Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Manuel I.

Santos Memorial National High School


Sitio Lambak Brgy. San Juan Taytay Rizal

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO 9
Pangalan: _______________________________ Marka: __________
Seksyon: _______________________________ Petsa: __________
A. Panuto: Suriin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng haiku at tanka. Piliin ang titik ng tamang sagot.
________1. Ang tulang ito ay may sukat na 5-7-5.
a. tanka b. haiku c. parabula d. pabula
________2. Tulang may limang taludtod.
a. haiku b. tanka c. parabula d. pabula
________3. Ang tulang haiku ay nagsimula sa bansang ____________.
a. Korea b. Malaysia c. Japan d. Taiwan
________4. Ito ay binubuo ng tatlumpu’t isang bilang ng pantig.
a. parabula b. pabula c. haiku d. tanka
________5. Ang tulang may bilang na pantig na 5-7-5-7-7 ay ____________.
a. haiku b. tanka c. pabula d. parabula
________6. Anong uri ng akdang pampanitikan ang tanka at haiku.

B. Panuto: Hanapin ang matalinghagang salita na ginamit sa tanka at haiku at piliin sa loob ng kahon ang kahulugan
nito. Isulat sa papel ang tamang sagot.
7-8.___________________________ 9-10.__________________________

O, aking irog “Wag ugaliing


kita’y ‘di limot maramot maglubid ng buhangin matapat
huwag balat-sibuyas maramdamin ito’y masama. masipag
ikaw ay dadalawin maalaga magsinungaling
pagtapos ng gawain.

11-12. _________________________

Ako’y nagalak
sa iyong pagpaunlak mabuti
pusong busilak masama
magaling

C. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin ang damdamin ng tauhan batay sa binasang kwento.
Isulat ang letra ng tamang sagot.

“Sa maliit na kubo nakatira ang mag-inang pusa. Hindi matatawaran ang pagmamahal ni Binay sa kanyang
dalawang anak. Kaya labis ang pag-aalaga niya. “Ikaw Mila, ang taba mo?”, wika ni Binay. Tuwang-tuwa naman si Kabong
habang dinidilaan ng ina ang balahibo nito.
“Sa ‘di kalayuan takam na takam na nagmamasid si Bowa, ang malaking ahas na kaibigan ni Binay, sa malulusog
na katawan ng mga kuting. Agad niya itong nilapitan, “Binay! Mukang napakalusog ng mga anak mo ah. Napangiti pa
habang tuloy-tuloy sa pagsasalita. Ay! Oo nga pala may gusto akong ipakita sa iyo Binay, na tiyak magugustuhan mo, tira-
tirang laman ng manok. Hindi ko kasi mauubos ito. Halika! Tingnan natin?” Napalundag sa sobrang tuwa si Binay at agad
naman itong sumama. Pagdating nila roon, walang pagkain na nakikita ang inang pusa.
“Oh, nasaan na ang pagkain?” tanong ni Binay. “Sandali! Sandali! Narito lang yon ah”, pakunwaring paghahanap ni
Bowa. “Binay hintayin mo ako rito, nasa kabila lang pala”, pagsisinungaling nito. “Sige, pero bilisan mo lang kasi nagugutom
na ang mga anak ko”. Yahoo! Singbilis ng kidlat na nawala si Bowa at agad dumiretso sa kubo. Sa sobrang inis ni Binay sa
kahihintay na bumalik ang kaibigan nagpasya siyang umuwi na ng bahay. “Teka lang! bakit tahimik masyado?, pagtataka ni
Binay. “Milay! Kabong! Mga anak nasaan na kayo?” Nawawala ang kanyang mga anak. Naghihinagpis si Binay sa nangyari
at sinisi ang sarili. Simula noon hindi na rin nagpakita si Bowa, ang kaibigan niyang ahas.
-Ang teksto ay sariling likha
Ni Elsie V. Malagum
13. Batay sa papel na ginampanan ng ahas sa pabula, anong damdamin ang mahihinuha sa pahayag?
a. paghanga b. pagtulong c. pagkatuwa d. panlilinlang
14. Napalundag sa sobrang tuwa si Binay at agad naman itong sumama. Sa pangungusap na ito, anong damdamin ang
nangingibabaw sa tauhan?
a. pagkalungkot b. pagkagulat c. paghanga d. pagkatuwa
15. “Binay! Mukang napakalusog ng mga anak mo ah! wika ni Bowa. Anong damdamin ang ipinapahiwatig nito?
a. pagpuri b. pagnanais c. panghuhusga d. pagkatuwa
16. Sa ‘di kalayuan takam na takam na nagmamasid si Bowa, ang malaking ahas na kaibigan ni Binay, sa malulusog na
katawan ng mga kuting. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahiwatig sa tunay na damdamin ng tauhan?
a. Nagugustuhan niya ang mga kuting.
b. Itinuturing niyang parang anak ang mga kuting.
c. Hinahangaan niya ang pagmamahalan ng mag-iinang pusa.
d. Gusto niyang kainin ang malulusog na kuting.
17. “Milay! Kabong! Mga anak nasaan na kayo?” sigaw ng inang pusa nang hindi matagpuan ang mga anak. Anong damdamin
ang mahihinuha sa pahayag ng tauhan?
a. pag-aalala b. pagkalungkot c. pagmamakaawa d. pagkatuwa
18. Tama ang nagging pasya at desisyon niya sa kanyang sarili na mahalin niya ang kanyang mga kaaway. Anong damdamin
ang ipinapakita sa nagpapahayag nito?
a. pagsalungat b. pagkainis c. pagkalungkot d. pagsang-ayon

D. Panuto: Bigyang-puna ang kabisaan ng paggamit ng hayop bilang mga tauhan na parang taong nagsasalita at kumikilos. Piliin
sa Hanay B ang mga katangian ng isang tao na tumutugma sa salita at kilos ng mga hayop bilang tauhan sa pabula. Isulat ang
titik ng tamang sagot.

HANAY A HANAY B
______ 19. “Dahil sa sama ng loob niya sa akin ay nagkasakit a. mapag-impok
si Inay at tuluyan nang namatay, huhuhu. Kahit kailan ay hindi
ako nakinig sa mga utos niya.”
______ 20. “Sandali!” Hindi ba nangako ka sa akin na hindi mo b. masikap
ako sasaktan? Ito ba ng paraan mo ng pagpapasalamat at
pagtanaw ng utang na loob? Sumbat ng lalaki sa tigre.
______ 21. Tinanaw ni Matsing si Pagong, nang makita niyang c. mapangmaliit
malayo pa ito ay natulog muna siya. “Malayo pa naman si
Pagong, kayang-kaya ko siya talunin.
_______22. Walang tigil sa pag-iipon ng pagkain si Langgam d. kababaang- loob
bilang paghahanda sa tag-ulan.
______ 23. Mga tutubi laban sa mga Matsing! Ha-ha-ha” e. kumpiyansa sa sarili
Muling nagtawanan ang mga matsing. “Nakakatawa, ngunit
pagbibigyan namin ang inyong hari,” ang sabi ng pinuno. f. matigas ang ulo
______24. "Aba, Kuneho, maaaring mabagal nga akong
maglakad pero nakasisiguro akong matatalo kita g. walang utang na loob
sa palakasan.”

E. Panuto: Tukuyin ang tamang kahulugan ng mga imahe o simbolong ginamit sa sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng
tamang sagot.
_____25. Ang buhay ay guryon marupok,malikot. Dagiti’t dumagit saan man sumuot….Ildefonso Santos, Ang Guryon
a. pagsubok sa buhay b. gabay o direksyon c. isang laruan d. pangarap
_____26. At sa kubong butas-butas ay naglagos ang pangarap, - Teo T. Antonip, Kasal ni Kikay
a. tahanan b. pamilya c. kahirapan d. kayamanan
_____27. Walang nakakaalam kung gaano na katanda ang gilingang bato. Ito’y nagisnan na naming magkakapatid.-Edgardo M. Reyes,
Ang Gilingang Bato.
a. katandaan b. panahon c. pamana d. kabuhayan
_____28. May mga taong bukod sa hangad na tularan ang lalong walang habas na ibon: ang Agila,ay may mga palatandaan pa rin ng
buwitre,ng kuwago at ng malaking bayakan na sumipsip ng dugo ng tao.- Amado V. Hernandez,Mga Ibong Mandaragit.
a. katakawan b. kabulastugan c. gahaman sa yaman d. kasakiman
_____29. Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa- Amado V. Hernandez,
Kung Tuyo na Luha mo, Aking Bayan.
a. damdamin b. pagdurusa ng bayan c. pag-ibig sa bayan d. pagliligtas sa bayan
_____30. Sa matinding sikat ng araw, tila siya isang mandirigmang sugatan, ngunit matatag na nakatindig sa pinagwagiang larangan. -
Rogelio Sicat, Impeng Negro
a. Siya ay natalo. b. Patas lang ang labanan.
c. Nagtagumpay siya sa labanan. d. Hindi niya matanggap ang pagkatalo.
F. Panuto: Basahin at suriin ang mga pangyayari na hango sa dulang “Munting Pagsinta” na hinalaw ni
Mary Grace A. Tabora. Tukuyin ang tiyak na bahagi at katangian ng dula. Isulat ang titik ng tamang sagot.
______31. Nabanggit ang dahilan ng kanilang paglalakbay at sigalot ng kaniyang ama sa tribong Merit.
a. panimula b. wakas c. suliranin d. kasukdulan
______32. Muling nanumbalik sa alaala ni Temujin nang makasama pa niya ang kaniyang ama.
a. suliranin b. panimula c. wakas d. kasukdulan
______33. Nakita ni Temujin ang babaeng para sa kaniya ay bigay ng tadhana.
a. kasukdulan b. panimula c. wakas d. kakalasan
______34. Magkahawak kamay ang dalawa nang bumalik at nakita sila ni Yesugei.
a. panimula b. kakalasan c. wakas d. suliranin
______35. Pumayag ang ama ni Temujin sa kaniyang naging desisyon at tinanggap ang dalaga.
a. wakas b. kakalasan c. panimula d. suliranin
______36. Mapapadpad si Temujin sa isang dampa kung saan nakatira ang dalaginding na si Borte. Mabibigla siya sa ‘di
inaasahang pagbagsak ng pinto ng kanilang kusina na likha ng aksidenteng pagkabuwal ni Temujin.
a. tagpo b. yugto c. tanghal d. tagpuan

G. Panuto: Lagyan ng bilang 1 sa masidhi hanggang bilang 5 sa pinakamasidhi batay sa tindi ng emosyon o
damdamin.
_________37. suklam __________40. galit
_________38. inis __________41. asar
_________39. poot

H. Panuto : Basahin at suriin ang bahagi ng kuwento. Tukuyin ang estilo ng pagsisimula at pagwawakas ng kuwento.
Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat ang titik ng tamang sagot.
a. Paglalarawan ng tauhan c. mahalagang kaisipan e. usapan o dayalog
b. Paglalarawan sa tagpuan d. pagsasalaysay f. kagulat-gulat
______ 42. “Bro, dapat mag-aral na tayong mabuti, nakakahiya sa ating mga magulang.” Wika ni Reynold. “Tama ka, Bro, lahat
ay isinasakripisyo nila para sa atin.”
______ 43. Hindi ko na siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang naroon pa siya sa dating pinagtuturuan. Lagi ko siyang
iniuugnay sa kariktan ng buhay. Siya ay isa sa pinakakaraniwang guro roon.
______ 44. Ginising ako ng mga digmaan ng sipol at ugong ng mga tingga. Habang nakahiga’y namalayan ko ang iba pang
ingay: ngalngal ng mga kotseng nagliligid, ingit ng mga karetang hila ng baka at mga manaka-nakang sigaw.
______ 45. Walang unang pagsisisi, ito’y laging nasa huli.
______ 46. Apartment sa isang lungsod sa Rizal, sa isang komunidad na masasabing nasa middle class. Maraming bagong
bahay rito. Tahimik dito, malayo sa daanan ng pampasaherong sasakyan at mahalamang hindi katulad ng ibang
subdibisyon.

I. Panuto: Paghambingin ang katangian at elemento ng dulang “Walang Sugat”(unang tagpo) at Munting
Pagsinta. Isulat ang iyong sagot sa papel.

Katangian at Elemento Walang Sugat Munting Pagsinta


Pagkakaiba
Pangunahing Tauhan 47. Temujin, Yesugei, Borte
Tagpuan Sa balkonahe ng tahanan nina Julia kung saanSa isang sulok ng makipot at
nagbuburda ng panyo si Julia para kay tenyong
karimarimarim na piitan, dampa
at maliit na nayon.
Suliranin Gustong malaman ni Tenyong kung para kanino 48.
ang binuburdahang panyo ni Julia
Saglit na Kasiglahan Naghiganti si Tenyong sa ginawang pagpatay Biglang napaibig si Yesugei kay
sa kanyang ama. Borte
Pagkakatulad
49.

J. Basahin ang diyalogong ginamit sa dula at piliin sa loob ng panaklong ang tamang pang-ugnay upang mabuo ang
diwa ng pahayag. Isulat sa papel ang tamang sagot.

50. Tagapagsalaysay: Ang pamilya Ledesma ay katulad lang ng iba (ngunit, dahil) para sa kanilang mga kapitbahay ang
pamilyang ito ang pinakamabait sa kanilang barangay.
Ate: Yaya, pwede ba itong kainin? Nagugutom na ako.
51. Naku! (ayon sa, para sa) kapatid mo yan! Kakain na naman ng hapunan eh! kaya maghintay ka na lamang.
May tumama sa bubong.
Bunso: Ate narinig mo ba na may tumama sa bubong?
52. Huwag kang mag-alala baka kahoy lang iyon na nahulog (dahil sa, ukol sa ) lakas ng hangin.
May kakatok sa pintuan.
53. Lola: Ate may kumakatok yata. Baka (tungkol sa, subalit) bagay na bumagsak sa bubong natin kanina. Paki-tignan
mo nga kung sino.
Ate: Ano po iyon?
54. Kapitbahay: Naku! Pasensya na po, ang anak ko po kasi ay naglalaro ng bato ngayon (sapagkat, dahil sa) lakas ng
hangin ay tumama siya sa bubong ninyo. Hindi ko po alam kung may nasira.
Ate: Manang, sila mama na lang po ang kausapin ninyo diyan. Mamayang gabi ho sila makakauwi.
Kapitbahay: Sige babalik na lang ako mamaya. Pakisabi na lang ang tungkol dito sa kanila. Salamat.

K. Panuto: Ayusin ang tanka at haiku upang mabuo ang diwa ng tula.

55-56. Tanka
aliw ng puso, ____________________
Katangi-tangi ____________________
iingatan ka lagi, ____________________
hindi ka na luluha ____________________
ikaw at ikaw lamang, ____________________

57. Haiku
ikaw ang magpatighaw __________________
Buhos pa, ulan __________________
puso kong lumbay. __________________

L. Panuto: Suriin ang proposiyon na nasa ibaba. Isulat ang letra ng tamang ekspresyon na nagpapahayag ng
argumento.
58. Dapat ipasa ang Divorce Bill upang mabawasan ang karahasan laban sa kababaihan.
a. Naniniwala ako rito dahil kung maipatutupad ito ay mas madali nang makalalaya ang isang babae
laban sa pagmamalupit ng kaniyang asawa.
b. Hindi, divorce ang daan upang mabawasan ang karahasan laban sa kababaihan kundi tamang edukasyon
at pagkatuto sa tamang pagtrato sa mga babae.
59. Ang pagpapatupad ng death penalty ay makatutulong para mabawasan ang kriminalidad sa bansa.
a. Tama ito dahil mas maraming tao ang natatakot na gumawa ng krimen kung ipapasa ang batas na ito.
b. Sa aking palagay ay Diyos lamang ang maaaring bumawi ng ating buhay.
60. Dapat ipatupad ang RH Bill upang makontrol ang populasyon at kahirapan sa ating bansa.
a. Sa aking pananaw, isa sa mga sanhi ng kahirapan ay ang paglobo ng populasyon.
b. Tama ito sapagkat kawalan ng oportunidad sa edukasyon at trabaho ang mas dapat pagtuunan ng pansin
para makontrol ang populasyon.

Inihanda nina: Binigyang Pansin ni:

Antonia A. Ouano
Tagapangulo, Filipino
Imelda Pelaez

Katherine Caye Musa

Maria Flor Ian Sebastian

Ritchelle Allauigan

Maria Myrma R. Manalang

Ronnabel Aquino

Bonilisa Bohol
.

You might also like