Kabanata 28

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

KABANATA 28: ISANG SULAT

Ipinakita sa simula ng kabanata na mayroong isang malaking pahayagan mula sa lugar na Maynila na
naglathala tungkol sa naging pista sa bayan ng San Diego. Sinabi mula sa pahayagan na ito na maraming
mga pari ang pumunta mula sa mga iba’t ibang lugar upang makadalo lamang sa pista ng San Diego isa
na rito ay si Padre Sibyla. Ayon din dito ay nagpatayo ng isang malaking entablado upang magamit ng
mga artistang Kastila para sa kanilang dulang gagawin. Pagkatapos ng dulaan ay inihandugan ni Kapitan
Tiyago ang mga Padre at mga ibang kilalang kastila ng hapunan sinabi ng mga ibang Padre at Kastila na
sila ay nagulat o napapalakpak sa dahil sa iginawang pagtugtog ng kaniyang anak na si Maria Clara ng
piyano at ang angking nitong galing sa musika ayon din sakanila ay nanghihinayang ang mga ito dahil
ngayon lamang na diskubre ng mga mamamayan sa San Diego ang talento na mayroon ang isang
napakaganda at napakayaman na si Maria Clara. Ngunit hanggang matapos ang pista ng San Diego ay
hindi na mataan si Ginoong Ibarra, sinubukan itong hanapin o abangan ng mga ibang mga mamamayan
sa San Diego ngunit ayon sa mga balita ang naging rason ng hindi pagsipot ni Ginoong Ibarra ay dahil
hindi Maganda ang kaniyang pakiramdam. Ang sumunod na nangyari ay si Luis Chiquito ay nakatanggap
ng isang liham mula sa kaniyang kaibigan na si Martin Aristorenas at ang nakalagay sa liham na ito ay
inaanyayahan niya itong pumunta o dumalo sa nangyayaring pista sa San Diego upang makausap din nito
ang batiking tahur at sina Kapitan Tiyago at iba pa nitong mga nais makausap. Ikinuwento rin nito ang
kung ano ang mga nagiging kaganapan sa bayan ng San Diego kabilang na rito ay ang tungkol kay
Ginoong Ibarra at si Maria Clara na ayon sa sulat ay hinihintay nila Martin na ipakilala ni Kapitan Tiyago
ang magiging manugang nito ay ang magiging asawa ni Maria Clara, ngunit ayon din sakaniya ay tulad ito
ng yumaong ama ni Ginoong Ibarra na hindi sumisipot. Pagkatapos nito ay nakatanggap din si Ginoong
Ibarra ng isang liham na galing sa kaniyang minamahal na si Maria Clara na binigay sa kaniya ni Andeng.
Ayon dito ang nakalagay sa liham ay nag-aalala ito sa kalagayan ni Ginoong Ibarra dahil alam nga ni Maria
Clara na hindi maayos ang nararamdaman ng Ginoo kung kaya’t sinabi nito na ipagdadasal niya na sana
ay gumaling na ang kalagayan ng Ginoo at sinabi niya na nais niya na makita ang binata dahil kung hindi
ay hindi raw sisipot si Maria Clara sa seremonya bago nito tinapos ang liham. Ang pag-aaral na makukuha
mula sa kabanatang ito ay kung paano natin dapat inaasikaso ang mga taong mahal natin. Dahil tulad nila
Maria Clara kahit na malayo sila sa isa’t isa ay sinusubukan niya paring sumulat ng mga liham kay
Ginoong Ibarra upang malaman ang kalagayan nito at kung paano nito dapat alagaan ang kaniyang sarili
upang mas bumilis ang kaniyang paggaling.
KABANATA 29: KINAUMAGAHAN

Sa simula ng kabanata na ito ay hindi pa rin na tatapos ang mga kaganapan sa pista ng San Diego at mas
maaga nagpapatugtog pa rin sila ng mga musiko. Sa pista ng San Diego ang mga mamamayan dito ay
inilabas at isinuot ang kanilang mga magagarbong damit at ang mga iba namang manunugal ay bumili pa
ng mga maaari nilang maisuot na kamisa upang mas maging presentable. Ngunit ang hindi lamang
gumawa nito ay si Pilosopong Tasyo tinanong ito ni Don Filipino Lino kung bakit ganoon pa rin ang
kaniyang soot at kung ayaw ba nitong mag-saya kahit nagyon lamang. Ngunit agad naman itong sinagot
ni Pilosopong Tasyo na maaari pa rin tayong mag-saya nang hindi kinakailangan gumastos ng malaking
salapi para lamang makabili ng mga mamahaling gamit o mga kadamitan dahil ayon sa kaniya isa lamang
itong pag-aakasya ng salapi. Sinagot naman ito ni Don Fiipo na wala itong magagawa dahil hindi niya
maaaring suwayin ang kura. Sa may simbahan naman ng San Diego ay madaming mga mamamayan ang
nagkukumpulan dahil sa banda ng musiko. Ikawalo at kalahati ng masimulan ang prosisyon idinaan ito sa
ilalim ng tolda at sumunod ay inilawan nito ang mga matatandang kasapi sa kapatiran ni San Francisco.
Ang karo ni San Diego Alcala ay nakatatangi makikita rito na sa ilalim ng palyo ay makikita si Padre Salvi
kasya kay Padre Sibyla. Tumigil ang karo sa tapat ng bahay nila Kapitan Tiyago at makikita na nakadungaw
rito sina Kapitan Tiyago, Maria Clara, Ibarra, at ang iba pang mga kastila kita rin dito na sila a tinitignan ni
Padre Salvi mula sa karo na kaniyang sinasakyan. Ang mga matutuhan mula sa kabanatang ito ay una ang
paggastos ng labis-labis ay isang kabaliwan tama ang sinabi ni Pilosopong Tasyo na kapag nagsasaya o
nais magsaya ng isang tao ay hindi na nito kailangan pang gumastos ng malaking salapi upang maipakita
sa ibang mga tao kung gaano ka kayaman kahit simple lamang ay ayos na lalo na kung nahihirapan kayo
sa pera dahil sa dulo ay pagsisisihan mo rin ito.
KABANATA 30: SA SIMBAHAN

Nagsimula ang kabanata sa loob ng simbahan kung saan makikita na ang mga tao ay nagsisiksikan, nag-
uunahan, at nag-tutulakan upang mauna sa pagsawasaw sa Agua Bendita. So loob ng simbahan ay
napakainit at mayroong masangsang na amoy dahil sa mga pinagpasiwang katawan ng mga
mamamayang nagsiksikan upang makapasok sa loob ng simbahan kinakilangan nilang makinig at tapusin
ang mga sermon ng pari dahil sa halagang 250 ang ibinayad sa bayan. Nag-usap ang dalawang
mamamayan na nakikinig sa sermon sinabi ng isa sa kaniyang kausap na napakayaman nito dahil
nagbayad ito ng 250 para lamang makinig ng mga sermon sa pari samantalang maaari niya nalamang
itong ipangbayad sa komedya dahil maaari itong makanood ng buong tatlong araw sa halagang 250. Ang
sinabi naman ng lalaki na isa ay kahit isang libo pa ang kailangang bayadan upang marinig ang sermon ng
pari ay gagawin padin nito dahil kung manonood siya ng komedya ay wala itong matutuhan at maaari pa
itong mapunta sa impiyerno. Kaya para sakaniya na mas mabuti pang ibayad niya ang 250 sa misa dahil
ayon sa kaniyang paniniwala pagginawa niya ito ay maaari pa siyang mapunta sa langit dahil nakinig siya
sa mga sinabi ng paro sa magiging misa. Samantalang sa kabilang banda ay matatagpuan sina Maria
Clara, Ibarra, at Kapitan Tiyago ang upuan ni Maria Clara ay nakareserba lamang para sakaniya na
malapit sa altar mayor habang sina Ginoong Ibarra at Kapitan Tiyago ay nakaupo sa ikalawang hanay ng
mga upuan kasama ang iba pang makakapangyarihan. Nang magsimula na ang misa ay nagsitayo ang
lahat at inabangan ang pag pasok ni Padre Damaso upang marinig ang kaniyang mga sermon. Pumasok si
Padre Damaso kasama ang isang prayleng may hawak ng kwadero at bago ito magsimula sa kaniyang
sermon ay inilibot niya muna ang kaniyang mga mata sa loob ng simbahan upang makita kung sino ang
mga mamamayan na dumalo sa kaniyang isasagawang misa. Nang makita nito si Ginoong Ibarra ay
kinindatan niya ito at ng makita rin nito si Ginoong Martin na nagsermon kahapon ay tinitigan niya ito ng
isang titig na mapanlait bago iniutos sa prayle na buksan ang hawak nitong kwaderno. Ang makukuha
nating aral sa kabanatang ito ay merong mga taong hindi kaya pigilan ang kanilang mga sarili tulad ni
Padre Damaso na hindi napigilan ang kaniyang sarili dahil galit ito kay Ibarra at Martin kung kaya’t hindi
niya napigilan na bigyan ito ng pansin kahit alam niyang nasa harapan ito ng maraming tao. Ang
kailangan natin gawin sa mga sitwasyon na ito ay huwag na lamang pumatos tulad ng ginawa nila Ibarra
at Martin upang hindi makagawa ng gulo pa.
KABANATA 31: ANG SERMON

Ang simula ng kabanata na ito ay nagsimula si Padre Damaso sa pages-sermon sa kaniyang misa at
kitang-kita nito na nakatuon ang atensyon ng buong mga tao sa simbahan sa kaniya at sa kaniyang mga
sinasabi. Namangha rin sina Padre Sibyla at Padre Martin sa magandang pag bwelo ng pari sa kaniyang
mga sinasabi sa misa. Ayon sa sermon ni Padre Damaso na ang salita ng Diyos ay dapat magkaroon ng
bunga sa bayan na iyon kung kaya’t ito ay hindi dapat itanim sa mabatong lupa. Sa misang iyon ay
nabanggit din siya sa mga taong dapat tinitingala tulad na lamang nila David, Roland, at ang mga
gwardiyang sibil sa kalangitan. Ang mga sermon ni Padre Damaso sa wikang Kastila ay hindi naiintindihan
ng mga ibang Indio tanging ang mga makakapangyarihan lamang o mga may pinag-aralan ang
nakaiintindi sa mga kung ano ang sinasabi ng Padre. Kita rin sa loob ng simbahan na maraming mga
mamamayan ang pagod o inaantok na dahil ang mga ito ay hindi napipigilan ang kanilang mga sarili sa
patuloy na paghikab kahit si Kapitan Tiyago ay hindi na niya napipigilan ang kaniyang sarili sa paghikap
habang si Maria Clara naman ay patuloy na sinusulyapan si Ginoong Ibarra mula sa kaniyang upuan.
Hindi na ulit napigilan ni Padre Damaso at nagparinig ito kay Ibarra habang siya ay nag sesermon dahil
may galit ito sa binata dinagdag pa ng Padre na ang mga anak ng erehe ay bastos at walang galang.
Ngunit hindi nahalata ng mga tao sa loob ng simbahan ay nakapasok na si Elias at agad itong lumapit kay
Ginoong Ibarra upang may sabihin binalaan siya nito na mag-iingat sa seremonya ng pagbasbas na
gaganapin kinabukasan ayon pa sa kaniya ay huawag itong sa pundasyong bato dahil maaari niya itong
ikamatay pagtapos ay bigla nalamang nawala ang binata bago pa ito magsalita. Ang pag-aaral na maari
nating makuha mula sa kabanatang ito ay kung gaano kahalaga ang salita ngg Diyos at dapat natin itong
isapuso at gawin huwag lang natin siyang ilabas sa ating utak dapat isipin natin ang mga bawat salita at
payo saatin ng Diyos at sunod ay gawin ito dahil mas dadalhin tayo nito sa mas maayos at malinaw na
daanan para sa ating buhay.
KABANATA 32: ANG PANGHUGOS

Nagsimula ang kabanata na ito ay nagsimula sa isang taong madilaw na nagtayo ng isang makinarya na
nagbababa at nagtataas ng mabibigat na bagay gaya ng bato at bakal ayon din sakaniya ay si Don
Saturnino na ang lol ani Ginoong Ibarra ay nagturo sakaniya kung paano gamitin ang tinayo nitong
makinarya. Sa kabilang banda naman ay kitang-kita na pinaghahandaan ni Ginoong Ibarra ang pagtayo
ng paaralan na matagal na niyang ninanais na mangyari nagpaluto si Ginoong Ibarra ng mga masasarap
na pagkain para sa mga mamamayang makikilahok. Nagdaos naman ang mga guro ng mga iba’t ibang
palaro katulad na lamang ng palosebo, pabitin, at pukpok sa palayok dahil nais niyang maging masaya
ang araw na ito. Meron ding masayang tugtugan na hatid ng banda at makikita rin ang mga taong
inimbitahan ni Ginoong Ibarra para makita nila ang paaralan na itatayo kasama sa mga kaniyang
inimbitahan ay sina Kapitan Tiyago, Alperes, at si Padre Salvi naroon din ang mga nagagandahang dilag
kung saan pansin na pansin ang kagandahang taglay ni Maria Clara. Ang sumunod na nangyari ay tumigil
na ang tugtog ng banda hudyat nito na magsisimula na ang seremonya , pinalibutan agad ng lahat ang
nakaukang bato. Nang mapatingala si Ginoong Ibarra sa itaas ay nakita niya ang isang madilaw na
lalaking na kita sa kaniyang mukha na ito ay naka ngisi. Biglang kinabahaan at bumilis ang puso ni
Ginoong Ibarra dahil naalala niya ang babala na sinabi sakaniya ni Elias noong isang araw sa loob ng
simbahan ngunit medyo humupa ang kaba nito ng matanaw niya si Elias sa kinaroroonan ng taong
madilaw. Pagkatapos ay nagsimula na magbigay ng sermon si Padre Salvi at mapapansin na ang boses
nito ay nangangatal habang ito ay nagbabasa ipinasok na rin ang kahong kristal sa tinggang bumbong.
Nagsalita ang alkalde na si Ibarra dapat ang maglagay sa ukang bato ngunit tumaggi ang ginoo at
sinabing ang Eskribano na lamang ang gumawa nito at agad naman itong ginawa ng Eskribano.
Pagkatapos ay binendisyonan ito ni Padre Salvi at sunod-sunod ng bumaba sa hagdan ang mga piling
panauhin. Sumunod ay napilitang kunin ni Ibarra ang pala at sa isang iglap ay natanggal ang mga lubid na
humahawak sa malaking bato nagulat ang lahat lalo na ang Ginoo dahil sa paanan ng binata ay may
duguang katawan ng isang madilaw na lalaki at doon nagtapos ang kabanata. Ang pag-aaral na ating
makukuha sa kabanatang ito ay na ang paggamit ng talino sa maling paraan ay walang maidudulot na
kabutihan kahit kanino man. Dahil dapat ang talino na ibinigay saatin o napag-aralan natin ay gamitin
natin sa tama at iwasan ang panglalamang sa mga ibang kapwa natin na hindi nabigyan ng oportunidad
na makapag-aral.
KABANATA 33: MALAYANG PAG-IISIP

Ang simula ng kabanata ay pumunta si Elias sa bahay ni Ginoong Ibarra upang sila ay mag-usap tungkol
sa mga kaaway nito. Ang sabi ni Elias kay Ginoong Ibarra na kahit ang hangad lamang ng Ginoo ay
kabutihan at ang nais tumulong para mas bumuti ang bayan ay dapat pa rin itong mag-ingat dahil
mayroon pa rin itong mga kaaway at hindi sang-ayon sa nais mangyari ng binata. Nasabi rin ni Elias ang
kaniyang pagkakatuklas sa balak na pagpatay ng taong madilaw kay Ginoong Ibarra sa araw ng
pagpapasinaya ng paaralan ang nangyari ay lihim palang sinubaybayan o sinundan ni Elias ang taong
madilaw at doon niya nalaman na ipiniresenta nito ang sarili kay Nol Juan kahit na maliit ang sahod ang
magiging kapalit lamang nito ay ang kaniyang kaalaman. Ang naisip naman ni Ginoong Ibarra ay ito’y
nanghinayang na maagang namatay ang taong madilaw dahil maaari pa sana itong makakuha ng
impormasyon mula sa mga nalalaman ng lalaking iyon. Ngunit si Elias naman ay salungat sa sinabi ni
Ginoong Ibarra dahil ayon sakaniya tiyak niyang makaliligtas sa hukuman ang taong madilaw dahil sa
kabulagan ng hustisya ng bayan. At dito naman napabilib si Ginoong Ibarra kay Elias dahil ang iniisip ng
Ginoo ay ang isipan ni Elias o ang mga paniniwala nito ay kakaiba sa mga mamamayan sa San Diego. Nag-
usap ang dalawa ng mas matagal hanggang napadpad ang usapan ng dalawa sa kanilang paniniwala sa
Diyos na ayon kay Elias hindi nito naiiwasan na mawalan ng tiwala dito hanggang sa nag-patuloy pa rin
ang pag-uusap ng dalawa na tapos ang kanilang pag-uusap sa pamamaalam ni Elias at ang pangako
nitong katapatan na ibibigay niya lamang kay Ginoong Ibarra. Ang makukuha na pag-aaral sa kabanatang
ito ay una ang dalawang tao ay pwedeng maging magkaibigan kahit na magkaiba ang kanilang paniniwala
sa buhay. katulad na lamang nila Ginoong Ibarra at Elias dahil kahit magkaiba ang kanilang paniniwala
tungkol sa Diyos ay nananaig pa rin ang kanilang pagiging magkaibigan ang tanging kanilang pinapairal ay
ang respeto dahil nirerespeto nila ang opinyon at paniniwala ng isa’t isa.
KABANATA 37: ANG KAPITAN HENERAL

Nagsimula ang kabanata sa ipinahanap agad ng Kapitan Heneral si Ginoong Ibarra pagkarating nito dahil
nais nitong kausapin ang binata na nakagalitan ni Padre Damaso nang ito ay lumabas sa kalagitnaan ng
sermon nito. Ang buong akala ng binata ay pagsasabihan ito ng Kapitan Heneral sa kaniyang ginawa
habang nag-sesermon ang Padre ngunit pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay lumabas itong nakangiti.
Dahil ang Kapitan Heneral ay mabuti ang ugali at mayroong panahon basta ito ay usapin tungkol sa
katarungan. Ang sunod na kinausap ng Kapitan Heneral ay ang mga Prayle na sina Padre Sibyla, Padre
Martin, at Padre Salvi kasama ang iba’t iba pang mga Prayle sa kanilang bayan. Nagpakita ng galang ang
mga iyon sa pamamagitan ng pagyuko maliban lamang kay Padre Sibyla samantalan si Padre Salvi naman
ay parang mababali na ang kaniyang likod dahil sa sobrang pagkayuko nabanggit naman ng mga Prayle
na wala si Padre Damaso dahil hindi Maganda ang pakiramdam nito. Ang sumunod naman na nagbigay
galang sa Kapitan Heneral ay sina Kapitan Tiyago at Maria Clara na pinuri agad naman ito ng Kapitan
Heneral dahil sa katapangan na taglay na meron ang dalaga dahil sa paggitna nito sa away ng dalawa nila
Ginoong Ibarra at Padre Damaso, maging ang pagbalik ng hinahon ng binata dahil na rin sakaniya.
Nabanggit din ng Kapitan Heneral na dapat itong gantimpalaan dahil sa kaniyang ginawa ngunit agad
naman itong tinanggihan ng dalaga. Ilang sandali pa lamang ay dumating na si Ginoong Ibarra dahil nais
nitong makausap din ang Kapitan Heneral agad namang binulungan ni Padre Salvi ang Kapitan at sinabi
nito na ang binata ay ekskomulkado ngunit hindi naman ito pinansin ng Kapitan Heneral sa halip ay
ipinaabot na lamang ng Kapitan Heneral ang pangangamusta nito kay Padre Damaso kaya umalis na ang
mga pari at hindi nagustuhan ng mga ito ang sinabi ng Kapitan Heneral. Binati ng binata ang Kapitan at
nagpasalamat sa ginawang pagptatanggol nito sa alaala ng kaniyang ama ayon naman sa Heneral ay
kakausapin niya ang Arsobispo tungkol sa pagiging ekskomulgado ng binata. Samantalang ay napansin
naman ng Heneral ang pagiging balisa ng dalagang si Maria Clara kaya sinabi nito nan ais niyang
makaharap ito bago umalis patungo sa Espanya, ipinaabot naman nito sa Alkalde na Samahan siya sa
paglibot. Sa naging pag-uusap ng Heneral at Ibarra ay mapapansin ng Heneral na kilala ng binata ang
binata ang pamilya ng Heneral sa Espanya at namangha ito sa katalinuhan na meron ang binata. Ang
pag-aaral na ating makukuha mula sa kabanatang ito ay ang pinunong handang makinig sa taong
kaniyang nasasakupan ay kahanga-hanga at dapat tularan. Dahil dapat kapag ikaw ay isang pinuno ng
bayan handa kang pakinggan ang mga saloobin o opinyon ng bawat mamamayan sa kanilang bayan
upang mapanatili ang kapayapaan.

KABANATAA 38: ANG PROSISYON

Nagsimula ang kabanatang ito ng ikinagabihan nagsimula na ang sunod-sunod na ingay ng mga paputok
at sinabayan nito ang pagkalembang ng mga kampana. Itinayo sa tapat ng bahay ng alpares ang isang
kubo kung saan gaganapin ang pabasa sa banal na patron. Nag-inspeksyon din ang Kapitan sa buong
bayan kasama sina Ginoong Ibarra, Kapitan Tiago, at ang Alperes. Ang totoo ay ayaw sanang sumama ni
Ginoong Ibarra sa paglilibot dahil mas nais nitong panoorin ang prosisyon sa balkonahe nina Maria Clara
ngunit wala itong nagawa dahil nahihiya itong tanggihan ang pag-anyaya ng Kapitan Heneral sakaniya.
Tatlong sakristan ang nangunguna sa prosisyon na sinundan naman ng mga estudyante at mga guro.
Kasama rin sa pila ang mga batag may hawak na makukulay na parol. Ang mga gwardiyang sibil naman ay
palakad-lakad lamang habang mahigpit na nagmamasid sa paligid upang mapanatili ang ang kaayusan ng
prusisyon habang nakikita naman ni Pilosopong Tasyo ang mga paputok, bulaklak, parol, at mga kandila
na siyang nagpapaganda sa paligid. Ayon sa matanda na hindi mahalaga kung ano ang mga nakadisenyo
sa paligid kung hindi ang mas importante ay ang mabuting paggawa hindi lamang ang magarbong salita o
mga pananamit. Pagkatapos ay isang batang lalaki naman na may pakpak ang lumabas at sa entablado
upang pasimulan ang pagbasa muli rin namang nag patuloy ang sa pagtugtog ang banda at paglakad ng
prosisyon nang matapat ang karosa ng Birhen sa harap ng bahay nila Kapitan Tiago ay may narinig silang
boses na mala-anghel habang kumakanta at ito pala ay walang iba kung hindi si Maria Clara na
kumakanta ng Ave Maria habang tumutugtog ng piyano. Habang kumakanta ang dalaga ay kitang-kita
mula sa kaniyang ekspresyon na ipinapakita na ito ay malungkot at dinig na dinig ni Ibarra na ang awit na
iginagawa ni Maria Clara ay may halong lungkot at pait. Ang hindi alam ng binata dahil ang buong pokus
nito ay nasa dalagang umaawit ay pinagmamasdan na pala ng Kapitan Heneral ang si Ginoong Ibarra,
sumunod ay niyaya ng Heneral ang binata sa hapagkainan at pinag-usapan nila ang dalawang magkapatid
na nawawala na sina Crispin at Basilio. Ang mga pag-aaral na ating makukuha sa kabanatang ito ay ang
pagiging marahas o ang pagmamalupit sa kapwa ay hindi dapat gawin ng mga namumuno sa
pamahalaan dahil kaya sila binoto ng mga mamamayan dahil sila ay pinagkakatiwalaan ng mga ito at
dapat hindi nila sayangin at dumihan ang tiwala na ibinigay sakanila ng mga mamamayan.

You might also like