Simaat. Ang kanyang anak ay si Masung.Malaki ang pangangatawan ni Masung ngunit sobra itong tamad.Palaasa ito sa ina at basagulero pa.Sa halip makatulong kay Aling Simaat ay nagiging pabigat pa ito sa ina. “Ano ka ba naman,anak?Sana man lang ay linangin mo ang lupang iniwan ng iyong ama.Sayang lang ang pagpapalaki ko sa iyo.Inuubos mo ang pera sa pag-iinom ng alak,” ang wika ni Aling Simaat. Pwede ba,tigilan ninyo ako?Pagod ako!At huwag ninyong isusumbat sa akin ang ibinibigay na pera!Tungkulin ninyong bigyan ako ng pera!”pabalang na sagot ni Masung. Walang nagawa si Aling Simaat kundi ang tumahimik.Alam niyang walang patutunguhan ang pag-uusap nilang mag-ina dahil sa maling katwiran ng anak.Hindi lang ubod ng tamad si Masung,ubod pa siya ng tamad.Hirap na hirap na ang kanyang ina sa bukid samantalang lagi lang siyang tulog.Tamad na siya ay basagulero pa. Isang araw,natulog si Aling Simaat nang gulantangin ng ingay ang pinto.Nakita niya ang humahangos na si Masung.Hinahanap nito ang gulok dahil may kaaway raw.Walang nagawa si Aling Simaat kundi ang sumigaw at humingi ng tulong sa kapitbahay.Anim na lalaki ang nagtulung-tulong para mapigil sa pakikipag-away si Masung.Maraming tao na ang nasaktan ni Masung kapag nagwawala kaya kinakatakutan. Minsan ay umuwing gutom si Masung.Wala siyang inabutang pagkain.Galit niyang pinuntahan ang ina at pabulyaw na tinanong.”Bakit walang pagkain?!” “Anak,maysakit ako,”paliwanag ni Aling Simaat. “Maysakit?O nagsasakit-sakitan?Arte lang iyan. Sige,bumangon kayo riyan at ipaghanda ninyo ako ng pagkain!” “Anak parang awa mo na.Ikaw muna ang maghanda ng pagkain mo at hindi ko talaga kaya,”naiiyak na sabi ng matanda. “Ako ang magluluto?Ano ako babae?Hindi maaari!Bumangon kayo at magluto!” bulyaw ni Masung saka sinipa ang ina. Sa kawalanghiyaang inasal ng anak ay hindi na nakapagtimpi si Aling Simaat.”Walang utang na loob!Lapastangang anak!Isinusumpa kong ikaw na ubod ng tapang ay gagapang sa lupa at kailanman ay hindi na makakatayo sapagkat habang buhay kang gagapang!Mananatili ang iyong kabagsikan at lalo kang katatakutan ng tao!” Tinawanan lamang ni Masung ang sinabi ni Aling Simaat.Tinalikuran niya ito at nagtungo sa bukid.Naglalakad siya nang biglang malugmok.Hindi niya maitayo ang mga paa.Naramdaman niyang unti-unting humahaba at pumapayat ang kanyang katawan hanggang sa tuluyang mawala ang mga paa’t kamay. Lingid sa kanya ay palihim siyang sinusundan ng isang nakaaway.Nasaksihan nito ang pagbabago sa katawan ni Masung.Nagdatingan pa ang ibang tao.Nakita nila ang mahabang hayop na gumagapang sa damuhan.Nang makita niya ang mga tao ay umakma siyang manunuklaw.Sa takot ay nagpulusan ng takbo ang mga tao.Magmula noon ay nilayuan na ng mga tao ang damuhang iyon sa takot na matuklaw ni Masung,ang taong naging unang ahas.