Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 32

FILIPINO

Baitang 7 Yunit 2
Ang Mataba at Payat na Usa

Talaan ng Nilalaman
Introduksyon 3
Basahin Natin 4
Sagutin Natin 6

Aralin 1: Ang Pabula 6


Layunin Natin
Pag-aralan Natin
Sagutin Natin
Subukan Natin
Isaisip Natin
Pag-isipan Natin

Aralin 2: Kahulugan ng Salita: Gamit ng Panlapi 12


Layunin Natin
Pag-aralan Natin
Sagutin Natin
Subukan Natin
Isaisip Natin
Pag-isipan Natin

Aralin 3: Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Posibilidad 16


Layunin Natin
Pag-aralan Natin
Sagutin Natin
Subukan Natin
Isaisip Natin
Pag-isipan Natin

Aralin 4: Pagpapahayag ng Damdamin at Saloobin 20


Layunin Natin
1
Copyright © 2018 Quipper Limited
Pag-aralan Natin
Sagutin Natin
Subukan Natin
Isaisip Natin
Pag-isipan Natin

Gawin Natin 25
Paglalagom 28
Dapat Tandaan 29
Pagyamanin Natin 29
Susi sa Pagwawasto 30
Sanggunian 31

2
Copyright © 2018 Quipper Limited
Click Home icon to go back to
Table of Contents
BAITANG 7 | YUNIT 2

Ang Mataba at Payat na Usa

I sa sa pinakapopular na sinaunang anyo ng panitikan sa mundo ay ang pabula. Sa


kasalukuyang panahon, patuloy pa rin itong nananatili at umuunlad. Marahil, dahil ang
mga gumaganap bilang mga tauhan ay mga hayop at maging ang mga walang buhay
na bagay. Ayon sa mga tala, sa pagitan ng ikalima at ikaanim na siglo ay may mga pabula
na. Hindi nagpahuli ang Pilipinas sa pagkakaroon ng mga pabula sa sariling panitikan. Sa
katunayan, bawat rehiyon sa bansa ay may ipinagmamalaking pabula.

Isa sa ating mga pabula ay “Ang Mataba at Payat na Usa.” Nabasa mo na ba ito? Ano kaya
ang mahahalagang kaisipang hatid nito para sa mga mambabasa? Alam mo bang maaaring
magbago ang mensahe ng isang
kaisipan dahil sa panlaping
ginamit sa isang salita? Sa
tuwing ikaw ay nagbabasa ng
pabula, hinuhulaan mo rin ba
kung ano ang maaari o
posibleng kasunod na
mangyayari? Anong mga
ekspresyong naghahayag ang
iyong ginagamit tuwing
naglalahad ka ng isang
posibilidad? Ano ang masasabi
mo sa paggamit ng mga hayop
bilang mga tauhan sa kuwento?

Halina at ating tuklasin ang mga


sagot sa mga nabanggit na
tanong sa pamamagitan ng
talakayang ating gagawin.

3
Copyright © 2018 Quipper Limited
Basahin Natin

Ang Mataba at Payat na Usa


(Isang Pabula)

N oong unang panahon, sa bayan ng Agamaniyog, may magkapatid na balo. Sina


Mapiya a Balowa at Marata a Balowa. Kapwa sila mayroong anak na babae. Si
Anak na Mararaya ay anak ni Mapiya a Balowa, si Anak na Marata ay anak ni
Marata a Balowa.

Minsan, nagtungo sa kagubatan ang mag-inang Mapiya a Balowa at Mararaya upang


maghanap ng panggatong at ligaw na hayop upang makain. Pagod na pagod at pawisan
ang mag-ina sa haba ng kanilang nilakbay, hanggang sa matagpuan nila ang isang
matabang usa. Kinausap sila ng usa dahil nalaman nito na naghahanap ng karne ng ligaw
na hayop ang mag-ina. Nagmakaawa ang usa na sa kaniyang katawan kumuha ng karne
ang mag-ina. Nagtaka sina Mapiya a Balowa. Kaniyang tinanong ang usa kung bakit nais
nitong pabawasan ang laman ng katawan. Ayon sa usa ay labis ang kaniyang katabaan,
4
Copyright © 2018 Quipper Limited
kung kaya nahihirapan siyang kumilos. Hindi
naman daw siya mamamatay basta maging
maingat lamang ang mag-ina at iwasang maabot
ang kaniyang puso.

Ingat na ingat at naiiyak ang mag-ina habang


ginagawa ang pagbawas ng karne sa usa. Nang
mapuno na ang lalagyan nina Mapiya a Balowa ay
agad na tumayo ang usa. Nagpaikot-ikot sa lupa
hanggang sa mawala ang kaniyang mga sugat. Pinasalamatan niya ang mag-ina, dahil sa
wakas ay gumaan na rin ang kaniyang katawan. Agad na ring umalis ang usa.

Umuwi na ang mag-inang Mapiya a Balowa. Kanilang ipinagbili ang laman ng usa na
kanilang nakuha. Ang iba ay dinala ni Mararaya sa kaniyang tiyahing si Marata a Balowa.
Subalit ito ay tinanggihan at nagmamalaking nagpahayag na magkakaroon din sila ng
ganoon. Itinanong ng tiyahin sa kaniyang pamangkin kung saan nakuha ang karne ng usa.
Ikinuwento namang lahat ni Mararaya ang buong
pangyayari.

Kinabukasan, maagang umalis ang mag-inang Marata


a Balowa patungong kagubatan. Pagod na pagod na
sila ay wala pa rin silang makitang ligaw na hayop.
Pinagdudahan na nila ang ikinuwento ni Mararaya.
Minabuti muna nilang magpahinga. Matapos ang
mahabang pagpapahinga ay may nakitang payat na
payat na usa si Marata. Tuwang-tuwa niyang sinabi
ito sa ina. Ngunit nanlumo si Marata a Balowa nang
makita ang usa, payat na payat at mahinang-mahina.
Ngunit hindi ito pinansin ni Marata, agad niyang sinabing papatayin pa rin nila ang usa at
kukunin ang puso at atay nito.

Labis na nagmakaawa ang usa nang marinig ang sinabi ni Marata. Sinabi niyang siya ay
masakitin at payat na payat. Subalit, hindi ito pinakinggan ni Marata. Nilapitan niya ang usa
at agad na hiniwa. Nakiusap at nagmakaawa ang usa na huwag galawin ang kaniyang puso
at atay. Ngunit, walang ingat sa paghiwa ng karne ang mag-ina hanggang sa nasugatan
nila ang puso at atay ng usa.

Naisip ng usa na mukhang papatayin siyang talaga ng mag-ina. Bigla siyang tumayo at
nagpagulong-gulong sa mga lamang tinanggal sa kaniya. Nabuong muli ang katawan ng
usa at wala siyang anumang sugat. Dahil sa ginawa ng mag-ina sa hindi pangkaraniwang
usa ay namatay sila. 5
Copyright © 2018 Quipper Limited
Sagutin Natin
1. Ano ang pangalan ng mag-iina sa kuwento?
2. Paano nakakuha ng karne sina Mapiya a Balowa at Anak a Mararaya?
3. Bakit naging malagim ang kinahinatnan ng mag-inang Marata a Balowa at
Anak a Marata?

Aralin 1
Ang Pabula

Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang natutukoy at
naipaliliwanag ang mahahalagang kaisipan sa binasang akda.

Pag-aralan Natin
Isang mahalagang bahagi ng panitikan ang pabula. Ang pabula o fable sa Ingles ay
maiikling babasahing bunga ng mayamang imahinasyon. Ito ay ginagampanan ng mga
hayop o mga walang buhay na bagay na may pag-iisip, pag-uugali, at damdaming gaya ng
mga tao.

6
Copyright © 2018 Quipper Limited
Layunin ng Pabula
Kung susuriin ang bawat pabula, lumilitaw na
nilalayon nitong maitanim sa isipan ng bawat
tao, hindi lamang ng mga bata ang
kahalagahan ng mabuting pag-uugali. Nais
nitong maipakita ang kabutihan ng pagiging
isang mapanampalatayahin, masunurin,
mabait, mapagbigay, matapang, matulunging
anak, at iba pa. Lumilikha ang mga fabulist,
tawag sa mga lumilikha ng pabula, ng mga
tauhang hindi maganda ang ugali na siyang
kaniyang ikinasasawi o kaya dahilan ng
kaniyang pagkabigo, upang hindi pamarisan ng mga mambabasa.

Si Aesop at ang Pabula

Kinilala si Aesop bilang “Ama ng


Pabula.” Ito ay bilang parangal sa
kaniyang naging kontribusyon sa
panitikang Griyego. Masasabing walang
malinaw na naitala kung sino talaga si
Aesop. Tangi lamang sa kaniyang
pagiging isang Griyego at alipin. Ayon sa
mga tala, ang kaniyang pagiging alipin
ang nagbigay ng dahilan upang sumulat
ng mga pabula. Dahil bawal daw
magpahayag at magbigay ng opinyon ang isang alipin, ginamit niya ang mga pabula upang
magkaroon ng kritisismo sa lipunan. Paglipas ng panahon, nakaalis siya sa estadong
pagiging alipin at naging malayang mamamayan dahil sa ipinakita niyang talino, katapatan,
at kasipagan.
Ayon pa rin sa mga tala, maraming pabula ang nagpasalin-dila, at ang mga ito ay kinilalang
kay Aesop. Hanggang sa maglabas ng koleksyon ng mga pabulang kinilalang Aesop’s
Fables. Itinatayang may halos 725 pabula sa koleksyong ito.

7
Copyright © 2018 Quipper Limited
Gaya ng ibang uri ng panitikan, ang pabula ay sadyang mabisang lunsaran o hanguan ng
pagtalakay ng mahahalagang aral sa buhay. Puno ito ng mga kaisipang maaaring gawing
gabay kung paano makikitungo sa kapwa at buong lipunan.

Pagtalakay sa Akdang Binasa


Bigyang tuon natin ang binasang pabula sa unang bahagi ng aralin, ang “Ang Mataba at
Payat na Usa.” Sa pamamagitan ng graphic organizer, talakayin natin ang mga tauhan,
suliranin, buod, at aral ng pabula.

> Mapiya a Balowa at Anak na Mararaya Ang mag-inang Marata a Balowa ay


> Marata a Balowa at Anak na Marata naghangad ring makakuha ng karne ng
> Mataba at payat na usa usa at nakakita sila ng payat na usa.

PAMAGAT
Ang Mataba at
Payat na Usa

Ang mag-inang
Mapiya a Balowa ay namumuhay ng
ayon lamang sa kung ano ang Sa kabuuan, nais lamang ipabatid ng
makakaya nila. Kumuha lamang sila ng nasabing pabula ang sumusunod na
sapat na karne ng usa para sa kanilang mga aral:
kailangan. Hindi nila pinagtangkaang > Maging maawain
kunin ang puso at atay ng usa. > Maging mapagbigay
Samantalang ang mag-inang Marata a > Makuntento sa buhay
Balowa ay walang awa nilang hiniwa > Huwag maging mainggitin
ang kalamnan ng payat na usa sa kabila > Huwag maging mapag-imbot
ng pagmamakaawa, ito ang naging
dahilan ng kanilang pagkamatay.

8
Copyright © 2018 Quipper Limited
Maliban sa tinalakay na “Ang Mataba at Payat na Usa,” kilalang-kilala rin ang pabulang
isinulat ni Dr. Jose Rizal na pinamagatang “Ang Matsing at Ang Pagong.” Mahalagang
mabasa natin ang iba’t ibang pabula na nagpasalin-salin sa bawat henerasyon sapagkat
pinagyayaman nito ang kakayahan natin hindi lang sa pagbasa at pagsulat, maging sa
binubusog nito ang ating pagkatao ng kabutihang-asal.

Sagutin Natin
1. Ano ang pabula?
2. Sino si Aesop?
3. Ano ang naging kontribusyon ni Aesop sa panitikan?

Subukan Natin
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Paano nagsimula ang pabula?


2. Bakit tinaguriang “Ama ng Pabula” si Aesop?

Isaisip Natin
Paano makatutulong sa pag-unlad ng iyong pagkatao ang pagbabasa ng pabula?

9
Copyright © 2018 Quipper Limited
Pag-isipan Natin
Piliin ang angkop na sagot batay sa tanong. Isulat sa patlang ang titik ng wastong sagot.

1. Batay sa mga tala, saan daw nagmula sa Aesop?


a. Roma
b. Portugal
c. Gresya
d. Albanya

2. Alin sa sumusunod ang mga ginagamit bilang tauhan ng isang pabula?


a. mga bagay na walang buhay
b. mga guro
c. mga hayop
d. a at c

3. Ano ang hangaring ipahayag ng mga manunulat ng pabula?


a. magturo ng aral
b. makapanlibang ng mambabasa
c. paunlarin ang kasanayan sa pagbasa at pagsulat
d. Lahat ng nabanggit.

4. Alin sa sumusunod ang pinakanaglalarawan sa haba ng isang pabula?


a. Ito ay binubuo ng 3-5 pangungusap.
b. Ito ay nahahati sa ilang kabanata.
c. Ito ay isang maikling kuwento.
d. Ito ay mga larawan lamang.

5. Sino ang sumulat ng pabulang “Ang Matsing at Ang Pagong”?


a. Severino Reyes
b. Jose Rizal
c. Deogracias Rosario
d. Amado Hernandez

6. Sino-sino ang mga tauhan sa pabulang “Ang Mataba at Payat na Usa”?


a. Ang mag-iina at mga usa
b. Ang leon at ang daga
c. Ang kuneho at pagong
10
Copyright © 2018 Quipper Limited
d. Ang aso at uwak

7. Alin sa mga pagpipilian ang pinakanaglalarawan sa tagpuan ng pabula?


a. Sa lungsod
b. Sa kagubatan
c. Sa dalampasigan
d. Sa dagat

8. Bakit gustong ipakuha ng matabang usa ang kaniyang laman kina Mapiya
a Balowa at Anak na Mararaya?
a. Tinulungan ng mag-ina ang matabang usa sa isang gawain.
b. Labis na raw ang katabaan nito.
c. Iniligtas ng mag-ina ang usa.
d. Masyado na itong busog.

9. Ano-anong pangungusap ang naglalahad ng patunay na ang mag-inang


Marata a Balowa ay mga ganid at walang awa?
a. Hindi pinakinggan ni Marata ang pagmamakaawa ng usa.
b. Nilapitan ni Marata ang usa at walang ingat at agad na hiniwa ang karne.
c. Sinabing papatayin pa rin nila ang usa at kukunin ang puso at atay nito
kahit payat na payat ito.
d. Lahat ng nabanggit.

10. Ano ang kinahinatnan ng mag-inang Marata a Balowa?


a. Namatay sila.
b. Pinarusahan sila ng payat na usa.
c. Biniyayaan sila ng mas maraming laman.
d. Ginawa silang halaman ng diwata ng kagubatan.

11
Copyright © 2018 Quipper Limited
Aralin 2
Kahulugan ng Salita: Gamit ng Panlapi

Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaaasahang napatutunayang
nagbabago ang kahulugan ng mga salitang naglalarawan batay sa ginamit na
panlapi.

Pag-aralan Natin

Bawat salita ay mayroong tiyak na kahulugan. Ngunit, maaaring mabago ang tiyak na
kahulugan ng isang salita dahil sa panlapi. Ano kung gayon ang panlapi? Bakit nagagawa
nitong mabago ang kahulugan ng isang salita? Paano ito nabubuo?

Ang paglalapi ay tumutukoy sa kayarian o


pagbubuo ng salita sa pamamagitan ng
pagsasama ng salitang-ugat at panlapi. Sa
Ang panlapi ay isang morpema o paggamit at paglalagay ng iba’t ibang
pinakamaliit na yunit ng salita, maaari panlapi sa salitang-ugat nagkakaroon ito
ding sabihing isang kataga. ng iba-ibang kahulugan. Ang salitang-
ugat naman ay ang salitang buo ang kilos,
diwa, o kahulugan. Ito ang pinagmumulan
o pinanggagalingan ng mga salitang
maylapi.

12
Copyright © 2018 Quipper Limited
Halimbawa:

Salitang-ugat Panlapi Salitang Nilapian

BAIT ma maBAIT

Ang salitang bait ay nangangahulugang katinuan. Nang nilagyan ng panlaping ma- ay


naging maylaping salita na nangangahulugang mayroong katinuan o nagtataglay ng
katinuan. Ang katinuan ay tumutukoy sa katinuan ng pag-iisip upang maging tama ang mga
iniisip, sinasalita, at ginagawa. Nagkaroon ba ng ibang kahulugan? Patunayan pa nating
maaaring magbago ng kahulugan ang isang salitang naglalarawan dahil sa panlapi. Iba
pang halimbawa ng pagbagong ito ay ang nasa ibaba. Suriin ang pag-iiba ng kahulugan sa
pamamagitan ng paggamit ng panlapi.

MAHAL in MAHALin

KAIN um KumAIN

Panlaping makauri ang tawag sa mga panlaping ikinakabit sa mga salitang


naglalarawan o pang-uri. Nagkakaroon ito ng kahulugan sa tuwing isinasama sa
salitang-ugat.

Pag-aralan ang mga panlaping makauri na nasa talahanayan.

Panlaping makauri Kahulugan kapag ikinabit sa Halimbawa


salitang naglalarawan
ma- pagkamayroon mabait, matapang
maka- kumakampi, kinahihiligan makabayan,
maka-K-pop
mala- tila, parang, kagaya malareyna, malarosas
mapag- ugaling taglay mapagpanggap,
mapagdamot
mapang- katangiang taglay o kakayahan mapanghalina, mapang-akit
pala- ginagawang madalas palahingi, palabigay
13
Copyright © 2018 Quipper Limited
Balikan natin ang ilang pangyayari sa pabulang binasa. Ilarawan natin ang mga tauhan.
Basahin ang pangungusap.

Halimbawa:

Sadyang mapagbigay ang mag-inang Mapiya a Balowa at Anak na Mararaya,


samantalang malabuwaya sa kasakiman sina Marata a Balowa.

Ang salitang bigay ay nangangahulugang iniabot, nagkaloob. Nang nilapian ng mapag- ay


nagbago ito ng kahulugan, naging paglalarawan sa ugaling taglay, ang pagiging laging
nagbibigay.

Ang salitang buwaya ay isang reptile o reptilya. Nang ikinabit ang panlaping mala- ay
nagkaroon ito ng bagong kahulugan. Hindi na ito tumutukoy sa mismong hayop. Ibinatay na
sa katangian ng buwaya ang kahulugan ng salita, ang pagiging ganid ng buwaya.
Samakatuwid, ang kahulugan ng salitang malabuwaya ay labis na ganid.

Natuklasan nating malaki pala ang nagagawa ng mga panlapi upang mabago ang kahulugan
ng isang salita. Bagaman walang kahulugan ang mga kataga o panlapi sa tuwing ito ay
hindi pa isinasama sa salitang-ugat, nagkakaroon pala ito ng sarili niyang kahulugan at
naiimpluwensyahang mabago ang kahulugan ng salita pati na rin ang buong kaisipan ng
pahayag.

Sagutin Natin
1. Ano ang panlapi?
2. Ano ang paglalapi?
3. Ano ang panlaping makauri?

14
Copyright © 2018 Quipper Limited
Subukan Natin
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang nagagawa ng mga panlapi sa tiyak o literal na kahulugan ng isang salita?
2. Ano ang gampanin ng mga panlaping makauri?

Isaisip Natin
Paano nakatutulong ang tamang paggamit ng mga panlapi at panlaping makauri sa
pagpapahayag ng ating mga saloobin?

Pag-isipan Natin

A. Hanapin sa ibaba ang mga pang-uring nabuo mula sa panlapi at salitang-ugat.


Bilugan ito. Maaari itong matagpuan nang patayo, pahalang, pahilis, o pabaligtad.
O B L A D L A D A M
M M P A L A A S A M
A I A F A K P G S A
A G S D T A A A A L
M T K A A S L M L I
D S D M A A A U U N
S T L I K N B K D I
B A T N I K A M A S
W Y N M A L T A M Y
M A P A G B I G A Y
15
Copyright © 2018 Quipper Limited
B. Pumili ng limang salita na natagpuan sa Word Search at ipaliwanag kung paano
nagbago ang kahulugan ng salita at gamitin ito sa pangungusap. Punan ng sagot ang
bawat hanay.

Salitang-ugat Panlapi Salitang Kahulugan Pangungusap


nabuo

Aralin 3
Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Posibilidad

Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaaasahang nagagamit ang
mga ekspresyong naghahayag ng posibilidad (maaari, baka, at iba pa).

Pag-aralan Natin
Mayroong mga pagkakataong hindi tayo sigurado sa ating mga sinasabi. Marahil ito ay sa
kadahilanang likas sa ating mga Pilipino ang umiwas na makasakit ng damdamin ng kausap.
Sa mga ganitong pagkakataon, gumagamit tayo ng mga ekspresyong naghahayag ng
posibilidad.
16
Copyright © 2018 Quipper Limited
Mga Ekspresyong Naghahayag ng Posibilidad
Ang posibilidad ay mga bagay o pangyayaring walang
katiyakan kung magaganap o hindi. Maaari ding sagot sa mga
tanong na maaaring tama o mali, o kaya ay oo o hindi. Ang ilan
sa mga ekspresyong ito ay ang sumusunod:

Tila
Baka
Maaari
Marahil
Siguro
Sa palagay ko…
Posible kayang…
Puwede kayang…
May posibilidad bang…

Gamitin natin sa pahayag ang ilang ekspresyon, upang higit na maunawaan ang ating
pinag-aaralan.

Halimbawa Paliwanag

Tila nainggit si Marata a Balowa sa karne Hindi sigurado kung nainggit nga si
ng usa na nakuha ng mag-inang Mapiya a Marata a Balowa, dahil gumamit ng
Balowa. ekspresyong tila ang pahayag.

Tanong: Maaari kayang engkanto o diwata Ginamit ang ekspresyong baka bilang
ang mataba at payat na usa? sagot sa tanong. Ngunit batay sa sagot,
hindi nakatitiyak kung engkanto o diwata
Sagot: Baka. ang mataba at payat na usa.

Paghihinuha
Ang ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad ay ginagamit din sa paghihinuha sa mga
posibleng mangyari.

Halimbawa:

May posibilidad bang gantimpalaan ng mahiwagang usa ang mag-inang


Tanong:
Mapiya a Balowa?
17
Copyright © 2018 Quipper Limited
Sagot: Sa palagay ko ay oo, dahil mabuti ang kalooban ng mag-ina.

Ang paggamit ng mga ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad ay sadyang kasama na sa


araw-araw nating pakikipagtalastasan, patunay lamang ito na laging bukas sa mga
posibleng pagkakataon ang mga Pilipino at handang bumagay sa mga posibleng bunga ng
pangyayari.

Sagutin Natin
1. Ano ang mga ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad?
2. Ano ang paghihinuha?

Subukan Natin
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang maaaring asahang ibubunga ng isang pahayag na ginamitan ng ekspresyong


nagsasaad ng posibilidad?
2. Bakit maaaring ihanay ang paghihinuha sa mga ekspresyong nagpapahayag ng
posibilidad?

Isaisip Natin
Bakit kung minsan ay mas nakabubuting nagsasaad lamang ng posibilidad ang ating mga
ipinapahayag?

18
Copyright © 2018 Quipper Limited
Pag-isipan Natin
Sagutin ang mga tanong gamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad.

Tanong Sagot
Kung hindi kumatha ng maraming pabula si 1.
Aesop, lumaganap pa rin kaya sa buong
mundo ang mga pabula?
Posible bang hindi palayain bilang alipin si 2.
Aesop dahil sa kaniyang kritisismo sa
lipunan?

Sa iyong palagay, sisikat kaya sa buong 3.


mundo ang pabula, kung hindi mga hayop
ang mga tauhan?

Maaari bang mayroon ng mga pabula sa 4.


Pilipinas bago pa man dumating ang mga
dayuhan?

Sa tingin mo, paano pa mahihikayat ang 5.


mga kabataan ngayon na bumasa ng mga
pabula?

Posible bang iisa lang ang mataba at payat 6.


na usa?

Sa tingin mo, bakit umiiyak ang mag-inang 7.


Mapiya a Balowa nang hiwain nila ang
laman ng matabang usa?

19
Copyright © 2018 Quipper Limited
Kung hindi pinairal ng mag-inang Marata a 8.
Balowa ang kasakiman, bibigyan ba sila ng
laman ng payat na usa?

Posible bang mabuo muli ang katawan ng 9.


isang hayop na hiniwa na ang mga laman?

Maliban sa isinalaysay na wakas ng pabula, 10.


ano pa ang maaaring maging wakas nito?

Aralin 4
Pagpapahayag ng Damdamin at Saloobin

Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaaasahang naipahahayag nang
pasulat ang damdamin at saloobin tungkol sa paggamit ng mga hayop bilang mga
tauhang nagsasalita at kumikilos na parang tao o vice versa.

Pag-aralan Natin

Likas sa tao ang magpahayag ng kaniyang naiisip at nadarama. Mayroon nga lamang
kani-kaniyang paraan ang bawat tao kung paano niya ito sasabihin, sapagkat mayroong
kani-kaniyang kakanyahan o katangian sa pagsasalita. Ngunit, anuman ang kakanyahan
sa pagsasalita, ang mahalaga ay masabi nang tama ang nadarama.

20
Copyright © 2018 Quipper Limited
Isa-isahin natin ang mga paraan sa pagpapahayag ng damdamin at saloobin.

1. Mga pangungusap na nagpapahayag ng matinding damdamin


May mga pagkakataong ang mga pangungusap na ating nababanggit ay punumpuno
ng damdamin, ginagamitan natin ito ng panandang padamdam.

Halimbawa:
“Hindi! Papatayin pa rin kita payat na usa.”

 Matinding galit ang mababakas sa pahayag na ito, sapagkat bakas sa pahayag


ang matinding damdamin.

2. Mga sambitla
Ang sambitla ay isang salita lamang na sa tuwing binibigkas ay talagang naglalaman
ng matinding damdamin. Ito rin ay ginagamitan ng panandang padamdam.

Halimbawa:
“Aray! Maawa kayo sa akin.”

 Ang sambitla sa pangungusap ay ang aray. Masasabing sapat na ang nasabing


sambitla upang maunawaan natin kung ano ang nadarama ng payat na usa nang
sandaling iyon.

3. Tiyak na damdamin at saloobin


Hindi lamang laging pangungusap na may panandang padamdam ang pahayag na
nagsasaad ng damdamin, sapagkat maraming damdaming nadarama ang tao, at may
sariling paraan kung paano ipahayag ang bawat isa.

Halimbawa:
Nalulungkot: “Wala na tayong pagkain, kailangan nating magtungo sa kagubatan
para maghanap ng ligaw na hayop.”
Nasisiyahan: “Sapat na ang karneng ito para sa kailangan natin.”
Nagtataka: “Bakit kaya wala pa tayong nakikitang ligaw na hayop?”
Nagagalit: “Wala kayong awang mag-ina! Hindi pa sapat sa inyo ang tapyasin ang
aking payat na kalamnan, nais nyo pa akong patayin!”
Nagpapasalamat: “Maraming salamat sa inyo, nabawasan na rin ang kalamnan ko.
Magaan na ang aking katawan.”
Sumasang-ayon: “Sige, tapyasin pa rin natin ang kalamnan ng payat na usang
iyan.” 21
Copyright © 2018 Quipper Limited
 Bawat halimbawang pahayag ay naglalaman ng tiyak na damdamin at saloobin ng
nagsasalita. Sadyang kung ano ang nadarama o naisasaloob ay siya rin mismong
sinasabi ng bibig.

4. Nagpapahiwatig
Ang pahayag na ito ay hindi tahasang ipinababatid ang nadarama o naisasaloob.

Halimbawa:
“Ibalik mo na lamang iyan sa inyong bahay. Magkakaroon din kami ng ganyan.”

 Hindi tahasang sinabi ng nagsasalita ang nadaramang pagkainggit. Sa halip ay


ipinahiwatig lamang ito sa paraan ng kaniyang pagpapahayag.

Ang pagpapahayag ng damdamin at saloobin ay nagpapanatili ng ugnayan natin sa ating


kapwa. Mabisa rin itong paraan upang maipabatid natin ang ating mga opinyon tungkol sa
maraming bagay.

Sagutin Natin
1. Ano ang mga paraan sa pagpapahayag ng damdamin at saloobin?
2. Ano ang halimbawa ng sambitlang naglalaman ng matinding damdamin?

Subukan Natin
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang kahalagahan ng pagpapahayag ng damdamin at saloobin?


2. Anong paraan ang maaaring magamit, kung ayaw ng nagsasalita na tiyakin sa
kausap ang mensahe ng kaniyang pahayag?
22
Copyright © 2018 Quipper Limited
Isaisip Natin
Paano mo masasabi ang iyong tunay na nadarama o saloobin nang hindi mo masasaktan
ang damdamin ng kausap, maliban pa sa pagpapahiwatig?

Pag-isipan Natin
A. Tukuyin ang damdamin o saloobin ng tauhang nagpahayag ng sumusunod. Bilugan
ang titik ng angkop na sagot.

1. "Hoy, Kalapati. Lalaban ka ba sa akin sa pabilisan ng paglipad?" tanong ni Agila. (Ang


Agila at Ang Kalapati)
a. naduduwag
b. nagyayabang
c. naiinip
d. nanghahamon

2. "Ma... maawa kayo, ginoong lobo. Huwag sana ninyo akong kainin. Mabait na bata
po ako," sabi ng bata. (Ang Bata at Ang Lobo)
a. natatakot
b. naiiyak
c. nagmamakaawa
d. kinakabahan
3. "Aruy ko! Aruy ko! Natinik ng matulis at kinakalawang na bakal ang kanang paa ko,”
palahaw na iyak ng Asno. (Ang Asno at Ang Lobo)
a. nagmamakaawa
b. nahihiya
c. naiiyak
d. nasaktan

4. "Kung naging handa lang sana ang aso," malungkot na pagsang-ayon ng lobo. (Ang
Baboydamo at Ang Lobo)
a. naaawa
b. nagsisisi
c. nanghihinayang
23
Copyright © 2018 Quipper Limited
d. nagagalit

5. "Gintong itlog!" tuwang-tuwang nagsisisigaw ang matanda. "Nangingitlog ng ginto


ang Gansa ko! Gintong itlog! Gintong itlog!" (Ang Inahing Manok)
a. tuwang-tuwa
b. nanghihinayang
c. nagdiriwang
d. masaya

6. "Napakalayo ng lugar mo. Nagutom ako sa pagod. Kumain na tayo," ani Dagang
Bayan. (Si Dagang Bayan at si Dagang Bukid)
a. nag-aalala
b. nagagalit
c. naiirita
d. napapagod

7. "Pagkarami-raming peras! Lahat ng peras ay akin. Wala akong ititira sa iyo," bulong
ni Alamid sa sarili. (Ang Tsonggo at Ang Alamid)
a. tuwang-tuwa
b. nanlalamang
c. nagtatago
d. nag-aalala

8. "Di sumige ka! Bakit kailangang magpaalam ka pa?" sigaw ng bakang malapad na
ikinatakot ng langaw na mabilis pa sa alas kuwatrong lumipad.
a. naiirita
b. nagagalit
c. natatakot
d. natutuwa

9. “Ikaw na lang, kaibigang tipaklong,” sagot ni langgam. “Gaya nang sinabi ko sa iyo,
habang maganda ang panahon, ako ay maghahanap ng pagkain. Ito'y aking iipunin
para ako ay may makain pagsumama ang panahon.” (Si Langgam at Tipaklong)
a. nagpapaliwanag
b. nagtitiis
c. nalulungkot
d. tumatanggi

10. “Matigas ang ulo! Hala, lantakan mo uli!” ang makapangyarihang utos ni lakan
Lumatay. (Bakit Dala-dala ni Pagong ang Kaniyang Bahay)
a. naiirita
24
Copyright © 2018 Quipper Limited
b. nagagalit
c. nagmamalaki
d. nananakot

B. Sumulat ng isang talata na naglalaman ng iyong damdamin at saloobin tungkol sa


paggamit ng mga hayop bilang mga tauhan ng pabula.

Gawin Natin
Kumatha ng sariling pabula. Gumamit ng mga panlaping makauri sa paglalarawan ng mga
tauhan at pangyayari. Gamitan din ito ng mga pahayag na naglalahad ng posibilidad at
damdamin o saloobin.

Rubrik sa Pagtataya
Kategory Higit na Nakamit Bahagya Hindi Kinakaila Marka
a Inaasaha ang ng Nakamit ngan
n Inaasaha Nakamit ang pang
n ang Inaasaha Pagbutihi
Inaasaha n n
(5) (4) n (2)
(3) (1)
Panimula Nakapang Nakalahad May isang May 2 o Ayusin ang
hihikayat sa elemento higit pang kabuaan.
ang panimula ang hindi elemento
panimula. ang mga nailahad at ang hindi
Malinaw tauhan, nailarawan nailahad at
na tagpuan, sa nailarawan
nakalahad saglit na panimula. sa
ang mga kasiglahan panimula.
tauhan, , at
tagpuan, suliranin
25
Copyright © 2018 Quipper Limited
saglit na nang may
kasiglahan paglalaraw
, at an.
suliranin
nang may
paglalaraw
an.
Katawan Makabuluh Bawat May Hindi Ayusin ang
an ang pangyayari kakulanga nalinang kabuaan.
bawat ay may n sa mga ang mga
pangyayari sapat na elemento elemento
dahil sa detalye ng at at
husay ng mga pangyayari pangyayari
pagkukuw elemento. . sa pabula.
ento at
pag-
uugnay ng
mga ito.
Naipahaya
g ang
kasukdula
n at
kakalasan
ng pabula.
Wakas Angkop Angkop Angkop Hindi Ayusin ang
ang wakas ang wakas ang wakas angkop kabuuan.
ng ng ng ang wakas
kuwento at kuwento at kuwento ng
naipakita naipakita ngunit kuwento
ang naging ang naging hindi at hindi
solusyon solusyon naipakita naipakita
sa sa at ang naging
suliranin suliranin naipahaya solusyon
nang may nang may g nang sa
kompleton sapat na maayos suliranin.
g detalye. detalye. ang naging
solusyon
sa
suliranin.
Organisa Lohikal at Naipakita Lohikal Walang Ayusin ang
syon ng mahusay ang pag- ang patunay kabuuan.
26
Copyright © 2018 Quipper Limited
mga ang unlad ng pagkakaay na
Pangyaya pagkakasu mga os ng mga organisado
ri nud-sunod pangyayari pangyayari ang
ng mga subalit subalit ang pagkakala
pangyayari hindi mga ideya had ng
; gumamit makinis ay hindi pabula.
din ng ang ganap na
mga pagkakala nalinang.
transisyun had.
al na
pantulong
tungo sa
kalinawan
ng mga
pangyayari
.
Mekaniks Walang Halos Maraming Napakara Ayusin ang
pagkakam walang pagkakam mi at kabuuan.
ali sa mga pagkakam ali sa mga nakagugul
bantas, ali sa mga bantas, o ang mga
kapitalisas bantas, kapitalisas pagkakam
yon at kapitalisas yon at ali sa mga
pagbabayb yon at pagbabayb bantas,
ay. pagbabayb ay. kapitalisas
ay. yon at
pagbabayb
ay.
Kabuoang puntos: /25

27
Copyright © 2018 Quipper Limited
Paglalagom

Ang pabula ay sadyang mabisang lunsaran o hanguan ng pagtalakay ng mahahalagang


aral sa buhay. Puno ito ng mga kaisipang maaaring gawing gabay kung paano
makikitungo sa kapwa at buong lipunan.

Mga panlaping makauri Mga ekspresyong Paraan sa pagpapahayag


nagpapahayag ng ng damdamin at saloobin
1. ma- posibilidad
2. maka- 1. Pangungusap na
1. Tila nagpapahayag ng
3. mala- 2. Baka matinding damdamin
4. mapag- 3. Maaari 2. Sambitla
5. mapang- 4. Marahil 3. Tiyak na damdamin at
6. pala- 5. Siguro saloobin
6. Sa palagay ko… 4. Nagpapahiwatig
7. Posible kayang…
8. Puwede kayang…
9. May posibilidad bang…

28
Copyright © 2018 Quipper Limited
Dapat Tandaan
 Ang pabula o fable sa Ingles ay maiikling babasahing bunga ng
mayamang imahinasyon. Ito ay ginagampanan ng mga hayop na may
pag-iisip, pag-uugali, at damdaming gaya ng mga tao.
 Panlaping makauri ang tawag sa mga panlaping ikinakabit sa mga
salitang naglalarawan o pang-uri. Nagkakaroon ito ng kahulugan sa
tuwing isinasama sa salitang-ugat.
 Ang posibilidad ay mga bagay o pangyayaring walang katiyakan kung
magaganap o hindi. Maaari ding sagot sa mga tanong na maaaring tama
o mali, o kaya ay oo o hindi.
 Ang mga paraan sa pagpapahayag ng damdamin at saloobin ay ang
paggamit ng pangungusap na nagpapahayag ng matinding damdamin,
mga sambitla, mga tiyak na damdamin at saloobin, at
nagpapahiwatig.

Pagyamanin Natin

Ang sumusunod na mga video links ay maaaring panoorin para sa karagdagang


impormasyon at malalim na talakayan.

 Daig Kayo ng Lola Ko: Ang Suwerteng Dala ng Gansa


https://www.youtube.com/watch?v=R8Vhsx0e6Zo
 How to Stop Being Selfish / Life Advice (Think Positive)
https://www.youtube.com/watch?v=KBFzFU73b_4

29
Copyright © 2018 Quipper Limited
Susi sa Pagwawasto
Aralin 1: Ang Pabula

Subukan Natin
1. Bagama't sumibol na ang pabula bago pa man ito pinatanyag ng Griyegong si Aesop,
nagsimula ito sa pagkukuwento. Nagpasalin-salin ito sa bawat henerasyon hanggang
sa naisatitik ito.

2. Tinaguriang "Ama ng Pabula" si Aesop bilang parangal sa kaniyang naging


kontribusyon sa panitikang Griyego. Ipinakita niya ang angking talino, katapatan, at
kasipagan sa kabila ng pagiging alipin. Ginamit niya ang pabula bilang daan upang
magpahayag ng saloobin ukol sa lipunang kinabibilangan niya.

Isaisip Natin
Makatutulong ang pabula sa pag-unlad ng aking pagkatao sa pamamagitan ng mga
gintong aral na matutuhan at isasabuhay mula rito.

Aralin 2: Kahulugan ng Salita: Gamit ng Panlapi

Subukan Natin
1. Dahil sa mga panlapi ay nagkakaroon ng ibang kahulugan ang isang salita.

2. Nabubuo ang mga salitang naglalarawan o pang-uri. Nagkakaroon ang mga salitang-
ugat ng kahulugang naglalarawan sa tuwing isinasama sa salitang-ugat.

Isaisip Natin
Sa tulong ng mga panlaping makauri, mas nagiging malinaw ang kahulugan ng
salitang naglalarawan. Nagagamit ito upang ilarawan nang wasto ang isang
pangngalan o panghalip sa pagpapahayag, pasalita man o pasulat.

Aralin 3: Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Posibilidad

Subukan Natin
1. Walang katiyakan ang isang mensahe ng isang pahayag na ginamitan ng
ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad. Maaaring mangyari o hindi, maaaring oo
o hindi, at maaaring tama o hindi.
30
Copyright © 2018 Quipper Limited
2. Wala ring katiyakan ang pahayag na naghihinuha. Ang paghihinuha ay gumagamit
din ng mga ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad.

Isaisip Natin
Mas nakabubuting nagsasaad lamang ng posibilidad ang ating mga ipinapahayag
upang ilahad ang maaaring kinahinatnan ng isang pangyayari at hindi rin makasakit
ng damdamin ng kausap.

Aralin 4: Pagpapahayag ng Damdamin at Saloobin

Subukan Natin
1. Ang pagpapahayag ng damdamin at saloobin ay nagpapanatili ng ugnayan natin sa
ating kapwa. Mabisa rin itong paraan upang maipabatid natin ang ating mga opinyon
tungkol sa maraming bagay.

2. Isang paraan upang hindi maging hantad ang tunay na damdamin at saloobin sa
pahayag na sasabihin ay ang paraang pagpapahiwatig.

Isaisip Natin
Masasabi ang iyong tunay na nadarama o saloobin nang hindi mo masasaktan ang
damdamin ng kausap, maliban pa sa pagpapahiwatig, sa pamamagitan ng pagtingin
sa mga mata ng kausap at sinserong pagpahayag. Ang pagiging tapat at totoo sa
damdamin o saloobin ay mas mainam kaysa ito ay kimkimin.

Sanggunian
Antonio, Lilia D., et. al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Quezon City: C &
E Publishing, Inc. 2008

Eugenio, Damiana. Philippine Folk Literature: The Folktales. U.P. Diliman:


University of the Philippines Press. 1989

Gonzales-Garcia, Lydia. Makabagong Gramar ng Filipino. Sampaloc, Maynila: Rex


Book Store, Inc. 2000

Jocson, Magdalena O., et al. Hiyas ng Lahi 7. Quezon City: Vibal Publishing
House, Inc. 2013 31
Copyright © 2018 Quipper Limited
Lazarito-Hufana, Nina Nerissa, Ph.D., at Claribel Diaz-Bartolome, Ph.D. Mga Piling
Kuwentong-Bayan ng mga Maguindanaoan at Maranao. Marawi City: University
Book Center, Mindanao State University. 2001

32
Copyright © 2018 Quipper Limited

You might also like