Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

TANGUB CITY GLOBAL COLLEGE

Maloro, Tangub City

INSTITUTE OF TEACHER EDUCATION

BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN

I. IMPORMASYON
Paksa: Pagsibol ng Nasyonalismo sa Europa
Baitang: 8 Nakalaang Oras: Isang Oras
Guro: Ma. Regie Rica S. Samejon
Pamantayang Ang mga mag-aaral ay naipamalas ang pag-unawa sa naging transpormasyon tungo sa
Pangnilalaman makabagong panahon ng mga bansa at rehiyon sa daigdig bunsod ng paglaganap ng mga
: kaisipan sa agham, politika, at ekonomiya tungo sa pagbuo ng pandaigdigang kamalayan.
Pamantayan Ang mga mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa naging implikasyon sa kaniyang bansa,
sa Pagganap: komunidad, at sarili ng mga pangyayari sa panahon ng transpormasyon tungo sa
makabagong panahon.
Kasanayang Naipapahayag ang pagpapahalaga sa pag-usbong ng nasyonalismo sa Europa at iba’t-ibang
Pampagkatuto: bahagi ng daigdig.
Layunin: Sa katapusan ng talakayan, ang mag-aaral ay:
a. nasusuri ang mga kaganapan sa pagsibol ng nasyonalismo sa Europa;
b. nasasalaysay ang mga kaganapan sa mga mahahalagang pangyayari sa pagsibol ng
nasyonalismo sa Europa sa pamamagitan ng isang role play; at
c. nababahagi ang kahalagahan ng pagiging makabayan.
Sanggunian: Araling Panlipunan Quarter 3 – Module 7
Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europa at Iba’t-ibang Bahagi ng Daigdid
Kagamitan: Mga larawan at PowerPoint Presentation
Kasanayan: Pagbasa, pagsulat, pag-unawa at kooperasyon
Kakayahan: Pagbasa, pagsulat at pagpapaliwanag
Pamamaraan: General Inductive Method

II. KARANASANG PAMPAGKATUTO


Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Paghahanda

Magandang umaga, klas! Magandang umaga po, Teacher!

Magsitayo muna ang lahat para sa panalangin.


Inanyayahan ko si Aivan na pangunahan ang ating
pagdarasal. (Ginawa ang sinabi ng guro.)
Amen.

Magandang umaga sa lahat.

Bago kayo magsi-upo, nais ko munang damputin ninyo


ang mga kalat sa sahig at isaayos ang hanay ng inyong
mga upuan. (Ginawa ang sinabi ng guro.)

Maraming salamat, klas. Maaari na kayong umupo.

Kumusta kayo sa umagang ito? Mabuti naman po, Teacher.

Mabuti naman kung ganun. May mga lumiban ba sa


klase? Wala po, Teacher.

Ako ay nagagalak sapagkat ang lahat ay nandito


ngayon. Palakpakan natin ang ating mga sarili. (Ginawa ang sinabi ng guro.)

Mga Alituntunin sa Loob ng Klase:


M – Makining
R – Respetuhin ang guro at mga kaklase
S – Sumagot lamang kapag tinawag ang pangalan.

Maliwanag ba klas? Opo, Teacher.!

Mabuti kung ganun.

1. Pagbabalik-aral

Noong nakaraang tagpo ay tinalakay natin ang tungkol


sa Ikalawang Yugto ng Imperyalismo. May mga
katanungan pa ba kayo tungkol sa paksang ito, klas? Wala na po, Teacher.

Kung ganun ay mayroon akong mga katanungan para


sa inyo upang masukat ko ang inyong mga natutunan
sa ating huling talakayan. Ano-ano ang mga motibo ng
ikalawang yugto ng imperyalismo? Ang apat na motibo ng ikalawang yugto ng
imperyalismo ay industriyalisasyon, kapitalismo,
nasyonalismo at Social Darwinism.
Eksakto! Ang apat na nabanggit ay ang mga motibo ng
ikalawang yugto ng imperyalismo na syang dahilang
kung bakit ito ay naiiba sa unang yugto ng
imperyalismo.

Tama! Tunay nga ninyong naipamalas ang inyong mga


natutunan sa nakaraang aralin.

2. Pagganyak

Bago natin simulan ang talakayan sa araw na ito ay


mayroon muna tayong isang gawain. Nais kong
panoorin at surrin ninyo ang bidyo na ito kung saan ito
ay sinayaw ng El Gamma Penumbra na nagbigay
karangalan sa ating bansa.

https://youtu.be/oRWy5p9YzKI?si=kCra_9305321u4tz

Gabay na tanong:
1. Bakit mahalagang ipakita ang pagmamahal sa
bayan?

Makikita sa bidyo ang sayaw o pagtatanghal ng El


Gamma Penumbra kung saan pinapakita nila ang mga
bagay o lugar sa Pilipinas.

Muy buena! Kayo klas, paan oba ninyo maipapakita ang


pagmamahal ninyo sa bayan? Maipapakita ko ito sa pamamagitan ng pagsunod sa
mga batas, pagsunod sa utos ng aking mga
magulang at pag-aaral ng mabuti.
Magaling! Kayo ba ay natutuwa na kayo ay isang
Pilipino? Opo, Teacher.

Ngayon klas, gusto niyo bang malaman kung paano


ipinapakita ng ibang tao ang kanilang pagmamahal sa
bayan? Opo, Teacher.

Magaling! Kung gayun ay makinig ng mabuti at ihanda


ang mga sarili dahil sa umagang ito ay magkakaroon
tayo ng bagong diskusyon.
3. Paglalahad ng Paksa at mga Layunin

Ang ating tatalakayin sa araw na ito ay ang Pagsibol ng


Nasyonalismo sa Europa.

Upang magkaroon tayo ng kaliwanagan sa daan na


ating tatahakin ay mayroon tayong mga sumusunod na
kakayahan na ating gagampanan. Basahin ng sabay!

a. Nasusuri ang mga kaganapan sa pagsibol ng


nasyonalismo sa Europa.
b. Nasasalaysay ang mga kaganapan sa mga
mahahalagang pangyayari sa pagsibol ng
nasyonalismo sa Europa sa pamamagitan ng isang role
play.
c. Nababahagi ang kahalagahan ng pagiging
makabayan.

Maliwanag ba ang mga layunin, klas? Opo, Teacher.

B. Presentasyon
Upang mas maintindihan at mapalawak ang ating
kaalaman sa paksa ay mayroon akong isang basahin
na kailangan ninyong basahin at unawain.
1. Pagtatalakay

Bago natin simulant ang ating talakayan ay atin munang


alamin kung ano ang ibig sabihin ng nasyonalismo. Ano
ba ang nasyonalismo, klas? Ang nasyonalismo ay ang pagpapakita ng
pagmahahal o ang damdamin ng pagmamahal sa
bayan.
Eksakto! Ang nasyonalismo ay ang pagpapahiwatig ng
pagiging kaanib sa isang pangkat na may sariling
mithiin, kaugalian, kalinangan, wika o kung minsan ay
may isang lahing pinagmulan at relihiyong
sinasampalataya.

Ngayon klas, kaninong pamamahala pa napasailalim


ang mga magsasaka na walang karapatan at laging
nakabaon sa utang? Ang namamahala po sa mga magsasaka ay ang
Czar.
Tumpak! Ano ba ang naghikayat sa mga Ruso na
magpunta sa mga bayan at lungsod na siyang dahilan
upang sila ay makapag-aral? Ang naghikayat sa mga Ruso ay ang pagtatayo ng
mga manggagawa ng mga pagawaan.

Magaling! Sa panahon natin ngayon klas, gaano ba


kahalaga ang mga pagawaan at mga imprastraktura
kagaya ng paaralan at mga hospital? Mahalaga po ang pagkakaroon ng mga
imprastraktura sa panahon natin ngayon dahil ito
ang tumutulong sa mga tao upang mas lalong
mapadali ang kanilang pamumuhay.
Mahusay! Tunay ngang kayo ay mapagmatyag sa
inyong paligid.
Ngayon, dahil sa sobrang kahigpitan ng mga pulisya ay
tumakas ang mga intelektwal na Ruso. Ngayon, ano ba
ang dalawang partido na itinatag nina Karl Marx at
Friederich Engels? Ang dalawang partido na itinatag nina Karl Marx at
Friedrich Engels ay ang Communist League at ang
Social Democratic Workers' Party.
Napakahusay! Ang Communist League ay naglalayon
ng isang komunista na pamahalaan habang ang
Democratic Worker’s Party naman ay naglalayong
magakroon ng demokrasya ang bansa kagaya ng sa
Pilipinas. Ngayon dahil sa mga pananaw na ito ay
nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa Russia.
Bakit kaya? Nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa Russia
dahil naniniwala si Leon Trotsky na dapat
ipalaganap ang komunismo habang ang ideya
naman ni Joseph Stalin ay hindi napapanahon ang
pagpapalaganap ng komunismo dahil mahina pa
ang Russia.
Bravo! Ngayon klas, gaano ba kahalaga ang
pagkakaroon ng pagkakaunawaan? Mahalagang magkaroon ng pagkakaunawaan ang
mga tao upang maiwasan ang kaguluhan at dapat
nating respetohin ang ating kapwa.
Tama! Tunay ngang kayo ay marunong ng mag-isip ng
mga bagay-bagay.
Base sa nabasang detalye, an oba ang resulta ng
October Revolution? Ang October Revolution ay nagresulta sa
pagkakaisa ng mga Ruso na magapi ang Czar at
napalitan ng Partido Komunista ang pamamahala
ng bansang Russia.
Magnifico! Dahil sa rebolusyon na pinamunuan ni
Vladimir Lenin na tinawag na October Revolution ay
tuluyan nilang nagapi ang Czar at napalitan ng
pamamahalang komunista ang bansang Russia.
Ating balikan ang inyong natutunan sa nakaraang
baiting klas, ano ba ang ibig sabihin ng komunismo? Ang komunismo ay pampolitikang ideolohiya na
nilalayon ang pagtatatag ng kaayusang
sosyoekonomiko na nakabalangkas sa ideya ng
pag-aaring komun ng moda ng produksyon at
pagkawala ng salapi, estado, at uring panlipunan.
Tama! Sa pamamahalang komunismo ay walang
mahirap at walang mayaman at lahat ng tao ay pantay.
Noong 1923 ay tinawag na Soviet Union o Union of
Soviet Socialist Republics ang bansang Russia maging
ang ibang bans ana kanilang nasapi.

C. Paglalahat
Base sa ating itinalakay, bakit nilalayon ni Leon Trotsky
ang pagpapalaganap ng komunismo? Nilalayon ni Leon Trotsky ang pagpapalaganap ng
komunismo sa Russia dahil ninanais nila ng isang
pantay na pamamahala, walang mahirap at walang
mayaman.
Bravo! Sa tingin ninyo klas, bakit kaya nagkaroon ng
rebolusyon sa Russia at nilalayon nina Leon Trotsky na
magkaroon ng isang komunistang pamahalaan? Nilalayon nina Leon Trotsky na magkarron ng isang
komunistang pamahalaan dahil nais nilang
magkaroon ang lahat ng tao ng pantay na
oportunidad.
Tama! Gaano ba kahalaga ang pagkakaroon ng pantay-
pantay? Mahalagang magkaroon ng pantay-pantay na trato
ang lahat ng tao upang maiwasan ang kaguluhan.
Mahusay! Tandan ninyo klas na kahit ano pa mang uri
ng pamahalaan ang gagamitin ng bansa ay
napakahalaga parin na magkaroon ng pagkapantay-
pantay ang lahat ng tao upang maiwasan ang
kaguluhan at magkaroon tayo ng pantay na prebilihiyo
sa mga likas na yaman ng bansa.
Maliwanag ba, klas? Opo, Teacher.

Bigyan natin ng isang barangay clap ang ating mga


sarili.

C. Integrasyon
Upang aking masukat kung talaga bang naintindihan
ninyo ang paksang tinalakay natin ngayon,
magkakaroon tayo ng panibagong gawain.

1. Gawain 2
IT’S SHOWTIME!
Mekaniks:
a. Bawat grupo ay maghahanda ng isang role play
tungkol sa mga kaganapan sa Himagsikang Ruso.
b. Tapusin ang gawain sa loob ng tatlong (3) minuto at
ipresenta ang gawain sa loob ng dalawang (2) minuto.

Rubriks
Pamantayan Deskripsyon Puntos
Nilalaman ng Ang sagot ay 10
Sagot nakapokus sa
tema ng
tanong at
naglalaman
ng mga
detalye na
angkop sa
tanong.
Organisasyo Maayos ang 5
n ng Ideya pagkakalahad
ng mga
ideya.
Presentasyon Ang 5
paglalahad ay
maayos na
naiparating at
walang bahid
ng kaba.
Kabuuan 20

2. Pagpapahalaga

Batay sa diskusyong ating tinalakay kanina, nalaman


natin ang mga mahahalagang pangyayari sa pagsibol
ng nasyonalismo sa Europa

Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang


iyong pagmamahal sa bayan o ang pagiging
makabayan?
Bilang isang mag-aaral maipapakita ko ang pagiging
isang makabayan sa pamamagitan ng pagsunod sa
mga batas at ang pagtupad ng aking mga tungkulin
Eksakto! Bilang isang mag-aaral ay maipapakita natin bilang isang mamamayang Pilipino.
ang pagiging makabayan sa pamamagitan ng
pagsunod sa mga batas, sa pagtupad ng ating mga
tungkulin, paggalang sa kapwa, pag-aaral ng mabuti at
higit sa lahat ang paggalang sa watawat ng Pilipinas.
Paano niyo ba maipapakita ang paggalang sa watawat
ng Pilipinas?
Maipapakita ang paggalang sa watawat ng Pilipinas
sa pamamagitan ng pagkanta ng Pambansang Awit
at paglagay ng kanang kamay sa dibdib.
Mahusay! Kung kaya at hinihikayat ko ang lahat na
pumunta ng maaga sa paaralan tuwing Lunes at sumali
sa flag ceremony. Dahil sa kaunting sakripisyo na ito ay
maipapakita natin ang ating pagmamahal sa bansang
Pilipinas.
Naiintindihan ba, klas?
Opo, Teacher.

III. EBALWASYON
Gawain 3: SURIIN MO
Panuto: Suriin ang mga mahahalagang pangyayari o kaganapan sa pagsibol ng nasyonalismo sa Europa at
ibigay ang result anito.

Mga Kaganapan sa Himagsikang Ruso Resulta

Rubriks
Pamantayan Deskripsyon Puntos
Nilalaman ng Sagot Ang sagot ay nakapokus sa 10
paksa at naglalaman ng mga
detalye na angkop sa tema.

Organisasyon ng Ideya Maayos ang pagkakalahad ng 5


mga ideya.

Kabuuan 15

IV. TAKDAN-ARALIN
Marso 13, 2024

Panuto: Sa isang short bond paper, gumawa ng isang tula kung paano mo maipapakita ang iyong
pagmamahal sa bansang Pilipinas bilang isang mag-aaral, anak at kasapi ng lipunan. Ipasa sa susunod na
tagpo ngayong Marso 14, 2024.

Rubriks
Pamantayan Deskripsyon Puntos
Nilalaman ng Sagot Ang sagot ay nakapokus sa 10
paksa at naglalaman ng mga
detalye na angkop sa tema.

Gramatika Maayos gramatik at 10


pagkakalahad ng mga ideya.

Kabuuan 20

Inihanda ni:

MA. REGIE RICA S. SAMEJON


Practice Teacher

Approved for Class Utilization:

ANNABEL A. LUMINGKIT
Critique Teacher

You might also like