagang Php500,000.00 bawat depositor?
A. Philippine Deposit Insurance Company (PDIC)
B. Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)
C. Development Bank of the Philippines (DBP)
D. Bank of the Philippine Island (BPI)
34.Nanalo sa lotto ang iyong ina ng kalahating milyon at binigyan ka ng isandaang
libong piso. Paano mo ito pamamahalaan?
A. Ibabangko ito at ang ilan ay ipang-nenegosyo
B. Ibibili lahat ang salapi hanggang maubos
C. Itatago sa piggy bank o alkansya para di-maubos
D. Magiging impulse buyer at bilhin ang kagustuhan
35.Bilang isang mag- aaral , alin ang nararapat na gawin kung maliit lamang ang baon na
ibinigay ng iyong magulang?
A. Bilhin ang nararapat bilhin at humingi na lamang kapag kulang ang salapi
B. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang sarili sa lahat ng pagkakataon.
C. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang mga bagay na hindi naman mahalaga
D. Bilhin ang nararapat bilhin at huwag tipirin ang sarili sa lahat ng pagkakataon.
36. Si Mr. Santos ay may BDO account, may isang ginang ang lumapit sa kanya sa isang
fastfood at nagpakilala na staff sya ng BDO at hinihingi ang detalye nito sa bangko. Bilang
isang wise saver, ano ang dapat isaalang –alang ni Mr.Santos?
A. Kilalanin ang iyong bangko
B. Alamin ang produkto ng iyong bangko
C. Alamin ang serbisyo at mga bayarin sa iyong bangko
D. Makipagtransaksiyon lamang sa loob ng bangko at awtorisadong tauhan nito
37. Sa kasalukuyang panahon, nakararanas ang bansang Pilipinas ng pangkalahatang
pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo. Anong konsepto ang tinutukoy dito?
A. Depresasyon B. Implasyon C. DeplasyonD. Resesyon
38.Anong karaniwang ginagamit upang masukat at mapag- aralan ang pagbabago sa presyo
ng mga produkto.
A. Purchasing Power C. GNP Implicit Price Index
B. Antas ng Implasyon D. Consumer Price Index
39.Ang Implasyon ay nakilala sa iba’t ibang klasipikasyon. Isa rito ay nagaganap kapag mas
mataas ang demand ng mga produkto at serbisyo kaysa sa supply ng nasa pamilihan.
Anong uri ito?
A. Cost-Push Inflation C. Structural Inflation
B. Contractionary Inflation D. Demand Pull Inflation
40.Alin sa mga dahilan ng implasyon ang tumutukoy sa isang sistema na nagaganap kung
saan ang isang kompanya ay may pagkontrol ng presyo at dami ng produkto?
A. Monopolyo C. Pag-aangkat
B. Pagluluwas D. Pagtaas ng suplay ng salapi
41.May iba’t ibang uri ng price index, alin sa sumusunod ang hindi kabilang ?
A. Individual Price index C. Consumer Price Index
B. Producer Price Index D. GNP implicit Price Index
42. Ang Consumer Price Index (CPI) ay ginagamit na pansukat sa average na pagbabago ng
presyo ng mga produktong karamihang ginagamit at binibili ng mga tao. Ano ang pormula
sa pagtuos ng CPI?
A. CPI = TWP ng kasalukuyang taon 100
TWP ng nakaraang taon
B. CPI = TWP ng nakaraang taon 100
TWP ng kasalukuyang taon
C. CPI = 100 TWP ng kasalukuyang taon
TWP ng nakaraang taon
D. CPI = 100 TWP ng nakaraang taon
TWP ng kasalukuyang taon

Para sa bilang 43- 44

Basehang taon 2015


Taon Total Weighted Price CPI

2014 1500 -

2015 1600

2016 1800

43. Kompyutin ang CPI ng taong 2015.


A.106.67 C. 112.10
B. 110.10 D. 115.50
44.Kompyutin ang CPI ng taong 2016.
A.100 C. 120
B. 112.5 D. 150
45.Sa pagsukat ng Antas ng Implasyon, ito ay ginagamitan ng pormulang:
A. Antas ng Implasyon= CPI kasalukuyang taon- CPI ng Nagdaang taon 100
CPI ng Nagdaang taon
B. Antas ng Implasyon= CPI kasalukuyang taon- CPI ng Nagdaang taon 100
CPI ng kalukuyang taon
C. Antas ng Implasyon= CPI kasalukuyang taon- CPI ng Nagdaang taon 100
100
D. Antas ng Implasyon= CPI kasalukuyang taon- 100 100
CPI ng Nagdaang taon
46. Kung ang CPI ng 2015 ay 251.20 at ang CPI ng 2016 ay 310.55. Ilan ang antas ng
implasyon?
A. 20.20% B. 23.62% C. 21. 20% D. 24.20%
47.Magkano ang purchasing power of peso (PPP) kung gagamitin ang CPI ng 2015 na 251.20?
A. .45 B. .50 C. .40 D. .45
48.Ang sumusunod ay mga taong nalulugi sa pagkakaroon ng implasyon , MALIBAN sa:
A. may tiyak na kita C. Nag-iimpok
B. Speculators D. Nagpapautang
49.Sa papaanong paraan malulutas ang demand-pull inflation?
A. Pagbubukas ng karagdagang trabaho upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya
B. Pagbibigay pansin sa produktibidad sa paggawa upang mapataas ang output ng
produksyon
C. Pagpapautang na may mababang interes upang mahikayat ang karagdagang paggasta
D. Pagkontrol sa supply ng salapi upang mabawasan ang labis na paggasta sa ekonomiya
50.Bilang isang mamimili, paano ka makatutulong sa paglutas ng suliranin sa implasyon?
A. Bumili lang kung bagsak ang presyo ng mga bilihihin sa pamilihan
B. Bumili lamang sa supermarket or grocery upang matiyak ang presyo
C. Bumili lamang kung kakilala at suki ang nagtitinda sa pamilihan.
D. Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan upang hindi magkaroon ng kakulangan.

Prepared by: Checked and reviewed by: Approved by:

CAESAR M. AMIGO JHON PAUL C. APOSTOL JOYCE G. BALLON CARMEN C.


NOGUERA
Teacher I Mentor Department Head School Principal I
MGA TAMANG SAGOT:

ARALING PANLIPUNAN 9
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
S.Y. 2023-2024

1. A 11. C 21. D 31. A 41. A

2. A 12. D 22. B 32. A 42. A

3. C 13. B 23. A 33. B 43. A

4. D 14. B 24. A 34. A 44. B

5. D 15. C 25. B 35. A 45. A

6. B 16. C 26. C 36. D 46. B

7. A 17. D 27. A 37. B 47. C

8. A 18. A 28. D 38. D 48. D

9. A 19. A 29. B 39. D 49. A

10. A 20. C 30. B 40. D 50. D

Prepared by: Checked and reviewed by: Approved by:

CAESAR M. AMIGO JHON PAUL C. APOSTOL JOYCE G. BALLON CARMEN C.


NOGUERA
Teacher I Mentor Department Head School Principal I

You might also like