Professional Documents
Culture Documents
Angela D
Angela D
Angela D
Pasia
Reaction Paper
Ang buhay ng isang tao ay hindi natin masasabi o madidiktahan kung ano siya at
sino siya sa kanyang nakaraang buhay. Hindi makakaila na babae lang ang
nakakaranas ng pangmomolestya at pang gagahasa dito ay meron din mga lalaki na
nakakaranas ng mga pang aabuso, pangmonolestya at pang gagahasa. Ang aking mga
napanuod ay patungkol sa mga pang aabuso sa kaparehas na kasarian o ang
tinatawag din ito na “Sexual Harrasment” at itong aking napanuod din ay mga
karahasan mga pangbubogbog at ang huli na aking napanuod ay ang tutungkol naman
sa mga LGBTQ na ibig sabihin ay lesbian, gay, bisexual, transgender, and queer.
“Sa kamay ng Dahas” Hindi sagot ang pangbubugbog sa kahit anong problema. Upang
maiwasan ang mga ganitong pangyayari. Maganda na maasksyonan ang ganitong
pangyayari ng pananakit ng kapwa dahil sa ganitong eksena o pangyayari
makakaramdam na sila ng takot at pangngungutya sa kabila ng lahat. Bakit nga ba
patuloy nangyayari ang ganitong karahasan sa ating mundo laban sa mga babae na
wala naman kakayahan lumaban. Dapat lamang sa ganito ay inilalagay sa tamang lugar
ang mga masasamang tao at pinaparatang sa kanila ang mga parusa at wala ng
labasan pa sa kulungan dahil sa sakit na naramdaman ng tao na yun. Upang maiwasan
ang ganitong pangyayari ay kilalanin muna nating mabuti ang mga taong ating
pinakikisamahan.
“Miyembro ng LGBTQ tanggap na nga ba ng lipunan? Hindi natin masasabi agad kung
tanggap na ng aba sila ng lipunan dahil lahat naman ng tao ay may kanya kanyang
kaalaman at kasabihan pag dating sa LGBTQ hindi tayo pwede magdikta ano ng aba
ang dapat gawin sa mga ganitong bagay may sari sarili silang desisyon sa kanilang
buhay. Hindi nakabatay sa kasarian ang husay nang tao. LGBTQ sila yung mga taong
walang ginawa kundi tumulong sa mga nangangailangan sila ang nagpapatunay na
hindi sila dapat kinakayankayan na sila yung mga taong may ibubuga o may malaking
matutulong sa lipunan. Lahat ng tao ay pantay sa mundo walang mataas at
pinakamataas dahil lahat din naman ng tao ay kapaki pakinabang sa mundo.
Huwag tayong padalos dalos sa mga bagay na wala naman kasiguraduhan. Kilalanin
mabuti ang kasama at kinakasama magsabi agad sa nakatataas o sino man na may
masama nang nangyayari sa atin para maaksyonan agad nang mga barangay kagawad
o pulis. Lahat ng minamadali ay nauuwi din sa wala dahil it is worth waiting for the right
one than to waste your time sa mga taong hindi nakikita ang halaga mo bilang tao.