Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

FILIPINO 9

I. Tukuyin ang mga tauhang isinasaad sa bawat aytem.

_____________ 1. Siya ay iskolar na nagsisilbing tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San


Diego. Noong kaniyang kabataan, pinagbawalan siyang mag-aral sa takot na bakâ makalimot sa
Diyos dahil sa taglay na talino

._____________ 2. Matapat siyang kaibigan ni Don Rafael Ibarra; siya rin ang tenyente ng guardia
civil na nagkuwento kay Crisostomo ng totoong sinapit ng kaniyang ama.

_____________ 3. Nag-aral siya sa Europa at nangarap makapagpatayô ng paaralan; kababata rin


siya ni Maria Clara.

_____________ 4. Siya ang ama ni Crisostomo Ibarra. Nakainggitan nang labis ni Padre Damaso
dahil sa yaman kung kayâ pinaratangang erehe ng pamahalaan.

_____________ 5. Siya ang piloto/bangkero at magsasakang tumulong kay Crisostomo upang


makilala ang kaniyang bayan.

_____________ 6. Siya ang kapatid ni Basilio na kasama niya sa pagkakalembang ng kampana sa


simbahan ng San Diego.

_____________ 7. Siya ang mayamang mangangalakal na taga-Binondo na asawa ni Pia Alba at


itinuring na ama ni Maria Clara.

_____________ 8. Kasintahan siya ni Crisostomo Ibarra. Lumaki siya sa kumbento at nagkaroon ng


edukasyong nakasalig sa doktrina ng relihiyon. Siya ay maganda, masunurin, at mapagpakasakit
ngunit may matatag na kalooban.

_____________ 9. Siya ang kurang pumalit kay Padre Damaso sa San Diego.

_____________ 10. Siya ang panganay na anak ni Sisa.

_____________ 11. Siya ang kurang Pransiskano na dating kura ng San Diego at siya ring
nagpahukay at nagpalipat sa bangkay ni Don Rafael Ibarra sa libingan ng mga Tsino.

_____________ 12. Mapagmahal siyang ina nina Basilio at Crispin na may asawang pabaya at
malupit.

_____________ 13. Siya ay isang babaeng punông-punô ng kolorete sa mukha dahil sa


pagpapanggap bilang isang mestisang Espanyol; mahilig magsalita ng Espanyol bagaman ito ay laging
mali.

_____________ 14. Hipag siya ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.

_____________ 15. Siya ang puno ng mga guardia civil at siya ring mahigpit na kaagaw ng kura sa
kapangyarihan sa San Diego.
II. Isulat sa patlang kung Tama o Mali ang pahayag sa bawat bilang.

_____________ 16. Bago siya mamatay, isinulat ni Rizal ang Mi Último Adiós (Ang Huling Paalam)
upang magpamulat sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan.

_____________ 17. Pinamagatang El Filibusterismo ang sumunod na nobela ni Rizal matapos ang
Noli Me Tangere.

_____________ 18. Salitang Latin ang Noli Me Tangere na nangangahulugang “Huwag mo akong
salingin.”

_____________ 19. Taóng 2006, naibilang sa Penguin Classics ang nobelang Noli Me Tangere ni Jose
Rizal.

_____________ 20 Pangunahing tagpuan sa nobelang Noli Me Tangere ang bayan ng San Ildefonso.

_____________ 21. Indio ang taguri sa mga indibidwal na ipinadala ng kani-kanilang mga magulang
upang makapag-aral sa Europa.

_____________ 22. Itinuturing na ikatlong nobela ni Rizal ang Makabayan na sinimulan niyang isulat
bilang kasunod ng El Filibusterismo sa Hong Kong noong 1892.

_____________ 23. Ang foreshadowing ay estilo sa pagkukuwento na nagmamarka ng posibilidad


ng higit pang inter-aksiyon at ugnayan sa isang akda.

_____________ 24. Sinasabing isa sa mga nakaimpluwensiya kay Rizal na talakayin ang pagkaapi ng
bansa ay ang nangyaring paggarote sa tatlong paring martir na sina Padre Gomes, Burgos, at
Zamora.

_____________ 25. Ang Noli Me Tangere ay isang akdang pampanitikang tinatawag na epiko.

_____________ 26. Ang kapitan heneral o gobernador heneral ang pinili ng hari ng Espanya upang
maging kinatawan ng Pilipinas. Taglay niya ang kapangyarihang ehekutibo, lehislatura, at hudikatura.

_____________ 27. Ang mga magulang ni Rizal ay sina Francisco Mercado at Melchora Aquino.

_____________ 28. Ang sabong ay isa sa mga pinakamatandang uri ng sugal.

_____________ 29. Isinulat ni Rizal ang Huling Paalam sa mga huling araw niya sa Fort Santiago
bago siya binaril sa Bagumbayan.

_____________ 30. Ang dulang “Sa Tabi ng Ilog Pasig” (Junta Al Pasig) ay isinulat ni Rizal para sa
velada—isang pagtitipong pinamumunuan ng mga paring Heswita sa Unibersidad ng Santo Tomas.
III. Tukuyin sa hanay B ang kahulugan ng mga simbolong ginamit ni Rizal sa pabalat ng Noli Me
Tangere na nasa hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

A B

______ 31. Dahon ng laurel a. Bagong pagsisimula

______ 32. Inang Bayan b. Huwag Mo Akong Salingin

______ 33. Kadena c. Kabataang pag-asa ng bayan

______34. Kawayan d. Katalinuhan

______ 35. Krus e. Kawalan ng kalayaan

______ 36. Paa ng prayle f. Kristiyanismo

______ 37. Pamagat ng nobela g. Nagpapatakbo sa bayan

______ 38. Sulo h. Pagmamalupit ng mga kolonyal

______ 39. Sunflower i. Pilipinong sunud-sunuran

______ 40. Sombrero j. Pinaghandugan ng akda

IV. Hanapin sa kahon ang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang titik ng wastong sagot sa
patlang.
Pagkakakilanlan Pangalan Kinatawan sa Tunay na Buhay

____41. Asawa ng alperes

____42. Malupit na kura paroko

____43. Inilalarawang pantas at baliw

____44. Anak na pinag-aral sa Europa

____45. Mapagmahal na ina at nabaliw _

___46. Magandang kasintahan ni Ibarra

____47. Bangkero at nagligtas kay Ibarra

____48. Asawa ng isang huwad na doktor

____49. Prayle ng San Diego

____50. Pinaka-makapangyarihang opisyal ng Espanya

____51. Pinsan ni Rizal na si Leonor Ibarra

____52. Kabataang may kolonyal na kaisipan

____53. Pilipinong mapagpanggap na dayuhan


____54. Taong mapagsamantala sa kahinaan ng kapwa

____55. Mamamayang ipinaglalaban ang prinsipyo

____56. Nakatatandang kapatid na laging nagpapayo

____57. Mga babaeng ambisyosa at masamang ugali

____58. Mga babaeng mahihina at biktima ng kalupitan

____59. Mataas na opisyal ng Hukbong Sandatahan

____60. Masamang prayle na pinatay ng mga rebolusyunary

IV. Tukuyin ang isinasaad sa mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang titik ng wastong sagot sa
patlang.

61. Batay sa inaasam na makamit ni Elias para sa bansa ay naipahayag niyang “Mamamatay akong
di man nakita ang maningning na pagbubukang-liwayway sa aking bayan.” Ang may salungguhit na
salita ay nangangahulugang ______.

a. pagsikat ng araw c. paglaya ng bansa

b. pagbabago ng mamamayan d. pag-unlad ng Pilipinas

62. “Ang bayan ay hindi pa dumadaing sapagkat siya’y piping tagasunod, hindi kumikilos sapagkat
nahihimlay.” Ipinapahiwatig na ang mga Pilipino ay _____.

a. natatakot b. masunurin c. umiiwas sa gulo d. walang pakialam

63. “Ang isang tao ay di makakaiwas sa mga pangyayaring likha ng panahon, ang kasawian ang nag-
alis sa akin ng piring.” Paano nakaapekto sa buhay ni Crisostomo Ibarra ang kasawian niya sa buhay?

a. Natuklasan niya ang katotohanan.

b. Natuto siyang lumaban sa mga Espanyol.

c. Nagpadala na lamang siya sa sitwasyon.

d. Hindi siya nakaiwas sa lupit ng panahon.

64. Nawika ni Maria Clara “Dapat ko bang unahin dahil sa aking pag-ibig ang dangal ng aking amang
turing o ang banal na pangalan ng aking amang tunay.” Sino ang tinutukoy ng may salungguhit na
salita?

a. Crisostomo Ibarra b. Kapitan Tiago c. Padre Damaso d. Padre Salvi

65. “Ako ay isang pantas ngunit inaakalang matangdang baliw dahil sa aking paniniwala.” Ano ang
kahulugan ng salitang may salungguhit?

a. matalino b. mapagbigay c. mapagmataas d. mapagpanggap


66. Maliban sa pagiging bayani, si Rizal ay isang manggagamot at polyglot. Alin sa mga sumusunod
ang kahulugan ng nakasalungguhit na salita?

a. Maraming alam na wika c. Maalam sa kultura ng isang bansa

b. Maraming bansang nalakbay d. Maraming koleksyon ng mga larawan

67. Layunin ni Rizal na palaganapin ang nasyonalismo sa ating bansa. Anong ibig na pinapalitaw ni
Rizal sa mga Pilipino?

a. Pagmamahal sa bayan c. Pagmamalasakit at pagdadamayan

b. Pagtangkilik ng sariling atin d. Pagkilos ng bayan tungo sa pag-unlad

68. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga naging dahilan ng pag-aaral ni Rizal sa ibang
bansa?

a. Magamot ang kaniyang inang may katarata

b. Makakuha ng libreng pag-aaral sa Espanya

c. Inudyukan ng mga kamag-anak at kaibigan

d. Pagkadismaya sa sistema ng edukasyon sa bansa

69. Pinili ni Rizal na gumamit ng panulat sa pagtatanggol sa ating bayan. Paano ito isinakatuparan ng
ating bayani?

a. Isinulat niya ang nobela at pinalaganap sa bansa.

b. Pinagtanggol niya ang kaniyang pamilya laban sa Espanyol.

c. Inudyukan niya ang mga kasama na maghimagsik sa Pilipinas.

d. Tinapos ang pag-aaral, bumalik sa Pilipinas, at hinabla ang mga Espanyol.

70. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa layunin ni Rizal sa pagsulat ng nobela?

a. Maghimagsik sa dayuhan c. Palaganapin ang diwang nasyonalismo

b. Magkaroon ng pagkakaisa d. Gisingin ang damdamin ng mga Pilipinas

You might also like