Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pagka-Pilipino, Sandata sa Pandemya

Ni: Mark Jefferson L. Balmoja

Mundo dati`y malayang ginagalawan


Tila paraisong masaya`t may kasiglaan
Ngayo`y nabalot ng dilim at unos
Dahil sa pandemyang bayrus

Pandemyang nararanasan
Hudyat upang tayo`y magtulungan
Harapin ang panibagong kasalukuyan
Tanggapin ng buo sa kalooban

Likas sa`ting Pilipino


Ang pakikihalubilo
Ngunit ngayo`y limitado
Dahil dumarami ang kaso

Ang mga ngiting mababanaag sa mukha


Ngayo`y nakatago sa suot na maskara
Ngunit Pilipino`y di patitinag
Sa hamon ng buhay, patuloy uusad

Ano ma`ng pagdaraanan kung tayo`y iisa`t sama-sama,


Walang `di makakaya
Sabay-sabay tayong pukpuksa at lalaya
Sa kalabang `di nakikita
Patuloy makibaka`t sumulong
Dahil sa bawat dilim na ating makakasalubong
Mayroong liwanag na umiigting at umaahon
Basta`t manalig sa Mahal na Poon

Ang panahon ng pandemya


Ay panahon sa`ting pamilya
Panahon ng pagpapala
At pagpapatibay ng pananampalataya

Pandemyang ito`y `di kaparusahan


Bagkus ay paalala sa nakaligtaan
At bumalik sa natatanging pinaniniwalaan
Nang walang pag-aalinlangan

Presensya ng Diyos ating damhin


Presensya ng Corona`y itaboy natin
Pagkakaisa`y ibalik natin
Lahat ng ito`y magwawakas din

Pandemya`y `di hadlang sa isang Pilipino


Sapagkat pagka-Pilipino`y bahagi ng kultura at pagkatao
Bangon Inang Bayan!
Bangon kabayan!

You might also like